Share

CHAPTER 9- SEDUCTION'S GAME

"Oh my goodness! Finally! Bukas na ang graduation natin!" tili ni Jeannie nang makapasok kami sa DH.

Nandito ang lahat ng Prime Agents at maliban kay Kuya Ashmer at Faller ay sabay-sabay ang graduation namin bukas.

"Congratulations," tipid na bati sa amin ni Kuya Ashmer.

"Guys, sinong sasama sa GC Bar bukas ng gabi?" usisa pa ni Gabriella. Noong isang araw pa talaga ito nangungumbinsi na magkaroon kami ng after party.

"Ako!" sabay-sabay naming sagot maliban kay Marciella na tanging pagtaas lang ng kamay ang ginawa.

"Ayos! Payapa! Bukas, ha?! Ang hindi pumunta ay may penalty."

"Pauso mo talaga, Silang! Ang pumunta pa nga lang sa party na ikaw ang host ay penalty na, eh!"

Nagsitawanan kami dahil sa bweltang iyon ni Jinro. Kaagad naman tuloy itong nabatukan ng isa.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay pumunta na ako sa pwesto nina Faller at Shines. Dahil pareho silang newbie at magkakilala na rin bago napunta rito ay sila ang madalas na nagkakasama.

"Shines," untag ko sa babae. Napati
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status