Share

KABANATA 4: Stella Is Missing!

|¦ Celeste ¦|

Nakarating naman kami kaagad ng anak ko sa SIG Medical Hospital. Mabuti na lang at hindi masyadong ma-traffic. Ang sabi ni Mama ay nasa second floor siya ng hospital kaya kaagad na kaming sumakay ng elevator.

“Mommy, I want to pee.” magkadikit ang tuhod ni Stella nang makalabas na kami ng elevator.

“Alright punta tayo sa comfort room.”

Nahanap ko naman kaagad iyon at saka ko siya dinala papasok doon. Dalawang taon pa lang si Stella ay kaya na niyang asikasuhin ang sarili niya lalo na sa ganitong sitwasyon. Ayaw niya na ng ginagabayan ko siya, lalo na ngayong nag-aaral na siya dahil palagi niya sinasabi sa akin na big girl na siya.

Kaya naman mag-isa itong pumasok sa cubicle habang ako ay naghihintay sa labas at inaayos ang buhok ko. Hindi ko masyadong pinansin ang babaeng kalalabas lamang mula rin sa isang cubicle kaya nang huminto ito sa harapan ko ay hindi ko ito masyadong nakilala.

“Celeste? Ikaw ba ʼyan?!” pagalit nitong tanong.

Nang matitigan ko ang mukha nito ay nanlaki ang mga mata ko.

“M—Madam Mirna. . .”

“Punyetà ka! Ikaw nga!”

Mabilis akong sinugod nito at sinabutan.

“A—Aray! Madam Mirna, tama na po! M—Masakit, aray!”

Hinila ako nito palabas ng comfort room at basta na lamang ibinagsak sa sahig. Napatingin pa ako sa entrance ng comfort room dahil naroon naiwan ang anak ko. Kapag nakita ako nitong wala roon ay tiyak na iiyak ito.

Hindi ko naman magawang lumaban dahil malaki ang respeto ko sa mas nakakatanda sa akin. Hindi ko akalain na sa sobrang laki ng Pilipinas ay magtatagpo pa kaming dalawa. Unti-unti nang dumarami ang mga taong nakatingin sa amin na mga pasyente.

“Sa wakas naman ay nakita rin kita! Hindi niyo alam ni Jovy kung anong malas ang dinala niyo sa negosyo ko! Mga malalandi kayong tunay!” sigaw pa nito at muli itong pumaibabaw sa akin at sinabunutan ako.

Nabalitaan namin ni Jovy mula sa mga kasamahan namin na nakulong daw si Madam Mirna dahil ang kliyente na nakasama namin ng gabi na ʼyon ay ini-report ang nangyari. Inimbistigahan si Madam Mirna at nalaman na mayroon din pa lang mga babaeng ibinubugaw ito at mga menor de edad pa.

“T—Tama na po. . . Aray ko! Tulong!” tanging braso ko ang ginawa kong pang sangga sa mga hampas niya sa ʼkin.

Kapwa kami nakarinig ng pagpito at mula iyon sa guwardiya ng hospital.

“Tigilan mo ʼyan!” sigaw pa ng guwardiya.

Mabilis na umalis sa ibabaw ko si Madam Mirna at kaagad na tumakbo papalayo sa amin dahil tiyak na huhulihin siya ng mga ito. Tinulunyan rin akong makatayo ng mga guwardiya.

“Ayos lang po ba kayo? Kilala niyo po ba ang babaeng ʼyon?”

“Ayos lang po ako. H—Hindi ko po siya kilala, bigla niya lang po akong sinugod mula sa comfort room.” pagsisinungaling ko at pinagpagan ang suot kong white slacks.

Kagagaling ko lang sa klase ko kaya naka-uniform pa ako nang sunduin ko si Stella. Doon pa lamang ako napatingin muli sa entrance ng comfort room. Si Stella!

Ang anak ko!

Mabilis akong tumakbo patungo sa comfort room. Nanlaki ang mga mata ko nang bukas na ang pintong pinasukan nito kanina. Patakbo akong sumilip sa loob pero wala na ito roon.

“Stella? Anak?” isa-isa kong binuksan ang pinto ng cubicle pero wala roon ang anak ko.

Hindi kaya nakalabas na siya? Oh my gosh! No, baka kinuha siya ni Madam Mirna? Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at bumalik sa labas at tinawag ang guwardiya. Kaagad kong sinabi sa mga ito na nawawala ang anak ko. Humingi sila ng litrato at information nito at nag-paging na rin upang mas mapadali ang paghahanap.

“M—Ma. . . Mama, si Stella po nawawala! Nawawala ang anak ko! Ma!” humahagulgol kong sambit nang matagpuan ako ni Mama.

Nanlalambot ang mga tuhod ko at nanginginig ang kalamnan ko. Tiningnan na rin ang footage ng CCTV pero sira ang ilang CCTV na posibleng dinaanan ni Stella. Halos gusto kong magwala dahil sa nangyayari. Halo-halo ang nasa isip ko, lalo na ang pagsulpot ni Madam Mirna.

Sheʼs freaking four years old! Huwag naman sana siya kinuha dahil mababaliw ako kung mangyari man ʼyon!

“M—Mas makakabuti siguro kung maghanap din tayo, anak.” bakas na rin sa boses ni Mama ang pag-aalala.

“Tama kayo, Ma. S—Sige po, dito ako sa buong second floor at third floor maghahanap, sa first floor na lang po kayo at baka nakalabas siya. Tawagan niyo po ako kapag nakita niyo siya at ganoʼn din po ako.”

>>>.<<<

|¦ Idris ¦|

“Hindi ko kailangan magpakasal sa kung sino mang babaeng gusto niyo! Bumalik ako sa Pilipinas, hindi para sa inyo! Itatak niyo ʼyan sa utak niyo, Abuelo!” sigaw ko habang umiigting ang aking panga dahil sa galit.

Mabilis kong ibinaba ang tawag at hinagis ang cellphone ko ng malakas sa pader na sigurado kong basag-basag na ʼyon. Napahilamos ako sa aking mukha at ginulo ang aking buhok. Kadarating ko pa lang sa Pilipinas, ngunit gusto na naman niyang kontrolin ang buhay ko! Mabuti na lang at katatapos lamang ng meeting ko with my old patient bago sirain ni Abuelo ang araw ko.

“G—Galit po kayo?” napatingin ako sa pinto kung saan galing ang maliit na boses. “Alam niyo po, kapag galit ako or nalulungkot kumakain po ako ng ice cream! Ang sabi kasi ng Mommy ko it will helps to reduce our emotions, para kumalma raw po tayo.”

Tinitigan kong mabuti ang itsura ng bata habang papalapit ito sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. May kakaiba sa nararamdaman ko na hindi ko maintindihan— hindi ko mawari kung dahil ba sa biglaang pagsulpot nito o dahil sa sinabi nito.

“Woah, you know what? You looks like me!” para bang namamangha pa nitong sambit habang nakangiti.

Napaupo ako at para bang nakikita ko ngayon ang girl version ko noong bata pa ako. Her eyes are blue like mine, her hair was brownish, her nose, her lips is not mine but over all sheʼs literally looks like me.

Unbelievable!

“W—What are you doing here princess?”

“Iʼm not Princess, my name is Stella. And Iʼm here with my Mom and Mommyla, but I get lost.”

Walang paalam nitong hinawakan ang mukha ko. Medyo nabigla pa ako noong una ngunit nang ngumiti ito ay hindi ko na rin napigilan pa ang ngumiti. I canʼt tell. . . but it looks like I know her a bit?

“Itʼs amazing! Siguro kamukha mo ang Daddy ko?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status