Share

CHAPTER 7- BAD ONE

Hindi ko na alintana kung ilang minuto o oras na ba akong nakatayo habang nakaabang sa mga bituwin na punuin ang kalawakan. Nangangawit na nga rin ang batok ko dahil sa ginagawa ko, eh.

I love gazing at the stars, it brings me comfort and the peace of mind I need.

Nagpakawala ako ng isang matunog na buntonghininga at ipinukol sa baba ng GC Building ang aking tingin. Nakita kong papasok ng building sina Kenya at Marciella. Paniguradong hindi naman sila magagawi dito sa rooftop.

"Good evening, Kenshane Guieco."

"Ay, butete!" usal ko naman dahil sa gulat. Marahas kong nilingon ang lalaking may-ari ng boses na iyon. "Hindi ba uso sa'yong ipaalam mo muna ang presensiya mo bago magsalita, Faller Coleman? Palagi na lang akong nagugulat sa'yo. Baka kung buntis ako ay nakunan na ako," mahabang sermon ko sa kanya.

"Hindi ka naman buntis," kaswal niyang sabi.

"Hindi nga pero nagugulat ako palagi sa'yo."

"Kahit nga sa sarili mo ay nagugulat ka, eh. Sino bang magsusuot ng cycling shorts sa mall?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status