Share

CHAPTER 3 BROKEN HEART

GHIE ANNE

“May gusto ka ba kay Ken?” bungad na salita sa hapagkainan ng kuya Nilo ko na muntik ko ng ikabulunan.

Mabilis akong uminom at hinarap ang seryoso kong nakakatandang kapatid.

“Ano ba yan kuya muntik na akong mabulunan sayo eh!” inis ko salita sa aking kapatid na lalake.

“Ay, sus! Napagdaanan ko na iyan. Na ‘yong best friend ko na naging love ko rin kaso iba yung gusto n’ya,” ngingiti ngiti nitong salita habang kumukuha ng ulam sa mangkok.

“Sorry ka iba naman sa akin noh,” sabay irap ko rito dahil ayaw kong mahalata ng aking kuya na tama ang hinala nito.

“Ows? Talaga lang ha? Ako pa ba lolokohin mo? Eh... sa k’warto mo pa lang panay picture na ni —” naputol nitong salita dahil bigla ko itong tinakpan ng aking palad sa bibig. Naroon kasi ang aking papa at baka kung ano pa ang sabihin nito sa akin.

Pinandilatan ko ng mata ang aking kuya na siya rin ay nandilat sa akin. Saka nito tinanggal ang aking kamay na nakatakip sa kaniyang bibig.

“Bakit mo ba tinakpan ang bibig ko? Eh, sa talaga namang—”

“Kuya!” bigla kong pag-awat sa sasabihin nitong muli at tumingin ako sa aking mama at papa na kapwa nakangiti.

“Wag mo ng i-deny, nakita ko na rin ‘yon matagal na,” ani ng aking papa na nakangiti pero hindi ako tinitingnan. Habang ang aking mama naman ay nakamasid sa aming dalawa ni kuya.

Muli kong pinanlakihan ng mata ang aking kuya na ang mukha naman nito ay nagsasabi ng Ano?

Bumalik ako sa aking kinauupuan at ipinagpatuloy ang aking pagkain.

Napansin ko ang pag ngiti ng mama at kuya na para bang inaasar pa nila ako.

“Kuya naman eh…” reklamo ko na rito sabay ng aking pagbusangot.

“Bakit? Wala naman masama sa sinabi ko ah? Totoo naman. T’yaka natural lang na isa sa inyo ni Ken ang mahuhulog ang damdamin at iyon nga lang ay ikaw na sis. Sobrang lapit n’yo kasi sa isat isa eh, t'yaka nahalata na namin iyon ni mama noh.” Sabay subo nito ng pagkain at sumulyap saglit sa kaniya sabay kindat.

“Walang masama sa sinabi ng kuya mo. Part ‘yan ng pagdadalaga as long na ‘di ka nagpapabaya sa pag-aaral. Kaya alam ko na may halong selos ka kay Andie kasi ito ang gusto ni Ken,” ani naman ng aking ina.

“Kaya sana manatiling ganyan ‘yang nararamdaman mo. Kahit na meron na s’yang iba sana ang hiling ko anak focus ka pa rin sa pag-aaral. Kahit na masakit at nakakagselos ang importante nakapag bigay ka ng payo bilang kaibigan. Ngayon ‘wag mo ng problemahin kung hindi n’ya iyon tanggapin may magulang si Ken. Hayaan mo s’ya kung ano gusto niya. Basta ang importante nasabi mo na ‘yong dapat,” dugtong naman ng papa ko na ipinag patuloy ang kaniyang pagkain.

“T’yaka sis, ‘wag mas’yadong apektado ha,” dugtong naman ni kiya Nilo sa akin.

Na touch ako dahil hindi ko ini-expect na kahit alam na nila na may nararamdaman ako kay Ken ay hinayaan lang nila ako. Kung sa iba siguro ay sermon na ang aking inabot. Salamat talaga sobra dahil may mga magulang ako at kapatid na may malawak na pang-unawa.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa aming school dahil ayaw kong makasabay si Ken. Hindi pa gaanong maraming estudyante ng mga oras na iyon. Kaya naman naglakad lakad muna ako sa kahabaan ng pasilyo.

“Akala ko ba makikipag break ka na kay Ken? Bakit ‘di mo pa ginagawa?” Boses na nakapagpahinto sa akin ng mapadaan ako sa pangatlong palapag. Sinilip ko ang nakaawang pintuan ng isang bakanteng kuwarto para malaman ko kung sino ang nag uusap mula roon.

“Ano ka ba nag e-enjoy pa ako kay Ken. And besides nakukuha ko ang gusto ko. Tingnan n’yo, matalino ito kaya nagagamit ko ang katalinuhan niya sa pagpapagawa ko sa kaniya ng mga assignment ko. Ako ang nasusunod sa lahat ng nais ko kaya bakit ako makikipag break agad kung kailangan ko pa siya?” boses ng babae na aking ikinagulat.

Si Andie at kasama nito ang kaniyang mga kaibigan.

“How about Alfred?” ani ng kasama nito na nakahalukipkip pa ang kaniyang braso.

“And so? Iba naman si Alfred iba si Ken. At isa pa hindi nila alam na pinagsasabay ko sila.” Nakangiti nitong sagot. Animo’y ipinagmamalaki pa ni Andie sa mga kaibigan na may dalawa itong boyfriend na pinagsasabay.

“Ano ka ba naman Andie, paano kung malaman ng dalawa?” ang isa naman babae na nasa likuran ni Andie.

“Ba’t naman nila malalaman? Magkaiba naman sila ng schedule pati ng school. ‘Yan ay kung magsusumbong kayo.” Mataray nitong salita.

Nakaramdam ako ng galit kay Andie sa mga narinig ko. Hindi pala ito seryoso sa aking kaibigan at ginagamit lamang pala ito sa pansariling hangarin.

“Hindi namin gagawin yun noh, t’yaka matanong ko lang friend—sino ba sa dalawa ang siniseryoso mo?” muli ang babae sa likuran nito.

“Nagpapatawa ka ba? Wala akong dapat seryosohin sa kanilang dalawa. Those guys are my toys! And in fact nakukuha ko sa kanila yung hindi ko nakukuha sa magaling kong ama.” Ani nito sabay ngisi na nakakainis.

“Grabee s’ya ohh…” at nagtawanan ang mga ito. “Ikaw na teh! Ang may mahabang hair!” may kasama pang palakpak ng dalawa nitong kaibigan.

Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga gano’ng salita kay Andie na labis na kinalolokohan ng aking kaibigang si Ken.

First girlfriend ni Ken si Andie at hindi ako makakapayag na saktan niya ito ng labis. Kaya kaylangan ko itong sabihin before its to late!

Tumalikod ako sa pintuang iyon upang umalis pero biglang bumukas ang pinto na aking ikinalingon. Kapwa pa kami nagulat ni Andie sa isa’t isa. Alam kasi nito na kaibigan ko si Ken.

Matapang ko itong hinarap.

“Kanina ka pa d’yan? Narinig mo ba ang lahat? O baka naman sadyang nagmamat’yag ka?” ang walang pag-aalinlangan nitong tanong sa akin.

“Friend, ‘di ba iyan ‘yong best ni Ken?” mahinang tanong ng babae sa likod ni Andie na aking narinig.

“Sorry ha! Naglalakad lakad kasi ako hanggang sa hindi ko sinasadyang mapadaan ako sa kuwartong ito na may mga bubuyog na maingay. Kaya ayon, narinig ko.” Mataray kong sagot sa mga ito. Pero nginitian lamang ako ni Andie na para bang hindi ito nag-aalala na kaibigan kong matalik si Ken na niloloko niya.

“So ano? May dapat ka bang sabihin Ghie Anne?” aniya sa akin na nakataas pa ang isa nitong kilay.

“Ken loves you so much. Bakit? Bakit kaylangan mo s’yang paglaruan?” derekta kong tanong.

“Narinig mo nga?” ang nakangiting si Andie. Habang ang dalawa nitong kasama ay nakikinig lamang sa kanila. “And what are you gonna do? Magsusumbong sa best friend mo?”

“As you said, best friend ko nga s'ya. At karapatan niyang malaman ang lahat,” ang matapang kong sagot.

“Ohh, yeah? As you said, you’re only best friend and I’m his girlfriend.” Sabay ngiti nito ng painsulto kasabay ng pagtaas nitong muli ng isa pang kilay sa akin. “Palagay mo pag nagsalita ka sa kaniya pakikinggan ka ni Ken?” sabay halukipkip nito ng kaniyang mga braso.

“Bakit hindi?” paghahamon niya ng tingin kay Andie.

Halos magkasing taas lang kami nito kaya ang mga matatalin naming tingin animo’y naglalaban sa bawat isa.

“Oh! There you are,” si Ken na biglang umakbay kay Andie dahilan upang malipat ang tingin nito kay Ken

“Hi there,” matamis na ngiti ni Andie kay Ken na halos ikainis ko ng husto.

“Nagtatalo ba kayo ni Ghie Anne?” tanong ni Ken sa bruha niyang nobya na sadyang tumingin pa sa akin.

“Were not fighting may sinasabi lang s’ya sa akin.” Malambing nitong tugon sabay haplos sa dibdib ng nobyo.

“Ken, I need to talk to you.” Hawak kong bigla sa braso ni Ken.

Nakita ko sa mga mata nito ang biglang pagtatanong na Bakit? Pero hindi iyon lumabas sa bibig ng binata bagkus ay nagsalubong lamang ang mga kilay nito sa akin.

“Please, may mahalaga lang akong sasabihin…” muli kong salita habang si Andie ay ngingiti ngiti lamang sa akin maging ang mga kaibigan nito.

“Then, sabihin mo na kung ano? Bilisan mo lang at mag i-start na ang klase natin.” Hinatak pa ni Ken si Andie palapit sa katawan nito.

“Tayong dalawa lang sana,” muli kong salita.

“Bakit? Ayaw mo bang marinig ko ang lahat Ghie Anne? Uulitin mo lang naman lahat ng mga sinabi mo sa akin ‘di ba?” matapang na salita ni Andie.

“Ano ba iyon Andie? Ano ito Ghie Anne? Nag-uumpisa ka na naman ba?” muling napakunot ang noo ni Ken sa akin.

“Ken look wala akong mga sinabi kay Andie. Kundi may mga natuklasan ako kaninang pagdaan ko. Narinig ko ang lahat, kausap n’ya ‘yang friend niya.” Sabay turo ko sa mga kaibigan ni Andie na nasa likuran nito.

“Haler! Nandamay ka pa!” ang maarteng salita ng kaibigan ni Andie.

Kumalas si Andie mula sa pagkaka akbay kay Ken at humalikipkip ito ng kaniyang mga braso habang ang mukha ay naghahamon sa akin.

“Ano na naman ba ito Ghie Anne?” si Ken na alam kong naiirita na ito sa akin.

“Niloloko ka lang ni Andie! Pinaglalaruan ka lang, kayo ni Alfred ang isa pa niyang boyfriend. Maniwala ka. Narinig ko na ginagamit ka lang niya, na isa ka sa mga toys na pinaglalaruan lamang,” mabilis kong paliwanag rito pero nanatiling nakakunot ang noo ni Ken sa akin.

“Wow! Saan galing iyang kuwento? Sinisiraan mo ba ako Ghie Anne? Kanina pa ‘yan, sinabi niya sa akin na hiwalayan kita. And now may Alfred na na-involved. And who’s Alfred ba yan Ghie Anne?” pagsisinungaling nito.

“Wag mong baliktarin ang usapan Andie. Aminin mo na kasi na talaga naman na niloloko mo ang kaibigan ko,” muli kong tingin rito.

“Stop it Ghie Anne! Kahapon ka pa ganyan kay Andie. Hindi nung isang linggo pa pala. Nakakasawa ka ng intindihin hindi mo ba alam? Oo, para sa ikabubuti ko ang lahat. Pero ang sirain kami ni Andie—Ghie Anne, sumosobra ka naman ata,” pigil na galit ni Ken na aking ikinagulat ng husto.

“Ken, hindi ako nagsisinungaling. Kilala mo ako, alam kong alam mo kung kelan ako nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. Matagal na tayong magka-ibigan. Kay Andie ka pa ba maniniwala?” pigil ang aking luha na huwag tumulo pero alam kong nangingilid na ito sa aking mga mata.

Agaw atensyon na ang eksena. Kaya naman hinatak na ako ni Ken pababa ng hagdanan. Saka niya ako muling hinarap.

“Ghie, alam kong magkaibigan tayo noon pang bata pa. Pero ang gawin ito sa amin ni Andie—” mahina nitong salita sa akin saka ito umiling. “Mahal ako ni Andie at naniniwala akong hindi niya iyon magagawa tulad ng sinasabi mo.”

Napangiti ako ng mapakla saka kinagat ko ang pang ilalim kong labi. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ay bigla na lang ito mawawala dahil ipagpapalit siya sa isang babaeng kaylan lang niya nakilala.

“Alam ko naman na kaya mo ito ginagawa dahil nagseselos ka,” dugtong ni Ken na aking ikinagulat. “Nagseselos ka dahil hindi na kita nabibigyan ng oras. Alam mo naman na magkaibigan lang tayo at nobyo ko si Andie. Natural na sa kaniya ko na maibibigay ang panahon at oras ko, Ghie.” Aniya sa akin na ikinakunot ko ng aking noo.

“Nagkakamali ka Ken, alam ko kung saan ako lulugar sa buhay mo. At alam ko kung ano ako sayo kaya huwag kang mag-isip sa akin ng hindi maganda. Selos? Iyan ba ang batayan mo para sabihin mo sa akin na gumagawa ako ng kuwento masira lang ang relasyon niyong dalawa? Hindi ko kailangan gawin iyon ng wala akong basehan.”

Pinatatag ko ang aking sarili na huwag ipakita kay Ken na nasasaktan ako sa pagbalewala nito sa lahat niyang sinabi. Na ipinakita na nito na si Andie ang kaniyang kinakampihan. Samakat’wid napahiya lamang ako sa harap ni Andie at sa mga kaibigan nito. Dahil akala ko ay ako ang pakikinggan ni Ken dahil mag best friend kami at makailang beses na ako nitong kinampihan sa ibang bagay. Kaya nga malakas ang loob ko kanina kay Andie dahil iyon ang aking paniniwala. Pero ano? Nagkamali pala ako.

“Sorry Ghie Anne, hindi ko hahayaan na sirain mo ang relasyon naming ni Andie. ‘Wag ka ng gumawa ng kwento, please….” muling salita ni Ken.

Sabay silang napalingon ng mag bell ang kanilang school hudyak na kailangan na nilang pumasok sa kanilang room.

Huminga ako ng malalim at nauna akong humakbang pababa ng 2nd floor. Hinawakan ako ni Ken sa aking braso pero hinila ko ito at hindi ko na siya pinansin kahit na alam kong tinawag niyang muli ang aking pangalan.

Pipilitin ko sa aking sarili na ito ang huli naming pagtatalo ni Ken. Tama na ang magpakatanga. Kung hindi niya ako kayang pakinggan wala ng rason para muli kaming mag-usap.

Ilang araw ko ring hindi pinapansin si Ken. Marami ang nagtatanong tuloy kung ano daw ba ang nangyari sa amin at hindi kami nag-uusap ng aking best friend? Kahit na alam kong kaklase ko ito at alam kong mahirap para sa akin ang umiwas sa binata ay ginawa ko pa rin. Kung minsan nga ay halos magkabang gaan kami nito dahil papasok ako sa room at siya naman ay palabas. Kapag kakanan ako ay ganun din siya kaya hindi ko tuloy alam kung saan ba siya banda dadaan dahil nga sa pag-iwas ko sa kaniya. Kaya naman minabuti kong gumilid muna ako para bigyan siya ng daan at hindi kami parang nagpa patentero nito sa bungad ng pintuan.

Hindi na rin ako sumasabay sa kaniyang pag-uwi at nakikita ko pa nga ito na nag-eenjoy ang binata sa hindi ko pagsabay dahil ang pumalit sa akin ay as usual kundi ang kaniyang pinakakamamahal na nobya.

Kasalukuyan akong nagsusulat sa aking note book ng may naglapag ng paper bag sa aking harapan. Pag-angat ko ng aking paningin ay si Ken pala ito at nakangiti pa sa akin.

“Peace offering,” aniya sa akin. Pero hindi ko ito nagustuhan.

“Misty, sayo na lang ito.” Mabilis kong itinuro ang paper bag sa aking harapan kay Misty. Alam niya na narinig iyon ni Ken at nakita niya ang aking ginawa.

“Wow! Isang box ng chocolates. Sa akin ba talaga ito, Ghie Anne?” ang natutuwa niyang kaklase na nanlalaki pa ang mga mata na nakatitig sa ibinigay ni Ken.

“Oo, sayo na iyan. Hindi na kasi ako mahilig kumain ng sweet kasi baka masira lang ang ipin ko. At ayaw ko na pati ang ipin ko ay masira dahil lang diyan sa chocolate na iyan,” salitang may ibig sabihin na ewan ko kung narinig iyon ni Ken.

“Ah, eh…mukhang hindi naman ata ito sa akin eh?” ani ni Misty na nakatingin banda kay Ken saka niya muling ibinabalik ang ibinigay na chocolate.

“Ibinigay na iyan sa akin kaya may karapatan akong ibigay iyan sayo. Bakit ayaw mo ba?” ani ko na may halong inis na dahil nakikita ko na nakikipag-eye contact si Misty sa likuran kong bahagi kung saan banda nakaupo si Ken.

“Akin na kung ayaw mo,” sabay kuha ko sa paper na hawak ni Misty at dinala ko ito sa trash can saka ako lumabas ng kuwarto ng walang lingon lingon.

Naglakad ako sa kahabaan ng corridor at naupo sa isang bakanteng bench. Pinakakalma ko ang aking sarili sa ginawa ni Ken.

Hindi na siya tulad ng dati na kapag may tampuhan kami nito ay magbibigay lang ng chocolate ay okay na uli kami. Mas malalim kasi ang pagtatalo namin ni Ken at hindi ito biro para sa akin.

“Ang pagkakataon nga naman,” boses na aking ikinalingon. Si Andie at ang dalawa nitong alepores sa kaniyang likuran.

“Kumusta ang best friend ng aking boyfriend na talunan? Hindi kita matyempuhan ah, mukhang umiiwas ka sa amin ni Ken. Bakit? Dahil ba sa nahihiya ka sa akin? O baka naman dahil sa napahiya ka na akala mo ikaw ang kakampihan ni Ken.” Ang mapang-asar na salita ni Andie na nagpapa-init ngayon ng aking tenga.

Tumayo ako upang iwan na lamang sila at huwag ng makipag talo pa. Pero hinarangan ako ng dalawang alepores nito.

Walang ibang tao sa corridor na iyon dahil ang lahat ay nasa canteen at ang iba naman ay nasa room nila. Pa ilan ilan lang ang dumaraan at saglit lang na titingin ang mga ito sa kanila.

“Wala ako sa mood para makipagtalo Andie,” salita ko rito na bahagyang itinaas ang isa nitong kilay.

“Makipagtalo? Bakit nakikipagtalo ba ako? At saka baka natalo, oo!” sabay tawa ng mga ito. “Look Ghie Anne, kung dati rati ay kayo ang pinag-uusapan dito sa loob ng school dahil sa closeness ninyong dalawa ngayon kami na! Kaya manahimik ka na lang,” sabay hipo nito sa aking buhok na tinabig ko naman ng mabilis ang kaniyang kamay.

“Hindi pa ba sapat na umiiwas na ako kay Ken at hinayaan ko na kayo. Kaya kung p’wede sana paraainin n’yo ako,” pigil ang aking inis sa mga ito.

Akma na muli akong lalakad pero muling humarang ang alepores ni Andie.

“Hoy, Ghie Anne! Alam mo ba na iyang ka dramahan mo ay nagbibigay sa amin ni Ken ng problema. Paawa effect ka ba? O talagang nagpapansin ka lang sa kaniya?” ani ni Andie na matalim na ang tingin nito sa akin.

“Ano bang sinasabi mo? Pinabayaan ko na kayo, ah. Bakit ginugulo n’yo ako ngayon?” sabay tabig ko ng kamay nito sa aking braso. Nagulat ako bigla dahil bigla na lamang itong sumalampak sa sahig at nag astang nasaktan. Samantalang hindi ko naman ito itinulak.

“Ghie Anne!” gulat akong napalingon sa aking harapan ng boses ni Ken ang aking narinig. Patakbo itong lumapit sa aming p’westo at nilapitan nito si Andie na may pag-aalala.

“Are you okay?” alalay niyang pinatayo si Andie na kunwa’y may idinadaing sakit sa kaniyang balakang.

Tinapunan ako ng masamang tingin ni Ken habang alalay niyang itinayo si Andie.

“Ano na naman ang ginawa mo? No’ng una sinisiraan mo ang relasyon namin, tapos ngayon itinulak mo pa siya!” galit na salita nito sa akin.

“What the? Nakita mo ba ang puno’t dulo ng pangyayari? Hindi ko siya itinu—”

“Cut the crap, Ghie Anne! Sumusobra ka na. Wala ka sa tamang posisyon para manakit na lamang,” galit na mukha ni Ken ang aking nakikita. Nababalutan na talaga ito ng impluwensiya ni Andie. Nabubulag na ito sa pagmamahal niyang mali.

“Gago ka pala eh! Ilang araw ko na kayong iniiwasan at pilit ko ng inilalayo ang sarili ko sayo! Tapos eto? Bigla kang susulpot sa eksena ng hindi mo inaalam kung ano ba talaga ang nangyari! The hell you! Tingnan mo ang paligid mo. Magtanong ka kung sino ang nakasaksi bago mo ako husgahan!” gigil kong salita kay Ken na bahagya nitong ikinatameme. “Ahhh…well, kahit nga naman magtanong ka balewala rin. Dahil nababalutan ka ng bulag mong pagmamahal at katangahan! Bagay kayong magsama, isang manloloko at isang nagpapaloko!” sabay alis ko at iniwan silang hindi ko pinakinggan kung ano pa ang kanilang sinabi. Pero ang alam ko ay may ilang nagpalakpakan sa kaniyang sinabi. Marahil ito ang mga naka saksi ng totoong pangyayari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status