Share

Chapter 7 The truth

"THE—the thing is ..," panimula ng nanginginig na si Fiona. Subalit nagulat siya nang makitang bigla itong lumuhod sa harapan ni Lestre. Takot na takot at nanginginig. "Patawarin mo ako Sire, gutom na gutom na kasi ako! I need the human pituitary gland to maintain my balanced diet or else, I'll die starving!" may pagmamakaawang paliwanag nito sa kausap. Gusto niyang sabihin dito na, "So, gutom ka kaya ako ang nakita mong prey?" pero huwag na lang dahil baka siya na naman ang pagbalingan nito.

Nakita niya na naman ang nagniningas na kulay gintong mga mata ng lalakeng kanyang pinakasalan. It is indeed piercing and outrageous but dangerously beautiful. Ang guwapo nitong mukha sa simpleng awra ay tila nadagdagan ng appeal sa kanyang mga mata dahil sa minamalas niyang anyo nito.

"But you know the consequences you will face when you disobey me and the other consequences that feed your whole life back and that is …" anitong hindi tinuloy ang sinasabi dahil mukhang alam ni Fiona ang kasunod na salita.

"I know and I still wanted to have nine tails like yours, to protect my family!" sagot ni Fiona kay Lestre. Mababakas ang matindi nitong pagnanais.

"Then do not mess with humans, especially with my wife! Understand?" May pinalidad ang salita nito. Ang mga titig nito ay nakakatakot at nagsusumigaw sa mga mata nito ang mga salitang, "It's a must".

Matapos kausapin ni Lestre sa harap nilang lahat si Fiona ay pinahatid ito sa driver nito pauwi sa bahay ng mga Welrick. Pagkatapos ay balik sila ulit sa meeting. This time, siya na lang, si Lestre at si Juris ang naroon.

Hindi siya makapaniwala na tunay ang lahat ng kanyang nakikita. Naaalala niya pa ang panakot sa kanila ni Mother Superior sa tuwing magiging pasaway silang mga bata sa bahay ampunan.

"Ang mahuli kong gising pa at naglalaro sa disoras ng gabi ay ipakakain ko sa Fox sa kagubatan!"

Pagkatapos noon ay kanya-kanya silang balik sa mga higaan nila at nagtabing ng kanya-kanyang mga kumot para ipakita na hindi na sila magkukulit. Sino ba kasing hindi matatakot kapag ililigaw ka sa gubat na may fox na nangangain ng bata? Hindi kasi nila alam ang hitsura ng fox noon kaya gano'n na lamang ang takot nila kapag binabanggit iyon. But things changed noong natuto na siyang mag search sa internet. Syempre pa, nakita niyang cute pala naman ang mga ito gaya ng normal na aso. Kaya nga palaisipan kung bakit ipinapanakot ang mga fox sa mga bata. Fox nowadays, especially in America, are their favorite indoor pets. Siguro nga kung may kaya lang siya sa buhay ay mag-aalaga siya ng isa.

"We are a celestial fox Celestina," maikling paliwanag ni Lestre sa kanya bilang panimula. Ito rin ang sinabi nito kanina ngunit nagdesisyon na magpatawag na lang ng meeting. Bumuntong hininga ito at tumitig sa mga mata niya. Si Juris naman ay naroon lamang at nakaupo kasama nila ngunit hindi nakikialam sa kanilang usapan.

"Then does that mean, hindi rin totoo na may taning na ang buhay mo?" tanong niya. Naisip niyang kung celestial fox ito at hindi basta magkakataning ang buhay nito. Walang gano'n 'di ba?

Nanahimik si Lestre sandali at muling binasag ang katahimikan. Hindi nito inaalis ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya. Hindi rin niya nilubayan ng tingin ito sa mga mata dahil nais niyang makita ang katotohanan sa mga sasabihin nito.

"The whole marriage thing is my plan because I want to change my identity as soon as possible for my own valid reason. But I don't want to tell you that because I don't want you to get involved with my issues. All I want you to know is that you are safe as long as you will stay with our deal. There would be no problem. You will leave this mansion without any traces after one month and I will erase everything about me and you, so that you can live free and no one will bother you when we part ways," mahabang paliwanag nito na binibigyan siya ng assurance.

Mag-aalastres na nang matapos ang discussion nila. Natapos ang pag-uusap na marami na siyang naintindihan, kabilang na roon ang hindi na magiging nine tailed ang isang fox kailan man kung nakakain na ito ng sariwang pituitary gland galing sa isang buhay na tao.

Ayon sa mga ito, ang pagkain umano ng pituitary gland ay parang droga kung sa mga tao pa. It will increase their power but in return, the fox who eated pituitary gland will never be a nine tailed fox even when he or she reaches one thousand years old and above. Just like the old lady butler of this mansion.

Iyong mga nangyayaring patayan na hindi matukoy kung sino ang pumatay, actually the culprit is none other than Lestre. But those who were killed are those mischievous foxes who eat not just human pituitary gland. They also consume human flesh and internal organs. May mga panahon pala na hindi ito sa mga business ventures nito abala kundi sa pag-hunting ng mga nagkalat nitong kalahi na against sa rules nito. Lestre is famous to all foxes alive in this world because he is devine and has nine tails. Wala pang sino man sa kasaysayan ang nabuhay na may siyam na buntot kundi si Lestre pa lang. Ito rin ang mensahero ng langit upang hilingin na ambunan ng biyaya ang mga masisipag na magsasaka. Si Lestre ang tinatawag na rice messenger sa Langit dahil sa kanyang Divine powers and being. Sa lilim ng langit, kinatatakutan siya saan mang kagubatan siya magpunta.

Umuwi na si Juris at sila naman ni Lestre ay sabay na ring naglakad patungo sa kanya-kanya nilang mga kuwarto, since magkatabi lamang naman ang mga kuwarto nila. Pero kanina pa'y pansin niyang ang sakit ng ulo niya ay lumilikha na ng pagkahilo. Siguro ay dahil lamang sa antok iyon dahil isa man sa kanila ay wala pang tulog simula pa kanina dahil sa insidente.

Kinusot niya ang mga mata dahil medyo nangangati na iyon. Palatandaan niya iyon kapag stress na stress na ang mga mata niya. Nararamdaman niya na rin ang hapdi at pagod nito kasabay ng palala ng palalang sakit ng ulo niya.

Nauuna si Lestre sa kanya habang naglalakad sila sa pasilyo, pero bakit parang lumalabo at dumidilim ang pigura nito sa kanyang paningin?

Mayamaya pa ay binalot na siya ng matinding antok ngunit ang ipinag-aalala niya ay ..,

Hindi pa siya nakararating sa kanyang higaan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status