Celeste's Point Of View.Kinabukasan ay maaga akong nag-asikaso, dahil ito ang araw ng OJT namin sa hospital nila Idris. Nang magising ako ay wala na rin si Idris. Sa pagkakaalam ko ay ito rin ang unang araw niya sa kompanya nila.Nakilala ko ang dalawang katulong na kinuha ni Idris para kay Stella. Since, wala na sila Mama at busy na rin ako ay pumayag na rin ako. Hinatid si Stella ng driver ni Idris, habang ako naman ay sumakay na rin sa kotse ko.Ang tagal na rin ng kotse ko na ‘to. Katas pa ng pagsa-sideline ko noong habang buntis pa lang ako. Ngayon na malapit ko nang maabot ang pangarap ko ay mas lalo akong ginaganahan.“Huy, sis!” tawag sa akin ni Sammy nang makita ko sila sa waiting area ng hospital.Hawak na nila ang kanilang mga schedule at iniabot din nito sa akin ang papel ko.“Magkaiba tayo ng building!” pagmamaktol ni Sammy. “Kami nila Beyonce at Margie magkakasama.”Kaagad na nalukot ang mukha ko. “Bakit gano'n? Ang gara naman. Iisang school tayo kaya dapat sama-sama ta
Celeste’s Point Of View.“What the the hell are you doing here?” nakakunot ang noo ni Idris na may halong pagtataka.Napatingin ako kay Doc. Perez at gano'n din si Idris saka ito napahilot sa kaniyang sintido. Hindi ko alam ang nangyayari. At saka bakit nandito si Idris? Akala ko ba ay busy ito sa kompanya nila?“Natagalan ako kasi winelcome ko sila! Ngayon ‘yung first day nilq na mag-OJT dito, eh.” Tila ngingiti-ngiting paliwanag ni Klint.Napatingin sa akin si Idris. At tila sinuri ang suot ko. Napaayos tuloy ako ng tayo ko dahil sa pagkailang na nararamdaman ko. Feeling ko nakikita niya pati nasa loob ng mga suot ko! Ibang-iba ‘yung titig niya— parang proud at the same time para akong hinuhubaran!At saka ko pa lamang natitigan ang kaniyang suot. Well, he nailed it! The most handsome, hot and drooling heart surgeon! Sobrang kitang-kita ang tikas ng pangangatawan niya, at bagay na bagay talaga sa kaniyang ang white coat.“Leave us, Klint. I don't fvcking need you now.”“Yown! Bye-by
Celeste's Point Of View.Inis na akong naglakad habang nagmamadaling umalis sa opisina ni Idris. Namumula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Ang maluwag na unipormeng suot ko ay tila nakasabit mula sa payat kong katawan, at tila ginawang kakatawanan ang itsura itsura ko.Gusto kong sumigaw dahil sa inis ngunit baka naman lalo akong pagtinginan. Sa bawat hakbang sa corridor ng ospital, ang mga tingin ng mga nurse at mga pasyente ay tila nananatili sa akin. Ang kanilang mga mata na lihim siyang pinagtatawanan, ay mas lalong nakakapangliit para sa kaniya.“Bagong nurse ba yan?”“Intern yata?”“Ano ba ’yan hindi niya ba alam ang dress code?”Ilan lamang ‘yan sa mga narinig kong bulungan ng ibang nurse na nakakasalubong ko.“Ano ba kasi ang pumasok sa isip ni Idris at ipinasuot niya ‘to sa akin?!” inis kong tanong sa aking isipan.Sa pakiramdam na nakalantad at nanghihina ay binilisan ko na lamang ang aking paglalakad. Desperado ako na takasan ang mga mata na nakatitig sa akin. Ngunit nang
Ibinaba kaagad ni Celeste ang tawag habang ang kaniyang mga kaibigan ay naghihintay sa kaniyang sasabihin.“A–Anong sabi niya?” tanong ni Sammy.Ang natanggap kasing text ni Sammy ay galing kay Idris. Nakalagay doon na kapag hindi sinagot ni Celeste ang tawag ay pati sila na mga kaibigan nito ay madadamay sa kaniyang galit.“G–Guys, I just need to go first. Kita na lang tayo ulit mamaya.” Kinakabahang tugon ni Celeste.Dali-dali nuyang inayos ang kaniyang gamit habang pinagpapawisan ng malamig. Habang naglalakad ay lihim siyang tumingin sa paligid upang masigurado na wala roon si Idris. And then she found a CCTV.That's it. Mukhang may CCTV nga sa opisina ni Idris.Bumibilis ang tibok ng puso ni Celeste sa pagpasok sa opisina ni Idris. Ang takot ay mababakas sa bawat hakbang niya. Nararamdaman niya ang tensyon na humahalo sa hangin, na parang sinasakal siya. Umupo si Idris sa likod ng kaniyang mesa, nakatitig sa kaniya ang mga mata na may halong galit at sakit.“What do you want now?”
Sa pag-uwi ni Idris, mabigat ang pagod sa kanyang mga balikat mula sa mahabang araw sa trabaho. Tahimik na pagpasok sa bahay, nadatnan niya si Celeste na natutulog sa kwarto ng kanilang anak. Nasa lamesa ito at, nakapatong ang ulo sa kanyang mga braso habang nakaidlip sa gitna ng tambak ng mga textbook at papel.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi habang pinagmamasdan niya si Celeste, batid na ang pangako nitong magkatabi sila sa kama ay muling nakalimutan sa gitna ng ka-busyhan nito sa pag-aaral.“Nakalimutan o talagang sinadya akong tulugan?” nakangiting sambit pa ni Idris sa kaniyang isipan.Ngunit hindi naman makakaila ni Idris ang determination ni Celeste. Kahit na sa estado nito na kulang sa tulog ay determinado pa rin nitong harapin ang kaniyang pag-aaral. She really wanted to finish her college. Hindi naiwasang humanga si Idris sa katatagan nito.Pinagmamasdan niya ito habang natutulog ito. Namamangha siya sa bawat korte ng mukha nito. Ang paraan ng pag-alis ng
“Lokaret ka! Kinabahan kami sa ‘yo! Akala namin talagang wala ng pag-asa kagabi noong hindi ka na nakapag reply pa!” tila OA na reaction ni Sammy habang may pahampas pa sa braso ni Celeste.“True! Pinapakaba mo kami, ‘teh! Ano bang nangyari kase?” dagdag pa ni Beyonce.Kasalukuyan silang nasa labas ng university at kapwa hinihintay ang isa't-isa. Maaga pa naman kaya napagdesisyonan nilang magkita-kita muna para malaman ang bawat task na naka assign sa bawat miyembro.Napakamot naman si Celeste sa kaniyang batok sabay inayos ang buhok mula sa kaniyang tainga.“Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko, pero gusto ko pa rin sabihin sa inyo.” tila nahihiyang sambit naman ni Celeste.Nagkatinginan si Sammy at Beyonce. Kilala nila si Celeste sa tuwing umaakto ng ganito. She's like a teen ager kapag kinikilig.“Uy, chika minute! Ano ‘yan?!” tila kinikilig na tanong ni Sammy.“Ano, nag yugyugan na ba kayo ni Doc Idris? Ugh!” tila nang aasar naman na sambit ni Beyonce.Namula naman kaagad ang pis
Nauna na si Idris sa kotse. At walang mapaglagyan ang saya niya. Pakiramdam niya ay talagang makaka-score na siya ngayon kay Celeste.It's been a month for Pete's sake! Ang tagal tagal na niyang nagtitimpi para lang kay Celeste. He even declined his friends invitation sa bar nitong mga huling linggo.Panaya ang tingin niya sa kaniyang relo, pero hindi pa rin dumarating si Celeste. He evem check his phone kung may message ba ito, pero wala naman. Naiinip na siya at gusto na niyang bumaba.Nang saktong tanggalin niya ang seatbelt ay saka naman may tumawag sa kaniyang cellphone. He thought it was Celeste, but no. His father was calling him.Nagtaka siya dahil hindi naman ito basta-basta tumatawag sa kaniya. Kaya kaagad niya na lamang sinagot ang tawag.“Hello, Dad? Is everything alright?”“Idris! Magpunta ka ngayon dito sa hospital mo. Isinugod dito ngayon ang Lolo mo!” his voice was full of fear at pag-aalala.“What? Why? What happened?”“It's a heart attack! Come here now!”Ibinaba na
|¦ Celeste ¦|“Huwag kang gagawa ng kapalpakan, Celeste. Bago ka pa lang kaya kailangan kitang sabihan dahil puro mayayamang lalaki ang mga kliyente natin ngayon!” paulit-ulit na paalala sa akin ni Madam Mirna. “Sasayaw ka lang, aakitin mo sila at wala kang ibang gagawin, kung sabihin man nilang maghubad ka. Huwag ka ring sasama sa kanila kung gusto ka nilang i-take out. Maliwanag ba, Celeste?”“O—Opo, naiintindihan ko.”Napatitig na lamang ako sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Halos kitang-kita na ang naseselang bahagi ng parte ng katawan ko sa ayos ng pananamit ko. Wala naman akong magagawa dahil kailangan ko ng pera para sa operasyon ni Mama.Mayroon siyang sakit sa puso, lumalaki ito at palala na ng palala kaya kailangan na niya ng heart transplant. Hindi ko na maatim pa na nakikita siyang nahihirapan dahil sa sakit niya. Kaya heto at tinanggap ko ang trabahong ʼto kahit pa kalahati ng pagkatao ko ang masisira.Ngayong gabi, isa ako sa mga babaeng binayaran para sumaya