Share

Chapter 6

CHAPTER 6

Xyrica’s POV:

Si Michiaki ang naatasang bumili ng mga tickets namin, sina Jhin at JL naman ang naatasang bumili ng snacks.

“Maganda kaya ang napili nating movie?” Tanong ni Alver.

Tinitignan ni Kris ang poster ng palabas at sinabing, “Maganda siguro… pero hindi na bale, may snacks naman na tayo kaya okay lang.”

“Maganda naman ang reviews ng palabas kasi nasa 93% ang rotten tomatoes. Kaka-search ko lang kasi just in case,” sabi ni Warren habang nakatingin sa phone at ibinigay kay Allen para makita naman nila.

I don’t know why but somehow my mind is not with them. Iba ang sinasabi nila sa iniisip ko ngayon at ito ay tungkol kay mister Demsford. Naiinis pa rin ako pero kailangan kong kumalma at maging masaya sa harap ng mga kaibigan ko.

“Xyrica, what do you think about the movie we just picked?” Yuan asked which brought me back to my senses.

“May sinasabi ka Yuan?” Tanong ko.

Kanina pa siguro nila ako tinitignan at hindi ko na namalayan.

“Okay ka lang ba?” Tanong ni Allen.

“Baka napipilitan ka lang na manuod ng sine, Xyrica? Okay lang naman kung sa susunod nalang,” sabi ni Klent.

“May problema ka ba? Baka makatulong kami sa iyo,” sabi ni Yuan.

“Are you tired? Do want to go home already?” Nag-aalalang tanong ni Alver.

Umiling ako at sinabing, “Okay lang ako, ano ba naman kayo. May iniisip lang akong libro na hindi ko makita kanina sa National Bookstore, gusto ko sanang bilhin kaso mukhang naubusan na ako.”

I felt guilty for lying again pero kung sasabihin ko naman sa kanila ang totoo ay baka ano pa ang gawin nila kay mister Demsford. Kilala ko ang mga kaibigan ko at alam kong hindi sila nagbibiro sa mga banta nila kay mister Demsford at ayaw ko naman na may mapahamak dahil sa akin.

Nakita kong papalapit si Michiaki habang hinahawakan nang mahigpit ang mga tickets at nakangiti ng malapad.

Umupo si Michiaki at sinabing, “Finally, natapos din ako sa kakapila.”

“Maganda kasi ang palabas gaya ng nasa reviews kaya maraming tao ang gustong manuod,” sabi ni Warren.

“Which seats are we?” Tanong ko kay Michiaki para maiwas ang atensiyon ng iba sa akin.

“Ang isang row ay may sampung seats at buti nabili ko ang middle row kaya magkakasama tayong manunuod ng palabas. Nakalagay rito sa ticket ay ‘Row D’ at may number kung anong number ng seat tayo uupo,” sabi ni Michiaki.

“Nasaan na kaya sina Jhin at JL?” Tanong ni Kris.

Tumayo si Alver at hinahanap ang dalawasa pilid sabay sabing, “Oo nga e, ang bagal naman nila.”

“We still have 10 minutes before the movie starts kaya hintayin nalang natin sila rito. Tsaka kung sino man sa inyo ang gustong pumunta sa banyo ay ngayon na ninyo gawin,” sabi ko.

Nagpaalam sila at naiwan kami ni Michiaki.

“Okay ka lang Xyrica?” Tanong ni Michiaki.

I groaned then said, “Why is everybody asking me that? Of course I’m okay, why wouldn’t I be?”

Michiaki laughed a little then said, “I didn’t knew they were asking you the same question. I’m sorry but I was asking out of concern.”

I sighed. I almost can’t control my temper. Ayaw ko kasi na tinatanong ako nang paulit-ulit kasi nakakairitang sumagot ng paulit-ulit.

“Can you please contact Jhin or JL to hurry up? Baka mainip ang iba sa kakahintay sa kanila,” sabi ko kay Michiaki.

“Hey, we’re here!” Masayang sabi ni Jhin.

“Sorry kung natagalan kami kasi hinahanap pa namin ang favorite marshmallow ni Yuan kaso wala kaya iba nalang ang pinamili namin,” sabi ni JL at ipinakita ang klase-klaseng pagkain na nabili nila.

There’s doughnuts from J.co and drinks from Starbucks. May mga chichirya rin at kung ano-ano pa.

Ilang minuto rin ay dumating ang iba galing sa banyo at ibinigay na ni Michiaki ang tickets sa amin isa-isa. Pagkatapos ay pumasok na kami sa sinehan at hinanap ang mauupuan namin.

-

After an hour and a half ay napag-isipan naming kumain ng tanghalian kahit 2 o’clock ng hapon na. Kumain kami sa Wendy’s na nasa mall lang din naman at pagkatapos nito ay napag-isipan naming pumunta sa arcade.

-

Nasa entrance na kami ng arcade at nagtatawanan habang excited na makapaglaro ng biglang may humarang sa aming mga lalaki. Naka-black leather jacket ang mga ito at madami sila.

“Sandali lang,” sabi ng isang lalaking na may blonde na buhok at hinawakan si Yuan sa balikat.

May dalawang lalaki namang humawak sa akin at nagpupumiglas akong makawala sa pagkakahawak nila.

“Just great, where’s the security when you need one?” I mumbled.

“Let us go while we’re being nice to you,” banta ni Yuan at tinitignan ng masama ang lalaking nakahawak sa balikat niya.

“Let us borrow Black Demon then we will let you be,” sabi ng lalaki kay Yuan.

“What do you want from me, you ugly monkey?” Tanong ko sa lalaking kausap ni Yuan tapos tinitigan ang lalaking nakahawak sa akin at sinabing, “Keep your hands off me or I’ll kick you guys in the ass.”

“She's kinda cool for a girl who looks so harmless,” sabi nitong lalaking nakahawak sa akin at akmang hahawakan ang pisngi ko.

I immediately pushed them and shouted out of nowhere. “Let us go, you ugly maggots!”

Yuan then used his Judo skills to throw away the blonde-haired guy. Yuan’s kinda fast and it’s like watching an action movie but with ugly villains.

“We’ll make sure you’ll wish you were never born,” sabi ni Michiaki at tumulong kay Yuan. The rest of the group helped too, showing their fancy fighting skill.

“Come with us!” Sabi ng lalaking kakalapit lang at hinihila ako. Binitiwan ako ng dalawang lalaking naunang humawak sa akin at sumali sa gulo nina Michiaki. “This is for entering the drag race. And for defeating me in the race na ako sana ang nanalo.”

“Was it my fault na mas magaling ako sayo? It's just a game and if you want the money then I'll give it to you. I just wanted the title,” sabi ko while stopping him from pulling me away from the group.

He tightened the grip on my wrist then said, “That’s the point there! I wanted the title too but you took it away from me! If I know, you cheated in that race just to win! Just admit it!”

“you cheated”

“you cheated”

“you cheated”

The two words he said echoed in my ears and my mind went blank. This random feeling of wanting to someone awakened my system. I don’t know where my strength came from but I stopped him from pulling me.

“Tama ako naman ako diba?” Tanong niya. 

“Poor choices of words,” I coldly said and slapped him hard in the face using the back of my other hand.

The sound of slapping his face echoed the place at napahinto ang lahat sa ginagawa nila tapos tinitignan nila kaming dalawa nitong lalaking galit daw sa akin kasi natalo sa race. Napahawak pa siya sa pisngi niya at kita sa mukha niya ang pagkagulat.

I approached him and coldly said, “It’s not my fault you’re incompetent and accused me of cheating just to justify your incompetency.” Tapos binigyan ulit siya ng malutong na sampal.

“I will kill you,” galit na sabi nitong lalaking sinampal ko at lumapit sa akin.

I then distanced myself and gave him a crescent kick, aiming his head. I can almost hear him scream in pain pero hindi siya natumba. I followed it up by giving him an axe kick.

“Stop being so pathetic and just die already. Kahihiyan ka ng grupo ninyo,” sabi ko at tinadyakan siya sa dibdib dahilan para mahimatay.

“Xyrica…” Boses ni Michiaki.

I coldly stared at this guy’s friends and said, “Tell him not to bother me again because he’s not worth it and let’s agree not to cross our paths again or else.”

It’s a good thing I’m not wearing my high-heels.

“Anong kaguluhan ito!”

Good, the security guards are here and it looks like kasama nila ang manager nila.

“It’s not us who started it,” sabi ni Allen.

“Yeah. They’ve started it all so take them to the police station,” sabi ni Alver.

“Sa Police station nalang po kayong lahat magpaliwanag,” sabi ng isang guard at isa-isa kaming pinalabas ng mall.

Nasa labas pala naghihintay ang mga police officers. Ngayon pa nagpakita e tapos na ang away.

“What the hell? You can’t do this to us, we’ve got lawyers and ourparents are rich!” Naiinis na sabi ni Klent.

“Hey, be careful with my shoes! Do you know how much it costs?” Naiinis na sabi ni Yuan sa security guard.

I rolled my eyes at sumama nalang ako. Ang mga taong nasa sahig naman ay pinagtutulungan nilang buhatin.

“Are you okay?” Tanong ni Klent.

“May masakit ba sa iyo?” Tanong ni Warren.

“You’ve got the moves back there,” sabi ni Michiaki sabay wink.

“You’re so cool,” amazed na sabi ni Alver.

“Hire me some laywer because I can’t afford one,” pasimpleng sabi ko at hindi na nagbigay ng kumento sa sinabi nila sa akin.

“Can you let go of us already? Hindi naman talaga kami ang nauna,” sabi ni Jhin.

“Sa Police Station nalang po kayo magpaliwanag. Tumawag po kasi sa amin ang manager ng Mall,” sabi nitong isang Police.

“Bakit sa mall pa kayo nag-eskandalo?” Tanong naman ng kasamahan nilang pulis.

“Hindi nga kasi kami ang nauna,” depensa ni Klent.

“Let’s just call our lawyer later,” mahinahong sabi ni Michiaki.

We are not minors kaya pwede na kaming makulong and I wouldn't like it if that is the case. May kailangan pa akong magawa tapos ayaw kong may malagay sa record ko.

Michiaki's POV :

We are in the Police Station already together with our lawyer siguro sabik na kaming pagalitan ng mga magulang namin dahil sa nangyari. Hindi ko naman ma-check ang phone kasi kinuha ng mga police at nasa kabilang desk din ang mga lalaking una sa gulo.

“See? Makikita sa CCTV na we were telling the truth kanina pa,” sabi ni Allen sa mga police officers.

We each gave a statement to what had happened exactly at tugma naman ang mga ito sa CCTV na ipinakita nila sa amin. Tsaka self-defense lang din ang ginawa ni Xyrica kaya hindi maaaring magsampa ng demanda ang mga lalaking nanggulo kanina.

“We won’t be filing any charges to them because they are not worthy,” sabi ni Xyrica.

“Pwede na ka kaming umalis? Nakausap na ninyo ang lawyer namin at nakita na ninyo ang CCTV na nagpapatunay kung sino ang unang nanggulo kaya wala na rin akong maisip na rason kung bakit pa kami magtatagal dito,” sabi ko.

Sinauli naman ng mga police officers ang cellphones namin tapos nauna si Xyrica na lumabas at sumunod naman kami. Alam na naman ng lawyer namin kung ano ang gagawin kasi hindi niya ito first time tsaka this time may patunay naman na nagsasabi kami ng totoo.

“We’re sorry for ruining your day,” malungkot na sabi ni Warren.

Yeah. It was supposed to be our day but some ugly maggots ruined everything,” sabi ni Jhin.

Binilisan ni Allen ang paglakad para makatabi kay Xyrica at sinabing, “Dapat kasi ipinademanda nalang natin sila para hindi na mauulit. Paano kung balikan ka nila Xyrica?”

“I can handle myself,” sagot naman ni Xyrica.

Im going to beat them until they die kapag nakita ko ulit sila,”

sabi ni Alver.

“You need to chill, Alver. Tama naman si Xyrica na hindi na dapat sila pinapatulan,” sabi ni Yuan.

Tama si Yuan,” sabi naman ni Kris.

Bakit tahimik ka lang, Michiaki? Tanong ni Xyrica sa akin.

Napatingin ako sa kanilang lahat at sinabing, May iniisip lang ako. Some personal matters.”

Lets just go home because Im really exhausted. Tsaka wala man lang akong nabili sa mall,”

dismayadong sabi ni Xyrica.

“Makakapasok pa kaya tayo sa mall na iyon? Tanong ni Kris.

“Bakit naman hindi? Ipapasara ko ang mall nila kapag hindi nila tayo pinayagan sa susunod,” sabi ko.

Natawa sila sa sinabi ko at sinabi pa nilang mahangin daw ako. Agad akong tumahimik at nakinig nalang sa kanila. Panay kasi ang kwento nina Jhin tungkol sa nangyari kanina. Kung gaano raw sila ka-cool at kung anu-ano pa. Ako pa naman ang sinabihan nilang mahangin e pati naman sila, mapapailing nalang talaga ako.

I didn’t bother joining myself in their topic. I was just looking at Xyrica. Thinking how to keep her safe and sound. It's my job. I might die for doing this but I can’t even refuse. I’m afraid my parents and I will suffer if I won’t protect her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status