Share

Chapter 3

Xyrica's POV :

“Teka kuya, may dalawang lalaki pong kukuha nitong boxes na nasa trunk. Sila na rin po ang magbabayad sa iyo,” sabi ko sa driver at pumasok na sa loob ng bahay.

“I'm home,” sabi ko.

Pagkapasok ko sa bahay ay amoy scented candles na. Walang mga basurang nagkakalat, pati mga alikabok ay natanggal na rin. Bumungad din sa aking harapan si Michiaki na shirtless.

“Saan na ang mga pinamili mo Xyrica?” Tanong ni Michiaki.

“I was about to call you guys. Alver at Kris, pakikuha naman ng mga pinamili ko. Nasa trunk ng Uber na na-booked ko,” sabi ko. Kinuha ko ang wallet na nasa bag ko at binigyan sila ng five-thousand. “Ibigay ninyo ito sa Uber driver at huwag ninyong kalimutang magpasalamat sa kanya.”

“Masusunod po, master!” Sabi ni Alver at nagsalute pa.

“Yes, master!” Sabi naman ni Kris at sinunod ang action ni Alver.

Mapapailing nalang talaga ako sa mga lalaking ito. Kahit naiinis ako sa kanila at minsan gusto ko nalang silang bitayin ay mahal ko naman sila.

“Xyrica, malinis na ang kusina. Buti dumating kana kasi nagugutom na talaga kami,” excited na sabi ni Yuan na shirtless din.

“I might say, you did a job well done kasi na organize ninyo ang mga magazines. Wala na ring mga boxes ng pizza or bottles of alcohol. But why are you guys shirtless? Just because you're inside that doesn't mean I'm allowing you to be shirtless,” sabi ko.

“Okay, fine. Just chill your highness,” sabi ni Michiaki tapos hinablot niya si Yuan sa braso at pinapasok sa kwarto para magbihis.

“I should chill, kung hindi lang sana kayo nagbibigay ng stress sa akin edi sana masaya tayong lahat ngayon,” sabi ko.

“Natapos na namin ang buong bahay, Xyrica. Ano ba ang lulutuin mo?” Tanong ni Allen.

Umupo ako sa sofa kasama nina Warren at Jhin sabay sabing, “Kayo ba? Ano ang gusto ninyong kainin?”

Nagkatitigan sina Allen, JL, Warren, Klent at Jhin.

“What did we miss?” Tanong ni Michiaki sa amin.

“Ano ba ang gusto ninyong kainin?” Tanong ko sa dalawa.

“Let's make Xyrica decide, guys. Alam kong nagugutom na kayo pero kung magdedemand tayo sa mga gusto natin ay mapapagod si Xyrica. Siya pa naman ang bumili ng groceries natin ngayon,” sabi ni Michiaki at pumayag naman silang lahat.

“Xyrica, saan ba namin pwedeng ilagay ito?” Tanong ni Kris.

“Sa kusina ninyo ilagay Kris,” sabi ko sabay turo kung saan tapos tinignan sina Michiaki. “At kayo, tulungan ninyo sina Alver sa mga binili ko. I want you guys to arrange everything I bought to where it belongs.”

Nagtungo kaming lahat sa kusina. Kasi aayusin nina Michiaki ang pinamili ko and I would prepare the ingredients for the viand. I was thinking of cooking chicken stew kasi alam kong paborito nilang lahat ito.

“Do you need help in cooking the food?” Tanong ni Michiaki.

I pointed at rice cooker then said, “One of you should cook the rice. Medyo damihan ninyo kasi alam kong nagugutom kayo.”

“I believe it's my schedule to cook the rice today,” sabi ni Jhin na napakamot sa sabot.

“You better do it right,” natatawang sabi ni JL.

“I remember the last time Jhin was tasked to cook the rice. It was, how should we say it in a nice way... underwhelming.” Klent the burst laughing together with Yuan and Kris.

“Hoy, tinuruan na ako ni Xyrica kaya medyo alam ko na kung paano. Tsaka ang tinatawag ninyong last time ay first time ko,” defend ni Jhin sa sarili.

“Go Jhin, show them what you got!” I said in a very motivational voice.

“We'll be the judge of that,” confident na sabi ni JL.

After the boys arranged all the things I've bought ay nagpunta na muna sila sa living room at nanuod ng Netflix. Habang ako naman ay nagprepare na sa mga kakailanganin sa pagluto.

“Where did you guys put the knife? Sa pagkakaalam ko, inilagay ko sa isa sa mga drawers ang kutsilyo pero bakit wala rito?” Tanong ko.

“Aba, malay ko. Sina Yuan, JL at Allen ang in-charge rito kanina sa paglilinis. Habang si Michiaki, Alver at ako naman ang in-charge sa living room. Sina Klent, Warren at Kris naman sa mga rooms at banyo kaya napadali ang paglilinis kasi hinati ni Michiaki ang grupo,” sabi ni Jhin na hinuhugasan pa lang ang bigas.

Nagtungo ako sa living room para itanong sa kanila kung nasaan ang kutsilyo kasi paano ko mahihiwa ang mga ingredients kung wala ito.

“I think she's crazy enough to leave her,” boses ni Yuan.

“Bakit siya ang sinisisi mo, e sinusunod niya lang naman ang script!” boses ni Alver na halatang dinidepensa ang actress.

I cleared my throat then asked, “Has anyone seen a knife? It's been missing in the kitchen drawers.”

They lowered the volume of the television then they all looked at me as if they haven't heard me the first time.

So I asked again, “I said, ‘Has anyone seen a knife? It's been missing in the kitchen drawers.’ Apparently, nine guys were too careless to lose an important thing in making food and without it I think you guys will eat biscuits.”

Their looks are as guilty as a prisoner who was sentenced to life imprisonment. As usual, Michiaki stepped in.

“Ha? Ah, eh kasi, ganito kasi ang nangyari, Xyrica—” Sabi niya habang nakatitig sa sahig.

“Where is the knife? Just please, please... don't give me lame excuses.” Pagputol ko sa sasabihin niya.

“We kinda threw it away kasi hindi na malinis!” Mabilis na sabi ni Michiaki. Dinaig niya pa si Eminem sa sinabi niya, hindi kasi humihinga.

Nabigla ako sa sinabi ni Michiaki at parang nabingi ako sa rason niya kaya napatanong ako, “Pardon me?”

“I think, I just think that there were a few things we threw away because it was dirty. I also think the knife was one of them,” sabi ni Michiaki na hindi pa rin nakatitig sa akin.

“Do you even know how much that knife costs? It was from France, for Heaven's sake. Hindi man lang ba ninyo naisip na  hugasan iyon para malinis na ulit?” Gigil na sabi ko.

“We're sorry, Xyrica. Hindi na talaga mangyayari ulit,” sabi ni Michiaki.

Tumingin sa akin si Alver sabay sabing, “Please, calm down.”

I sighed the said, “You know what? There were times when I wonder about the things you would do if I'm not around. I think now... I know.”

“Para namang nagpapaalam kana sa amin,” sabi ni Michiaki.

“I might leave you guys, one day. Who knows?” Simpleng sabi ko.

“Would you really?” Tanong ni Kris.

“You don't mean that, right?” Sabi naman ni JL.

“I'm not kidding. Besides, I don't know my schedules yet. You will be the first to know if I ever made up my mind,” sabi ko.

“Don't be like that...” Sabi ni Allen.

I just smiled then moved closer to Michiaki and asked, “Can I please borrow one of your daggers?”

“There's no freaking way you'll use my dagger in cooking!” Protesta ni Michiaki.

Alam kong hindi talaga siya papayag kasi mahal niya ang mga daggers niya. Just like how I treat my car, he treats his dagger very well.

“Sino ba ang may kasalanan kung bakit nawala ang kutsilyo rito? Diba kayo lang din naman kasi mga tamad kayong maghugas. I need you to choose, biscuits ang kakainin ninyo from breakfast to lunch o ipapahiram mo sa akin ang dagger mo?” Nakacross-arm kong sabi.

“Come on, dude. Ipahiram mo kay Xyrica kahit isa lang. Ang dami-dami ng dagger mo pero ang damot-damot mo naman,” sabi ni Allen.

“Dapat kasi nag-order nalang tayo ng pagkain kanina pero ano nga ulit ang sinabi mo sa amin Michiaki? Baka nakakalimutan mong pinagbawalan mo kami,” sabi ni Yuan.

“Ipahiram mo na, nagutom na kami!” Naiinip na sabi ni JL.

“No, you can't change my mind!” Protesta ni Michiaki.

“It seems that hindi ako makakapagluto ng chicken stew ngayon,” sabi ko.

“Ha, bakit?” Dismayadong tanong ni Warren.

“Is the house not clean enough for you? We can clean it more,” sabi ni Kris.

“What's wrong, Xyrica?” Tanong ni Yuan.

I smirked then said, “Why are you asking me? Diba nga ako pa ang dapat magtanong sa inyo kung nasaan ang kutsilyo para maumpisahan ko na ang pagluluto? You know what? You should ask Michiaki, it seems na okay lang sa kanya na magutom kayo.”

Pagkatapos ay iniwan ko na sila sa living room at lumabas ng bahay.

Michiaki's POV :

“Let Xyrica borrow your dagger,” sabi ni Klent.

“What's wrong with you Michiaki?” Tanong ni Alver.

“I'm freaking hungry. Please let us borrow your dagger,” Kris whined like a baby.

I groaned then said, “It's not my fault na nawala ang kutsilyo kasi si Warren naman ang nagtapon ng kutsilyo sa basurahan. And Yuan didn't want to pick it up kasi nandidiri siya so bakit kasalanan ko pa kung nagugutom kayo?”

“Teka nga, nag-agree naman kayo sa sinabi ko na itapon nalang diba?” Depensa ni Warren.

“Tsaka hindi ko naman kasalanan kong ayaw kong pulutin ang kutsilyo na nasa basurahan na. Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa noon, Michiaki? Ikaw naman ang nag-utos sa akin,” Depensa rin ni Yuan.

“Michiaki, please... there are dozens of daggers to choose from. We only want one,” sabi ni Jhin.

“Let's just buy one,” sabi ni Klent.

Yes, saved by Klent. Thank you.

“There's no time. Xyrica might change her mind,” sabi ni JL.

Well, damn you JL.

Lumapit sa akin si Alver at sinabing, “Michiaki, gamitin na natin ang dagger mo. Bilis, amin na.”

Umiling ako at sinabing, “No way, that's the most horrible idea I've ever heard.”

“Well, right now it's the most sane idea ever. Tsaka madali naman kaming kausap kasi kung ayaw mo edi we'll take it by force,” sabi ni Warren tapos tumakbo papunta sa kwarto ko.

Sinundan ko siya at nagtungo sa kwarto ko. Blocking the entrance.

“I'll literally kill you if you'll take one of my collections!” Warning ko kay Warren.

“I'm not scared kasi ang importante, busog kami. Mag-isa ka lang at marami kami,” sabi ni Warren at nagsidatingan ang iba.

“Just let us borrow one of your dagger and let Xyrica cook the chicken stew,” sabi ni Kris at hinawakan ang kabila kong kamay.

“Easy for you to say. It'll be okay for me kung mamatay man tayo sa gutom kesa kunin ninyo ang isa sa mga collections ko,” sabi ko, still guarding the door.

“You're being childish, dude. Ibabalik naman namin e,” sabi ni Klent, na nakahawak sa paa ko.

“What's all of this ruckus?” Tanong ni Xyrica.

Napatingin kaming lahat kay Xyrica, may dalang paper bag at tinitigan kami isa-isa.

“Hihiramin namin ang dagger ni Michiaki. Nagugutom na kasi kami,” sabi ni Allen.

“Xyrica naman kasi... iba nalang, kahit pizza nalang at ako ang magbabayad!” Pagmamakaawang sabi ko.

She rolled her eyes then said, “Shut it already. Kakabili ko lang ng bago and are you happy now?”

Xyrica then headed to the kitchen, kaya pala bigla nalang siyang lumabas sa kusina kasi bumili siya ng bago.

“Let go of me, jerks!” Pagpupumiglas na sabi ko.

Binatukan ko sila isa-isa at pumunta sa kusina para tulungan si Xyrica.

Xyrica's POV :

Kinuha ko sa refrigerator ang mga naprepare kong ingredients pagkatapos kong hugasan ang kutsilyo.

“Xyrica,” tawag ni Michiaki.

“What is it?” Tanong ko.

“Wala naman,” sabi niya.

“What I did wasn't for free because someday you'll have to grant me a favor. You're welcome,” sabi ko.

“Huwag mo kaming iiwan ha?” Sabi niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko, tumingin sa kanya at sinabing, “What are you talking about? Please, stop being so weird.”

“It just feels like you're leaving us,” sabi niya.

I looked at him dearly and said,“I know you mean no harm but let me handle everything that's been going on in my life. Alam mong may choice ako Michiaki. I haven't decided anything yet... you should go, I got everything under control here. I'll call you once the food is ready.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status