Share

CHAPTER 6- FIRST LOVE

Nakangiti ako habang nagpi-print out ng hard copy ng thesis paper ko. Sa wakas ay natapos ko rin itong gawin. Ito lang talaga ang ginawa ko kahapon at ngayon. Bukas na ang last day ng pasahan.

"At last! Finally!" saad ko nang matapos na rin akong mag-print. Excited at maingat na inilagay ko ito sa isang folder at ipinatong na muna sa kama ko.

"Makaka-graduate na talaga ako! Ay, may final defense pa pala at final exam,," bawi ko nang maalala ang bagay na iyon.

Napapitlag pa ako nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong sinuri kung sino sa PA ang nag-text. Alam ko na kaagad na isa sa PA dahil sa ring tone.

[FROM GABRIELLA 'SILANG' PERRER:

Guess what?! May ka-date ngayon sa Faller! Nasa GC Mall kami, nasa GaMa CS sila ngayon. Bilis! Tatambay din kami doon.]

Para bang lumipad sa ere ang aking kaluluwa dahil sa text na iyon ni Gabriella. Napalunok ako ay saglit na naging blangko ang aking isipan.

"Si Eliza na kayo 'yon?!" tanong ko pa sa aking sarili. Hindi ko lubos na maintindihan ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status