Share

CHAPTER 3- UPDATED BIO

[FROM ELIZA:

'Mabuti naman at ayos ka lang.'

'Matulog ka nang maaga, ha?'

'Kita-kits bukas!'

'I'm soooo excited to see you again!'

'Goodnight! I love you! Mwaaps.']

I'm no longer bothered by the spiciness of the fried chicken I'm currently eating, thanks to the messages I just read. I ordered fifteen pieces, all extra hot flavored, yet I can hardly taste it due to the intense curiosity I'm experiencing at the moment. I'm certain this won't let me sleep later.

Sino si Eliza?! Girlfriend niya kaya 'yon? Bakit may pa I love pa?!

"Ay? Bakit parang gigil na gigil ka naman gurl sa kinakain mo diyan?" puna sa akin ni Xandria na kakarating lang. "Hindi halatang bad trip ka," dagdag nito.

It's clear that she recently came from school as her nameplate is still attached. She's also often the last one to return home due to her pursuit of a medical degree.

Once she becomes a fully qualified doctor, we'll establish an Agents Hospital within the camp to tend to injured agents during missions. It's not easy for us to simply rush to a regular hospital. Naturally, we can't avoid questions about why and how the patient got injured. Deceiving doctors is a challenging task, and there's a risk of exposing our family's clan.

She will be at the helm of that department, and she's putting in a lot of effort to achieve it.

Hindi naman kami gano'n ka close. Wala lang itong ibang mapagpwestuhan kaya napadpad dito sa mesa ko.

"Tama ka, badtrip nga ako," may diin kong sabi na ito lang din ang makakarinig.

"Hi, Xandria!" bati pa ni Gab sa babae.

"Hello. Hindi niyo man lang sinabayan si Kenshane?" agad nitong usisa at napanguso pa na para bang gano'n na lang ka big deal ang mag-isa.

Aish! Nakakalungkot ba talagang mag-isa? Hindi naman, ha? Kaartehan lang nila.

"Eh, hindi ka pa ba diyan nasanay? Kasama 'yan doon sa updated bio niya sa GC Agents Website natin na ayaw niya na may kasabay siyang kumakain dahil nawawalan siya ng gana. Tingnan mo nga itong si Faller at hindi siya sinabayan dahil doon. Respect sa privacy ng tao, kumbaga," mabahang lintanya ni Crystal.

'Updated bio? Anong pauso na naman 'yon? GC Agents are seriously crazy.'

Napahinto naman ako sa pagngangat ng fried chicken at nag-angat ng tingin. Nagtama kaagad ang tingin namin ni Faller. Napalunok ako at ibinaling na lang ang tingin ko kay Gabriella Perrer.

"Anong bio?" usisa ko. "Bio ba talaga o judgment niyo lang ang lahat ng nakasulat doon? Sinong may pakana?" dagdag asik ko.

"I don't know lang," sagot nito sabay kibit-balikat.

"Ang alam ko ay si Percylla ang in-charge sa pag-update ng bio natin sa website," bigay-alam naman ng pinsan kong si Jinro. Kaagad na nakatikim ito ng batok kay Silang.

Tuluyang nanliit ang mga mata ko kay Gabriella. Halatang alam naman talaga nito kung sino ang may pakana sa pa-update-update ng bio na 'yon. Pinagtatakpan niya lang ang adopted sister niya. Ampon kasi ng mga Perrer si Percylla.

"Gusto mo ba akong maging kaaway, Silang?!" asik ko na talaga. Napalingon pa sa amin ang lahat.

"Hoy, hindi, ha?! Hindi ko naman talaga alam na si Percylla pala. Binatukan ko lang si Jinro dahil bida-bida. I mean, alam niya ang bagay na hindi ko alam, gano'n 'yon," depensa naman nito sa kanyang sarili.

"Huwag ka ng magpaliwanag. Ang sabihin mo ay gusto mo lang din talagang maging hero kagaya ng bansag mo. Nauunang namamaalam sa mundo ang mga bayani, tandaan mo 'yan," sermon ko na talaga. Halatang nagpipigil-tawa naman sina Crystal at Jinro. Pati na sina Jeannie at Xandria.

"Luh? Inaano ko ba 'yan?" sabat nito at si Faller pa talaga ang kinausap. Hindi naman umimik si Fall at kinalikot na lang ang kanyang cellphone.

Aish! Ka-chat niya na naman ba ang Eliza niya?!

Mas lalo lang uminit ang ulo ko. Saktong pumasok si Percylla na may bitbit pang camera.

"Oh, Shane! You're so pretty! Smile," inosente pa nitong sabi at kinuhanan ako ng larawan. Halos napanganga naman ang mga PA kabilang na sina Xandria at Grabriella na kabangayan ko pa lang.

"Do you want to die right now?!" malakas kong asik habang kay Percy ang tingin.

"What? Why?" naguguluhan naman nitong tanong.

"What did you put on my bio?" nakahalukipkip ko ng usisa.

"Speaking of bio, hindi ko rin gusto ang nakalagay sa akin," reklamo rin ni Kenya.

"Me too!" segunda ni Jinro.

"Ikaw pala ang may gawa niyon, Percylla?" dagdag usisa ni Kenya.

Bumakas naman ang pagpa-panic sa mukha ni Percy. "Ah, t-that one..."

"Sinusubukan mo bang i-bully kaming mga Guieco?"

"Hindi ako ang nagsulat niyon, promise. Ako lang ang nag-encode. Uhm- ni-rephrase ko na nga lang din ang iba doon kasi... kasi kailangan."

Kilala ko rin naman si Percylla kahit hindi kami madalas magkausap. Alam kong hindi niya magagawang manabotahe. Isa siya sa mga anghel sa camp na ito, eh. Gano'n ang image niya.

Nanliit naman ang aking paningin at ibinaling ang aking tingin sa nagpapatay-malisyang si Gabriella.

Nagkatinginan kami ni Kenya. Mula sa bio hanggang sa flat na gulong ng kotse namin ay mukhang alam ko na kung sino ang may gawa. Puro talaga power trip ang mga tao rito.

"Damn it! Percy, Gab, let's go," rinig kong sabi ni Marciella at kaagad na tumayo.

"Marciella!" sigaw ko na talaga sa PA leader namin sabay tayo rin. "Hindi pa kami tapos mag-usap!"

Nagsama pa talaga ang mga may atraso sa'kin ngayon, ha? Tingnan lang natin kung sino ang tunay na bida sa camp na ito.

"What?" malamig nitong tugon sa akin. Dinadala ako sa pagiging robot niya.

"What? Alam mo ba kung gaano kasakit ang pagkakahataw mo sa akin ng baston, ha? Gusto mong makita kung ano ang nangyari sa likuran ko? Akala mo ba ay magiging okay na tayo dahil sa pa-stick-o mo? Eh, kung ikaw naman kaya ang hatawin ko diyan? Porke't PA ka namin ay pwede mo na akong saktan sa kung kailan mo gusto, ha?"

"Ginulat mo ako, eh," simpleng sagot nito.

"Itinulak lang naman kita, eh di sana gano'n lang din ang iginanti mo!"

"Fine, kasalanan ko na," sukong saad nito at bumalik sa pagkakaupo. Naupo na rin si Percylla. Kumalma na rin ako.

"Baston?" takang usisa ni Kuya Ashmer. Lumapit pa ito sa akin at walang alinlangang hinawi ang damit ko pataas para suriin ang sinasabi ko. "What the hell, Ell? Anong ginawa mo kay Kenshane?" dagdag asik ni Kuya Ashmer. Siyempre, alam kong ako ang paborito niyang pinsan kaya may advantage ako ngayon na nandito siya.

Hindi naman na nag-abala pa uli si Marciella para depensahan ang kanyang sarili. Itinaas pa nito ang kanyang dalawang kamay para sabihing talo na siya sa usapang ito.

"Anong kulay ng baston ang ginamit sa'yo ni Marciella?" usisa ni Kuya Ash. Halata sa kanyang boses ang pag-aalala.

"Green?" patanong kong sabi. Hindi ako gano'n kasigurado. "Iyong ginagamit sa training," dagdag ko.

Napasinghap naman si Kuya Ash. "Hindi ordinaryong baston 'yon. Lagyan mo ng ointment 'yan at uminom ka ng gamot para hindi ka lagnatin."

Tumango na lang ako at uminom ng tubig at nagpatiuna bago pa uli uminit ang aking ulo.

Dumiretso ako sa parking lot para suriin uli ang kotse ko. Ayaw ko na uli makisabay sa kina Harvey at mas lalong ayaw ko ng ma-late sa training ni Faller bukas. Baka kung ano-anong penalty na naman ang ibigay ni Marciella sa kanya. Mga daot pa naman ang mga tao rito.

"Tsk. Ano kayang naging atraso ni Jinro Guieco kay Gabriella Perrer para madamay kaming lahat na mga pinsan niya?" himutok ko pa. Hindi naman ito ang unang beses na nag-domino effect sa amin ang kalokohan nina Jinro at Gabriella, eh.

Namewang ako habang nakatitig sa aking kotse at nag-iisip kung ipapaayos ko pa ba ito o bumili na lang ng bago. Since high school ko pa ito gamit. Iniwan ko lang din ito rito nang pumunta ako ng New York. Marami na rin akong ala-ala sa sasakyan na ito.

"Tsk, sayang naman kung papalitan kita," kausap ko pa sa kotse ko.

"Here."

"Ay, butete!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Napahawak pa ako sa aking dibdib at pinigilang samaan ng tingin ang lalaking basta-basta na lang sumusulpot at nagsasalita.

"What are you doing here?" kaswal kong tanong.

Wala ako sa mood para maging anghel sa harap niya ngayon. Hindi gumagana ang konsensiya ko sa ganitong marami akong taong gustong itumba pero hindi ko magawa dahil magagaling din sila.

"Sabi ni Boss Ashmer ay inumin mo raw ito para hindi ka lagnatin," sagot niya sabay abot ng puting medicine tablet at bottled water.

Agad ko namang tinanggap at ininom. Hinigpitan ko ang hawak sa wala ng laman na plastic bottle nang maalala ang chat na nabasa ko kanina.

Approaching my car, I opened the door, reached for a hair tie, and casually pulled my hair into a ponytail. Afterward, I closed the door and started to remove the flat tire from the rear of my vehicle. Being an agent, I knew exactly how to handle it; it was one of the skills they had taught us back then.

"Sino si Eliza?" direktang tanong ko habang abala na sa pagtanggal ng gulong. Hindi na rin ako nag-abalang tingnan siya pero nararamdaman ko ang kanyang tingin. Alam kong pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.

'Is this the first time he has encountered a vulcanizer who looks like a goddess?'

"Saan mo nalaman ang tungkol kay Eliza?"

Saglit akong natigilan at napatingala sa kanya.

'Hindi mo ba talaga alam o baka nagpapanggap ka lang na hindi?' Iyon ang gusto kong isagot pero isininghap ko na lang.

"Nabasa ko lang kanina. I mean, hindi ko naman sinasadyang basahin. Sumakto lang na nagpop-up ang chat nang ibigay mo sa'kin ang cellphone mo," paliwanag ko pa at ipinagpatuloy na aking ginagawa.

"I want to help you but I don't know how to do that yet," liko niya pa sa usapan namin.

Pinigilan ko namang mapabuntonghininga. Kailangan kong habaan ang aking pasensiya pagdating sa kanya kumpara sa mga kasamahan ko dahil hindi hamak na mas malaki ang atraso ko sa kanya.

'Mukhang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. Tsk.'

After successfully removing the flat tire, I temporarily set it aside. I opened the trunk of my car and retrieved the spare tire that I always kept there. Tomorrow, I'll buy a new one to have an extra again.

Silently, I attached it to my car. After a few minutes, I was finished. I breathed a sigh of relief. I can use it tomorrow. No need to rush when going home.

"Done, at last!" sabi ko pa at nakangiting tumingin sa kanya. Nahuli ko rin siyang mataman na nakatitig sa akin. "Ano? Believe ka na naman, 'no? Hayaan mo, ituturo din ng team ni Marciella kung paano gawin 'to," dagdag ko pa at nag-spray ng alcohol sa kamay ko.

My car is equipped with all the amenities, making it a challenge for me to part with it. I also cherish the moments of serenity it provides in quiet, secluded places, which is why I can't easily bid farewell to it.

Napabuntonghininga naman siya sabay iling. "Ang moody mo," komento niya pa.

"Bakit?" usisa ko naman.

"Kanina ay parang gusto mo silang saktan, ngayon naman ay ngingiti-ngiti ka ng ganyan."

"Nagtataka ka pa ba? Parang hindi mo naman ako kilala."

"Hindi naman talaga," kaagad niyang sagot at napansin kong nag-iba rin ang kanyang awra.

'Tsk, Kenshane naman. Sinira mo pa ang mood. Hindi nga kayo magkakilala, 'di ba? Hindi!'

"Eh, siyempre, ikaw ang kaharap ko, eh. Hindi ko kayang sungitan ka," saad ko sabay ngisi sa kanya.

Mabilis akong nakalapit sa kanya at iniangklas ko ang aking kamay sa kanyang braso. Mukhang nagulat pa siya dahil sa ginawa ko.

"What are you doing?" tanong niya pa habang nakakunot-noo.

"I just want to be friends with you," sabi ko sabay tingala sa kanya. Minuto rin kaming nagkatitigan.

"I don't want to."

"Why?"

"Just."

"Dahil may magagalit? May magseselos?" sunod-sunod kong tanong at bumitiw na sa kanya. "Girlfriend mo ba si Eliza?"

"What leads you to believe that she is my girlfriend?" he inquired.

"She said 'I love you' to you and expressed her eagerness to see you again tomorrow. So, did you two meet earlier today?"

Hindi naman siya nakasagot. "Ah, right. Tatapusin ko pa pala ang thesis paper ko ngayon para ma-submit ko bukas. Mauna na ako," paalam ko na lang sa kanya dahil ramdam ko namang ayaw niya talagang sagutin ang tanong ko. Ayokong kulitin pa siya.

Walang lingong-likod na pumasok na uli ako ng GC Camp at dumiretso ng flat ko.

Kinuha ko kaagad ang laptop ko. Nasimulan ko naman ng i-proofread ang thesis ko kagabi kaya tatapusin ko na talaga ngayon. Gusto ko na itong matapos.

Habang nagre-revise ng ibang part ay hindi rin nawala sa tabi ko ang isang jar ng stick-o. Kinakain ko ito para hindi ako tuluyang lamunin ng antok.

Nang nararamdaman ko na talagang babagsak na ako sa antok ay tumayo ako para magtimpla ng kape. Sakto naman ding narinig ko ang door alarm ko.

Napatingin tuloy ako sa wall clock. Hating-gabi na kaya nagtaka ako kung sino ang naglakas-loob na disturbuhin ako sa ganitong oras.

Inihanda ko na aking sarili para sermonan ang kung sinomang nasa harap ng flat ko ngayon. Mula nang bumalik ako rito sa Pilipinas ay ngayon lang may nambulabog sa akin ng ganitong oras.

Binuksan ko ang pinto at masamang tingin ang ibinigay ko sa buteteng tumambad sa aking paningin. Ang inis na aking nararamdaman ay bigla na lang napalitan nang gulat nang makilala ito.

Anong ginagawa niya rito?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status