CHAPTER 4
Xyrica's POV :
Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko sina Michiaki para ihanda ang mesa ng pagkakainan. Nauna naman ang iba sa paghuhugas ng kanilang mga kamay at umupo sa pwesto nila habang ang iba ay kinuha ang mga plato at baso na gagamitin. Matitino naman ang mga lalaking ito pero bago pa man ay dapat magalit muna ako.
“Here's your brunch. I hope you will like it kasi pinaghirapan kong lutuin ito,” sabi ko sa kanila at inilapag ang chicken stew sa lamesa.
“Buti naman at makakakain na kami. Salamat Xyrica,” masayang sabi ni Klent, nauna pa siyang kumuha ng kanin sa kanilang lahat.
“Hindi naman siguro halatang gutom diba?” pabirong sabi ni Jhin.
“How is the rice?” Tanong ko sa kanilang lahat. Gusto kong malaman kung may natutunan ba talaga sa Jhin sa akin.
“Okay naman Xyrica,” sabi ni Kris sabay thumbs up.
“Hindi na gaya ng dati,” sabi ni Allen.
“Pwede na,” simpleng komento ni Yuan.
Napatigil si Jhin sa pagnguya ng pagkain at nilunok ito gamit ang isang baso ng tubig. “Hoy, grabe kayo. Pinaghirapan kong lutuin ang kanin tapos napakasimple lang ng sasabihin ninyo. Ibalik ninyo ang rice sa rice cooker, mga walang hiya!”
“Buti nga hindi pa sumasakit ang tiyan namin ngayon habang kumakain kaya sinasabi naming okay lang,” natatawang sabi ni Warren.
“Tama na nga iyan, baka kung saan pa umabot ang pang-aasar ninyo kay Jhin. Aminin na natin na may improvement naman talaga si Jhin kahit napakadali lang magsaing. If you think about it… without Xyrica and Jhin ay hindi ko na alam kung ano ang agahang kakainin natin ngayon,” natatawang sabi ni Michiaki.
Hindi ko naman masisisi si Jhin kasi sila na ang nagsabi na lumaki silang lahat na may maid na nakabuntot. Hindi gaya ko na kahit may isang maid sina lolo at lola, ginusto pa rin nila na matuto ako sa mga gawaing bahay. Malaking tulong ang pagdedesiplina nila sa akin kasi hindi ko naman naisip noon na pwede nila akong iwan sa napakaagang panahon.
Alver cleared his throat like he wants to tell us something at dahilan para tumingin ang lahat sa kanya para makinig, “Michiaki is right, we should be grateful kasi nag-volunteer sa pagsasaing si Jhin at nagluto ng ulam si Xyrica. Kasi kung iisipin ninyo, halos lahat sa atin ay tamad at hindi naman tayo pwedeng umasa palagi kay Xyrica. What if Xyrica gets tired of us? Ano nalang ang gagawin natin?”
Napakadrama ni Alver ngayon pero may point naman siya, minsan kasi nakakasawang maging ina ng grupo. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko o nagiging spoil na ba sila dahil sa akin.
Natahimik ang lahat at napahinto sa pagkain. Sabay-sabay silang tumingin sa akin na para bang hinihintay nila ang opinyon ko.
“You wouldn’t leave us, would you?” Tanong ni Michiaki.
I shrugged, then they gave me a sharp look as if they are trying to read my mind.
“Will you guys stop staring at me kasi nakakailang ang mga titig ninyo. Kahit maghapon pa ninyo akong titigan ay wala kayong mapapala sa akin,” sabi ko.
“Ikaw kasi Alver, kung ano-ano ang iniisip mong kalokohan. Alam kong hindi magagawa ni Xyrica ang iwan tayo,” sabi ni JL.
They continued eating after hearing what JL said because they somewhat felt relieved. And for some reason ay nakokonsensya ako kasi may balak naman talaga akong iwan sila but it doesn’t mean I’m not friends with them anymore.
“By the way, have you seen my other phone? Hindi ko kasi mahanap ang isang phone ko at baka nasa bahay lang. Hahanapin ko nalang mamaya kapag nakauwi ako ng maaga,” sabi ko.
“Nasa kwarto ni Michiaki,”
sabi ni Kris.“Nasa bedside table ko, gusto mo bang kunin ko?” Tanong ni Michiaki.
Umiling ako tapos ngumiti. “Let me get it, just continue eating your brunch. Pagkatapos ninyong kumain ay maligo na kayo at magbihis kasi gagala tayo ngayon.”
“Where are we going at this time of the day?” Tanong ni Yuan.
“I’ve been thinking about celebrating my victory with you guys. Since umalis ako ng maaga kahapon at may isa sa inyo na hindi nagpunta kahapon para suportahan ako…” Diniinan ko ang salitang isa at tinignan si Allen.
“What? Nagpaalam naman ako kay Michiaki kahapon kasi may meeting ako with a V.I.P client sa club at ayaw ko namang ipahiya ang pangalan ng club ko. It was a last minute call,” pagrarason ni Allen.
I gave Allen an intense look then said, “You should know your priorities in life, Allen. As a friend, you’re hurting my feelings.”
Allen looked at Michiaki. “I thought you told her?”
Napakamot ng batok si Michiaki. “I was about to tell her pero nagalit siya kahapon at umalis nalang na walang paalam. Alam mo manang mahirap kausapin si Xyrica kapag galit, diba?”
“Are you being serious right now?” I asked. “You’re gossiping in front of me at ako pa talaga ang paksa ninyo. Hindi na kayo nahiya sa akin?”
Tumawa silang lahat, hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako kasi totoo naman ang sinasabi ni Michiaki.
“Kung alam mo lang Xyrica… nakakatakot kang magalit. Naaalala mo pa ang ginawa mo kay Warren noong nakaraang buwan? Diba nga ginupitan mo ng butas ang lahat ng pantalon at t-shirts niya kasi ginalit ka niya?” Sabi ni Klent.
“Who’s fault was that? Tsaka sino ba namang matinong tao ang mag-iisip na bigyan ako ng kape na may halong tuyo? Nakakatuwa ba iyon?” Sarkastiko kong sabi.
“See? Naiinis kana naman,” natatawang sabi ni Jhin.
“Whatever. Basta ang gusto ko ay bumawi ka ngayon Allen at hindi ako tatanggap ng kahit anomang rason ngayon,” sabi ko at nagpaalam sa kanila na aalis muna ako kasi kukunin ko ang extra phone na nasa kwarto ni Michiaki.
-
I can’t believe how spotless Michiaki’s room is. Looking at his collections of dagger hanging on the wall, I can see my reflection through the blades. I looked across the room and went straight to Michiaki’s bed then lay down. I tried reaching out for my phone to where Michiaki said he put it then after I successfully grabbed it ay tinignan ko ang notifications.
“Whose number is this?” I asked myself as I am looking at the twenty-five miscalls from an unknown number.
Imposible naman na sina Michiaki kasi naka-save na ang phone number nila at hindi naman ako ang tipo na binibigay ang number kahit kanino so sino kaya ito? Gusto ko sanang itanong sa caller kung sino siya pero baka spam lang, hindi bale na. Kung tatawag ulit, tsaka ko nalang sasagutin.
“Oh, speaking of the devil…” Sabi ko. “paano nalaman ng taong ito ang iniisip ko at tumawag nalang ng wala pang limang minuto.”
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinitignan ang phone ko. “Should I answer it? Baka scam lang o kaya ay wrong number.” I ended the call.
Malalaman ko kung scam ba talaga o hindi. Usually ang mga scam calls ay hindi na tumatawag after pero kung tumawag man ulit, ibig sabihin nito ay importante ang tawag. Napatingin ulit ako sa phone ko at ito na nga, tumatawag ulit.
Sinagot ko ang tawag, “Hello, who is this?”
“Hello, can I speak to Xyrica Dela Vega?” Sabi ng isang lalaki sa kabilang linya.
“Yes, speaking. Who's this?” Tanong ko.
“Hello, miss Dela Vega. Let me introduce myself again, I'm Cyborg Demsford from Gang-Ku-Fia Academy. Remember me? I approach you kanila sa mall kaso parang nagmamadali ka,” sabi niya.
Oh, the curly-haired guy pero paano na nalaman ang number ko?
“You’re that annoying guy kanina sa mall. Diba sabi ko naman sayo na nagsasayang ka lang ng oras kasi maling tao ang nilapitan mo,” sabi ko.
“Can I at least talk about why I’m approaching you?” Tanong niya.
“Well, alam mo ang number ko at hindi na ako magtataka kung alam mo na rin ang personal background ko. Stalker ba kita?” Tanong ko.
Narinig kong napaubo siya, nabigla yata sa sinabi ko. Pero totoo naman ang sinasabi ko, he should consider himself a stalker.
“I’m not your stalker miss Dela Vega. I’m from the famous Gang-Ku-Fia Academy. Our dean, I mean… we want you to be part of us because you're capable of something.
You’re unique and I know that you can help us,” sabi niya.“You know mister Demsford, you should consider yourself a stalker.
Tsaka wala akong panahon sa mga ganyan, okay? You’re just wasting your time as well as my time kasi hindi ako interesado sa mga pinagsasasabi mo. I don’t know kung marami ka lang talagang connections para makuha ang number ko pero pwede bang tigilan mo nalang ako?” After what I said, I ended the call. Inilapag ko ang phone sa side table at humiga ulit.Why should I care about their academy? Wala sa academy nila ang kailangan ko kung hindi nasa Gangster Academy. Hindi ako nagpapakahirap sungkitin ang titulo ko para lang sa huli ay maiba ang plano ko.
I was about to close my eyes when I heard multiple knocks on the door. Natapos na nga ang tawag, nakakairita na naman ang katok sa pinto. Bumangon nalang ako at binuksan ito. Si Michiaki pala, akala ko kung sino.
“Hindi naman lock ang pinto, bakit ka pa kumatok?” Tanong ko.
“Baka kasi may importante kang ginagawa, I was just making sure. Tsaka saan ba tayo pupunta?” Tanong niya.
Nagtungo ulit ako sa kama niya at humiga, para mag-stretch ng likod. “Kayo ba? Saan ninyo gustong pumunta?”
Umupo sa gilid si Michiaki at nilapag ang phone niya sa bedside table. “Suggestion nina Warren sa club daw ni-”
“No.” Pagputol ko sa sasabihin ni Michiaki kasi sa club na naman ni Allen pupunta ang mga ito.
“Why?” Hindi makapangiwalang tanong niya. “Pero kasi-”
“Xyrica, bakit ayaw mo sa Club ko?” Tanong ni Allen na kakarating lang at tinabihan si Michiaki.
I sat across them and said, “I know you guys too well. Well enough to know na masiyado kayong flirty at pervert sa mga babae. And I’m not even talking about Michiaki and the others, I’m talking about you and Warren.”
“Xyrica naman, masakit iyon ha? Hindi ko naman sinasabing hindi totoo pero grabe ka naman,” sabi ni Allen sabay hawak sa dibdib niya at kunyaring na heart attack.
Tinulungan naman siya ni Michiaki at pinaypayan pa.
“Magsama kayong dalawa mga baliw. Pahiram muna ng kwarto mo Michiaki. Tsaka umalis na muna kayong dalawa,” sabi ko sabay hila sa kanilang dalawa palabas ng kwarto.
“Xyrica naman, joke lang iyon.
Huwag kang magalit. Gusto mo bang pumunta tayo sa arcade?” Sabi ni Michiaki at gumagawa ng paraan para hindi makalabas ng kwarto.“Xyrica, promise namin sa iyo ay magpapakabait kami habang nasa arcade tayo o kung saan mo pa gustong pumunta.
Michiaki and I will make sure na tutupad sa rules ang iba,” sabi ni Allen.“Pakisabi sa kanila na
maligo na at magbihis kasi ngayon tayo aalis,” sabi ko at binitiwan na silang dalawa.“Nasa kwarto ko ang mga damit ko Xyrica, ano na lang ang susuotin ko kung hindi mo ako papayagang pumasok sa loob?” Tanong ni Michiaki.
“Kunin mo na ang kailangan mo sa loob pero sa banyo ka nalang ni Allen maligo tutal lalaki naman kayo pareho. Bilis na,” sabi ko at bumalik sa pgakakahiga. “Pakisara na rin ng pinto pagkaalis mo.”
-
Pagkatapos ng mahigit isang oras na paghahanda ay nakarating din kami sa mall. Kakababa ko lang dahil medyo nahirapan ako sa paghahanap ng parking spot, hinintay ko nalang sina Michiaki na makahanap din ng pwesto nila. Mabuti nalang at nasa mall kami kasi maraming pagpipiliang gawin dito. May karaoke, bowling ally, ice skating, may arcade and I think may mini golf sa third floor. Hindi lang halata sa mga mukha ng mga lalaking ito pero gusto talaga nilang maglaro.
“Where do you want to go first?” Tanong ko sa kanila pagkatapos kong makita na kompleto na grupo.
“Let’s go shopping!” Excited na sabi ni Yuan.
Hindi naman bakla si Yuan pero gusto niya talagang magshopping. Swerte siguro ang magiging girlfriend nito kasi ito na kaagad ang magyayaya sa girlfriend niya. Tsaka masyado siyang gwapo para maging bakla.
(The continuation) Xyrica's POV: “Okay ba sa inyo?”Tanong ko. Theyall agreed na unahin muna ang gusto ni Yuan kasi siya naman ang naunang mag-suggest. Kaya pumasok na kami sa mall. And guess what? Sa isang shoe store kaagad kami nagpunta. “Pwede bang dito nalang tumira?”Masayang tanongni Yuan sabay takbo palapit sa sapatos na nagustuhan niya.“I think I’m inlove.” Klase-klaseng designer shoes ang nasa store na ito. May nakikita akong brands na Lanvin, Balenciaga, Salvatore Ferragamo, Salomon, Dolce & Gabbana, Gucci, Alexander McQUEEN, Giuseppe Zanotti, Vince at syempre hinding hindi mawawala ang Nike. Ang pinakama
CHAPTER 6 Xyrica’s POV: Si Michiaki ang naatasang bumili ng mga tickets namin, sina Jhin at JL naman ang naatasang bumili ng snacks. “Maganda kaya ang napili nating movie?” Tanong ni Alver. Tinitignan ni Kris ang poster ng palabas at sinabing, “Maganda siguro… pero hindi na bale, may snacks naman na tayo kaya okay lang.” “Maganda naman ang reviews ng palabas kasi nasa 93% ang rotten tomatoes. Kaka-search ko lang kasi just in case,” sabi ni Warren habang nakatingin sa phone at ibinigay kay Allen para makita naman nila. I don’t know why but somehow my mind is not with them. Iba ang sinasabi nila sa iniisip ko ngayon at ito ay tungkol kay mister Demsford. Naiinis pa rin ako pero kailangan kong kumalma at maging masaya sa harap ng mga kaibigan ko. “Xyrica, wha
(The Continuation)Xyrica's POV :The day ended and it left me exhausted. Pagkatapos naming makaalis sa Police Station ay nagpunta kami sa mall gamit ang grab kasi naiwan ang mga sasakyan namin doon. Kahit na inaya na ako nina Michiaki na sa bahay nila matulog ay nagpumilit akong umuwi rito.Hindi ko akalaing muntik na kaming makulong dahil lang sa mga lalaking nasaktan ang ego. Sana hindi na nila uulitin pa ang ginawa nilang kabobohan dahil hindi lang iyon ang aabutin nila sa akin.“I wish you were here with me kasi kayo ang isa sa mga kakampi ko sa buhay,” sabi ko while looking at the picture I’m holding.It was me and my grandparents and the picture was taken four years ago. This was the time when we visited the Enchanted Cave at Pangasinan, we were so happy back then na kahit wala akong mga magulang ay okay lang kasi nasa tabi ko naman ang lolo&rsquo
Xyrica’s POV:I can’t believe it that after all this time ay may secret room pala kami rito sa bahay. Tsaka hindi ko rin inakala na makikita ko rito ang ginawa nina lolo at lola bago sila pumanaw.“Mister Demsford, are you seeing this?” Hindi makapaniwalang tanong ko.He nodded in awe as an answer.“Don’t tell anyone about this,” nag-aalalang sabi ko.Lumapit siya sa malaking board tapos tumingin sa akin at sinabing, “I promise, I won’t. Pero miss Dela Vega, first time mo ba talagang makita ito?”This room looks like an investigation room. The place is full of pictures of unknown people and I can also see the picture of Gangster Academy. Somehow, it may be linked to where I came from and who I
Michiaki’s POV: Ilang araw na naming hindi nakikita si Xyrica kasi hindi niya na kami dinalaw. Ayaw niya naman na bumisita kami sa bahay niya kasi may ginagawa raw siya at ayaw naman sabihin kung ano. Nakakapagtaka lang kasi hindi naman siya ganoon dati tsaka nag-aalala na ang iba kong kasamahan baka raw may sakit si Xyrica. “Subukan kaya nating tawagan si Xyrica?” Allen suggested. Nandito kaming lahat sa sala ngayon, wala naman kaming ibang pinagkaabalahan kung hindi mag-isip ng rason kung ano ang ginagawa ni Xyrica. “Hindi naman siya galit sa atin, diba?” Nag-aalalang tanong ni Alver. I shook and said, “I doubt that’s the reason. We’ve asked her that a few days ago at sinabi niya lang na busy talaga siya.” “Try calling her again,
(The Continuation)Xyrica’s POV :After how many minutesay bumalik sila na may dalang mga gamit.“What is that?”Tanong ko sa kanila.“Bag para may malagyan ka ng mga gamit mo,”sabi ni Jhin at inilapag ito sa mesa.“Are you guys for real? Ano ba ang tingin ninyosa akin, kinakapos sa pera at walang pambili ng bag?” Hindi makapaniwalang tanong ko.“Ito naman ay galing sa akin,”sabi ni JL at ibibigay na sana sa akin ang dala niya.
Xyrica’s POV : “Stupid academy. Stupid people. Stupid everything,” naiinis na sabi ko sa sarili ko at sinipa ang isang maliit na bato na nakita ko. I’m really pissed right now. This is not about my ego but this is about my life and my truth. I’ve spent almost my life building a name and earning my fortune just to qualify myself for all of this, but with just one letter, all of this will be put in the trash. I have every right to be pissed off and cause a scene, I was not here to take their ‘no’ as an answer. “Can this night gets even worse?” Tinanong ko ulit ang sarili ko tapos tumingin sa langit. May narinig akong mga hakbang napapalapit sa akin, hindi ko na nilingon kasi alam kong si mister Demsford lang naman at naiinis pa rin ako sa kanya para kausapin siya. “I have some news for you
(THE CONTINUATION)Xyrica’s POV:Medyo may distansya sa pagitan namin ni mister Steinfeld kasi nauna siyang maglakad kesa sa amin ni mister Demsford. Ilang minuto na kaming naglalakad at hindi man lang sinabi ni mister Steinfeld kung saan kami pupunta at kung ano gagawin namin. Basta ang sinabi niya lang kanina ay sumama kami sa kanya.“Where do you think are we going?” Pabulong kong tanong kay mister Demsford. Sinigurado ko lang na kaming dalawa lang ang makakarinig ng pinag-uusapan namin.“Sa tingin ko sa field. Kadalasan kasi sa mga estudyanteng hindi nakapasok pero gustong-gusto talaga, kagaya mo, ay mabibigyan ng pagkakataong mapatunayan ang sarili. Kapag nakapasa ka sa test nila ay pwede nilang bawiin ang desisyong i-reject ka pero kung hindi… wala na talagang pag-asa,” pabulong na sagot ni mi