Share

Chapter 2 - Her haters

"LESTRE, have you eaten already?" diretsong pasok ng sopistikadang babae kanina na nakasalubong niya noong kasama niya ang impaktang matanda at mga maid.

"We have something very important to discuss, Fiona. We can have a chit chat later," ani Lestre sa kadarating pa lang. Medyo pahiya konti ito kaya tiningnan niya ito ng nakataas ang kilay at nangungutyang ngiti. Lalo siyang nasiyahan nang makita niya ang umuusok na tenga nito sa inis hanggang sa nag-walkout na lang ito na padarag na isinara ang pinto.

Nang sila na lamang ang matira sa loob ng kuwarto ay tumayo ito hawak ang isang papel na may nakasulat. Sinenyasan niya akong lumipat ng upuan sa nakabalagbag na malaking sala sa bandang kanan ng malaking opisina. Maraming libro doon at very relaxing ang dating ng kulay green na paint ng dingding. Bagay na bagay kung nais mong ipahinga at ma relax ang pagod na mga mata sa maghapong trabaho.

"Read it first before the discussion," instruction nito sa kanya kasabay ng paglalatag nito sa table sa harapan niya ng papel na kanina ay hawak nito.

"Ano 'to?" tanong niyang nag-angat ng tingin dito.

"Read it," ulit nito sa instruction kanina. Oo nga naman kasi, read it nga.

Isa na namang kontrata ang nakasulat sa papel. Kunot ang noo niyang tumingin dito.

"Done?" tanong nito sa kanya nang magtama ang mga mata nilang dalawa.

Tinaasan niya lamang ito ng isang kilay as if saying, "Obvious ba?"

"Then let's start," anunsyo nito. Nang humarap ito da kanya ay naka suot na ito ng salamin sa mata acting like genius.

"Wow, kailan niya sinuot 'yun?" tanong niya sa isip. Para kasing nahihiwagahan siya.

"Ang tagal naman," bulong niya. Nanunusok na bigla itong tumingin sa kanya. Napaiwas naman siya bigla ng tingin dito. "Gusto ko na lang maging patatas," hiyaw ng isip niya. May sa kuneho ba ito? Ang lakas kasi ng pandinig.

"Number one," sabi nito kaya agad siyang napatutok ng tingin sa papel sa harapan niya. "You can't just go here in my office or in my room without my notice or permission." Nanitig ito sa kanya as if saying, "Do you know what I mean?" Ano bang akala nito sa kanya, bopols sa English? Hindi lang 'yon ang mother tongue niya pero kung hindi nito nalalaman, dean's lister kaya siya palagi. Magaling siya sa lahat ng subject, sayang lang kasi hindi na siya sinuportahan ng mga umampon sa kanya sa college. Hindi niya naman masisi ang mga ito dahil hindi naman siya talaga kaanu-ano ng mga ito. Ni hindi nga siya minahal o pinahalagahan man lang. Ano ba naman kung ipaghanda lang siya kahit pansit man lang sa kanyang birthday? Buti pa nga sa ampunan ipinagluluto siya ng punong tagapagluto doon ng isang plato ng pansit na itinatakas pa nito sa gabi para ipakain sa kanya. Kaunti lang kasi iyon at pinaghahatian lang nila. Palagi kasing natataon sa abalang buwan ang kanyang kaarawan kaya hindi rin siya nabibigyan ng pansin ng mga madre doon plus napaka pasaway niyang bata noong maliit pa siya. Ang gara hindi ba?

"I understand. Akala mo sa akin, slow? Number two, I must consult you first in every decision I make before actually doing it, especially when it has something to do with our marriage," basa niya sa pangalawa. "Huwag kang mag-alala. Marunong akong alamin kung hanggang saan lang ako. Pangatlo, I can't talk to you all the time whenever I want. Oo, sige, si Juris muna ang tatanungin ko o kakausapin ko at bahala na siyang magparating sa iyo ng gusto ko." Nakatunganga lang ang lalake sa kanya nang madako ang tingin niya rito. Muli siyang nagtaas ng kilay rito.

"What?" tamad na tanong niya kay Lestre nang humalukipkip ito na akala mo ay nalugi sa negosyo.

"I think this meeting is adjourned. You have interpreted it yourself already," naiinis na saad nito sa kanya. Gusto sana niyang matawa pero kasi, hindi nakakatawa kapag nagalit talaga ito ng tuluyan sa kanya at biglang i-cancel ang balance niyang ninety billion dollars.

"Uy teka, may number four pa! It says here that I can buy anything I like, using your VIP card but I can't buy a dog for a pet? Bakit?" ano namang issue nito sa aso? Dog lover kaya siya tapos ipinagbabawal ng kumag na 'to na mag-alaga siya ng aso? What the eff?

"Just don't bring a dog here. I don't like them near! Got that‽" anito in a sudden outburst. Nagulat siya sa reaksyon nito. May issue nga ito sa aso kung ganoon! Bakit naman kaya? Pero ang mas malala, may attitude issue rin ito.

Hindi naging maganda ang tapos ng usapan nila ngunit pinirmahan naman niya ang kontrata kanina. Ayaw niya naman na galitin ito ng sobra dahil baka mamaya, hindi na ibigay ang ninety billion dollar at bawiin pa sa kanya ang ten billion dollar na paunang bayad. Worst case, worst. Hindi niya ma imagine. Marami pa naman na siyang naiisip na gawin sa pera na iyon kabilang na ang mag-aral ng kursong gusto niya at magtayo ng sariling negosyo.

Nakasalubong niya pa ang Fiona na 'yon paglabas niya ng opisina ng asawa niya. Nakakaloko ang ngisi nito nang magsalubong ang kanilang mga mata. Tinaasan niya ito ng kilay tapos nginisihan kahit hindi niya feel ngumiti pagkatapos at diretso na siya sa kuwarto niya.

Dumaan na naman sa mga alaala niya kung paano itinulak ni Nora ang lola nito sa hagdan. Walang malay taong bumagsak ang huli sa ibaba ng hagdan. Dinaluhan niya naman ang matanda dahil kahit hindi ito nagkaroon ng amor sa kanya ay hindi niya naman gugustuhin na may masamang mangyari dito. Pagkatapos noon ay isa-isang nagsibabaan ang pamilya. Si Nora, kitang kita ng mga mata niya kung paano ito kunyaring bumaba galing sa hagdan at magkunyaring nagulat nang makita ang matanda. Iyon ang eksenang inabot ng pamilya kaya sa kanya napunta lahat ng sisi. Pinalayas siya ng mga ito na hindi man lang hinihingi ang side niya, kung totoo ba ang akusasyon sa kanya pero ano pa ba ang aasahan niya? Pakiramdam niya, napunta siya sa isang pamilyang literal na nanggaling lahat sa impiyerno.

Pinunasan niya ang mga nagsitakas na luha sa mga mata niya. Madalas niyang itanong sa sarili kung bakit kasama siya sa mga taong hindi pinalad magkaroon ng buong pamilya. Sa kamalasan pa, kahit isang kaanak ay wala siya. She has nowhere to go literally kaya nga laking pasasalamat niya kay Juris nang makilala niya ito noong gabing iyon. Kahit hindi siya nito kaano-ano ay walang pagdadalawang isip siya nitong sinaklolohan nang mawalan siya ng malay sa tawiran dahil saatinding hilo at gutom.

Nagawi ang paningin niya sa wall clock sa harap mismo ng kanyang kama. Hating gabi na pala at nagdadrama pa siya. Nakaramdam siya ng panunuyot ng lalamunan at kaunting sakit ng ulo kaya naman naisipan niyang bumaba para kumuha ng tubig na maiinom.

Nang makararing siya sa ibaba ng hahdan ay nakarinig siya ng mga d***g ng lalake at babae. Para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan nang makita niya si Lestre at si Fiona. They're makingout. Hindi niya matukoy kung anong bahagi ng pagkatao niya ang mag-iinit. Ang ulo niya ba o ang kanyang katawan. Para kasi siyang naaalibadbaran sa mga ito. Dangan bang kakakasal pa lamang nila, mukhang may nagtataksil na. Kung sa bagay, ano bang paki niya rito? There is no love between them. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin. Tutal, nakasulat nga naman sa kontrata nila na wala silang pakialamanan ng buhay. Malaya silang makipagrelsyon kahit na kanino ngunit hindi in public para na rin sa reporasyon ng isa't isa.

Nalaman niya kasi kay Juris na kahit simple ang kasala ay naka televise sila nationwide. Napapanood ng buong mundo ang kasal. Ganoon ka sikat ang kanyang pinakasalan. Hindi naman siya isang artista ngunit isa siyang celebrity.

Umalis na lang siya doon dahil baka kung mahuli siya ng mga ito ay mapagbintangan pa siyang manyak na naninilip ng makeout ng ibang tao. Kaya lang, hindi niya maiwasan na mabuwisit sa mga ito lalo na sa impaktang Fiona na 'yon. Literal na malandi. May asawang tao na 'yung lalake pero inaakit niya pa rin. Pero hindi bale na. Hindi magtatagal ay aalis rin naman siya roon at hindi niya kailangang makipag-agawan ng lalake. Kanya na ito, tutal ay mamamatay na naman ang Lestre na 'yon. Ang kailangan niya lang ay pera para sa kinabukasan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status