Share

CHAPTER 5 ANGER AND HATE

“Ghie Anne!” sigaw sa ‘di kalayuan na ikinalingon ng dalaga.

Si Ken ay mabilis na palapit kay Ghie Anne. “Sabay na tayong umuwi.” Ani ni Ken ng maabutan siya.

Napataas bigla ang isang kilay ng dalaga ng bigla itong nag-aya na sabay na silang umuwi.

“Hindi na Ken salamat na lang ha.” Iwas niya sa binata. Pero bigla siyang hinawakan sa kan’yang braso na ikinagulat nito.

“Iniiwasan mo ba ako? I mean, galit ka parin ba sa akin?” seryosong tanong nito sa dalaga na nanatiling nakahawak ito sa braso.

“Should I answer that question? Hindi ba’t alam mo na ang dahilan? Kaya Ken bitawan mo na lang ako.” Sabay taas ni Ghie Anne ng kaniyang braso upang makabitaw si Ken sa pagkakahawak nito.

“Akala ko ba mag best friend tayo?” muling tanong ni Ken sa kaniya.

“Iyon din ang akala ko nung una eh, kaso nagbago ang lahat.” Sabay irap ng dalaga rito at humakbang palayo sa binata.

“Ang dali mo naman ako ipagpalit sa iba.” Habol nitong salita na muling.ikinalingon ni Ghie Anne.

Ang eksena nilang iyon ay takaw pansin sa mga nagdadaang estudyante na pauwi na rin.

“Ano sinasabi mo? Pinagpalit kita sa iba?” kunot ang noo ng dalaga ng muli niyang ibato ang salitang iyon sa binata na nakatitig sa kaniya.

“Si Nestor? Ano bang ginagawa sayo ng taong yun?” muling lumapit si Ken kay Ghie Anne na halos isang dangkal na lamang ang naging agwat nila sa isa’t isa.

Dahil sa matangkad si Ken ay napatingala ng tingin na lamang si Ghie Anne rito. Pero umatras siya ng isang hakbang.

“Wala akong dapat ipaliwanag sayo tungkol sa kaklase nating iyon Ken.” Aniya sabay talikod nitong muli.

“Hindi ka ba naging masaya sa piling ko?” muling tanong ng binata.

Huminga ng malalim si Ghie Anne bago muling humarap sa binata na may lungkot sa mukha.

“Dati rati naman hindi ka ganyan bakit ngayon nagbago kana?” mahina nitong salita na ang mga mata ng binata animo’y nangungusap.

“Why don’t you ask yourself, why? Hindi ako ang dapat sumagot niyan, eh. Dapat ikaw sa sarili mo alam mo ang sagot. Kaya huwag kang magtaka kung bakit?” inis na sagot nh dalaga kay Ken.

“Ghie, im sorry. Sorry kung anuman ang nagawa ko sayo—I really apologize.” Sabay kuha ni Ken ng kamay ng dalaga. Sa ganong eksena sila nadatnan ni Andie na agad na hinila ni Ghie Anne ang kaniyang kamay.

“Ken?” sabay hawak ni Andie sa braso ng binata at tumingin kay Ghie Anne.

Akma ng aalis si Ghie Anne ng muli siyang pinigilan ni Ken.

“Sabi ko sabay na tayong umuwi.” Tiningnan niya ang kamay ng binata mula sa pagkakahawak nito. Bago ay tinapunan niya ng pansin si Andie. Nakita niya ang pagbabago ng mukha nito. Tumaas ang isang kilay nito sabay halukipkip pa.

“Kung ayaw niyang sumabay sa’yo Ken, ‘wag mo ng ipilit.” Bungad ni Nestor na nakatabi na pala no’n kay Ghie Anne. Nagulat pa si Ghie Anne sa pagsulpot sa kung saan si Nestor.

“Ken, mukhang may kasabay na ang best friend mo kaya ako na lang ang isabay mo.” Ani ng nakangiting si Andie.

“Ako na lang ang maghahatid kay Ghie Anne, Ken. Wala naman sigurong masama dahil magkaibigan lang kayo ni Ghie Anne at isa pa andyan naman na ang girlfriend mo na dapat s’ya ang ihatid mo.” Suwestyon ni Nestor sa nakaseryosong si Ken.

“Ghie Anne?” mga mata ni Ken na animo’y nag-aantay ng kan’yang sagot.

“Okay lang ako Ken. ‘Wag ka ng mag-abala pa sa akin. Hindi mo na kaylangan ang presensya ko andyan na si Andie ang pinakamamahal mong girlfriend.” Sabay hawak ni Ghie Anne sa braso ni Nestor. “Let’s go.”

Matagal ng wala sa paningin ni Ken ang dalawa pero naroon parin siya sa dulo ng hallway ng school. Nakakunot ang kaniyang noo at ‘di makapaniwala sa nangyari.

Talagang galit sa kan’ya si Ghie Anne. Halos isang buwan ng ganoon ang trato sa kaniya ng dalaga. At kapag may itatanong siya tipid lamang itong sasagot at saka siya tatalikuran nito. Magkasama nga sila sa isang k’warto pero parang wala naman siya sa paningin nito. Bukod tanging magiliw lamang siya sa ilan nilang kaklase lalo na kay Nestor. Para siyang hindi ka klase. Para siyang invisible sa paningin ni Ghie Anne. Ang lahat ng iyon ay masakit para kay Ken. At inaamin niya na nasasaktan siya sa ginagawa ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na magagawa ni Ghie Anne ang tiisin siya nito.

Ang lahat ng ito ay dahil sa kaniyang kabaliwan kay Andie. Na nabulag siya ng katangahan niya sa pag-ibig. Ang lahat ng ito ay kasalanan niya.

“Ano Ken? Tatayo na lang ba tayo dito?”

Doon n’ya lang napansin na naroon pa pala si Andie sa kaniyang tabi

“Andie, nagkausap na tayo ‘di ba? Bakit ba lagi mo pa rin ako sinusundan?” inis niyang salita.

“Dahil mahal kita,” direktang sagot nito na may halong ngiti.

Natawa ng mapakla si Ken sa kan’yang narinig. Saka tumingala sa kisame at huminga ng malalim.

“I’m serious Ken, I really love you. Please believe me naman.” Sabay hawak ng dalaga sa braso ni Ken.

Pero tinanggal iyon ng binata at hinarap niya ito.

“Ilang beses ko ng sinabi sayo ‘di ba? Kailangan ko bang ulit ulitin ito Andie?” inis niyang sagot sa dalaga na ngayon ay malungkot na ang kaniyang itsura. “Nagsisisi ako kung bakit ko ipinagpalit ang friendship namin ni Ghie Anne sa isang katulad mo.”

“But Ken, I really love you.” Ulit muli ng dalaga sa kaniya na akmang hahawakan siya pero iniiwas nito ang kaniyang kamay.

“Andie! P’wede ba? Ibinigay na kita kay Alfred, bakit ‘di mo ito matanggap. Hindi na nga ako nagalit sayo sa ginawa mong panloloko sa ginawa mong pagsisinungaling at dahil diyan nasira ang relasyon namin ni Ghie Anne dahil mas pinanigan kita kesa sa kaniya na nagsasabi na pala sa akin ng katotohanan. At dahil sayo nakapagsalita ako ng hindi maganda sa kaniya. Hindi pa ba na si-sink ng utak mo na ayaw ko na sayo? Na tapos na tayo! Bigyan mo naman ng konting respeto ang sarili mo tulad ng pagbibigay ko sayo noon,” aniya sabay talikod nito sa maluha luhang dalaga.

“I won’t give up! You’re mine!” sigaw ni Andie sa kaniya na hindi na niya pinansin pa.

Dalawang araw ang nakalipas mula nang huli silang nag-usap ni Ken ay hindi na ito nagpapapasok na labis na ipinagtataka no Ghie Anne.

“Uy! Ghie Anne,” si Carla na katabi niya sa upuan.

“Bakit?” habang busy siya sa kan’yang pagsusulat at hindi niya nilingon ang kaklase.

“Nabalitaan mo ba ang nangyari noong isang araw sa plaza ng Kintana?” bulong nito sa kaniya.

“Anong meron sa plaza?” aniya na patuloy sa kaniyang pagsusulat.

“Kaya pala absent si Ken kahapon at ngayon—” muli niyang bulong.

Bigla na lang napahinto ang kamay ni Ghie anne sa pagsusulat nang marinig niya ang pangalan ni Ken. Lumingon ito sa katabi nitong kaklase.

“May nakakita na estudyante rin ng school natin. Nakikipagsuntukan siya sa isang lalake.” Dugtong nito na kaniyang ikinagulat.

“Ano?!” sabay bitaw nito sa hawak nito myng ballpen.

“Wag ka naman maingay. Marinig tayo ni ma’am.” Sabay patong nito ng hintuturo sa kaniyang labi para sabihing keep quiet.

Hindi siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya akalain na ang dalawang araw ng pag-absent ni Ken ay dahil pala sa nakipagsuntukan ito. Ang buong akala niya ay magkasama sila ni Andie na nagbubulakbol na naman.

Kaya naman pagsapit ng vacant time ay agad siyang lumabas ng gate ng school at nag para ng jeep. Pagsapit niya sa kanto ng kalsada papasok sa kanilang lugar ay nagpara naman siya ng tricycle pauwi sa kanilang bahay upang kuhanin roon ang kaniyang bike. Magbibisekleta na lang siya papasok naman sa kalsada ng hacienda upang makarating sa mansion ng mga Lee.

Pagsapit sa may harapan ng malaking gate ay agad siyang pinapasok ng guard dahil sa kilala siya ng mga ito. Agad siyang bumaba at inayos ang stand ng bike upang nakatayo itong iiwan niya sa tapat ng malapad na pintuan.

GHIE ANNE

“Ghie Anne,” salubong ng isang naka unipormeng babae na kasing edad ng kan’yang mama.

“Si Ken po?” tanong ko rito na pinagmasdan pa siya ni nanay Imeng.

“Naku! Etong batang ‘to. Galing ka ba niyan sa inyong school at malamang tumakas ka ano?” ani nito sabay hawak ng ginang sa laylayan ng aking pang ibabang uniporme.

“Ano po bang nangyari nanay Imeng?” tanong ko agad niya.

“Ewan ko ba sa batang iyon. Basta no’ng nakaraang gabi mga miyerkules iyon. Umuwing may dugo ‘yong bibig ni Ken. Singkit ang isang mata tapos ang dumidumi n’ya na sira pa ang damit. Sabi ko nga isumbong naming sa pulis kaso tumanggi s’ya. Tapos iyong in-open ko na itatawag ko na lang sa mga magulang niya, aba’y lalo itong nagalit at sinabihan kami na subukan daw namin at lahat kami tatanggalin n’ya.” Mahina nitong paliwanag. Pero punong puno ng pag-alala ang mukha nito sa alaga niya.

“Nasa k’warto ba s’ya, nay Imeng.” Tanong kong muli.

“Oo, nagkukulong nga eh. T’yaka nagulat kami kasi inutusan n’ya si Inchang na bumili ng alak kanina. Eh, hanggang ngayon ‘di pa lumalabas. Mag gagabi na, hindi pa mandin iyon nag-aalmusal at tanghalian. Ayaw naman kami pagbuksan ng pinto. Buti na lang at andiyan kana. Baka sakaling makinig iyon sayo.” Sabay hawak ni Nay Imeng sa palad ko at nakikita ko rito ang lubos na pag alala ng ginang.

“Nay, p’wede ko ba s’yang makita?” ani ko sabay tingin sa taas ng hagdanan.

“Halika sasamahan kita papunta sa kan’yang k’warto.” Sabay hila sa akin ng ginang.

Agad akong sumunod kay nanay Imeng na isang mayordoma sa mansion nila Ken. Alam niya na ang k’warto ni Ken ay sa dulo pa ng pasilyo. Oo, matagal na silang magkaibigan pero ni isang beses ay ako nagpupunta sa kuwarto ng binata. Tanging hanggang sala at kusina lamang ako sa loob ng mansion.

Pagsapit namin sa pinto ng k’warto ay agad na kumatok si nay Imeng at sinabi nito na naroon ako.

Ilang minuto bago bumukas ang pinto.

Sumilip pa ito bago tuluyang buksan ni Ken ang pinto. Tiniyak siguro muna nito na totoo ang sinabi ni nay Imeng na naroon ako.

Si Ken ba ang nasa kan’yang harapan?

Gulo ang buhok, walang ayos ang suot na damit. Unti-unti ng tinutubuan ng bigote ang laging naka shave na mukha. Kasabay pa ang pagkakaroon nito ng black eye at sugat sa gilid ng labi. Halos hindi ko na ito makilala.

“Iwan mo na kami mamay,” ang mahina nitong salita sa mayordoma nila na agad namang nagpaalam sa kaniya bago umalis

Nang makaalis ito ay agad na niluwagan ni Ken ang pinto. Nadudurog ang kan’yang puso sa itsura ni Ken. Gusto niyang haplusin ang mukha ng binata at yakapin ito. Pero hindi niya magawa.

“Tititigan mo na lang ba ako” salitang nagpabalik sa aking ulirat.

Pagpasok niya ay agad niyang naamoy ang alkohol sa katawan ng binata. Ang mga lata ng beer ay nagkalat sa lamesita niya.

“Naka ilang lata ka ng beer? Hindi ko akalain na iinom ka ng gan’yang karami,” aniya sabay turo niya sa mga latang nagkalat. “Hindi ka raw lumalabas ng kuwarto at hindi ka pa kumakain. Ano ‘yon? Panay alak ka na lang?” sabay harap nitong nakakunot noo sa binata na tanging nakatitig na lamang sa kaniya.

“Hindi ako lasing, nakainom lang.”sabay ngiti nito na sinabayan ng mapupungay na mga mata.

Ewan ni Ghie Anne kung bakit bigla siyang kinabahan ng isara at i-lock ni Ken ang pinto.

“Anong ginagawa mo? Bakit kailangan mong mag lock ng pinto?” pag-aalala niya dahil sa ibang Ken na ang kaniyang nakikita ngayon.

“Nag aalala ka sa akin? Tingnan mo, naka uniporme ka pa ng pumunta ka dito. At maaga pa para sa oras ng uwian,” marahan nitong salita kasabay ng unti-unti nitong paglapit sa kaniya.

“Natural na mag alala ako dahil magkaibigan tayo. Sino ba ang may gawa n’yan sayo? May kinalaman ba si Andie dito?” tanong niya na kasabay ng kaniyang simpleng pag-atras dahil sa lumalapit sa kaniyang p’westo si Ken.

“Wala. And this time hindi si Andie ang problema ko.” Sabay haplos ni Ken sa kaniyang pisngi na agad niyang iniwasan.

Pasimple siyang tumalikod dito upang tunguin ang pinto.

“Sino ba talaga ang may gawa sayo n’yan? At bakit kaylangan humantong sa gan’yang eksena? Ken, i-report natin ito sa pulis, alam ko kilala mo sila.” Salita ng dalaga habang nakahawak na sa seradura ng pintuan. Kinakabahan na kasi siya sa nakikita niyang itsura ng binata. Para bang may gusto itong gawin sa kaniya.

“Ghie…” mabilis na kilos ni Ken at naagapan nito ang pagbukas ni Ghie Anne sa pinto. Laking gulat ng dalaga ng bigla siya nitong niyakap ng ubod ng higpit. Nalanghap niya ang amoy alkohol nito sa katawan ng binata.

“Ken, hindi ako makahinga— “ pilit niyang itinutulak ang binata.

“I miss you, Ghie anne..”sabay kalas nito sa kaniyang pagkakayakap at titigan siya nito sa mukha.

Napalunok ng laway si Ghie Anne ng mapansin niyang nakatingin si Ken sa kaniyang labi. Pero bago pa makapag react si Ghie Anne ay lumapat na bigla ang labi nito sa labi nh dalaga.

Na freeze ang buong katawan ni Ghie Anne sa ginawa ni Ken. Hindi niya iyon inaasahan at mas lalong hindi niya inaasahan na magiging mapusok ang mga halik ng binata sa kaniya. Nasasaktan siya.

“Ken!”pilit n’yang itinutulak ang katawan ng binata para kumalas ito sa kan’yang pagkakayakap. At pilit niyang iniiwas ang mukha niya rito. Ang halik kasi nito ay may hatid na sakit na para bang pinarurusahan siya. Nalalasahan n’ya na rin ang alak na kan’yang ininom. Pero lalo itong humigpit sa pagkakayakap at lalong pang naging mapusok ang halik nito lalo sa kan’ya. Gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong pero walang boses ang lumalabas sa kan’yang bibig.

“Ken, please …” makaawa niya sa binata. Pero sad’yang bingi ata ito at lalo pa siyang nag panic nang mag-umpisang gumapang ang kamay nito sa kaniyang katawan.

Doon ay muli niyang itinulak si Ken dahilan sa pagka-out of balance nilang dalawa. Natumba siya kasama ang binata at bumagsak sila sa paanan ng kama nito. Buti na lang ay may carpet ang sahig kundi ay nasaktan siya. Nadaganan siya ng binata. Doon siya nasaktan sa pagkakadagan sa kan’ya ng binata. Saglit lang iyon at muling pinagpatuloy ang naudlot nitong ginagawa sa kaniya. Naramdaman niyang nakapasok na ang isang kamay nito sa kaniyang dibdib. Nanlaki ang kaniyang mga mata at pinilit niyang hatakin ang kamay ni Ken mula sa paghawak nito sa kaniyang dibdib. Ang halik nito ay gumapang narin sa kaniyang leeg patungo sa kaniyang dibdib!

Isang map’wersang lakas ang inipon ni Ghie Anne upang maitulak n’ya ang binata kasama na ang kaniyang mga paa. Nang maitulak n’ya ito ay agad siyang bumangon paupo, paatras siyang lumayo sa binata na noo’y natauhan sa ginawa nito.

Hindi alam ni Ghie Anne kung ano ang kan’yang nararamdaman sa mga oras na iyon. Basta ang alam lang niya ay nagagalit siya sa ginawa nitong kapangahasan.

Napakagat labi siya ng makita n’ya ang kan’yang sarili. Nahubad ni Ken ang kan’yang unipormeng blouse. Naibaba rin nito ang strap ng kanyang bra kaya nalantad dito ang isa niya dibdib. Agad niyang inayos ang kaniyang sarili. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang isa isa niyang isinasara ang pagkakabutones ng kaniyang uniporme.

Habang ang binata ay sapo ng kaniyang palad ang kaniyang mukha. Nakaupo ito at nakasandal sa gilid ng kama. Habang siya naman ay nasa sulok at sumiksik sa pagitan ng kabinet at side table ng kama.

“Shit! Ano itong aking ginawa?” usal ni Ken na kaniyang narinig.

Pag angat niya ng kaniyang mukha ay nakatitig sa kaniya ang binata.

Taranta siyang nilapitan nito at akmang hahaplusin ang kaniyang mukha pero tinabig iyong bigla ni Ghie Anne.

Isang malakas na sampal ang pinadapo ng dalaga sa mukha ni Ken.

“How dare you! How could you?!” galit niyang salita sa nagulat na binata. Sabay pahid niya ng kaniyang luha na kanina pa walang tigil sa pag tulo.

“Ghie, im so—” naputol ito ng tapunan siya ng masamang tingin ni Ghie Anne.

“What? You will say sorry?”galit niyang baling sa binata.

“Ghie…” akma niyang hahawakan ang dalaga ngunit biglang tumaas ang palad nito na nagsasabing stop.

“Huwag mo akong hahawakan! Nasusuklam ako sayo! I hate you! I hate you, Ken!” sabay takbo nito sa may pintuan.

Hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi. Basta ang natatandaan niya ay galit na galit siya kay Ken. Hindi siya nagpunta ng mansion para mabastos lamang siya. Nag aalala siya sa binata kaya naroon siya at hindi talaga siya makapaniwala na isang kapangahasan ang gagawin nito sa kaniyang pagpunta. Ang hindi pagrespeto ng binata sa kanyang pagkatao.

Paano kung hindi niya nagawang itulak ang binata?

Paano kung tuluyang nasira ang kan’yang pagkababae? Tapos, ano? Sorry lang?

Kuyom ang mga palad ng dalaga habang patuloy ang paghagulgol niya sa kan’yang k’warto.

Hindi niya mapapatawad ang binata. Galit na galit siya rito. Nawala ang paghanga niya sa kan’yang ginawa. Nawala ito ng tuluyan. Lahat ng iyon napuno ng galit, napalitan ng pagkasuklam! At hindi niya alam kung mapapatawad pa ba niya ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status