Share

Chapter 3 - kidnapped

KINABUKASAN, nadatnan niya si Juris na kalalabas lamang mula sa opisina ng kanyang asawa. Nakasimangot ito at mukhang naiinis kaya agad niyang tinawag ang pansin nito. Agad siya nitong nginitian at nagtungo sila sa sala sa third floor at doon nagkuwentuhan.

"Bakit naman hindi maipinta ang mukha mo? Ang aga-aga girl, broken hearted ka ba?" biro niya rito para tumawa naman ito.

"Gage, hindi ako broken! May nakita lang kasi akong nakakasukang bagay. Ewan ko ba kung bakit ang babaeng 'yun pa ang ginagawa niyang parausan," buwit na bwisit na kuwento ni Juris. Ngumisi siya dahil mukhang alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

"Si Fiona?" diretsong tukoy niya sa tinutukoy ng kaibigang bakla. Nanlalaki ang mga matang tingin nito sa kanya.

"Nakilala mo na ang garapal na 'yon?" anitong may gigil ang himig.

"Kagabi," nakangisi niyang kumpirma. Mukhang may namamagitan sa kanilang dalawa. "Kung friends with benefits pala sila, bakit hindi na lang sila ang nagpakasal?" tanong niya rito ngunit nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Hdi niya matukoy kung mangingilabot ba siya o matatakot o masusuka.

"Hindi puwede, dahil masyadong mababa ang babaeng 'yon para piliin ko para kay Sire. Sisirain niya lang ang reputasyon ni Lestre kung siya ang magiging Dam," sagot nito.

"Sire?" point niya sa tawag nito sa Lestre Sylverstain na iyon. "Bakit pala sire ang tawag ninyo sa kanya? Pansin ko lang."

Biglang lumikot ang tingin ni Juris. Parang hindi nito alam ang sasabihin sa kanya.

"Uy, ano na?" untag niya rito. Dahan-dahan itong nagbalik ng tingin sa kanya na pawisan na ang noon at namumutla.

"Ah, ano kasi …" dinukot nito ang sariling cellphone sa bulsa ng pants na suot saka nag-type doon. Mayamaya pa'y ibinalandra nito ang screen ng cellphone sa mukha niya.

Sire is a form of address for their reigning kings in Europe, France, Belgium, Germany, Italy, Sweden, The United Kingdom and Spain.

Iyan ang kanyang nabasa. Nag-search pala naman ang ate mo. Mukhang medyo napalagay ito nang makita ang reaksyon niya na mukhang kombinsidong kombinsido naman. Sa yaman kasi ng lalaki ay maituturing na itong hari. Mukhang mas sikat pa nga ito sa pinuno ng bansa dahil sa pag-aabang ng mga tao sa mga kaganapan ng buhay nito. Pero kung bakit hari ang turing nila sa lalaki ay ..,bakit nga ba? Masyado yata nitong nakukuha ang interes niya. Kung noon ay wala siyang oras na alamin o i-stalk ito sa internet dahil bukod sa ayaw magpa-connect sa wifi doon sa bahay ng mga umampon sa kanya ay wala rin siyang pera para umupa ng PC sa computer shop. Ngayon, nakapag search naman siya dahil ang kumakarag niyang cellphone sa wakas ay naka connect din sa wifi.

Going back, naalala niya pa ang mga nabasa kagabi nang i-search niya ang pangalan ng asawa sa internet. Laganap nga na may sakit itong hindi pa tinutukoy ng partido at ang pagkakaroon ng taning ng buhay nito. Si Lestre ang paboritong paksa ng mga tao lalo na ng mga kababaihan partikular ang mga dalaga. Total package raw kasi sana dahil guwapo na, mayaman pa. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga basher niya sa internet. Isa raw siyang mang-aagaw. Inagaw raw niya ang asawa ng mga ito. Ang dami ng fan girl nito, hindi biro.

"Ah …you address him as your king? Asia naman ito ah, so Bakit King?" pangungulit niya pa rito. Nakaka curious kasi at mas lalo pang tumindi iyon dahil sa definition na binasa niya sa cellphone nito.

Bigla na naman itong naging aligaga. "Bakla ang dami mo namang tanong. Oh siga na, aalis na ako ha? Kailangan ko pang bumalik sa opisina," sabi nito habang pinupulot na ang mga dala nitong gamit na maingat na naka-ayos sa isang paper bag at ang atachecase nito na mukhang may mga laman na mahahalagang papel.

"Ha? Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong, bakit nga? A—at saka bakit Dam ang tawag sa akin?" pahabol na tanong niya pa rito. Nakaka intriga kasi tapos hindi naman pala sa kanya sasabihin. Ayaw niya pa naman ng may nililihim sa kanya lalo na ang bagay na nagpapatindi ng kuryosidad niya.

"Sasabihin ko rin sa 'yo kung bakit kapag kaya mo nang intindihin ang lahat. Sa ngayon, aalis muna ako kasi marami akong pending works sa opisina girl. Kaya sige na, babay na ha‽" parang bagyong mabilis na nakalabas ng LPA ito. Hinabol niya pa nga ito sa hallway pero para itong bulang naglaho sa hangin.

"Grabe, paano niya tinakbo ng gano'n kabilis ang mahabang hallway? Para namang multo 'yung baklang 'yon!" kausap niya sa sarili. Kung may iba lang makakakita sa kanya, tiyak na masasabihan siyang nasisiraan na ng bait o kaya may may multipersonality disorder.

Naglakad na lang tuloy siya pabalik ng kanyang kuwarto. Nabuo sa isip niyang mamamasyal siya sa araw na 'yon tutal, wala naman siyang gagawin buong maghapon. Hindi naman siguro siya dudumugin ng mga tao sa labas dahil hindi naman din siya siguro nakilala sa TV. Bongga naman kasi ang make-up niya kahapon at wala naman siyang suot na make-up ngayon.

Binuksan niya ang closet na puno ng mga mamahalin at bagong damit at sapatos. Parang wardrobe ng reyna ang kanyang damitan. Hindi siya makapaniwala na kanyang lahat iyon. Puro signigtured pa ang brands lahat. Walang fake maging sa mga bags. Worth million. Para namang magagamit niyang lahat iyon eh isang buwan lamang naman silang magiging mag-asawa.

Naligo siya ng mabilis at nagbihis pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto. Nakasalubong niya pa ang mga maids at ang demonyitang matanda na kung makatingin sa kanya ay ganoon na lang. Feeling niya kung palagi niyang makakasalubong ito ay nasa impyerno siya.

Paglabas niya ng mansyon ay sinalubong siya ng isang unipormadong lalake na mukhang may edad na. Yumukod ito sa kanya bilang respeto at bumati. "Good morning young madame, saan po ang punta ninyo?" tanong nito.

"Lalabas lang ho manong. Naiinip ako sa loob eh. Sige ho, kung may magtanong kung nasaan ako pakisabing namasyal lang ako." Maglalakad na sana siya paalis ay hinarang siya nito.

"Ay nako ho, young madame. Ipagmamaneho ko na ho kayo kung saan ninyo gustong pumunta. Kabilin-bilinan ho sa akin na kung lalabas kayo ay ako ang magmamaneho sa inyo kahit buong maghapon pa," sabi nito. Namangha siya at natuwa sa sinabi nito. Pabor sa kanya iyon dahil hindi na niya magagastos ang isanglibong pamasahe na hinanda niya. Ang lalake kasi na 'yon black VIP card lang iniwan sa kanya, walang cash. Paano naman siya sasakay ng cab niyan? Buti naman pati driver na sarili ay sagot nito.

"Sige ho manong tara na para makarami!" masayang aniya rito.

Nang makaalis ay una nilang pinuntahan ang mall. Matagal na siyang nangangarap na makapasok doon pero kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Ang pera kasi na ibinibigay sa kanya ng adoptive parents niya ay iniipon niya. Bukod sa maliit lamang ang kanyang baon, madalas ay kinukulang siya dahil sa mga school projects. Sinasamantala rin kasi niya ang pagkakataon na pinag-aaral siya ng mga ito kahit hirap na hirap siya dahil alam niya na darating ang panahon na aalis siya sa poder ng mga ito at mamumuhay ng kanya. Sa kasamaang palad, hindi na siya pina-aral ng mga ito ng kolehiyo, kaya parang gumuho ang mundo niya nang palayasin siya ng mga ito dahil sa kasalanang hindi naman siya ang gumawa.

Bumili siya ng ilang importanteng mga kailangan niya tapos namasyal na lang siya nang namasyal. Lahat ng pagkain na gusto niyang kainin ay binili niya at mga stocks na biscuit at juices. Binilhan niya rin ng pasalubong ang mga anak ni manong na driver niya bilang pasasalamat nito dito.

"Huwag n'yo na lang hong bangitin kay sungit kung nahihiya kayo sa kanya," aniya rito. Nahihiya namang umo-o ang matanda rito.

Bandang tanghali ay niyaya niya ang kanyang driver na kumain. Pinaunlakan naman siya nito na sumabay sa kanyan since sila naman ang magkasama. Ayaw niya naman na kumain mag-isa.

Naunang matapos kumain ang driver niya kaya nauna na rin itong magpunta sa parking lot sa kanilang sasakyan at doon maghihintay sa kanya.

Habang naglalakad mag-isa papunta sa parking lot ay bigla na lamang may tumakip sa kanyang bibig at ilong. May naamoy siyang kakaiba na sa tingin niya ay gamot at pagkatapos noon ay nakaramdam na siya ng matinding hilo at pananakit ng ulo na siyang nagpawala sa kanyang kamalayan.

NAGISING siya na hindi maikilos ang mga kamay at paa. Nagtangka siyang magsalita ngunit nanakit lamang ang kanyang bibig nang mapagtantong nakabusal pala siya. Nakapiring din siya na ang pagkakatali ay mukhang napaka higpit.

Sinubukan niyang d*****g ngunit nagkamali siya ng ginawa.

"Tumahimik ka babae!" kalmado ngunit mariing saway sa kanya ng lalaki na hindi niya nakikita sabay unday ng suntok sa kanyang sikmura.

Ang hilo na nararamdaman niya nang nagising siya kanina ay mas nadagdagan. Parang gusto niyang masuka.

Nakarinig siya ng tunog ng cellphone na may tinatawagan at pagkaraan ng ilang sandali ay may sagot na sa kabilang linya.

"Nakuha na namin siya Boss, ayan siya." Sa dating ng sinabi nito, alam niyang video call ang nangyayari.

Wala siyang magawa. Alipin siya ng sitwasyon dahil sa kalagayan niya. Hindi niya alam kung sinong nagpadukot sa kanya at hindi niya rin alam kung saan siya dadalhin ng mga ito. Mukhang kung ano man ang pakay ng mga ito ay wala na siyang ligtas. Katapusan niya na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status