"ANO‽" umalingawngaw yata sa bawat sulok ng kuweba ang kanyang boses dahil sa lakas ng pagkakasabi niya. Sabi kasi nito kanina, "Umalis ako saglit at nagpunta sa City to buy foods. I don't want to end up eating you because of hunger. Otherwise, I'll be dead in agony." Spell creepy and sweet? Nakakatakot pero nakakakilig. Puwede naman palang mangyari 'yon ng sabay. First time niyang maranasan 'yon.
"So, gaano mo pala ako katagal iniwan dito?" tanong niya. Unconscious siya ng iwan nito kanina kaya hindi niya alam."Well, more than an hour?" tila sinusubukan nitong tantiyahin sa isip kung gaano nga ba siya katagal nito iniwan.Lalong sumama ang itsura ng kanyang mukha sa sinabi nito. Natigilan tuloy si Lestre at napatitig sa kanya.Ilang sandali pa ay binasag nito ang katahimikan ng gabi at humagalpak ng tawa. Nakakainis lang kasi. Guwapo pa rin ito habang nang-iinis at guwapo pa rin kahit tawang sira-ulo ang tawa nito. Sobrang biWALANG nagbukas ng gate para sa kanila, dahil halos wala nang matirang buhay sa bukana. Mayroon man ay duguan na rin ang iba at hindi na makagulapay, habang ang ilan naman ay nakikipaglaban pa. It feels dangerous everywhere she turn her eyes at bukod doon ay nagbabadya pa yatang umulan dahil madilim ang langit na para bang nakikiramay sa nakakalungkot na kasalukuyang nangyayari sa paligid. Puro dugo sa kahit saan at hindi niya maiwasang manginig sa takot. Ang mga nakikita niyang noon ay buhay at nagsisilbi sa mansyon, ngayon ay mga nakahandusay na sa sahig. Ang iba ay naghihingalo at ang iba ay wala nang buhay. Kabit-kabila ang sigawan, iyakan, mga tunog ng nababaling buto at halakhak ng kasamaan. Masangsang ang buing paligid at punung-puno ng pighati. Ang saya lang nila kahapon at kanina habang magkasama. Pero bakit sa isang iglap lamang ay biglang nagbago ang lahat?Naagaw nila ang pansin ng lahat nang sila ay dumating. Taga mansiyon man o mga nanloob ay nakatutok an
NAKALIGTAS ang mga driver, ang matandang butler at ang ilan pang mga tauhan ng mansyon. Ang iba ay naghihingalo at ang iba ay sugatan naman. Marami-rami ang nasawi at dahil doon ay dalawang araw nang mainit ang ulo ni Lestre. Wala rin itong pahinga marahil at ilang araw na nitong inaayos ang lahat upang magbalik na sa normal ang mansyon dahil sa rami na rin ng naging sira.Sabi naman ni Juris sa kanya noong mag-usap sila matapos ng engkuwentro ay nangyari na rin daw ang ganoong klase ng kaguluhan noon."Bakit mo pala kilala si Durango?" tanong nito sa kanya."Kasi beks, siya 'yung gustong umampon sa akin noon sa bahay ampunan. Natakot ako sa kanya kaya tumakas ako, dahil sa takot ko. Noon pa man, hindi ko na gusto ang pakiramdam ko sa matanda na 'yon eh." Nakita niya ang pagkagulat na bumalatay bigla sa mukha ni Juris ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin."Beks, sabihin mo nga . . ., Sa Marry God Child Orphanage ka ba nanggaling na ampunan?" tanong nito sa kanya bigla. Siya naman
"I'LL make sure na magkikita at mag-uusap din tayo sa susunod at ipapaliwanag mo sa akin ang lahat Celestina." Nginisihan siya nito kaya sinagot niya ito."In your f***ing dreams, Mr. Sylverstain. Wala akong dapat ipaliwanag sa 'yo." She greeted her teeth at kinarga ang anak niya paalis sa lugar na iyon. Susundan pa sana siya ng dalawa pero sinenysan niya ang mga ito na huwag nang subukan dahil baka pagsisihan pa ng mga ito.Nagpapasalamat siya na hindi na nagpumilit pa ang dalawa. Inis na napahugot na lamang siya ng marahas na hininga habang inaalala ang mga sinabi ni Lestre kanina sa engkwentro nila sa airport. How dare he do that‽ Pagkatapos ng ginawa nito limang taon na ang nakakaraan, magpapakita itong bigla sa kanya na para bang may claim ito sa kanyang buhay.Mahigit isang oras na silang nakaalis doon at naiinis siya dahil bakit ba kailangan pang magpakita nito agad sa kanya? It is not her original plan. Never in her dreams na ginusto niyang ipakita ang anak niya rito. Wala siya
KABADONG kabado si Celestina. Hindi niya nga rin maintindihan sa kanyang sarili kung bakit hanggang ngayon ay ganoon pa rin siya at hindi na nasanay. Dapat ay hindi na siya nakakaramdam ng ganito pero heto siya at nanlalamig ang mga kamay at talampakan.Dinala siya ng elevator sa last floor at tumambad sa kanya ang isang malawak na pasilyo. Bukod sa mahaba at malapad kasi ang area ng kinatatayuan ng building, itong floor na ito kasi ay mukhang anim lamang talaga ang opisina na mayroon. Kahit saang bahagi yata ng floor na ito madaan ang mga mata niya ay puro marmol na itim, puti, gray at cream brown ang kulay. May mga tag ang anim na pinto roon. Isa sa planning department, main meeting room one, main meeting room two, files and contract room, Mr. Arboleda's office and lastly, CEO/President-Owner na located sa pinaka dulo at pinakamalaking opisina also labeled as Room six.Maglalakad na sana siya patungo sa pinto na may nakasulat na Mr. Arboleda's office pero natigilan siya nang makitan
NARATNAN niyang tulog ang kanyang anak sa malaking kama nilang dalawa. Nakabukas pa ang laptop nito ngunit nang kalikutin niya na para sana tingnan ang activity nito buong oras na wala siya ay hindi niya na ma access iyon dahil naka lock. Nakunot naman ang kanyang noo. Naisip niya na baka may napindot ang bata kaya na lock. Tatanungin niya na lamang ito mamaya paggising kung natatandaan nito ang password. At kung hindi ay pabubuksan na lamang nila ito sa technician mamaya. Umaga pa naman kaya naisipan niya na bumaba muna ulit at magpunta sa kusina.Hindi niya kasi nadatnan si Caspiana pero nakita niya na nasa garahe naman ang sasakyan nito kaya malamang na nasa kuwarto pa ito at natutulog. Ten o'clock na kasi kaya naisip niyang magluto na ng pananghalian. Naisipan niyang magluto ng isang simple dish dahil siguradong paggising ng anak niya ay magugutom ito. At si Caspiana naman ay siguradong o-order na naman online. Sayang lang naman kasi mahal nga pero hindi naman masarap
WALANG nagawa si Celestina kung hindi ang papasukin si Lestre sa loob ng bahay. Kung hindi lang masamang ipakita sa bata ang away matanda ay kanina niya pa sinabon ang lalaki. Nuncang maka apak ito sa loob ng bahay na tinutuluyan niya."Ano bang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka man lang tumawag muna sana na pupunta ka at paano mo nalaman ang address ko?" tanong niya rito dahil sigurado siya na hindi niya ibinigay ang address ni Caspiana. Hindi pa siya sira pala ipaalam dito kung saan sila nag-satay na mag-ina. Kaya lang ang dami na niyang sinasabi pero para naman itong walang naririnig, dahil abala ang loko na ilibot ang mga mata sa buong kabahayan habang parang umaamoy-amoy pa ito. Malaya niya kasing awayin ang lalaki, dahil saglit munang umakyat ang anak niya at nagpalit ng damit. Masaya ang anak niya at hindi niya iyon kayang sirain dahil para sa kanya, si Leone ang lahat sa kanya. Ito lang ang nag-iisa at tangi niyang kakampi sa mundo at wala nang iba. Kaya nga
ILANG araw niya ring tinrabaho ang plano para sa proyekto at kagabi nga ay tinapos niya na ito. Maaga siyang nagbangon dahil may dadaanan pa siya bago magpunta LS Group. Kailangan niyang bumili ng motor dahil nahihiya na siyang palaging iniistorbo ang kaibigan para ihatid siya sa mga lakad niya.Sinadya niyang magsuot ng black leather jeans and black sando na humahakab sa kanyang katawan. Pinarisan niya ito ng leather semi formal blazer and black boots. para akma naman siyang magmaneho ng motor at makipag business appointment.Pinagtitinginan pa siya ng mga taong nababaan niya pagdating sa isang malaking tindahan ng mga luxury brand ng mga motor siklo at iba pang uri ng sasakyan. Name it, they are famous because they all have it except the low class. Dito pumupunta ang mga bigtime para bumili ng mamahaling sasakyan. Some of their products here are from abroad and they sometimes have newly launched from different manufacturers. They are known here as one o
PAG-ALIS niya galing sa LS Group building ay dumiretso siya sa isang mall, gamit ang bagong bili niyang motor. Ubos na kasi ang gamit niyang make up. Naubos kanina lang. Gusto niya ring bumili ng ilan pang damit nilang mag-ina kaya naisipan niya na rin na dumaan sa mga shop doon.Una niyang pinuntahan ang kids wear at nang matapos siya doon ay agad siyang nagtungo sa women's boutique.Habang nagpipili siya roon ay hindi niya inaasahan kung sino ang kanyang makikita.Ilang taon na rin ang lumipas at malaki na rin ang ipinagbago ng hitsura ng mag-asawang umampon sa kanya. Umulan ang lahat ng mga alaala sa kanya mula noong naroon pa siya sa piling ng mga ito. Tandang tanda niya pa na parang kahapon lang ang lahat ng nangyari. Lahat ng sakit at pangmamaliit ng anak ng mga ito na si Nora. Ang pagturing ng mga ito sa kanya na isang katulong sa halip na isang kapamilya. Hindi niya lahat malilimutan iyon. Kung mayroon man isang kabutihan na naibigay ang mga