Share

CHAPTER 4- PUSH AND PULL

Pinakatitigan ko nang mabuti ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Bahagyang namumula ang kanyang mukha. In born siyang mestizo kaya naman sigurado akong nakainom siya bago pumunta rito.

"Faller? Oh? What are you doing here?" takang tanong ko pa.

Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero nakakagulat lang dahil konting minuto na lang at 1:00 a.m na rin naman. Nagtataka lang din ako kung bakit napadpad siya rito eh halata namang allergy siya sa presensiya ko.

"U-Uhm, pwede a-akong pumasok?" usisa niya pa. Palihim akong natawa ako dahil sa pagkautal niya.

Cute.

"Why not? Ikaw pa ba? Come in," nakangiti kong sabi at bahagyang tumabi para makapasok siya.

Sinuyod ko pa ng tingin ang labas para suriin kong may agent pa bang pagala-gala pero mukhang wala naman na. Malamang dahil umaga na. Tulog na ang lahat sa ganitong oras. Ang iba naman ay gising pa dahil sa school works pero nasa flat lang din kagaya ko.

Isinara ko na uli ang pinto. "Lasing ka ba?" kaswal kong tanong. Nakaupo na siya sa couch kaya napatingala siya sa akin bago sumagot.

"Mukha ba akong lasing?" walang emosyon niyang tanong.

'Mali yata ang tanong mo, Kenshane. Nakainom nga lang naman talaga siya at hindi lasing. That's quite different, girl.'

"Ah, hindi naman. Namumula kasi ang pisngi mo kaya naitanong ko lang kung lasing ka ba," paliwanag ko pa.

"You're honest as ever," he continued. I didn't speak because I wasn't sure if it was a compliment or an insult. "Oh, that was definitely a compliment. Don't overthink it, we're just dealing with the current situation," he said meaningfully.

Yeah, right. We're in the present now, but why am I so bothered by the things that happened in the past?

'Dahil guilty ka, Kenshane.'

Gusto kong sumimangot dahil sa sariling udyok ng aking isipan. Pati sarili kong point of view ay hindi sang-ayon sa akin.

"Ah, hindi naman ako nag-o-overthink. Iniisip ko lang kung ano bang gagawin ko dapat bago ka pa nag-door bell," palusot ko pa.

"You're doing these things, aren't you?" aniya sabay turo ng mga kalat ko sa center table ko.

Napakamot naman ako sa aking ulo at pinigilang mapabuntonghininga. Bigla kong naalala na magtitimpla pala ako ng kape.

"Ah, right! Magtitimpla pala ako ng kape," saad ko. "Maiwan muna kita rito..."

"Ako na," aniya pa sabay tayo.

"Hmmm? Ikaw na ang magtitimpla ng kape?" paninigurado ko pa.

Tumango naman siya. "Yeah, marunong naman ako, don't worry," deklara niya at naglakad papunta sa aking kitchen na para bang kabisadong-kabisado niya rito.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti at impit na napatili. Aaminin kong kinikilig ako sa pagiging mabait niya sa akin.

Well, mabait naman talaga siya. Ganito naman talaga siya... Nevermind.

Bago pa uli lamunin ng konsensiya ang aking sistema ay umupo na lang uli ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

Maya-maya pa ay bumalik na siya at may bitbit ng tasa.

"Here," saad niya at inilapag na ito sa mesa. Dinampot niya rin ang mga nagkalat ng papers sa sahig at isinalansan ito sa isang folder.

Anong nakain ng isang ito ngayon? Akala ko ba ay matutulog siya nang maaga dahil magkikita sila ni Eliza bukas?

"Aish, shit!" Hindi ko napigilang magmura dahil sa ideyang may date sila ng babaeng ka-chat niya. "Akala ko ay matutulog ka nang maaga dahil may training ka pa bukas?" tanong ko na lang para itaboy sa aking isipan ang tungkol sa babaeng nagngangalang Eliza.

Nakaukit na yata sa utak ko ang pangalan na iyon kahit hindi ko pa man nakikita ang tao mismo.

"Hapon pa ang training ko."

"Si Eliza ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong maging mission partner?" usisa ko na talaga sabay simsim ng kape.

"Walang kinalaman si Eliza. Ikaw mismo ang dahilan at alam mo kung bakit."

Natameme naman ako. Marahan akong napatango at pilit na ibinaling ang aking pokus sa ginagawa ko kahit na naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib dahil sa sinabi niyang iyon.

"It should be a Hypothesis, not Hypethesis," pamumuna niya pa sa itina-type ko.

"Ay, shit!" usal ko na lang at ininda ang hiyang bumalatay sa aking sistema.

"Matagal ka pa bang matapos niyan?"

"Yeah. Baka abutin pa ako ng 4:00 a.m," sagot ko naman.

"Eh, may pasok ka pa bukas, hindi ba?"

"Yeah, pero kaya ko naman. Sanay na ako 'tsaka need kong i-submit na ito bukas."

"Bukas na ba ang deadline?"

"Sa friday pa naman. Gusto ko lang makapagpasa na..."

"Sa friday mo na i-submit. Huwag mong madaliin. I-proofread mo rin nang maayos. I can help you with the proofreading if you want...''

"Ah, no, thanks!" kaagad kong tanggi.

Nakakahiya kaya. Hindi ako gano'n ka confident sa thesis ko na ito, 'no? Baka mamaya ay 99% pa pala ang error nito. Mas okay na iyong professor ko at ang panel of judges lang ang magki-critique nito. Sa totoo lang kasi ay ginawa ko lang naman ito dahil required, eh. Tsk.

"Why?"

"Just."

"Bakit nga?"

Ang kulit din.

"Dahil... Nakakahiya sa'yo. Hindi ako matalino. Ang daming flaws ng paper ko na ito..."

"No, you're good tho. Ang detailed ng paragraph mo. Ang ganda rin ng topic na napili mo. Nababasa ko ngayon ang tina-type mo diyan..."

"Hey," nakanguso kong sabi. "Huwag mong basahin," reklamo ko sa kanya.

Natawa naman siya. Napatulala ako dahil ngayon ko lang uli narinig ang tawag niyang iyon. Naitikom niya naman kaagad ang kanyang bibig at sumeryoso uli.

"Pero ikaw, kung hindi ka komportable. Okay lang," bawi niya naman kaagad.

"Sino muna si Eliza?"

"Bakit ba interesado ka kay Eliza?"

"Dahil babae siya at lalaki ka. Nararamdaman kong may something kayo, eh," nagmamaktol kong sabi.

Wala na, hindi ko na rin yata matatapos itong ginagawa ko ngayon. Mas gusto ko siyang kausap kaysa sa ang tumipa ng mga nakaka-nosebleed na salita sa laptop ko.

"Ano naman kung babae siya at lalaki ako? At saka ano naman din kung may something kami?" kaswal niyang tanong. Para namang nalunok ko ang aking dila at may invisible na kamay na sumampal sa akin.

'Oo nga naman, Shane. Ano naman kung sila na? Ano ba sa'yo iyon? Wala naman, 'di ba? Bakit? Ano mo ba siya?'

"Ah, wala. Nevermind," saad ko na lang at alanganing ngumiti. Naramdaman ko na naman tuloy ang paninikip ng aking dibdib.

'Ano ba itong nararamdaman ko?'

Noong kami ni Hance ay wala naman akong nararamdamang ganito kapag may pagkakataong may pinag-uusapan kaming babae? Kahit nga noong nahuli ko sila ni Jelai ay wala naman akong naramdamang ganitong emosyon? Galit lang ang nangibabaw sa'kin kaya nga rin ginantihan ko talaga sila. Hindi ko lang matanggap na trinaydor nila ako.

So weird. I am weird.

"What I know is that you're not really a field agent, so you don't often engage in missions. You're more into invention and experiments, which aren't my strong suit either. I'm not good with those, and I can't be exposed to chemicals or anything related to the laboratory for too long."

Nilingon ko naman siya. "Ah, I see." Nakahinga uli ako nang maluwag dahil sa paliwanag niyang iyon. Sadyang inakala ko na naman na ang nangyari sa NY ang kanyang tinutukoy kanina.

'Pero gano'n naman talaga, Shane. Huwag kang tanga at manhid. Sinasabi niya lang ito para huwag kang ma-offend. It feels like he's playing push and pull, huh? O baka praning lang talaga ako?'

"That's why I didn't choose you as my partner. We wouldn't be a good fit in the same department. We would both struggle to match and adjust."

"Tama ka naman," nakangiti kong sabi at ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa.

Hinihintay ko siyang magpaalam na para bumalik sa kanyang flat pero mukhang wala pa siyang balak. Pasado 2:00 a.m na pero nandito pa rin siya at nakahiga sa sofa.

Saglit akong huminto sa pag-e-encode at nilingon siya. "Hey, gusto mo ba ng ramen?" tanong ko pa.

"Hmmm?"

"Ramen," sabi ko. Mukhang nakatulog na rin siya. Nadisturbo ko pa yata.

"Magluluto ako?"

Hindi naman ako marunong magluto pero alam ko ay may stocks akong gano'n. Si Kuya Ashmer ang nagbigay sa'kin ng gano'n kaya hindi ko pa nagagalaw.

"Kung gusto mo lang. You know... H-Hindi ako marunong magluto."

"Ng ramen?" pangungumpirma niya pa.

Nahihiya naman akong tumango. "Y-Yeah but maybe I can learn..."

"Of course, you can. You should know how to cook, at least."

Nakagat ko naman ang aking dila. Isa talaga ito sa kahinaan ko, eh. Bakit kasi lumaki akong walang alam sa pagluluto?

"Magluto tayo kung gusto mong kumain muna. Anong oras na rin naman, hindi ka pa rin tapos diyan," aniya pa at tumayo na. Wala namang salitang sumunod ako sa kanya.

Nag-init siya ng tubig habang ibinigay ko naman sa kanya ang noodles at seasonings.

"Gusto mo bang haluan ng itlog?" tanong niya pa. Tumango naman ako. "Half cooked or well cooked?"

"Uhm, well cooked, please? I don't like half cooked foods," sagot ko pa.

Tumunog ang cellphone ko kaya kaagad kong chineck ang text na kakatanggap ko pa lang. Ang isa sa classmates ko pala ang nag-text. Paniguradong hindi lang ako ang gising pa sa mga oras na ito kundi ang buong 4th year college sa Pilipinas.

["Hi, Shane. Send me some copies of Ma'am Hera's lectures. I'm just too confused about something here. I lost my copy too. I couldn't find it in my drive. Please, send help. Sana gising ka pa o gising ka na."]

"Oh," tanging nasambit ko nang mabasa ko ang chat ni Mia.

Kaagad ko namang hinahanap sa drive ko ang tinutukoy nitong lectures. Ang alam ko rin ay nai-save ko rin iyon at ginawang guide sa paggawa ng thesis paper ko last year.

"Akala ko ay gusto mong matutong magluto? You should watch and learn here," puna niya pa sa akin na para bang isa siyang professional chief.

"Maybe, next time? Sorry, may kailangan lang akong hanapin na file. My classmate needs it as soon as possible." Sinabi ko iyon habang nakatutok lang sa cellphone ko.

"You're so hard to tame, aren't you?" Ang komento niyang iyon ang nagpatigil sa akin sa ginagawa ko.

"What do you mean by that?" nakakunot-noo kong tanong. Naaamoy ko na ang bango ng kanyang niluluto kaya napalapit na rin ako sa kanya.

"You're so difficult to deal with," he said. "You always insist on having things your way. You appear detached, but you're not. I can't seem to figure you out."

"I am not a book for you to read," I joked.

"You're like a book, but in a language I can't comprehend at all."

Hindi ko alam kung magandang ideya o hindi ba iyong sinabi niya.

"Kaya ba nandito ka ngayon? Para obserbahan ang pagkatao ko?" biglang seryoso kong tanong. Saglit siyang napatigil sa kanyang ginagawa.

"No, nandito ako para samahan ka lang. Boss Ashmer asked me to... Uhm, luto na pala ito."

Lihim akong sarkastikong natawa. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit nandito siya. Dahil pala kay Kuya Ashmer. Baka nag-aalala sa'kin ang pinsan ko dahil sa natamo kong tama kay Marciella.

Kaya rin siguro nakainom siya bago pumunta rito para kahit papaano ay masikmura niyang samahan ako rito. Umaakto siyang bukal sa kalooban niyang samahan ako pero ang totoo ay napipilitan lang talaga siya.

"What are you doing? Have a seat and let's eat," untag niya sa akin. Huli na nang namalayan kong naihain niya na rin pala ang ramen. Kakain na lang ako.

Walang ganang naupo ako at pinilit ang sariling kumain. Napansin niya rin naman sigurong napipilitan lang ako.

"Bakit? Anong problema? Akala ko ba ay gusto mong kumain nito?"

"Ah, yeah. Iniisip ko pa rin kasi kung sino si Eliza," pabiro kong sabi. Ayaw ko namang sabihing sumasama ang loob ko dahil napipilitan lang siyang samahan ako rito.

Siyempre ay common sense na lang na ayaw niya talaga kasi... Well, dahil sa ginawa kong panggagamit sa kanya sa NY.

"She's my childhood best friend," sabi niya pa. Napatigil naman ako sa paghigop ng sabaw. "And perhaps my first love..."

("...my first love...")

("...my first love...")

("...my first love...")

Nagpaulit-ulit iyon sa aking kukuti. Kasabay niyon ay ang mabilis na tibok ng aking puso. Sa sobrang bilis at lakas ay nararamdaman ko ang sakit.

What the heck is this?! Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Ah, I s-see," tanging nasambit ko. Hindi ko rin alam kung bakit para bang nalunok ko na rin ang aking dila at wala ng ibang salitang masabi pa.

"She's nice ever since."

"Sure she is," kaswal kong sabi. "You like nice women, don't you?"

"Why would I hate a nice things and people?" balik-tanong niya naman sa akin.

"That's why you hate me and I like you. I am a bad woman and you're the nice guy in town," direktang sabi ko pa. "But you know, opposite poles attract each other, right? Maybe, well, just maybe we're meant for each other. Who knows?" dagdag biro ko pa.

"We are not," malamig niyang sabi sabay tayo na. Tapos na pala siyang kumain. "You should sleep. Mukhang hindi ka naman na lalagnatin pa. I'll head to my flat now. Thanks for the food."

Napanganga naman ako habang inihatid siya ng tingin.

Lagnatin? At talagang hinihintay niya lang talaga kung lalagnatin ako o hindi? Aish, that little... Nakakainis ha!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status