Share

The Bride of the Nine Tailed
The Bride of the Nine Tailed
Author: Aurum Jazmine

Prologue

PARANG kahapon lamang ang lahat ng nangyari at lumilipad sa kung saan ang kanyang isip habang lulan siya ng eroplano. Hindi niya maiwasang dalawin ng maraming alaala, lalo na ng marinig niya na ang announcement sa Eroplano.

"Ladies and gentlemen, we are now entering the land of the Philippines." Hindi niya na marinig pa ang mga sumunod na sinabi nito nang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang laptop sa table. Kaagad niyang kinuha ito at saka mabilis na sinagot ang tawag nang makita kung sinong caller.

It's Caspiana. Caspiana is her boss back in the US. Habang binubuo kasi niya ang kanyang mga pangarap ay naghanap muna siya ng part time. Ayaw niya kasing mabawasan ang pera niyang natitira. Gusto niyang lahat ng gagastusin niya ay pinaghihirapan niya muna dahil inilalaan niya ang lahat ng kabayaran sa kanya sa mga binubuong plano. Eksakto namang kailangan ni Caspiana ng partimer sa kanyang coffee shop kaya nag-apply siya doon. Nang magkakilala na sila at magka alaman na pareho silang Pinay ay nagkaigihan sila at naging mag-bestfriend.

"Nasaan na kayo?" tanong nito agad sa kabilang linya nang pindutin niya ang answering button. Napaka taratitat talaga ng kanyang bestfriend.

Napangiti siya bago sumagot ng "We're going to land in few minutes Cas. Are you going to fetch us?"

"May pagpipilian ba ako? Where is Leone?" tanong din nito sa kanya. Napabaling ang kanyang tingin sa mahimbing pa ring natutulog na anak.

"Nilagay ko sa baggage counter. He's too nosy to have here on the plane Cas," ngisi niya habang ini-imagine ang magiging reaksyon nito.

"Paglapag ninyo rito mamaya, sa akin matutulog si Leone. Tapos bahala ka na sa buhay mong babae ka. Malala ka na talaga!" sigaw nito sa kanya sa kabilang linya. Humagalpak siya ng tawa sa narinig kaya pinagtinginan tuloy siya ng mga kasakay niya sa eroplano habang nagbubulungan ang mga ito. Nakaramdam siya ng kaunting hiya kaya pinigil niya ang sarili. Para na kasing pangalawang ina ni Leone si Caspiana kaya ganoon na lamang ang pagmamahal nito sa anak niya. At nagpapasalamat siya dahil kahit paano ay hindi siya nag-iisa sa pagpapalaki sa kanyang anak.

"Baby, wake up na. We're here." Inuyog niya ito sa balikat para gisingin. Para kasi itong matandang tao na ayaw magpahalik. Sabi niya, "Kiss are for little babies and I'm no baby anymore mama."

Natatawa siya na nalulungkot dahil miss niya ang mga panahon na kailangang kailangan pa siya nito. Apat na taon pa lang naman ito but he is acting like an old guy.

"Yeah, hi mom!" antok pa ang boses na pakli nitong pilit ginagawang cheerful. Nag-inat lamang ito sa kinahihigaan na ipinasadya pa niya para maging komportable ito saka nagmulat ng mga mata.

Kapag pinagmamasdan niya ang kanyang anak ay hindi niya maiwasang maalala ang ama nitong duplicate na duplicate nito.

"I'm hungry. Can we buy first a chocolate mousse cake ma?" mayamaya ay sabi nito habang naglalakad na sila patungo sa baggage counter.

"Sure little Sir. Do you wanna buy a new toy too?" she asked, smiling widely. Alam na alam niya kung paano iiskamin ang anak na hindi nito nahahalata. Kapag kasi binibilhan niya ng bagong laruan ito ay ginagawaran siya nito ng halik maghapon lalo na kung gustong gusto nito ang kanyang binili para dito.

"Really? We're gonna buy a new toy?" nambibilog sa excitement na anito sa kanya sabay yakap sa kanyang legs. Pauna pa lang 'yan.

"How do you like a new laptop?" aniya pa na lalong nagpatindi ng saya sa mga mata at boses nito. Umaksyon naman na magpapabuhat ito sa kanya kaya mabilis pa sa alas kwatrong tumayungko siya upang pantayan ang taas nito saka niya binuhat ito.

"A real one!?"

"Aye!"

"You're the best mom in the world ma!" Yumakap ito sa kanya ng sobrang higpit.

"So, you're here." It's not a question. It's a statement and even makes her heart beat race at the highest rate. It's been five years since we last saw each other. At ang sabi pa sa news ay patay na ito pero heto ang lalake sa harapan niya at prenteng nakatayo at nakapamulsa pa kasama si Juris na kumaway pa sa kanya.

Bumaba mula sa pagkakakarga niya si Leone at humarap ito sa mga lalakeng nakatayo sa harapan niya. Kumindat ito sa bata ngunit hindi nito iyon pinansin.

"Ma, who's he? Why is he looks like me?" inosenteng tanong nito habang nakangisi naman sa kanya ang huli.

Ano nang gagawin niya? Bago sila bumalik dito sa Pilipinas ay pinlano niya nang mabuti na hindi dapat malaman ni Lestre ang tungkol kay Leone. Hindi kailan man. Kung noon ay ginusto niyang malaman nitong may anak sila ay hindi na ngayon. Ngayon pa bang maraming mga babae ang nalilink rito? No fucking way. But what is happening now is beyond her expectation. Nangyari ng mas maaga ang kinatatakutan niyang pagkikita ng mag-ama. Ang balak niya lang dapat ay bumalik at magpa annul ang kasal kung may bisa nga ang kasal nila. Hindi kasi nagamit ng anak niya ang pangalan niya dahil ayon sa registry na hindi niya alam kung paano nangyari ay kasal pa siya rito. Gusto niya lang tapusin ang pangalan na nag-uugnay pa sa kanila without telling him na may anak sila. Pero ito naman ang nangyari. Hindi siya makapaniwalang nasira ang plano niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa anak niya na buhay ang ama nito.

"Let's go baby. They are nothing. Come, your ninang Caspiana is waiting for us in the lobby." Hinawakan niya ang anak niya para sana umalis na doon pero mabilis ang lalaki. Sa isang iglap lamang ay nasa harapan na niya ito at si Juris at nakaharang sa kanilang daraanan.

"Not so fast Celestina. Five years ago, umalis ka na lang na walang paalam. Pagkatapos ngayon, tatalikuran mo uli ako na hindi man lang kinakausap?" angil nito nang ilapit nito ang bibig nito sa kanyang tainga.

"What do you want this time? Hindi ba patay ka na? Then how could a dead man possibly stand in front of a living person just like today? Mali lang ba ang mga narinig ko noon sa Nationwide news that the certain Lestre Sylverstain, a known quadrillionaire young man is dead?" ganting sikmat niyang pabulong dito.

"Let's not talk about our past first, wife. Let's talk about you, having my son without letting me know of his existence." Para siyang bunuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito.

"What?" magkapanabay na turan niya at ni Leone. Nagkatitigan sila ng anak niya sabay baling ni Leone sa lalakeng kaharap.

"So, you're telling us that you are my daddy?" inosenteng inosenteng utas nito sa kanya at kay Lestre.

Lestre smiled, seat leveled, pat the child's head and said, "I think your mom has a lot to explain to us little man." Then, they both shoot Celestina with puzzled eyes.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dazy Kirishima
woaah ka excite naman. ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status