Share

CHAPTER 31

GHIE ANNE

Unti unting nagdilat ang aking mga mata at doon ko lang napansin na nasa ibang kuwarto ako.

Mabilis ang aking pagkilos at napaupo akong bigla upang malaman lang na nasa opisina ako ni Ken.

"How are you now?" Boses na aking ikinalingon.

Si Ken nakaupo sa kaniyang office chair habang may ginagawa ito sa kaniyang personal na computer.

"A...anong nangyari? Kasama ko kanina—"

"Matagal mo na bang sakit iyan? Bigla ka na lang matutulog ng wala sa oras," sabay tingin nito sa akin.

"Hindi. I mean oo! At bihira lang ito mangyari sa akin," sabi ko sabay tayo ko at inayos ko ang aking sarili.

"My father wants to have a dinner with you," biglang sabi sa akin ni Ken.

"Ha?" Ang tanging nasambit ko habang nakatingin sa kaniya na busy naman sa pagtingin nito sa monitor nh kaniyang computer.

"Andito si Daddy at gusto ka niyang makita bago siya umuwi ng mansion," ani nito sabay sulyap niya saglit. "At kailangan mong magpa Psychiatry dahil sa kondisyon mong iyan," habol nitong salita.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status