Share

Chapter 8 The blood stain

NAGISING siya sa amoy na … nagmulat siya bigla kahit antok na antok pa sana siya. "Teka? Nasaan ako?" aniyang lumilinga-linga sa kuwartong hindi niya kilala. Plain lamang kasi ang disenyo ng silid na iyon. Kulay itim halos lahat ng gamit doon maliban sa malaking closet na naroon na gawa sa glass ang palibot. Kaya naman matatanaw mo sa loob nito ang napakaraming iba't ibang damit at sapatos na panlalaki.

Panlalaki?

"Kaninong—" nagigitlang aniya nang madako ang kanyang mga mata sa lalakeng kanyang katabi. Bigla niyang na check ng wala sa oras ang kanyang mga suot na damit kung kumpleto pa ba. Nakahinga naman siya ng maluwag nang mapagtantong intact naman ang lahat ng mga suot niya. "Migash, akala ko . . ." bulong niya sa sarili at humugot ng malalim na hininga.

Pero ano bang nangyari? Bakit siya nasa kuwarto ni Lestre? Ang himbing-himbing pa ng tulog nito. Nadako ang mga mata niya sa orasan sa dingding at nakitang alas-onse na ng umaga. Ilang minuto na lamang ay magtatanghali na.

Muli niyang pinagmasdan ang natutulog pang katabi. Shock pa rin siya. Sa tanang buhay niya ay noon lamang siya natulog sa tabi ng isang lalake at bonus pang ganito itong kaguwapo. Hindi niya namamalayan ang paninitig niya rito hanggang sa tuluyan na yata siyang na engkanto sa taglay na kaguwapuhan nito. Ang pula-pula ng maninipis nitong mga labi at tila apoy itong inaakit siya na isang gamu-gamo, papalapit dito . . . papalapit at papalapit nang papalapit pa ang kanyang mga labi, patungo sa mga labi nito. Hindi niya mapigil ang lumalalang kabog sa kanyang dibdib, ngunit anong ginagawa niya? Naaamoy niya na ang mabango at mainit na hininga nito pero teka, puwede ba 'yon?

"Bakit hindi amoy panis na laway ang hininga niya? Why is he too perfect?" bulong ng kanyang isip. Pero teka! Teka! "Hoy babae!" saway ng isip niyang tila ba biglang natauhan.

Babawiin na sana niya ang sarili na nakadukdok na sa lalakeng natutulog dahil gahibla na lamang ang pagitan ng mga labi nila ngunit …

Tanging d***g na lamang ang kanyang nagawa nang maramdaman niya ang malaki nitong palad na sumapo at humamig sa kanyang batok dahilan upang tuluyang maselyohan ng mga labi nito ang kanyang mga labi sa unang pagkakataon …,habang ang kabilang braso at kamay naman nito ay sa kanyang baywang naman humamig papalapit sa katawan nito.

"You want a taste of heaven? Then let me demonstrate it with my lips," bulong nito sa pagitan ng kanilang mga halik.

Nakakabaliw ang init ng hininga nito. Hindi unang beses ang halik na namagitan sa kanila dahil ang una ay noong ikasal siya pero iba ang halik na pinagsasaluhan nila ngayon. Mapang-angkin, mapusok at mapanukso. Tila nawawala siya sa huwisyon sa bawat galaw ng dila nitong humihingi ng access papasok sa kanyang bibig na hindi niya nagawang tanggihan at paglabanan. Kung gaano kabilis ang tibok ng kanyang puso ay hindi niya na alam. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nila at ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa, lalo na nang maramdaman niya ang matigas na bagay sa pagitan ng mga hita nitong simbulo ng kahandaan nito. Gumapang ang kakaibang kilabot sa kanyang kaibutiran nang ang kanyang dibdib naman ang sapuhin nito at pagpalain. Namimisil ang malalaking mga palad nito doon. Nang kumbabawan na siya nito ay ang bagay sa pagitan naman ng mga hita niya ang sinapo nito. Nanulas ang mga impit na ungol mula sa kanyang lalamunan at sunud-sunod ang kanyang pagsinghap.

It is her first time pero handa na nga ba siyang harapin ang kanyang first time? She is still nineteen. She's not minor anymore but she's too young for this. Pero bakit wala siyang maapuhap na takot sa anumang nakatakdang mangyari?

Tila inabanduna ang kanyang pakiramdam nang biglang huminto ang lalake sa ginagawa nito sa kanya. Inayos nito ang puwesto nilang dalawa. Pinaupo siya nito sa kanlungan nito nang tila papel lamang siya na binuhat nito at inilapag. Naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa kanyang likuran habang malalalim at maririin ang paghugot nito ng hininga. Hinihingal ito at tiyak niya na nagpipigil ito.

"I'm sorry …" bulong nito sa puno ng kanyang tainga.

Natigagal siya. For the first time in her life, ngayon lamang siya nagkaroon ng matinding kagustuhan ngunit naudlot naman. Walang kahit anong salita ang mamutawi sa mga labi niya kundi ang impit na d***g kasabay ng mabilis niyang paghinga. Hinihingal din kasi siya.

"Look, if you don't want to do this, please get out of here quickly while I can still hold back . . ." sabi nitong muli. "But if you want me to continue . . ." hindi na naituloy pa ni Lestre ang sasabihin nang pumihit siyang paharap dito at siya na ang mag-umpisa ng mapupusok na mga halik.

It is her first time pero bahala na. Wala naman nang masama sa kanyang gagawin. She's at the right age already at wala na rin namang magulang na pipigil pa sa kanya.

Walang makapipigil sa kanya.

Sa umagang iyon, isinuko niya sa unang pagkakataon sa isang celestial fox ang kanyang bandera.

WALA silang imikang dalawa habang magkasabay na nanananghalian. Alas dos na ng hapon. Inabot na sila ng ganoong oras. Hindi niya alam kung normal bang ganoon pala katindi ang estamina ng isang celestial fox with nine tail. Kung hindi pa siya d*****g na mahapdi na at nanghihina na ay hindi pa siya titigilan nito.

Panay naman ang tingin niya rito ng pailalim dahil panay rin ang tikhim nito. Hindi niya alam kung nangangati lang ang lalamunan ng lalaki o may gusto itong sabihin sa kanya. Nailinga niya ang paningin at nakita na sila nga lamang ang naroon at kumakain ngunit naroroon nga pala ang mga katulong na sandamakmak na naghihintay lamang ng kanilang iuutos.

Muli siyang sumulyap dito ng pailalim ngunit sa pagkakataong ito ay sumikdo ang kanyang puso nang mag-tama ang kanilang mga mata. Tila napapaso namang magkapanabay silang umiwas ng tingin sa isa't isa habang siya naman ay napapangiti dahil sa na-realize.

Eksaktong natapos silang kumain ay tumunog ang cellphone ni Lestre kaya agad nito iyong dinampot at sinagot. Siya naman ay tumayo na ngunit sa kalagitnaan ay nakaramdam ng pangangalog ng mga tuhod. Tila nawawalan siya ng lakas ngunit kailangan niyang paglabanan. Dahan-dahan siyang naglakad. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya dahil sa sakit ng katawan.

"Where are you going?" tanong ni Lestre sa kanya. Napalingon siya sa direksyon nito. Sa postura ng lalaki ay mukhang hindi pa ito tapos makipag-usap sa kausap nito sa telepono. Naka umang pa kasi ang cellphone nito sa tainga ngunit hindi nakalapat. Nakatingin ito sa kanya na para bang bantay sarado nito ang galaw niya kanina pa at isa siyang asong tatakas sa kanyang master.

"To my room," sagot niya. Napangisi siya sa isip. English 'yon 'te! Feeling niya, rich kid na rin siya.

Sinenyasan siya nito ng, "Sandali lang tatapusin ko lang ito". May ilan lang siyang sinabi sa kausap sa telepono at pagkatapos ay pinatay na nito ang tawag. Sceptical siya. Mukhang may gusto nga itong sabihin sa kanya kanina pa. Nakita niya naman na wala nang kahit isang katulong doon at wala rin ang matandang impakta na palaging nakatingin sa kanya ng masama. Siguro, kaya ganoon ang huli ay dahil gusto rin siya nitong gawing hapunan o kaya naman ay pananghalian kung excited itong kumain ng tao.

Winaglit niya ang nasa isip nang makitang papalapit na ito sa kanya. Awtomatikong kumabog ang puso niya sa bawat hakbang na ginagawa nito na nagpapaliit sa kanilang distansya.

"You are still sore down there. Let me carry you," sabi nito. Aangal pa dapat siya dahil nahihiya siya rito pero huli na ang lahat. Napakabilis ng pangyayari. Ni hindi man lang nito hiningi ang kanyang permiso kung pumapayag ba siya na kargahin nito.

Naaalala niya noong kasal nila. Para yatang wala namang naganap na buhatan. Basta umuwi lamang sila tapos wala ring naganap na honeymoon.

"Honeymoon my foot. Peke nga lang pala ang kasal namin, pero bakit ako pumayag na may mangyari sa amin? Hindi! Hindi na ako papayang na masundan pa iyon! Hayyy! Ang t*nga!" Wala sa sariling nabatukan niya ang sariling ulo.

"Why?" kunot noong tanong ni Lestre sa kanya. "You hit yourself, is there anything wrong?"

"H—ha? Ah, ano …wala! Wala naman! May naisip lang ako pero wala naman 'yon!" pilit ang tawang sagot niya rito na hindi makatingin sa mga mata nito. Nang subukan niyang tumingin dito ay natigilan ang lalake.

"You're blushing," pagpuna ni Lestre sa kanya. Hindi niya mapigilang maalala ang mga nangyari sa kanila nang nagdaang umaga kanina.

"Ah, h—hindi ano! Akala mo lang 'yon, ganyan talaga ang skin ko. Alagang rejuvenating set kasi 'yan," katwiran niya sabay alis ng tingin niya rito dahil hindi na niya matagalan ang paninitig nito.

"Sana all nakakatitig ng diretso 'di ba? Hayy! Bakit ba kasi ganyan siya makatingin?" hiyaw ng kanyang isip. Nahihiling niya sa hangin na sana hindi nito naririnig ang mabilis na tibok ng—

"Kanina ko pa naririnig ang lakas ng tibok ng puso mo, may sakit ka ba sa puso?" may pag-aalala nitong sabi sa kanya. Napaka inosente nito. Nagpapasalamat siya na hindi nito alam na ang pamumula niya at malakas na tibok ng puso niya ay dahil sa mga naaalala niyang pinagsaluhan kanina.

Huminto sila sa tapat ng silid nito. Nag-alumpihit siya nang akmang hahakbang ito papasok doon. "Teka!" pigil niya rito. Tumigil nga ang huli.

Questionable ang mukha nitong tumingin sa kanya ngunit saglit lamang iyon nang may maalala. "Oh, yes. I remember. Inutos ko kanina to transfer all your things in my room. There is no reason for you to sleep in that room again," sabi nito.

"From now on, iisa na lang ang kuwarto natin." May pinalidad ang sinabi nito.

Parang gustong sumabog ng ulo niya. Paano na ang me time niya? Para tuloy siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"What!?" Hindi pa natatapos ang sinasabi niya ay pumasok na siya sa loob at namataan niya pa ang mga katulong na nanggaling sa loob ng kuwarto na inookupa niya noong nakaraan. Mukhang nilinis na nila iyon at wala na siyang magagawa pa.

Maingat siyang inilapag nito sa kama na mukhang pinalitan na rin ng mas malaking size. Bago na rin ang bed sheet. "Shit! Nakita nila 'yong …'yong!" Hiyaw ng kanyang isip.

Gusto niyang sampalin ang kaniyang sarili pero mas gusto niya na lang palang maging isang patatas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status