Share

Chapter 7

(The Continuation)

Xyrica's POV :

The day ended and it left me exhausted. Pagkatapos naming makaalis sa Police Station ay nagpunta kami sa mall gamit ang grab kasi naiwan ang mga sasakyan namin doon. Kahit na inaya na ako nina Michiaki na sa bahay nila matulog ay nagpumilit akong umuwi rito.

Hindi ko akalaing muntik na kaming makulong dahil lang sa mga lalaking nasaktan ang ego. Sana hindi na nila uulitin pa ang ginawa nilang kabobohan dahil hindi lang iyon ang aabutin nila sa akin.

“I wish you were here with me kasi kayo ang isa sa mga kakampi ko sa buhay,” sabi ko while looking at the picture I’m holding.

It was me and my grandparents and the picture was taken four years ago. This was the time when we visited the Enchanted Cave at Pangasinan, we were so happy back then na kahit wala akong mga magulang ay okay lang kasi nasa tabi ko naman ang lolo’t lola ko.

“Can you guys believe na nagawa nilang sirain ang araw namin nina Michiaki? Hindi kami nakapaglaro sa arcade or magkaraoke,” reklamo ko sa kanila kahit alam ko naman na hindi sila sasagot.

I put the picture down and I decided to get up. Even though I’m exhausted, I still don’t feel sleepy  so I decided to roam around the house.

I sighed then said, “I feel lonely now that I’m alone.”

Bababa na sana ako ng hagdan pero may naalala ako bigla. Naunang pumanaw si lolo at pagkalipas naman ng dalawang taon ay sumunod ang lola pero bago pa man siya namatay ay may hinabilin siya sa akin. Dali-dali akong nagpunta sa kwarto nina lolo at lola tapos sinuri ang isang malaki pero medyo malumang bookshelf nila.

“I know it’s hidden in here somewhere,” sabi ko at hinahanap ang librong sinabi ni lola.

I was too busy for wanting to build a title for myself kaya nakalimutan ko na ang sinabi ni lola. I was suddenly nervous and hoped that I’m not too late to search for it. I pulled every book that I can find in the bookshelf but nothing in happening nor there’s something inside, I’ve almost given up thinking I heard my grandmother wrong.

Napabuntong-hiniga ako at napaupo sa sahig sabay sabing, “Ang sabi mo kailangan kong hanapin ang isang black velvet book kasi naroon lahat ng naumpisahan ninyo ni lolo. Hindi mo man lang sinabi kung ano ang naumpisahan ninyo pero sinabi mo lang na kapag nakita ko na ito ay dapat akong mag-ingat.”

Tumayo ako sa pagkakaupo at lumipat sa higaan para humiga pero may kung ano sa ilalim ng higaan na hindi komportable. Tumayo ako at inalis ang foam sa kama at bigla akong nabuhayan.

“Ang librong sinasabi ni lola!” Masayang sabi ko at kinuha ito tapos binalik ang foam sa pwesto.

I hurriedly opened the book and to my surprise, it’s a book that’s been carved on the inside. I found a red envelop sealed in a wax with a flower symbol on the center and an old-looking key. Hindi ko alam kung para sa saan ang susi pero aalamin ko kahit pa libutin ko ang buong bahay.

Tinitigan ko ang envelop at napagdesisyon na basahin ito.

“Mahal ka namin ng lolo mo, Xyrica. At humihingi ako ng paumanhin kung hindi namin nasabi ng maaga ang tungkol sa pagkatao mo pero bago pa man kami pumanaw ay ginawa namin ang lahat para malaman kung ano talaga sa totoong nangyari sa pamilya mo. Hindi ko masasabing nahukay namin ng lolo mo ang totoong katotohanan pero alam kong magagmit mo ang mga ito sa tamang panahon. Sa likod ng bookshelf at may pinto, diyan mo magagamit ang susi.

“Mag-iingat ka palagi at huwag kang magtitiwala kahit kanino. Kilalanin mo kung sino ang dapat mo maging kaibigan at kung sino ang dapat maging kaaway. Huwag mo ring kakalimutan na mahal na mahal ka namin ng lolo mo.”

Medyo napaiyak ako sa huling pangungusap na nabasa ko. Hindi ko akalain na natagalan bago ko nadiskubre ito at para na rin nilang sinasabing hindi ako nag-iisa.

Tumingin ako sa bookshelf at napatanong, “How can I even move that? Mabigat yata ito kasi malaki ito at medyo luma na. Sa tingin ko rin ay mamahalin ang mga materyales na ginamit sa paggawa rito.”

I just know that what’s inside is very important and I need to see it now. Pero paano nga ba? Syempre kailangan ko ng tulong pero kakasabi lang ni lola na hindi dapat magtiwala kahit kanino tsaka lahat ng tiwala ko sa mga kaibigan ko parang bumaba dahil dito.

I inhaled deeply because I needed to think. There’s this one person in my mind that I partially trust right now not because I consider this person a friend but because there’s something in him that my guts said I should trust him.

I should call him right now.

Cyborg's POV :

It’s already two in the morning, I was waiting for Dean Leo to talk about how my conversation with miss Dela Vega went. Hindi kasi tumatanggap ng mga bisita si Dean Leo kapag may meeting siya kaya napilitan akong maghintay ng ganitong oras.

Si Dean Leo ang isa sa mga head ng Gang-Ku-Fia Academy, isa rin siya sa mga naghahanp ng mga taong may potensyal na maging parte ng academy gaya ni miss Dela Vega. Kaya labis nalang ang pagpupumilit ni Dean Leo sa akin na I-rekrut si miss Dela Vega at mananagot daw ako kapag hindi ko ito napapayag.

“Mister Demsford, maaari ka ng pumasok. Kakatapos lang kasi ng meeting ni Dean Leo,” sabi ng secretary ni Dean Leo.

Agad naman akong pumasok sa office at nagpaumanhin kay Dean Leo dahil gusto ko siyang makausap sa ganitong oras.

“Is this about Xyrica Dela Vega? Sana good news iyan na napapayag mo na siya,” sabi ni Dean Leo.

I sighed and said, “I’m sorry Dean Leo. I tried everything para makausap at makombensi siya na mag-aral dito sa academy natin pero ayaw niya talaga.”

“But you have to stay with her, no matter what. Annoy her if you must and you must convince her. You should tell her I'm her grandparents old friend,” sabi ni Dean Leo.

But Dean Leo, she told me to mind my own business and that her mind is already fixed. She told me not to bother her kasi may plano na siya sa buhay niya,” sabi ko.

“Do you know why I’m so eager to have her? I want to protect her from-”

Naputol ang sasabihin sana ni Dean Leo dahil sa tawag na natanggap ko. Nakalimutan ko pa lang i-silent ito.

“I’m sorry Dean Leo but can I take this call?

Pumayag naman si Dean Leo kaya nagpaalam ako na lumabas muna at babalik din agad kapag natapos na. I looked at my phone and speaking of the little demon.

“Bakit ka napatawag sa ganitong oras ng gabi?” Tanong ko pagkasagot ko sa tawag niya.

Akala ko ba’t galit sa akin ang babaeng ito? Tsaka sabi niya pa hindi na magbabago ang isip niya at huwag ko na raw siyang guluhin pero siya naman ang naunang tumawag.

“I apologize for calling you tonight. I know it’s rude to call in the middle of the night but-”

“What is it that you want? Have you changed your mind and accepted my offer?” Pagputol ko sasabihin niya.

I heard her sighed then said, “I already told you na may ibang plano ako sa buhay. I called because I want to hire you as my private assistant.

Ano raw? Gusto niya akong maging private assistant? 

I laughed then said, Miss Dela Vega, you must be mistaken. Im not looking for a job.”

“I’m sorry if I ever offended you. Let me change what I said. Pwede mo ba akong samahan sa Gangster Academy?Sabi niya.

What she said left me speechless. I mean, how can she even ask that like it’s just a small favor? Alam niya na nga na rival namin ang Gangster Academy tsaka ko pa ang tinawagan niya.

“Bakit hindi mo kausapin ang mga kaibigan mo tungkol sa bagay na iyan, miss Dela Vega?” Tanong ko.

“My grandmother said not to trust anyone and you’re the only person I trust partially,” sabi niya.

“Why would you asked me that kind of favor?” Tanong ko.

“Alam ko namang hindi ka papayag pero nagbabakasakali lang ako. Kung talagang ayaw mo, okay lang. Magpapatulong nalang ako sa iyo sa ibang bagay. Can you at least come to my house right now?” Sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kasi baka ano ang isipin ng ibang tao kung pumunta man ako sa kanila kahit dis oras na ng gabi. Tsaka bakit gising pa rin siya sa mga oras na ito?

“Help me lift my bookshelf away from the wall. Hindi ko kasi kaya kapag ako lang,” she added.

“Can we at least do it in the morning? Hindi pa ako nakakatulog miss Dela Vega kasi busy ako,” sabi ko sa kanya.

“I want to move it now since hindi mo naman ako sasamahan sa Gangster Academy,” sabi niya.

I sighed loudly then said, “Fine, send me the address and I’ll be there after I’m done talking to my dean.”

“Thank you so much!” Masayang sabi niya at tinapos ang tawag.

Napailing nalang ako at pumasok sa loob ng office ni Dean Leo.

“Who called you in this time of the night?” Tanong ni Dean Leo.

Nag-iwas ako ng tingin at sinabing, “It was Xyrica, Dean Leo.”

“Well, what did she say? Nagbago na ba ang isip niya at pumayag sa alok natin?” Tanong ni Dean Leo.

“I wish it was that easy, Dean Leo. However, she wants me to become her private assistant. Hindi ako pumayag, syempre, tapos iniba niya na ang favor niya… gusto niyang samahan ko siya sa Gangster Academy. Can you even believe it Dean Leo?” I said in disbelief.

I almost complained. Mayaman naman ako pero naisip niya talagang maging assistant ako? May mga kaibigan naman siya na galing sa marangyang paaralan pero ako pa ang naisipan niyang tawagan. Nagbibiro ba siya?

“Why would she want to go to Gangster Academy?” Tanong ni Dean Leo at naiba ang ekspresyon sa mukha.

“I really don’t know. Maybe that’s the reason why she rejected my offer kasi gusto niyang maging estudyante sa top one academy ng buong mundo,” sabi ko.

Umiling si Dean Leo at parang nag-iisip ng malalim. Pagkatapos ay sinabing, “I think that’s not reason why. Cyborg, I want you to know the real reason why she wanted to be a part of Gangster Academy. I also want you to change her mind, do everything you can. She can’t go to Gangster Academy, do you understand?”

Hindi na ako sumagot at tumango nalang. Hindi na rin ako nagtanong kung bakit dahil ako nalang ang aalam kung bakit ganito ang reaksyon ni Dean Leo at kung kaano-ano niya si miss Dela Vega. Mukhang tapos na ang aming pag-uusap ni Dean Leo kaya nagpaalam na ako sa kanya. Hindi ko na sinabi sa kanya na pupunta ako sa bahay ni miss Dela Vega para tumulong at baka ano na naman ang ipautos nito sa akin.

-

“I think I’m in the right place,” sabi ko sa sarili ko.

Nag-send kasi sa akin ng address si miss Dela Vega at hinayaan ko na ang g****e map na magturo sa daan. Hindi ako bumaba sa sasakyan ko at nag-send ng message sa kanya na nasa labas na ako ng bahay niya. Ilang minuto lang ay may bumukas ng gate at siya nga. Tinuro niya kung saan ko pwedeng i-park ang sasakynan ko, pagkatapos ay bumaba ako at makikita naman sa mukha ni miss Dela Vega na masaya siyang makita ako.

“I’m sorry for disturbing you but I just can’t think of other person to help me,” nahihiyang sabi niya.

I just smiled and said, “I know some, kagaya nalang ng mga kaibigan mo. Bakit hindi nalang sila ang tawagan mo?”

“Napaka-sarcastic mo masyado. Sabi na ngang hindi ako nagtitiwala sa kanila,” sabi niya.

“I’m not doing this for free,” sabi ko.

Nakakatawa naman ang reaction niya kasi halatang nagpipigil sa galit niya. Dapat lang kasi humihngi siya ng pabor ngayon.

Xyrica’s POV:

“Ikaw lang ba mag-isa ang nakatira rito?” Tanong ni mister Demsford habang itinuturo sa kanya ang daan papunta sa silid nina lolo at lola.

“I used to live with my grandparents here but they died a few years ago so ako nalang ang naiwan,” sabi ko.

“Aren’t you sad that you are the only one living here? What I mean is ang laki kasi ng bahay na ito at sa tingin ko mas maganda kung maraming tao,” sabi niya.

I wistfully smiled then said, “It’s been a long time since my grandparents left me. I do feel alone but I’m not lonely because I’m used to it already. Ito na nga pala ang kwarto ng lolo at lola ko.”

Binuksan ko ang pinto para makapasok na kami. Laging gulat naman ni mister Demsford kasi ang kalat ng lugar. Hindi ko kasi nabalik sa pwesto ang mga libro at nasa sahig ang mga ito.

Nahiya ako bigla at sinabing, “I’m really sorry. May hinahanap kasi ako kaya ganito kakalat ang lugar. Hayaan mo, kapag natulungan mo na ako sa bookshelf ay pwede ka ng umuwi.”

“Hindi naman halata na kailangan mo talaga ng tulong ngayon,” natatawang sabi niya.

Umiinit ang pisngi ko. I think I’m blushing and this is the first time. Nahiya talaga ako na nakita niya ang kwarto na ganito ka kalat. Bakit kasi hindi ko naisip na iligpit muna ang mga libro bago tumawag sa kanya.

Umiwas ako ng tingin sabay sabing, “I’m sorry you’ve witnessed how messy the room is. Pwede na ba nating simulan ang pagbuhat sa bookshelf para makaalis kana kaagad?”

Lumapit siya sa bookshelf at tinulungan ko siyang itulak ito papalayo pero ayaw talaga.

“Kanina pa ako nagtutulak nito pero ayaw talaga kaya naisipan kong tawagan ka nalang,” sabi ko.

“I think I know what’s the problem here. Give me a second,” sabi ni mister Demsford at inalis ang mga libro na natira sa bookshelf.

“What are you doing?” Tanong ko.

Hindi niya naman sinagot ang tanong ko at parang may hinahanap. Sinusundan ko lang siya at hindi na nagtanong pa.

“Aha!” Bulalas niya.

“Can you at least tell me what’s going on?” Tanong ko.

“May secret room din kasi kami sa bahay tsaka bookshelf din ang gamit namin. We usually pull a certain book as a lever but yours is a button. Look at it,” sabi ni mister Demsford at ipinakita sa akin ang isang maliit at kulang itim na button.

“How stupid am I to even miss it?” I asked myself.

He patted my shoulder and said, “It’s not your fault, hindi naman kasi lahat ay alam ang mga ganitong bagay. Akala natin minsan normal lang, kagaya mo ngayon, mukhang hindi nga sinabi sa iyo ng lolo’t lola mo na may secret room kayo.”

I pushed the button at slided to the right side, exposing a door.

“What do you think is in there?” Tanong ni mister Demsford.

I shrugged and said, “To be honest, I don’t know.”

I grabbed the key in my pocket and tried to open the door. Kinakabahan ako kung ano ang nasa loob ng secret room. Nabuksan ko kaagad ang pinto at hinanap ang switch para sa ilaw tapos binuksan ito.

“Woah,” amazed na sabi ni mister Demsford.

“I know… it’s amazing,” sabi ko at parang nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status