Share

KABANATA 6: DNA Paternity Test Result

|¦ Celeste ¦|

Nang rumihistro sa aking alaala ang istura ng lalaking nasa harapan ko ay halos hindi ako makagalaw. Four years ago, kasama ko siya. He save me from that kind of work. He save my mother from the surgery and he also save my mother using that money he gave to me.

Ganoʼn ba talaga kaliit ang mundo? Hindi ko na inakala pa na makikita ko pa siyang muli. At ang mas malala ay sa sitwasyon kung saan kasama ko ang anak ko.

Sa sobrang mapaglaro ng tadhana ay pinagtagpo pa nito ang mag-ama ko.

“Ano? Balak mo bang magpaliwanag from the past, now or is it another kind of lies of yours?” tanong nito na bakas sa boses ang galit.

“H—Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. G—Gusto ko lang na hindi malaman ni Mama at ng anak ko ang totoong nangyari four years ago. I know we had past, pero tapos na ʼyon at isang gabi lamang iyon.” pilit kong tugon upang makaalis na.

Isang gabing hindi ko makalimutan hanggang ngayon.

“At ang bunga nang gabi na ʼyon ay si Stella. Anak ko siya ʼdi ba?” tila naninigurado nitong tanong.

Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot. Alam kong ikakasal na siya noong may nangyari sa amin. At hindi ko maaatim na makasira ng pamilya ngayon. Tama ana ang isang gabing pagkakamali.

Umiling ako. “H—Hindi, hindi mo siya anak. Ang akala mo ba ay ikaw lang ang lalaking nakasama ko sa kama?” tanong ko saka napalunok.

Kailangan kong mas bumaba pa ang tingin niya sa akin, para hindi na niya ako paghinalaan pa. Hindi ko siya kilala bukod sa pangalan niya. Hindi ko rin alam kung anong gagawin nito kung sakaling malaman niya na anak niya si Stella.

“Oh, really? Sumama ka pa sa ibang lalaki after I gave you a millions? Grabe ka naman, and you said to your mother na it was from the government and good samaritan?” he chukled at napahilot sa baba nito. “Napakalaki mong sinungaling. Nakakaawa ang mga taong nakapalibot sa ʼyo.”

Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko. Kaya kong tanggapin ang mga sinasabi niya pero ang hindi ko kaya ang malayo sa anak ko. Mas nilalakasan ko pa ang loob ko kahit pa sa tingin niya pa lang ay halos para na niya akong papatayin.

“I—I need to lie. Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo dahil ayoko silang masaktan.”

“You already hurt them! You know what? You can go now, but Iʼm watching you! Hindi mo puwedeng ilayo sa akin si Stella hanggat hindi ko nalalaman ang totoo. We should undergo a DNA paternity test.”

Naailing ako. “No! You canʼt do that! Hindi mo siya anak!” pagprotesta niya.

“Letʼs see.” at tumalikod na si Idris saka ito naglakad papalayo sa akin.

Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. Hindi. Hindi niya puwedeng basta na lamang ipa-DNA paternity test si Stella. Naglakad ako papalabas ng hospital at dumiretso kung saan nakaparada ang kotse ko.

Naroon na si Mama at Stella. Dali-dali akong sumakay sa driver seat. Nagtanong pa si Mama kung ano ang pinag-usapan namin ng Doctor pero hindi ko na ito nasagot pa at nagmadali na akong nagmaneho sa isiping baka sumunod pa ang lalaking iyon sa amin.

******

Ang hindi alam ni Celeste ay nang magkasama ni Idris si Stella kanina ay lihim na kumuha si Idris ng isang hibla ng buhok nito at inipit sa libro. Nang makabalik si Idris ay kaagad niyang pinadala ang buhok sa medical laboratory.

Inutusan niya si Klinton na gawin ang DNA paternity test nang mabilisan at kailangan makuha niya kaagad ang resulta. Hindi siya mapalagay nang mga oras na ʼyon kaya palakad-lakad siya sa kaniyang opisina. Kung anak niya nga si Stella, ito ang nag-iisa niyang tagapag-mana.

At siguradong matutuwa ang Lolo niya. Ang pagpupumilit nitong pagpapakasal upang magkaroon siya ng apo ay tiyak na matitigil na. Ngunit, kabado siya. Dahil nangangahulugan lamang iyon na isa na siyang ama— for fucking four years!

Mabilis na napatingin si Idris sa pintuan nang bumukas ito at pumasok si Klinton sa loob ng kaniyang opisina. Kaagad siyang umupo at hinihintay na marinig ang sasabihin ni Klinton. He canʼt stop his hands shaking.

“Whatʼs the result?” nakatitig siya sa mga mata ni Klinton.

Nagkibit-balikat ito. “With or without DNA paternity test, ay magkamukha talaga kayo ng batang iyon. Pero curious ako, kung sino ang nanay ng bata. After your bachelor party, bigla ka na lang din nawala na parang bula.” sambit nito na para bang naguguluhan.

Napakuyom siya sa kaniyang kamao. That night. Isa ʼyong pagkakamali na ginawa niya. Nagpadala siya sa tukso at bugso ng init ng katawan. Pero hindi siya nagsisisi dahil kahit pa paano nakatulong ito upang operahan ang nanay ng babaeng iyon. Kung may pinagsisisihan man siya, iyon ay ang basta na lamang iniwan niya si Rachel nang hindi nagpapaliwanag ng maayos.

Pero ano pa nga bang magagawa niya? The damage is done.

Matapos ng araw ng kasal dapat nila. He decided to go in England, upang asikasuhin ang bagong tayong company nila rito. Ganoʼn niya kadaling binitawan ang pagiging Doctor because of what happened. Nang paimbistigahan niya si Rachel, napag-alaman niyang kasal na ito sa ibang lalaki.

Para bang ginawa lamang nitong dahilan ang pag-alis niya, ngunit ang totoo ay bumalik lamang ito sa dati nitong ginagawa— ang lokohin siya.

“Tell me, Klinton. Is it positive?” tanong niyang muli.

Iniabot sa kaniya ni Klinton ang hawak na papel. “The probability of paternity in this case would be 99.9998%, POSITIVE. The man tested is the biological father.” Nang mabasa ito ni Idris ay kaagad na nanlambot ang kaniyang tuhod.

Inilamukos niya ang papel at nagtatagis ang kaniyang ngipin. Ang babaeng iyon ay likas na sinungaling! Hind niya puwedeng itago o ilayo na lang basta sa akin ang anak ko!

“Congratulations, you are the father, but whatʼs your plan? Whoʼs the mother of your child?”

“Hindi na mahalaga kung sino siya. Ang mahalaga ngayon, ay makuha ko ang anak ko. Hindi ko hahayaan na basta na lamang niyang buhayin at palakihin ito sa kasinungalingan.”

Nang makauwi naman sila Celeste ay hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya sa sala habang naglalakad. Hinihintay niya ang pagdating ni Jovy, upang sabihin dito ang nangyari.

Ramdam na ramdam niya ngayon ang panlalamig ng kaniyang mga kamay at pinagpapawisan siya ng malamig. Nang magkita sila ni Madam Mirna, ay buong akala niya iyon na ang mas lalala sa araw niya, iyon pala ay ang makita muli ang lalaking nakasama niya nang gabing iyon sa Valencia.

“Celeste, what happened?” salubong ni Jovy at ibinaba nito ang shoulder bag na dala.

Mabilis na napayakap si Celeste sa kaibigan. “I saw Madam Mirna, and I saw him. . . I met him again, that man in that bachelor party.” sunod-sunod niyang tugon.

“Oh my gosh, you mean that man— Stellaʼs father?”

Tumango si Celeste at humiwalay sa pagkakayakap saka pinunasan ang luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

“Jovy, nakita niya ang anak ko. Nakita niya si Stella. Naghihinala siya na baka anak niya ito. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Natatakot ako, hindi niya puwedeng kunin sa akin ang anak ko.” humahagulgol na niyang sambit saka napaupo.

“Shhh, tahan na. Gagawa tayo ng paraan, bago pa niya kayo mahanap o makita rito, dapat makaalis na tayo. Heʼs a married man, hindi ka bagay maging kabet at hindi rin bagay na maging bastarda ang anak mo.”

Napatango si Celeste. “Oo, tama ka, Jovy. Dapat na tayong umalis dito.”

Mabilis na umakyat si Celeste sa kuwarto ng Mama niya.

“Ma, mag-impake kayo ng gamit niyo. Aalis tayo ngayon.”

“Ha? Teka, sandali— saan tayo pupunta?”

Hindi niya sinagot ang tanong ng Mama niya at sa halip ay dumiretso ito sa kuwarto ni Stella at kaagad na hinanap ang anak niya. Nang makita ito na kalalabas lamang ng shower room. Ay kaagad niyang kinuha ang maleta nito at nilagay ang mag gamit.

“Mom, what happened? Aalis po ba tayo?”

“Oo, anak. Aalis tayo kaya tulungan mo akong iligpit ang mga gamit mo.”

“Saan po tayo pupunta?”

“M-Magbabakasyon tayo, malapit sa lugar kung saan naroon ang D—Daddy mo.” muli na naman niyang pagsisinungaling.

“Really! Wow! Yehey!” tumatalon pang sambit ni Stella at tumulong na sa paglagay ng mga gamit niya sa maleta.

Hindi na napigilan pa ni Celeste na yakapin ang anak habang umiiyak siya. Hindi niya gusto ang magsinungaling, pero iyon lamang ang nakikita niyang solusyon o dahilan upang hindi masaktan ang anak niya.

Nang matapos na sila sa pagliligpit ay ibinaba na nila ang gamit sa sala.

“Anak, ano bang nangyayari? Masama ang kutob ko sa biglaang pag-alis natin.” naguguluhan na sambit ng Mama ni Celeste.

“M—Ma, saka ko na po sasabihin ang lahat at katotohanan, sa ngayon po ay kailangan na muna natin makaalis dito.”

Mabilis na naglakad si Celeste patungo sa front door upang lumabas na. Ngunit nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya sa lalaking nakatayo rito. Nakatitig din ito sa kaniya at tila nay nakakalokong ngiti.

“A—Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lailah Abas Laguialam
Ang ganda ng story pa unlock nman ng chapter 13
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status