Share

Chapter 1 - The Wedding day

AYON sa mythology, kapag-umuulan at uma-araw ng sabay, mayroong ikinakasal na fox. Lumingon si Celestina sa labas sandali habang magkaharap sila ng lalakeng ngayon niya lamang nakita at nakilala.

"Umuulan at umaaraw sa labas . . . posible nga kayang mayroong ikinaksal na fox ngayong araw, kasabay ng kasal ko?" tanong ng kanyang isip. Nalungkot siya bigla. Marahil, 'yung ikinakasal na fox, kasama nila ang pamilya nila at witness sa pag-iisa ng kanilang mga dibdib.

"YOU may now kiss your wife," deklara ng sa tingin niya ay abugado na siyang nagkakasal sa kanila.

Oo …,tama nga. Kasal niya ngayong araw. Ngunit sa lahat ng kasal, ito ang isa sa pinakamalungkot.

Paano nga bang hindi? Nasa kanya na ang lahat. Ulilang lubos, pinalayas ng mga umampon sa kanya dahil sa kasalanang hindi niya naman ginawa at higit sa lahat, walang wala na siyang pera sa bulsa. Anong gagawin niya?

Nakilala niya si Juris ilang araw matapos siyang palayasin ng adoptive parents niya dahil itinulak raw niya ang nanay nito sa hagdan na ang totoo, si Nora na anak ng mga ito ang tunay na may gawa at hindi siya. Sino bang paniniwalaan? Siyempre ang anak nila. Kahit naman kailan ay hindi siya itinuring na pamilya ng mga ito. Mas bagay pa ngang sabihin na kinuha siya ng mga ito para gawing katulong kesa sabihing inampon siya ng mga ito.

Pumikit na lang siya ng mariin nang akmang hahalikan na siya ng lalakeng nakamaskara na siyang pinakasalan niya. Kung tatanungin n'yo siya kung bakit nakamaskara ang kanyang groom ay lalong hindi niya alam. Matapos niya kasing makilala si Juris, inalok na siya nito ng contract marriage. Akalain mong dala nito ang documents kaya nang sandaling pumayag siya ay agad nitong inilatag iyon para pirmahan niya. Siya naman, pirma agad. Kasi sayang naman talaga. Aaminin niya na sa una nagduda siya na baka niloloko lang siya nito. Ang pakakasalan niya raw kasi ay may taning na ang buhay. Ang nakasaad sa kontrata ay magpapakasal sila nito at magsasama ng isang buwan kapalit ng sandaang milyong dolyar. Pagkatapos ng isang buwan, out na siya sa buhay ng lalake. Nang paunahan siya nito ng sampung milyong dolyar sa bank account niya ay na kumbinsi na siya at agad na pumirma. Madali naman siyang kausap talaga.

Pigil ang hininga niya nang maramdaman na gahibla na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi. Naaamoy niya ang hininga nito …,mabango. Naramdaman niya ang biglang paghapit ng bisig nito sa kanyang baywang na siya niyang ikinagulat. Malakas ang matanda at kung hamigin siya nito, animo'y parang bata pa at walang taning ang buhay.

Naglapat ang kanilang mga labi. Ang lalakeng ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya ay sakop ngayon ang kanyang mga labi. Nais niyang makilala ito …,nais niyang makita ang itinatago nitong mukha. At ngayong magkalapat ang mga labi nila, sigurado siyang wala na ang maskarang suot nito.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Ayaw niyang mabigla sa kung anong makikita niya. Nag-adjust siya ng kaunti ngunit nang tuluyan niyang maimulat ang mga mata ay nabigla siya sa nakita.

Nakamulat kasi ang kanyang groom habang ginagawaran siya ng halik, ngunit ang mas nakakagulat sa lahat ay ang inaasahan niyang matandang lalake na kanyang pinakasalan at kahalikan ay isa palang lalake na sa tantya niya ay nasa edad treinta y anyos lamang. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang groom ay isang napakagwapong lalakeng animo ay isang diyos na nagmula sa olympus na bumaba sa kalupaan.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay nakarinig siya ng palakpak. Si Juris. Si Juris lang naman ang viewer nila wala nang iba. Sino pa nga ba? Pareho lang kasi sila ng groom na walang inimbitang kahit sinong kaanak. Uy meant to be 'yan? Ang kanya, reasonable kasi ulila na naman siyang lubos. Ngunit ang sa groom niya? Hindi niya alam kung bakit wala itong inimbita kaya 'wag kayong magtanong mga tonta.

"What are you still doing here?" may halong inis sa boses na untag ni Lestre sa kanya. Paano kasi, nang maka-uwi na sila ng mansyon ay namangha ang lola n'yo sa gara at ganda ng mga nakikita. Malaki rin naman ang bahay ampunan kung saan siya lumaki at maraming makaluma ngunit masinsing mga disenyo ang mga muwebles at estruktura ng gusali na 'yon ngunit itong mansyon ng asawa niya ay namumukod tangi ang ganda.

"Ah, s—sorry." Nagpatiuna na itong maglakad at hindi man lang siya nito hinintay. Napakasungit. Nanghahaba ang nguso at bubulong-bulong na lang tuloy siyang sumunod rito. Sa sobrang tangkad pa ng lalake ay mahirap siyang makahabol kaya ang lakad nito ay takbo na para sa kanya.

Nang nasa hapagkainan na sila ay halos hindi rin siya tapunan nito ng tingin. They are totally strangers that just got married and then what will happen next? Nothing. They will end as total strangers too. Gano'n talaga. Paano niya kaya haharapin ang bukas na kasama ang lalakeng ito? Mukha pa namang ang hirap nitong pakisamahan.

Kinagabihan nang matapos niyang maglinis ng katawan at magpalit ng damit pantulog ay nakarinig siya ng mga katok sa pinto ng kanyang kuwarto. Sosyal ng style ng pinto niya, sliding door.

"Sino 'yan‽" malakas niyang boses na tanong sa kumakatok.

"Butler Neticia, Madame." Tumayo siya para buksan ang pinto. Butler daw eh. Akalain mong may butler sila rito sa mansyon‽ Ibang klase! Ngayon lamang siya makakakita ng isang totoong butler sa tanang buhay niya.

"Yes?" bungad niya sa unipormadang ginang. May mga kasama itong mga kasambahay na panay naka uniporme rin at mga naka formation pa. Wow talaga! Feeling niya tuloy, nasa isang movie siya. Kaya lang hindi siya ang bida dahil pang oportunista ang role niya. Ikaw ba ang batang ampunan na nakapag-asawa ng ubod ng yaman na lalake, siyempre ang tingin na kaagad sa iyo, social climber at oportunista. Totoo namang oportunista siya at inaamin niya 'yon sa sarili niya. Totoong sinamantala niya ang pagkakataon na kailangan niya ng pera at hindi sa lahat ng panahon ay may dumarating na suwerte. Sayang naman kung mapapasakamay pa ng iba ang magandang kapalarang naghihintay.

"Pinapatawag ho kayo ng Sire sa kanyang opisina madame," nakayuko lamang na saad nito sa kanya ngunit hagip na hagip ng kanyang paningin ang pailalim at masamang tingin ng matandang ito sa kanya. Nakayuko rin ang mga maid na nasa likod nito ngunit hindi gaya sa matanda na tila ba naninimpat at ipinadaramang ayaw nito sa presensya niya.

"Ah …." Tumaas ang kanyang kilay. "Sige, manguna ka. Hindi ko alam ang daan papunta," aniya ritong sumisimpat rin.

Habang daan patungo sa opisina ng lalake ay nakasalubong nila ang isang babae. Maganda ito at sopistikada ang pananamit ngunit mataas ang isang kilay nitong nakatingin sa kanya at tila ba sinusuri nito ang kanyang itsura. Akala naman ng huli ay papakabog siya kaya tinaasan niya rin ito ng kilay at inismiran. Bigla kasing kumulo ang dugo niya rito. Feeling niya tuloy ay gusto niyang mangagat ng bruha. Natawa siya sa naging reaksyon nito dahil sa pag-ismir niya. Mukhang napika ito ng hindi niya sinasadya.

"Saan ang punta ninyo manang Neticia?" tila walang anumang tanong ng babae sa matandang impakta. Magkalahi pa yata ang dalawa. Pansin niya lang, puro impakto yata ang nakatira sa bahay na ito.

"Ipinapatawag ng Sire ang bagong young madame. Ayaw niya ng istorbo at bilin niya ay mahalaga ang pakay niya kaya kung ako sa iyo, huwag ka nang tumuloy kung balak mo na namang pumunta sa opisina niya." Mukhang pormal naman ang pagkakasabi ng matanda ngunit may laman at mukha ring ayaw nila sa isa't isa nang makita niyang umingos ang impaktang babae sa impaktang matanda.

Sukat doon ay huminto sila sa isang malaking itim na pinto.

"Sire, si Neticia ito. Narito na ang young madame," malakas ang boses na anito mula sa labas ng pinto na kinaroroonan nila.

"Let her in," narinig nilang sabi nito mula sa loob. Namangha siya. Ang gara masyado ng rules nila. Mukhang respetadong respetado nila ang asawa niya at kung tawagin nila ay Sire.

Dalawa sa mga kasama nilang katulong ang nagbukas ng pinto para papasukin siya. Nahawi ng mga ito ang daan para makadaan siya. Pakiramdam niya tuloy ay isa rin siyang respetadong reyna sa isang monarch movie. Pero hindi nga ba siya ang reyna? Asawa siya nito hindi ba? Sosyal sana ang buhay niya pero nakakalungkot na pansamantala lamang ang lahat.

"Sit down," a ng boses na nagpabalik ulit sa kanya sa kasalukuyan.

"You're spacing out again. Why are you always doing that?" puna nito pagkatapos.

"Ha? Ang alin ba?" wala sa sariling tanong niya. Hindi niya kasi talaga alam ang sinasabi nito.

"That spacing out habit of yours. Are you always like that?" muling sapul nito ng tanong sa kanya. Nangunot ang kanyang noo sa itinuran nito.

"Can you speak tagalog?" sukling tanong niya rin imbes na sagutin ang tanong nito. Nakita niya ang reaksyon ng mukha nitong hindi maipinta. Nakaka loca naman kasi. Hindi niya pa narinig managalog ang huli kahit minsan lang. Hindi naman kasi siya lumaking English ang mother tongue masakit siya sa utak na intindihin palagi.

"No, why would I?" wala nang reaksyon ang mukhang anito sa kanya.

"Aba, talagang!" napipikang hiyaw ng isip niya.

Sukat doon ay pareho silang napalingon nang biglang magbukas ng walang abiso ang malaking pintuang itim sa kanilang likuran.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dazy Kirishima
angas.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status