Share

CHAPTER 9

Tulad ng dati ay sumunod si Ghie Anne pabalik ng Manila upang magkausap sila ng maayos ni Ken at pagnatapos ang lahat ay muli siyang babalik para sa ika apat na pung siyam na araw ng kaniyang mga magulang.

"Hi po Ma'm! Good morning po," bati kay Ghie Anne ng secretary ni Ken pagbungad niya sa mesa nito na animo'y alam nito na darating si Ghie Anne. "Halika ka po at ihahatid po kita sa office ni Sir," muli nitong salita sabay ngiti nito kay Ghie Anne.

Pagbukas ng secretary ng pintuan ng office ni Ken ay bumungad agad kay Ghie Anne ang binata na kausap ang lalakeng dinala nito sa kanilang bahay sa probinsiya. Parehong lumingon kay Ghie Anne ang dalawang binata, ang isa ay ngumiti pero si Ken ay hindi. Seryoso ang mukha nito at wala man lang makikitang konting ngiti sa labi mas lalong ikinainis ni Ghie Anne.

"Sir, andito na po si Ma'm Ghie Anne," ani ng secretary ni Ken.

"Okay... salamat," tipid na salita ni Ken. "Have a seat Ghie Anne," sabay turo ni Ken sa upuan banda sa harapan ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status