Share

CHAPTER 48- POSITIVE

Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari at kung ano ba ang nangyayari sa akin. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng kwarto ni Trice.

Nakita ko siyang hindi mapakali, lakad dito, lakad doon ang ginagawa niya. Parang mas nahihilo ako habang tinititigan siya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" nakakunot-noo ko pang tanong. Agad naman siyang napatingin at lumapit sa akin.

"Gising ka na pala. Ayos ka na ba?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabakasan ko ang kanyang boses ng totoong pag-aalala..

"Medyo. Baka stress lang ako."

"Sana nga gano'n lang," wala sa sarili niyang sambit.

Nagtataka ko naman siyang tinitigan. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa awra at pananalita niya.

"Bitch, bakit?" usisa ko pa.

"Wala naman. Magpahinga ka lagi nang maaga. Huwag kang magpupuyat. Tsaka obserbahan mo ang sarili mo, ha? Wala kang pagsasabihan sa mga nararamdaman mo lalo na sa kay Lovimer."

"Bakit ba? Hindi kita maintindihan."

"Basta, gawin mo na lang ang sinasabi ko kung ayaw mong magkagulo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status