Share

KABANATA 3: Mommy, Whereʼs My Daddy?

••• 8 MONTHS LATER •••

|¦ Celeste ¦|

Himas-himas ko ang aking tiyan habang nakatingin sa malawak na taniman ng mga strawberries. Narito kami ngayon sa Baguio. Nagpagawa kami ng bahay dito upang maging tuluyan namin sa tuwing nais namin mamasyal. Ngayon ay dito namin napagpasyahan ni Mama na magdiwang ng kapaskuhan.

“Isang buwan na lang at lalabas na ang baby mo, anak.” nakangiting sambit ni Mama nang tumabi ito sa akin.

“Oo nga, Ma. Excited na akong makita siya.” tugon ko saka umakbay kay Mama.

Bumalik sa alaala ko nang malaman kong buntis ako. Almost 3 months si Mama na nagpahinga sa hospital habang monitoring pa rin siya ng mga Doctor at nurse nang mga panahon na ʼyon. Iʼm not be able to contact the Doctor na siyang nag-opera kay Mama dahil nagpunta na raw ito sa ibang bansa.

Lumipat kami ni Mama sa Manila dala ang perang natira mula sa lalaking nakasama ko nang gabi na ʼyon. Malaking palaisipan kay Mama kung saan ko nakuha ang pera, kinailangan kong magsinungaling dahil alam kong hindi niya matatanggap ang ginawa ko.

Makakasama para sa kaniya ang katotohanan lalo at katatapos lamang ng operasyon niya. Sinabi ko na pinahiram ako ng naging amo namin ni Jovy, at ang iba ay tulong mula sa Government at good samaritan. Mabuti na lamang at naniwala si Mama.

For the past 2 months, iba na talaga ang pakiramdam ko. Hindi ako makatulog sa gabi, pero tulog ako sa umaga. Naging matalas ang pang-amoy ko, at medyo sumikip ang mga pantalon ko sa akin.

Ang buong akala ko ay tumataba ako dahil puro tulog ako sa umaga. Not until one day, nagsuka ako at nasaksihan iyon ni Mama. Naging iba ang reaksiyon at tingin ni Mama sa akin nang mga oras na ʼyon.

“Napapansin ko ang pagiging antukin at ang lakas mong kumain. C—Celeste, umamin ka nga. Buntis ka ba? k—kailan ang huling regla mo?”

Halos mapatid ang paghinga ko ng tanong ni Mama. Hanggang sa nag-iwas ako ng tingin at napapikit nang maalala ko ang gabing iyon. Hindi imposible. Napailing ako nang kusa, at unti-unting tumulo ang luha ko.

“B—Buntis ka nga? Pero, sino ang ama? May naging nobyo ka ba na hindi ko nakilala?” sunod-sunod pang tanong ni Mama.

Umiling ako at yumakap kay Mama. “M—Ma, Iʼm sorry po. Hindi ko po siya kilala, i—itʼs just a one night stand. L—Lasing po ako nang mga oras na ʼyon. Sorry. . . ” humihikbi kong sambit kay Mama.

“T—Tahan na. . .” naiiyak na rin na sambit ni Mama. “Hindi ako galit, nalulungkot lang ako dahil sa sinapit mo. Hindi kita naprotektahan, pero hayaan mo dahil babawi ako sa pagpapalaki sa anak mo.” gumaan ang pakiramdam ko nang mga oras na ʼyon dahil buong puso pa rin akong tinanggap ni Mama.

At ngayon ay malapit na akong manganak. Ang perang natira ay ginamit ko para makapagtayo kami ng pharmacy sa ibaʼt-ibang lugar at si Mama ang namamahala roon. Habang ako ay nakaplanong bumalik sa pag-aaral next year bilang nursing student.

“Ang dami kong na pasyalan!” kapwa kami napatingin ni Mama sa aming likuran nang marinig namin ang boses ni Jovy. “Marami rin pa lang foreigners dito! Sigurado akong mga daks ang mga ʼyon!” natatawa pa nitong sambit.

Nakasuot ito ng white shirt na pinatungan ng black leather jacket at skinny jeans. Malayong-malayo na ang pananamit nito sa kung paano ko siya nakilala. Inalok ko si Jovy na sumama na sa akin. Pumayag naman ito dahil ang lalaking nakasama niya nang gabi rin na ʼyon ay may asawa na pala at tinutugis na siya. Kaya kapwa kami umalis sa Valencia upang kalimutan ang nakaaran.

Lumapit naman sa kaniya si Mama at inabot ang mga ipinamili nito. “Ikaw talaga, Jovy ay puro kalokohan. Sigurado ka bang nag-enjoy ka sa tanawin o sa mga lalaki?” birong tanong pa ni Mama.

“Ang sagot po riyan ay both! Parehas po akong nag-enjoy sa tanawin at mga guwapong lalaki! May date nga ako mamaya!”

“Naku, hayan ka na naman! Pagkatapos ay kapag iniwan ka iiyak-iyak ka! Hindi baʼt ang sabi ko sa ʼyo ay hintayin mo na lang ang lalaking nakalaan para sa ʼyo?”

Nakita ko ang pagnguso ni Jovy at pagkindat nito sa akin na para bang nagsusumbong dahil nasasabon na naman ni Mama.

“Tita, nakakapagod maghintay! Kaya nga ako na ang sumusundo sa kanila!” sunod-sunod na tawa ang pinakawalan ni Jovy habang si Mama ay naiiling na lang.

“Hay naku, ewan ko ba sa mga kabataan ngayon. Maiwan na nga kita riyan, at akoʼy magluluto pa ng ulam.”

“Tulungan na kita, Tita! Ayokong napapagod ka dahil mahal na mahal kita!” sabay kumaway ito sa akin kaya natawa na lamang din ako.

Nagpapaslamat ako dahil nandyan si Jovy para tulungan kami ni Mama. Kayang-kaya niyang pagaain ang loob namin. I was about to go back sa sala nang maramdaman ko ang matinding kirot sa aking puson.

Napahawak akong muli sa tiyan ko sa at sa veranda. Mas tumindi ang sakit paikot sa aking balakang. Ang akala ko ay simpleng pagsakit lamang, pero nang may pakiramdam ko ay sumabog sa aking pantog at lumabas ang tubig mula sa aking p*****a ay nagulat ako.

“M—Ma. . .” nanginginig kong tawag kay Mama. “Mama! Uggggh! J—Jovy!” lalong tumindi ang sakit.

“Oh, bakit? Oyy hala! Tita si Celeste po!” gulat na sambit ni Jovy at madali itong lumapit sa akin upang alalayan ako.

“Anong nangyari?” malumanay pang tanong ni Mama ngunit nang makita nito ang sitwasyon ko ay mabilis din itong lumapit sa akin. “Naku! Pumutok na ang panubigan mo!”

Napailing ako. “N—No, Ma! Hindi puwede! Hindi ko pa kabuwanan! Kulang pa sa buwan ang baby ko! Ahhh!” naiiyak na ako dahil sa sakit.

“Wala tayong magagawa, kailangan ka ng dalhin sa hospital!”

Hindi ko na malaman pa ang mga sumunod na nangyari. Masyadong na-okyupahan ng sakit ang isipan ko. Naiiyak ako sa sakit kasabay nito ang paghilab ng tiyan ko. Nagdarasal ako habang patungo na kami sa emergency room— na sana ay maging okay ang anak ko kahit pa kulang pa ito sa buwan.

Makalipas ang halos tatlong oras na patuloy na pag-labor ay sa wakas nailabas ko na rin ang anak ko. Nang marinig ko ang kaniyang iyak, ay kasabay din nito ang pagtulo ng luha ko. Iʼm so very happy looking at her. Itʼs priceless.

“Sheʼs beautiful, Celeste! Napakalusog niya!” turan ng Doctor ko.

“Thank you, Doc. Therese.”

“Anong ipapangalan mo sa kaniya?”

Out of nowhere ay napatingin ako sa mga stars and moon na disenyo sa dingding. Una pa lang ay may pangalan na akong naisip. At ang stars na nakikita ko ay ang isa sa mga senyales na nararapat ko siyang pangalanan ng— “Stella. . . Because sheʼs the light of my darkest life.” nakangiti kong tugon bago ako tuluyang mawalan ng malay.

|¦ FOUR YEARS LATER ¦|

“Ma, huwag niyo po kakalimutan ang oras na appointment check up niyo mamaya, a?” paalala ko kay Mama sa kabilang linya.

“Oo na, anak. Kanina mo pa sa akin iyan pinapaalala. Siguraduhin mo lang din na susunod ka, alam kong gusto mo rin makilala ang Doctor na nag-opera sa akin.” bakas sa boses ni Mama na masaya ito.

Noong isang araw ay nakatanggap kami ng tawag galing sa sekretarya ng Doctor na nag-opera kay Mama. Bumalik na raw ito sa Pilipinas at kasalukuyang nasa Manila. Tuwang-tuwa si Mama dahil personal na namin siyang makikilala at makakapagpasalamat.

“Mommy!” napatingin ako sa gate ng school nang marinig ko ang pamilyar na boses.

“Sige na Ma, nandito na si Stella.” at ibinaba ko na ang tawag.

Sinalubong ko ng mahigpit na yakap ang anak ko.

“Hows school?” tanong ko rito sabay kuha ko ng bag pack nito.

Napansin ko na nakanguso ito at tila malungkot. Patuloy lang itong naglakad hanggang sa kotse. Kilalang-kilala ko ang anak ko. Kapag ganito na may problema ito or may iniisip ay tahimik lang at ayaw sabihin kung anong problema.

Not unless. . .

“Ice ream you want?” tanong ko nang makasakay na ako sa driver seat.

Tumingin ito sa akin na nagdadalawang isip saka tumango.

“Alright.”

Nakarating naman kami kaagad sa 24/7 ministop. I bought an ice cream at nagtungo kami sa playground na malapit. Maraming mga bata ang mga naglalaro. This is the safest place for the kids dahil bukod sa complete ang suot nilang proteksyon ay may mga nakabantay pang mga female attendant.

Habang kumakain kami ng ice cream, ay muli kong napansin na nakatitig si Luna sa isa sa mga bata habang buhat-buhat ito ng isang lalaki na nasisiguro kong tatay nito. Napaawang ang labi ko at nakaramdam ako ng kaba at takot.

“Whatʼs the problem, Baby?” pagkuha ko sa atensyon nito pero nananatili itong nakatingin sa mag-ama.

“Kanina po sa school ang sabi ni Teacher ang isang pamilya raw ay binubuo ng Mommy, anak at ng . . . Daddy. Napaisip ako Mom, whereʼs my Daddy?”

Hindi ako nakasagot kaagad. For the past four years ay ngayon niya lang itinanong ang tungkol sa Daddy niya. At hindi ko ito napaghandaan na ngayong araw niya pala ito itatanong.

Nang humarap sa akin ang anak ko ay tumutulo na ang luha nito. Para akong sinasaksak ng bawat butil ng luha nito at pamumula ng mga mata. Hindi ko na rin namalayan pa na unti-unti na rin pa lang bumagsak ang luha ko.

Nabitawan ko ang hawak kong ice cream at kaagad kong niyakap ang anak ko.

“S—Stop crying, Baby.” halos hirap akong magsalita dahil para bang nalunok ko ang aking dila.

“I want to meet him, Mom.”

Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong sabihin. Gusto niyang makilala ang Daddy niya? Paano kung hindi ko naman ito kilala? Kung mahanap ko man ito paano kung may pamilya na ito? Paano kung ayaw nitong makilala ang anak ko? Tiyak na masasaktan siya.

But right now. . . I need to lie again.

“I—Iʼm sorry, ʼnak. Si Daddy mo, nasa dagat siya. . . Nagbabantay siya sa twin tower para siguraduhin na hindi magbabanggaan ang mga barko sa dagat.”

Napahiwalay ng yakap si Stella sa akin. “Talaga? Mommy, ang galing pala ni Daddy!” pinunasan nito ang sariling luha. “I thought heʼs gone. Iʼm so happy dahil buhay pa pala ang Daddy ko!”

Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil sa isinagot ko sa anak ko. As if naman na may ganoʼn talaga! Oh my gosh, hindi na talaga ako nakapag-isip pa ng tama!

“Kailan siya uuwi, Mommy?” kita ang lahat ng ngipin nito habang nakangiti.

Napakaganda mo, anak. Iʼm sorry kung nagsinungaling si Mommy sa ʼyo. Pangako, kapag kaya na ni Mommy sabihin ang totoo at kaya mo ng tanggapin ang katotohanan, sasabihin ko sa ʼyo ang lahat.

“M—Maybe next week? I will talk to your Daddy. Iyon ay kung magkaka-signal sa dagat, mahina kasi ang signal doon. Sa ngayon, letʼs go at the hospital dahil kailangan ni Mommyla mo ang support natin.”

“Yey! Letʼs go na Mommy!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status