Share

CHAPTER 1- NEWCOMER

GUIECO CLAN SERIES #3

The Seduction's Game

—KENSHANE GUIECO—

-----------------------------------

"Valentine's Day, and you didn't receive a single letter or flower?" Gabriella teased me. I simply shrugged.

"I don't even have a boyfriend to indulge in any lovey-dovey stuff in my love life. Yuck! What matters is that I'm beautiful," I quipped.

Actually, I received flowers, chocolates, and letters from my schoolmates, batchmates, classmates, and the students I taught during my practice teaching. On my way home, I spotted a large trash bin, and I thought that's where they should go, so I threw them all away.

Napairap lang ang Silang. Bahala siya sa buhay niya. Pagod na nga ako dahil pagdating ko kanina galing sa school ay sumabak kaagad kami ni Crystal sa isang misyon tapos heto at binubuwisit pa ako.

Mukhang mali yatang bumalik pa ako rito sa GC Camp. Sana pala ay nagpabili na lang ako ng sarili kong condo unit para magkaroon ng katahimikan ang aking buhay.

"Eh? Bakit? How about manliligaw?" dagdag na usisa nito.

Napairap lang uli ako. Wala talagang kwenta ang mga katanungan nito kahit na kailan, eh. Magbubukas na nga lang ng usapan ay boring pa.

"Hindi ako nag-e-entertain, 'no?" asik ko.

Bahagya akong natigilan nang maalala ang law student na si Harvey Piamonte Francisco. Sunod nang sunod sa akin kanina at niyaya pa ako ng dinner date. Todo palusot tuloy ako.

Mukhang seryosong-seryoso sa akin ang isang iyon. Kasalanan ko naman din kung bakit. Biniro ko kasing crush ko siya tapos huli na nang malaman kong totoo palang crush na crush niya ako.

Parang date to marry type pa naman ang isang iyon. Duh? Wala akong balak mag-asawa nang maaga for heaven's sake. Kung pwede nga lang maging single for life na lang ako ay gagawin ko talaga.

"Eh? Friend? Best friend? Hindi lang naman special someone ang pwedeng magbigay sa'yo..."

"Wala akong best friend. Hindi uso sa akin ang mag-share ng gossip with someone else. Hindi rin uso sa akin ang pagkatiwalaan ang isang tao sa lahat ng baho ko sa buhay. Ayoko ng kakampi dahil kaya ko naman tumayo sa sarili kong mga paa. In short, ayokong magkaroon ng so-called best friend," seryoso kong saad at inilugay na ang aking buhok.

'Best friend? Never again.'

Hindi naman nila alam ang kaganapan ko sa New York at hindi rin ako palakwento kaya ang akala nila ay sadyang introvert lang ako kaya wala akong kaibigan bukod sa kanilang mga Guieco Clan Prime Agents.

"Sabi mo 'yan, ah? Magjowa ka na lang kung ayaw mong magkaroon ng best friend," bwelta na naman nito. Napataas-kilay na talaga ako.

"Silang? Bakit ba pinipilit mo akong magkaroon ng ganito at ganyan? Bakit hindi ikaw ang hindi gumawa niyan tutal ikaw naman ang nakaisip?" naiirita kong tanong. Ngumisi siya nang nakakaloko.

"Kasi naman... Mukha ka ng taong gubat, Shane! Wala ka man lang ka-close bukod sa amin. Wait, ni ang iba sa PA nga ay hindi mo gano'n ka-close, eh "

"Excuse me? Hindi ko kayo close. Kakilala lang."

"Ay payapa! O siya, bukod sa amin ay wala kang 'kakilala' man lang."

"No need. Kayo lang, sapat na." Umakto itong tila ba kinilig sa sinabi ko. Nailing na lang ako. "Wait, pumunta ka lang ba dito para ipamukha sa akin na wala akong natanggap na ka-ek-ekan ngayong Valentines at para utusang maghanap ng jowa at best friend?" nanliliit ang mata kong tanong. Umiling naman siya.

"Nope. Inutusan ako ni Marci na..."

"Kita mo na! May ipinag-uutos pala sa'yo ang kakambal mo pero inuna mo pang makipag-chismis-an, 'no?"

"Life without chismis is lifeless, sis," madrama nitong sabi habang nakahawak pa sa dibdib. "Anyway, inutusan ako ni Marciella Perrer na ipaalam sa iyo na nasa camp na ang anak ng isa sa pioneers natin. Nakauwi na siya."

Tumango naman ako. "From where?"

"From Pangasinan."

Natawa naman ako. Akala mo naman ay galing sa ibang planeta, eh.

"Butete ka, akala mo naman kung saan galing, eh."

"Galing siyang ibang bansa actually, pero dumaan lang muna siya sa Pangasinan para magpaalam sa parents niya na magpapa-register na siya sa clan natin."

"Okay?"

"Tapos ang gwapo ni Faller!" nakangisi niyang saad.

Bahagya akong natigilan dahil sa pangalan na kanyang sinabi. Faller? May gwapong Faller nga rin akong kilala. Aba nga naman. Ilang Faller ba ang meron sa mundong ito?

'Ma-search nga mamaya.'

"Faller, who?" tanong ko na lang.

"Iyon na nga! Kunyatan kita eh, 'yong bagong dating, duh?"

"Ah, I see," kibit-balikat kong saad.

"Tapos bukas ay sasabak na siya sa pagsubok para maging ganap na Prime Agent."

"Okay?"

"Tapos 'yon lang naman. Pwede kang lumabas at pumunta sa DH para makita mo rin kung gaano siya kagwapo, Inday. As in super gwapo talaga."

Landi rin ng isang ito, butete.

"Mas gwapo pa kay Jin?" allaska ko sa kanya.

Napairap naman siya. Alam kong ayaw na ayaw niyang inaasar siya sa pinsan kong si Jinro na best friend niya rin naman.

"Magkaiba ang kagwapohan nila, 'no? Pero kung ako ang papapiliin ay kay Faller ako dahil bukod sa baguhan siya ay ang hot niya rin! May muscles, parang pang-international model ang kagwapuhan. Ang rinig ko ay half-half nga rin talaga siya," nakangising saad ng bruha na tila kinikilig pa. Nailing na lang ako. "Tapos ang bait pa, dzai."

"Okay?" kaswal kong usal.

May kilala rin naman akong hot, handsome, at famous Faller pero hindi siya gano'n kabait. Konting adjust lang ng tornilyo niyon ay papasa ng robot.

"Bakit ka ba okay nang okay?" angil nito. Napangiwi na lang ako.

"Ikaw nga tapos nang tapos eh, nagreklamo ba ako?" supladita kong saad.

'Oh, well, suplada naman talaga ako.'

"Mauna na nga ako dahil inaaway mo na naman ako, eh. Labas-labas din ng lungga at baka maging ermitanya ka na niyan."

"As if! Magandang ermitanya kung magkataon," asik ko nang makalabas na ang haduf.

Nagpahinga lang ako saglit pagkuwa'y tinapos ko na muna ang isa sa projects na kailangan ko dahil bukas na ang deadline nito. Buti na lang talaga at 4th year college na ako. Huling taon ko na lang ito bilang isang estudyante.

"Finally! Magiging teacher na rin ako. Makakaganti na ako sa mga magiging estudyante ko!" sigaw ko pa. Napangisi na lang ako dahil sa ideyang iyon. Iyon ang isa sa motibasyon ko ngayon.

Nang makaramdam ako ng antok ay minubuti kong kumuha ng jar ng stick-o at saka lumabas sa flat. Kumakain ako habang naglalakad. Hindi pa ako pwedeng matulog dahil kailangan ko ring matapos sa linggong ito ang pag-revise ng thesis paper ko para sa major subject ko.

'Huling puyat na lang natin ito, Kenshane! Magiging License Professional Teacher pa ako.'

Dumiretso ako sa rooftop ng GC Building. Meron itong apat na palapag at mga opisina ng bawat department lamang ang karamihan. Nandito na din ang interrogation, control and experiment department. Nasa ground floor lang din naman ang office ni Kuya Ashmer na pinsan ko at boss ng Guieco Clan. Halos lahat kaming mga Guieco ay agents. Bukod sa amin ay meron pang iba, ang mga anak ng pioneers na kaibigan ng mga magulang namin.

Sa lahat ng lugar dito sa camp ang rooftop ng GC Building ang gustong-gusto kong tambayan. Bukod kasi sa preskong hangin ay peaceful pa. Kung nasa rooftop naman ako ng GC Mall ay halos kita na ang kabuuan ng QC. Mas mataas kasi ang GC Mall dahil iyon din ang nagsisilbing front ng GC Camp.

"Sana naman may falling star ako na makita," usal ko habang kumakain pa rin ng stick-o.

Tumingala ako sa kalangitan. Mukhang uulan pa yata. Balak ko pa namang mag-star gazing ngayon. Pampawala ng stress.

"Oh, falling star! Please, magpakita ka na, inuutusan kita sa ngalan ng aking brilyante." Natawa ako sa mismong kapilyohan ng utak ko.

'Brilyante ng kagandahan, gano'n kasi 'yon.'

"Uulan, wala kang falling star na makikita."

Halos mapatalon ako dahil sa gulat. Muntik ko na ring mabitiwan ang jar ng pinakamamahal kong stick-o dahil sa lapastangan na nagsalitang iyon.

Nilingon ko ang nagsalitang iyon at sinamaan ng tingin kahit na may kadiliman sa kinaroroonan namin ngayon.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong isang lalaki pala ang kasama ko ngayon. Naglakbay ang paningin ko sa kanyang kabuuan.

Gwapong-gwapong mukha, kahit naman mukhang wala siyang abs at matikas na muscles ay yummy pa rin at... Oh my gosh! Damn that lips!

I think, ito na ang pinakagwapong falling star na nakita ko sa buong buhay ko. Babawiin ko na ang sinabi kong magiging single for life lang ako basta ba pagnasaan din ako ng lalaking ito.

'Wait, wait, wait?! Siya si... Holy shit! Babawiin ko na rin pala ang huling linyang sinabi ko. Bakit nandito siya?!'

Napakapit ako nang mahigpit sa jar ng stick-o. Kulang na lang ay mayupi ko ito. Pakiramdam ko ay parang nakalubog na rin ang aking mga paa sa aking kinatatayuan ngayon.

"Miss? Ayos ka lang?" untag niya sa akin sa walang emosyong tono. Nagising naman ang diwa ko dahil sa magandang boses niya. Ilang buwan ko ring hindi ito narinig.

'Miss? Ah, right. Siyempre, wala siyang kilalang haduf na buteteng katulad ko.'

"Ah, yeah. I'm fine. What's your name?" tanong ko pa. Iyon lang ang nahila kong salita.

Naramdaman ko rin ang pabugso-bugsong paglakas at pagbilis ng pagtibok ng aking puso. Napakuyom ako at napalunok nang magtama ang paningin namin.

Gusto kong umatras at mag-walk-out pero hindi ko magawa. Naduduwag ako pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagkakaroon pa ako ng lakas ng loob na harapin ang lalaking ito.

"I'm Faller Coleman."

'Faller. Faller. Faller.' Nagpaulit-ulit iyon sa kukuti ko.

Napalunok ako. Ganito rin ang sinabi niya noong una kaming nagkaharap. Pareho linya pero magkaibang emosyon.

Pilit kong itinutuwid ang takbo ng aking isipan. Kailangan kong kumalma.

"I'm Kenshane Guieco," nakangiti kong saad tsaka kulang na lang ay sayawan ko siya ng sexy dance para makuha ko kaagad ang kanyang loob.

'Makuhang muli.'

"I know," simpleng saad niya.

Nanlaki pa kunwari ang mga mata ko. "H-How?" wala sa hulog kong tanong.

Mali pa yata iyon. Ngayon ay kinakabahan tuloy ako sa kanyang magiging sagot.

'Please, just tell me that you don't even know me. Na hindi mo ako nakita sa kahit na saan. Magpanggap na lang tayong hindi magkakilala, Faller Coleman. Please?!'

"Nabanggit ka na kanina sa orientation. Pinakita rin ang picture mo."

Nakahinga ako nang maluwag. Alright. Tama 'yon. Mukhang pareho naman kaming dalawa ng gustong mangyari, eh.

Kaya ako umuwi ng Pilipinas dahil gusto kong kalimutan lahat ng naganap sa LA. Alam kong napakalaki ng pagkakamaling nagawa ko doon, lalong-lalo na sa lalaking kaharap ko ngayon dahil lang sa kagustuhan kong gantihan ang manlolokong ex-boyfriend at ex-best friend ko.

Kung babalik man ako sa gabing iyon at mabigyan ng pagkakataong baguhin ang desisyon ko sa buhay ng mga oras na iyon ay gagawin ko maliban lang sa isang bagay.

"Ang gwapo mo naman. Hindi bale na lang na walang falling star, meron naman akong Faller na kasama, single ka ba?"

'Maliban sa pagkakataong nakilala ko siya. Iyon lang ang hinding-hindi ko buburahin sa aking ala-ala kahit na kailan.'

"Yes." Diretso man iyon pero kababakasan pa rin ng galit ang tono niya. Paniguradong pinagmumura at isinusumpa niya na ako sa kanyang isipan.

"Good, just stay single, Fall, my loves, my babes, my honey, so sweet. Liligawan mo pa ako o kundi naman ako ang manliligaw sa'yo, you choose," may halong biro ko para pagaanin ang sitwasyon namin.

Nakatitig lang siya sa akin. Walang imik. Baka talaga hinuhusgahan niya na ako o pinapatay sa kanyang imahinasyon.

Nevermind.

"Nice meeting you and goodnight," nakangiti kong saad at saka dali-daling bumaba ng GC building.

Agad na dumiretso ako sa flat ni Gab. Walang katok-katok na pumasok ako. Busy din kasi siya sa thesis niya.

"Oh? Problema?" bungad nitong asik sa akin.

"May gusto ka ba kay Faller?" direktang tanong ko pa. Sa paraan palang ng pagkakakuwento niya kanina ay sigurado akong meron siyang gusto.

Nanlaki naman ang mata ng butete. "What?! Sinong may sabi?"

"Wala, tinatanong lang kita kasi nagagwapuhan ka kamo sa kanya, hindi ba? Huwag kang defensive," nakanguso kong saad.

"Eww, Kenshane Guieco! Kailan ka pa natutong maging pabebe? Tsaka porke't nagagwapuhan lang, may gusto na agad? Napakapayapa ng gabi ko, Shane, ginugulo mo lang."

"So, uulitin ko, may gusto ka o wala?" paninigurado ko pa.

"Wala," tanggi niya naman. May diin pa iyon.

"Sure?" pangungulit ko pa.

Isang marahas na buntonghininga ang ibinigay nito sa akin. "Oo nga, haduf 'to! Namomoblema na nga ako sa hypothesis ng thesis ko, dinadagdagan mo pa! Sa'yong-sa'yo na si Faller Coleman. Kahit ikulong mo pa siya diyan sa jar ng stick-o mo."

"Wala ka talagang gusto? Ayokong may karibal ako. Hindi magandang ideya iyon, Gabriella Perrer. Sinasabi ko sa'yo, gagawin ko ang lahat para masira ang buhay mo para mapasa'kin lang si Faller."

'Katulad ng kung paano ko sinira ang buhay ng ex-boyfriend at ex-best friend ko.'

Nanlaki naman ang mga mata nito.

"What? Wait... May gusto ka kay Faller, Kenshane? Agad-agad? Right now, right here? Paano? I mean, akala ko ba ayaw mo sa gano'ng ka-ek-ekan."

"Uhmm... Sinabi ko nga iyon 10 minutes ago pero walang masama kung magbago ang prinsipyo ko, 'no? Ihip nga ng hangin ay nagbabago, isip pa kaya ng tao? Shocks! Ang gwapo niya kasi!"

"Luh?! Nakakatakot ka palang maging maharot. May pa-intro-introvert ka pang nalalaman, eh may itinatago pa naman palang kaharutan."

"Aish, this bitch," asik ko sabay labas sa flat nito. Bitbit ko pa rin ang jar ng stick-o.

'Oh my god! I think I got a falling star for real tonight.'

"Oh, Fall! I already fool in love with you!" Sambit ko nang maalala ang movie na pinanuod ko pa lang kagabi, Fool In Love ang title.

I think ito na talaga 'yon, eh. Humiling ako ng falling star tapos isang gwapong Faller ang bumalandra sa harapan ko.

'Oh my, oh my, Faller!'

"Hey!" tawag sa akin ni Marciella. Kasama niya rin si Faller. "Bakit wala ka kanina sa orientation?" usisa pa nito sa seryosong tono at aaminin kong medyo naiilang din ako sa babaeng ito.

"Ah, dumiretso kasi ako ng misyon pagkarating na pagkarating ko galing school. Sorry," paumanhin ko kaagad sa Prime Leader namin. Magkaiba talaga ang personality nila ni Gabriella. Parang tubig at langis. Hindi puwedeng pagsamahin.

"This is Faller Coleman, bagong recruit ng Guieco Clan. He's one year older than us. "

Napatango-tango na lang ako at iniwasang makasalubong ng tingin ang lalaki.

"Ah, prime agent din ba siya?" usisa ko naman. Mas mataas ang Prime Agents kumpara sa Junior at Senior Agents. Pumapangalawa kami sa Pioneers ng clan na ito.

"Magsisimula ang training niya bukas para maging ganap siyang PA."

'Right, parang nabanggit pala ni Gab iyon kanina, tsk.'

Kaagad kong inilingkis ang aking kamay sa braso ni Marciella at bahagya siyang hinila papalayo kay Faller. Halata ring nagulat ito sa naging akto ko.

Hindi kasi talaga ako mahilig makipagsalamuha sa kanila simula nang makabalik ako rito. Para bang allergy ako sa presensiya nilang lahat. Hindi ko rin alam kung bakit naging gano'n ako simula nang lokohin ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko. Feeling ko lahat ng mapapalapit sa akin ay gano'n at gano'n lang din ang gagawin.

'Maliban na lang kay Faller Coleman. Iba siya sa lahat. Ako pa nga ang nakagawa ng masama sa kanya, eh.'

"What's wrong with you?" takang tanong nito.

Ngumisi naman ako. "Pwede bang ako ang mag-train kay Faller?"

Kaagad ako nitong tinaasan ng kilay at inalis ang kamay ko sa kanyang braso. Napabusangot naman ako dahil paniguradong hindi siya papayag sa pakiusap ko.

"You? Are you sure? Aren't you in the experiment department?"

"Yes, but..."

"You do know how challenging the PA training is, right?"

Hindi na ako sumagot at napasinghap na lang. Nang nilingon ko si Faller ay nakita kong nasa kalangitan lang din ang kanyang tingin at tila malalim ang iniisip.

"Hindi pwedeng ikaw ang mag-train sa kanya pero puwede kang pumasok ng training area para alalayan siya kung sakali."

Nanlaki naman ang aking mga mata at ngumiti nang malapad. "Thank you, Marciella Perrer! Ang bait mo naman pala, eh! Hindi ka naman pala pusong robot..." Natakpan ko ang aking bibig para pigilan ang aking sariling ituloy ang aking linya pero mukhang huli na ang lahat.

"Pusong robot? Sinong may sabi sa'yo niyan?" nanliliit ang kanyang mga matang tanong.

"A-ahh, si Kuya Ashmer! Tama, si Kuya Ashmer nga," panlalaglag ko pa sa favorite cousin ko. Ang rinig ko kasi ay best friend silang dalawa kaya okay lang kung ipahamak ko siya sa babaeng ito.

"Ang ano?" Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napalunok ako nang makita si Kuya Ashmer.

"Ah, bye! Ililibot ko na lang sa camp si Faller!" sabi ko pa para malusutan silang dalawa.

Kaagad kong nilapitan si Faller at hinila papalayo sa dalawa. Huminto lang ako nang nasa field na kami. Binawi niya naman ang kanyang kamay na hawak ko pala.

"Ah, sorry," paumanhin ko at niyakap na lang ang jar na nasa kamay ko pa pala. "Natakot lang ako sa dalawang iyon. Kung hindi mo pa alam ay sila ang mga robot dito sa camp na ito. Si Kuya Ashmer ang big boss at si Marciella ang Prime Leader natin..."

"Alam ko na. Nasabi na rin sa orientation kanina," pamumutol niya pa sa sasabihin ko.

"Ah, oo nga pala," sabi ko na lang at alanganing tumawa. "Pasensiya naman, nakalimutan ko, eh. Bakit kasi hindi ako nakaabot ng orientation para nalaman ko sana kung ano ang alam at hindi mo pa alam, 'di ba?"

"Alam ko na ang lahat." May diin pa ang kanyang pagkakasabi sa salitang 'lahat' kaya pakiramdam ko tuloy ay hindi lang iyon tungkol sa Guieco Clan.

"Ahh. Okay."

"May sasabihin ka pa?" kaswal niyang tanong.

"Wala na," tugon ko rin. "May bar dito, gusto mo bang pumunta..."

"No, thanks."

"Okay."

"Gusto ko ng magpahinga," deklara niya sa walang emosyong tono.

"Ah, okay. Magpahinga ka na." Iyon na lang ang nasabi ko.

Pinigilan kong mapabusangot. Alam na alam ko naman ang kanyang rason kung bakit parang ilag siya sa akin pero hindi ko maiwasang madismaya sa kanyang pakikitungo sa akin. Sana ay hindi ko na lang uli siya nakita pa.

Aish, you and your rotten attitude, Kenshane. Ikaw na nga itong may atraso sa lalaking ito, eh. Mahiya ka naman sa balat mo!

Pilit akong ngumiti dahil sa panenermon ng sarili kong utak. "Goodluck sa training mo bukas."

"How about you? Hindi ka pa ba magpapahinga?"

Para namang kiniliti ang dibdib ko dahil sa kanyang tanong. Malapad ang ngiting ibinigay ko sa kanya.

"Hindi pa, kailangan ko pang tapusin ang thesis ko, eh. Oh! Hindi ba at graduate ka na rin?" pangugumpirma ko pa nang maalalang ahead ito ng one year sa akin. Hindi na nga lang ako naka-attend ng graduation ceremony niya dahil bumalik na ako ng Pilipinas.

Muli na naman akong nakaramdam ng pagka-guilty. Habang buhay ko na rin sigurong mararamdaman ang ganito.

"Yeah."

"So, teacher ka na? Hindi ba at BSED din ang course mo?"

"Yeah."

"Pasado ka na rin ba?"

"Yeah."

"Wow! Congratulations. Magtuturo ka rin ba dito sa Pilipinas o magfu-full time agent ka?"

"The first one."

"Really?" Hindi naman siya sumagot na. "How about sa MHIS ka mag-apply. Doon ang target naming lahat once na maka-graduate at makapasa kami sa LET."

"I see."

Halata namang napipilitan lang siyang sumagot kaya ngiti na lang uli ang ibinigay ko sa kanya.

"Sige na, magpahinga ka na para may sapat na lakas ka sa training mo bukas. Pupunta ako ng training ground after school."

Tumango lang siya at walang lingong-likod na tinalikuran ako.

I gazed up at the sky, watching as stars slowly emerged. Half of the moon was also visible.

My heart seems to weep silently once more. I feel deep remorse for him. I comprehend why he gazes blankly and speaks with an emotionless tone when addressing me.

I'm aware that he's been broken and wounded because of the seduction's game I initiated months ago, where I used him as a pawn.

I'm really sorry, Faller Coleman. I promise to make amends and help rebuild the heart I myself shattered.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status