Share

KABANATA 5: Look A Like?

|¦ Idris ¦|

Napaawang ang labi ko. “What do you mean by maybe? Bakit nasaan ba siya? Hindi mo pa ba siya nakikita?” nagtataka kong tanong.

“Hindi ko pa siya nakikita kahit isang beses. Ang sabi ni Mommy, nasa gitna raw po ng dagat at nagbabantay doon para hindi magbungguan ang mga barko. Pero malapit na rin daw po siyang umuwi!” bakas sa boses ng bata ang pagka-excited.

Napailing ako. Her mom is a liar! Ganoʼn ba talaga kahirap sabihin ang totoo? Buong childhood life ko ay puros kasinungalingan ang sinasabi sa akin ni Lolo at ni Daddy. Sinabi nilang umalis si Mom dahil sa trabaho, kahit ang totoo ay dahil ʼyon sa lalaki.

“I guess your Mom is great.” sarkastik kong puna. “Great pretender and a liar. . .” bulong ko sa dulo.

“Yes, she is! She raise me all along together with my Mommyla at Tita Jovy!”

Napakunot ako ng noo. Para bang pamilyar sa akin ang pangalan na "Jovy", pero hindi ako sigurado kung saan ko ito narinig.

“Idris! Sa wakas naman at— tangʼna, sino ʼyan anak mo?” kapwa kami napalingon sa kadarating lang na si Klinton.

Mabilis kong tinakpan ang tainga ng bata at pinanlakihan ko ng mga mata ang siraulo kong kaibigan.

“Ay, sorry, bad words!” sabay palo nito sa labi.

Napailing na lamang ako. After so many years ay hindi pa rin ito nagbabago.

“Pero seryoso, siya na ba ʼyung anak na hinahanap mo?”

“What the hell are you talking about?” gulat kong tanong.

“Just kidding!” natatawang turan ni Klinton na halos gusto ko na lamang itong batuhin ng kung anong mahawakan ko.

Mukhang bibigyan pa ako nito ng problema.

“Hello there, baby girl! How old are you?”

“Hello po! 4 na po ako, at hindi ko po siya Daddy, pero ʼdi ba po magkamukha kami?” nakangiti namang tanong ng bata sa kaniya.

Napasampal na lamang ako sa aking noo.

“Wait. . . O—Oo nga! Magkamukha nga kayo! Thatʼs— thatʼs unbelievable.” biglang tumitig sa akin si Klinton. “Are you hiding your daughter, Idris Gonzalo?” naniningkit na ang mga mata ng mokong.

Umiling ako. “No, hindi ko siya kilala. Ang sabi niya kasama niya ang Mommy niya, at nawala siya. Ikaw na ang mag-report sa front desk tutal ikaw naman ang nagpapatakbo ng hospital ngayon.”

“Ako ang nagpapatakbo noon, but you are the big boss and since nandito ka na ikaw na ulit ang magma-manage nito. Magfa-file ako ng leave for five months vaccation.”

“Five months? What the heck? Parang isang taon na ang pahinga na ʼyon, a?”

“Ikakasal na ako, Bud.” seryoso na ang itsura nito.

Umiling ako. “No. . . You are joking right? Thatʼs not your porte.”

“No, Iʼm not! At huwag kang magugulat kung kanino dahil—”

“Everyone listen, there is a missing child who is 4 years old, blue eyes, brown hair. Her name is Stella. If you see her you can bring her here to the front desk, her parents are here. Thank you.”

Naramdaman ko ang paghawak ng bata sa aking kamay.

“Puwede po bang ikaw ang maghatid sa akin? Para ma-meet mo po ang Mommy ko, pleaseee.” at nag beautiful eyes pa ito.

Hindi ako mahilig sa bata, pero hindi ko na napigilan pa ang pisilin ang pisngi nito saka ko ito binuhat.

“Alright, ihahatid kita sa Mommy mo, para makausap ko rin siya tungkol sa Daddy mong nasa gitna ng dagat.” napatingin ako kay Klinton na ngayon ay para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya. “At ikaw, pagbalik ko mag-uusap tayo.” at tuluyan na akong lumabas ng opisina ko.

“Mommyla!” sigaw ng batang buhat ko pagkarating namin sa front desk.

Sakto naman na humarap ang matandang babae at kaagad ko itong nakilala. Ito ang pasyente ko kanina. Kung ganoʼn ay apo niya pala ang batang ʼto?

Is it possible that the mother. . .

“Naku, salamat Doctor Gonzalo at nakita niyo po ang apo ko! Sobrang dami na po naming utang na loob sa inyo!” naiiyak na sambit nito habang yakap ang batang babae.

“Youʼre welcome, Mrs. Delgado. Sa katunayan ay siya po ang mismong pumasok sa opisina ko. Mabuti na lang at doon nagpunta at hindi sa ibang lugar na ikakapahamak niya.” tugon ko.

“S—Stella? Stella, anak!” boses naman iyon ng isang babae mula sa aking likod at kaagad na tumakbo at yumakap din sa anak niya.

So, sheʼs the mother. Ang sinungaling na nanay ng batang kawawa na ʼto.

“Pinag-alala mo kami, anak. Kung saan-saan ka namin hinanap. Bakit bigla kang nawala? Tinakot mo ako. Akala ko kinuha ka na ng monster.” naiiyak pa rin na sambit ng nanay nito.

Monster? Those monsters are not real. Damn it. Her lies need to stop.

“Excuse me, Maʼam—”

“Celeste, siya nga pala ang nakakita kay Luna. Siya rin ang Doctor na nag-opera sa akin at ang may-ari ng hospital na ito.” naputol naman ang sasabihin ko nang magsalita muli si Mrs. Delgado.

Para bang slow motion na humarap sa akin ang babae at yumuko saka nagpasalamat. Ngunit hindi ko inaasahan kung sino ang babaeng nasa harap ko. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nito nang makita ako. Napaawang ang labi nito at tila namutla.

“I—Ikaw. . .” nauutal na sambit nito sa mahinang boses.

“Celeste? Ano ang nangyari sa ʼyo? Abaʼy para kang nakakita ng multo.” nagtatakang tanong ni Mrs. Delgado.

“Mommy! I met him! He looks like me! Is it possible that he is relatives of my father by any chance?”

“Aba! Oo nga ʼno? Parehas kayong blue eyes!” nakangiti rin na komento ng Lola.

Now I realize, whoʼs child it is. Damn it! Heʼs my daughter! A four years old, huh? Naalala kong muli ang gabing iyon. Ngayon napagtanto ko na ang lahat na ikinuwento sa akin ni Mrs. Delgado— na ang nag-iisa niyang anak ang siyang nagbayad sa operasyon na naganap four years ago.

At ang perang binayad niya. . . ay galing rin mismo sa akin, kapalit ng isang gabi. But the old woman said, the money was from the government and good samaritan? What a great liar she is?

“Stella said, his father is at the middle of the ocean? Nagbabantay daw ito sa dagat para hindi magbungguan ang mga barko? Tsk. Ano bang kalokohan ang pinagsasasabi mo sa bata?” hindi ko na napigilan pa ang magbitaw ng salitang hindi kaaya-aya.

“Doctor. . . A—Ano pong ibig niyong sabihin?” naguguluhang tanong ni Mrs. Delgado at palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ng anak niya.

“M—Ma, dalhin mo po muna si Stella sa kotse.” para bang pinipilit nitong makapagsalita ng maayos.

“No, gusto kong marinig ng bata kung anong klaseng kuwento ang ginawa mo.”

“Ma, sige na.” may diin na nitong pakiusap sa Ina.

Pare-parehas lang talaga ang mga babae. Sinungaling, manggagamit, at mapagpanggap. Katulad ni Mom, ni Rachel, at ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Tsk!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nko doc wag kana magalit kc my dahilan si celeste
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status