Share

Chapter 306

Allen’s POV:

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.

Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.

Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.

“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status