Share

CHAPTER 4 AVOIDING MY BEST FRIEND

Pinagmamasdan ni Ghie Anne ang repleksiyon niya sa salamin. Mag isa siya sa pambabaeng banyo. Nagtataka siya kung bakit hindi napapansin ng sinuman ang kan’yang kagandahan?

Oo hindi s’ya kasing ganda ni Andie at kasing mistiza pero hindi naman siya pangit. Hindi rin siya kasing seksi nito pero alam niya sa sarili na may ilalaban siya. Hindi nga lang siya pala ayos. Simple lamang kasi siya at nasanay siya na mag ayos ng simple.

Sinubukan niyang ilugay ang mahaba at deretso niyang buhok saka sinuklay. Naglagay din siya ng face powder sa kanyang makinis na pisngi at konting pula sa labi. Ganung eksena siya nadatnan ni Andie kasama ang kaibigan nito.

“Uy! Mukhang nagpapaganda ka ah. Para kanino ba ‘yan? Magpapansin ka na ba sa mga guys? O baka naman sa isang tao ka lang magpapapansin?” bungad na salita kaagad sa kan’ya ng mga ito.

Umikot pa ito bandang likuran niya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa na nakangiti.

Inayos ni Ghie Anne ang sarili bago ang kan’yang gamit. Hinayaan niyang nakalugay ang kan’yang buhok. Hindi niya pinansin ang salitang sinabi ni Andie. Dahil wala siyang mapapala. Naghahanap na naman ito ng away at nat’yempuhan siya ng mga ito.

“San ka pupunta? Kinakausap ka ‘di ba ng friend ko?” Harang ng isang alepores ni Andie.

Huminga siya ng malalim saka deretso niyang tinitigan ang dalagang humarang sa kanya.

“Ano? Titigan mo lang ba ako?” nanlalaki pa ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya.

“Tapos na akong gumamit ng CR kaya padaanin mo ako.” Sabay tabig ko sa nakaharang nitong braso.

“Wow! Ang suplada mo naman. Kinakausap ka di ba? Bakit mo s’ya tinatalikuran?” pigil na naman nito sa kaniya. Ang isa ay nagsara ng pinto ng CR upang hindi siya makalabas.

“Hindi ako kinakausap ng kaibigan mo. As a matter of fact panunutya ang salita n’ya kaya hanggat umpisa pa lang tinapos ko na. Kaya padaanin mo ako.” Pilit ko itong itinulak upang makadaan ako at makarating sa pintuan.

“Tutya? Asar? Bakit ganun ba ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko?” si Andie na nakahalukipkip pa ng kaniyang braso.

“Bakit Andie? Ano ang isusunod mo sa salitang iyon?” matapang ko itong hinarap.

“Ohhh…c’mon Ghie Anne, mas’yado kang seryoso. Ang sabi ko lang naman nagpapaganda ka at para kanino ‘yang pagpapaganda mo? Masama ba ‘yong sinabi ko?” nakangiti nitong salita.

“Hindi. Pero masama rin ba na mag-ayos ako para tanungin mo ng ganyan? Nagsuklay at nagpulbos lang eh may pinapagandahan na?”

“Ang hard mo naman the! Para gano’ng words lang eh, dinidibdib mo na.” muli nitong ngiti.

“Kung gano’n palabasin ninyo ako rito. Huwag ninyo akong haharangan na para bang may gagawin kayo sa akin. This is bullying, Andie.” Sabay iwas niya sa nakaharang katawan ng kaibigan nito.

Pero bigla siyang nagulat ng may pumatid sa kan’yang paa. Muntik na siyang mapasubsob sa pintuan ng banyo. Buti na lamang ay nabalanse niya ang kaniyang katawan.

“Ay! Sorry hindi ko sinasadya.” Ang maarteng salita ng kaibigan ni Andie.

Inayos ni Ghie Anne ang sarili saka humarap sa dalawa.

“Ganyan ba ang ginagawa mo sa mga kaibigan mo? Ang turuang mang bully ng tao.” Ani ko kay Andie pero ang masama kong tingin ay sa dalawang alepores nitong ngingiti ngiti pa sa kaniya.

“What?” tanong nito sa kaniya na nakataas ang isang kilay.

“Kawawa kayo kasi hindi kayo tinuturing kaibigan ng kaibigan n’yong si Andie. Ginagamit lang kayo para sa mga kalokohan nya. Para sa pansariling kalokohan. Isa lamang kayong panakip butas. Pag kaylangan kayo nito tatawagin kayo para utos utusan sa kung ano ang gusto niyang mangyari. Pero kapag dumating na sa punto na magkakaipitan, maniwala kayo—iiwan kayo ng pinakamamahal ninyong kaibigan sa ere. Ika nga niya, para lang kayong isa sa mga laruan na pinaglalaruan lang niya.” Aniya sa dalawa na napahinto sa pagngingisi sa kaniya.

“I beg your pardon? Sino ka para sabihan ako ng ganyan ha, Ghie anne?” singit bigla ni Andie ay nakalapit na sa kaniya.

“Ikaw lang naman si Andie ang nag-iisang anak ng mayor natin dito sa lugar. Ang ibinalik ng ama dito sa probinsya dahil ayaw ka ng tanggapin sa mga exclusive school sa manila pati na ang government school dahil napapabilang ka sa pinuno ng mga bullying girl. Sa pagkakaalam ko ilang beses ka ng nireklamo. Tsk! Ganda mo pa mandin.” Insulto niyang salita.

Hindi niya inaasahang ilalabas niya ngayon ang natuklasan niya sa anak ng kanilang mayor. Matagal niyang sinaliksik ang background ni Andie dahil bakit bigla itong napa-transfer gayong maganda at private ang pinanggalingan nitong school sa manila.

“How dare you!” bulyaw bigla ni Andie sa kaniya.

Nginitian ni Ghie Anne ng painsulto ito, “Pasensya na ha, ni-research kasi kita. Sa dami ng nag babash sayo deni activate mo ang account mo. Ganyan ka ba kasikat sa dati mong school?” taas kilay na salita ni Ghie Anne.

“Galing mo naman. Ganyan ba ang epekto sa’yo sa ginawa ni Ken?” pag-iiba nito ng usapan.

“Tsk! Wala ka na bang ibang sasabihin? Hindi ko na sana ito binanggit sa’yo mismo sa harapan ng dalawa mong alepores. Kaso pinilit mo ako. Hindi ako masamang tao, pero kapag ang kaharap ko may sungay na at sinusuwag na ako. Doon na rin lalabas ang sungay ko at makikipag sabayan ako. Kung si Ken nagagawa mong pasunurin at utu-utuhin at ang iba mo pang kaibigan, ibahin mo ako.” Saka ko ito tinalikuran at akma na s’yang aalis nang magsalita uli’si Andie. Pero hindi na niya ito pinakinggan at dumeretso siyang lumabas ng CR.

Mahaba na pala ang nakapila at kapwa naiinis na ang mga ito.

“Pasensiya na sa inyo, may konting deperesya ung lock ng pinto kaya hindi namin mabuksan agad.” Pagatatago niya sa nangyari sa loob dahil kahit papaano ayaw niyang malaman ito ng iba dahil baka makarating na naman iyon kay Ken at mapasama na naman siya. Pero hindi siya nagsisisi sa kaniyang mga sinabi kay Andie. Dahil ang lahat ng iyon ay pang depensa niya sa kaniyang sarili lalo na’t nararamdaman niyang nang bubully na ito. Kung makarating man iyon kay Ken ay handa siyang harapin ito.

Ilang araw ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente sa CR ay hindi na niya napagkikita pang muli si Andie at ang alepores nito. Si Ken ay napansin din niyang tahimik na lamang sa isang tabi.At napansin niyang parang hindi na ito gaanong kaaktibo kay Andie tulad ng dati.

Kung ano ang iwas niya kay Ken ay s’ya naman ang paglapit sa kan’ya ng iba niyang kaklase na lalake. Pati na ang ibang section ay nakikipagkaibigan na sa kaniya. Pero ang madalas na lagi niyang kausap ay si Nestor.

Doon niya rin nalaman na kaya pala hindi makalapit sa kaniya ang ibang kaklase niyang lalake maging sa ibang section ay dahil kay Ken. Dahil akala nila ay kasintahan niya ito.

“Ghie, may baon akong pandesal palaman keso. Tara kainin natin sa canteen marami ito.” Si Nestor na abot hanggang tenga ang ngiti.

Nagliligpit siya ng mga oras na iyon ng kaniyang note book. Break kasi nila kaya siya niyaya ni Nestor.

Nagulat siya sa pagtrato nito sa kaniya ng ganun. Dati rati kasi ay tamang kinakausap lamang siya. Pero habang tumatagal ay nagbibigay na ito ng mga pagkain at ngayon nga ay niyayaya siya nito na kainin ang baong tinapay sa canteen.

Kung sabagay ay hindi pa siya nag-aalmusal dahil maaga ang pasok nila ng araw na iyon. Kailangan ay 7am ay andito na sila. At pagkatapos no’n ay bakante sila ng isa’t kalahating oras bago susundan ng pangalawang subject.

“Ano ba yan, lagi na lang ako libre sa pagkain eh.” Aniya na natutuwa kay Nestor. “Sandali Nestor ayusin ko lang gamit ko.”

“Kesa masayang sa bahay, eh ‘di pagsaluhan na lang natin.” Sabay angat nito ng paper bag na maliit kung saan nakalagay ang baon na pandesal.

“Doon na lang kaya tayo sa may puno ng mangga sa likuran sagot ko na lang ‘yong inumin,” ani ni Ghie Anne kay Nestor.

“Okay ako sa sinabi mo. Tara, samahan na kitang bumili sa canteen.” Tumayo ito at akmang kukuhanin ang kaniyang folder ay bigla niyang inawat si Nestor.

“Wag na Nestor, ako na diyan. Antayin mo na lang ako do’n.” sabay bawi nito ng folder na kinuha ni Nestor.

Naghiwalay sila ni Nestor ng pupuntahan. Si Nestor ay dumeretso sa likuran ng kanilang building na malapit sa court dahil naroon ang malaking puno ng mangga na malimit niyang tambayan tuwing umaga.

Agad na nagtungo sa canteen si Ghie Anne. Walang gaanong pila kaya mabilis siyang nakabili ng softdrinks in can.

Pag paling n’ya sa kan’yang likuran ay muntik na siyang mabangga sa dibdib ni Ken na noo’y sobrang lapit na pala sa kan’ya.

“Sorry,” ang ngiti niya ay biglang nawala lalo na’t nasa likuran nito ang malditang si Andie.

“Hi, Ghie! Sabay sabay na tayong—”

“No thanks Ken.” Putol niya sa pag-aya nito, “Actually may kasabay na ako,” sabay iwas niya sa dalawa.

Alam niyang nakasunod pa rin ng tingin si Ken sa kan’yang pag-alis. At nakita niya ang pagkadismaya ng mukha nito ng tumanggi siya sa alok ng binata.

Napapangiti siya. Hindi lang isa, dalawa, tatlo kundi maraming beses n’ya na itong tinanggihan. Gusto n’yang iparamdam kung ano ang naramdaman niya no’ng baliwalain siya ni Ken.

Nagulat siya sa dami ng baon ni Nestor. Hindi lang tinapay ang nasa harapan nila kundi may mga chips pa.

“Mahaba ang vacant natin ngayon kasi wala si Mrs. Laura.”

“Mauubos ba natin ito lahat?” ang nanlalaki niyang mga mata. Dahil sa totoo lang ay gusto niya ang mga chips na nasa harapan niya.

“Ikaw kung matakaw ka malamang maubos natin,” sabay bukas ni Nestor ng isang potato chips.

“Ikaw talaga Nestor, sabi mo kanina tinapay lang iyon pala may kasamang junk food. Saan mo itinago ang mga iyan?” turo nito sa mga chips.

Inangat ni Nestor ang back pack nito at sabay tawa nilang dalawa.

Masaya nilang pinagsaluhan ang baon ni Nestor habang nagpapalitan ng kung ano anong kwento.

Hindi akalain ni Ghie Anne na masaya pa lang kak’wentuhan si Nestor. Lagi siyang pinatatawa nito. Tuloy nakakalimutan niya ang pinagdaanan niya kay Ken at kay Andie. Hindi nga ito nagtatanong kung ano ba ang problema nilang magkaibigan eh.

Tinitigan ni Ghie Anne si Nestor. Moreno ito at matangkad din naman. Matangos ang ilong at sobrang linis kung manamit. Lalake pero pino kung kumilos. G’wapo ang binata. At may mangilan ngilan din naman ang nagkakagusto dito. At Ewan niya kung bakit sa kan’ya ito laging nakadikit.

“Nakaka blush ka naman kung makatitig eh,” pukaw sa kan’ya ng binata.

“Ngayon ko lang kasi napagtanto na g’wapo ka pala,” direkta kong salita rito na ikinangiti ng binata.

“Eh, ‘di may pag-asa pala ako sayo?” tanong nitong bigla.

Nagulat si Ghie anne sa kan’yang narinig. Out of the blue ba naman ay bigla itong nagtanong ng ganoon?

Inayos ni Ghie Anne ang kaniyang pagkaka-upo bago hinarap ang binata na noo’y sa malayo nakatingin pero ang mga ngiti nito ay hindi maitatago sa kaniya.

“Nakakagulat naman ang biglaan mong tanong?” ang mahina niyang sabi.

“Grabe s’ya oh, kung ma-shock ka naman kaylangan pamulahan ng pisngi.” Ani sa kaniya ni Nestor na agad niyang hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

“Ha? Namumula ba ang pisngi ko?” tanong niya sa binata na lalo itong natuwa.

“Feeling mo mistisa ka na n’yan?” sabay tawa ng binata sa kaniya.

Napasimangot tuloy siya sa pagbiro nito “Nakakaasar ka,” sabay nguso nito at pag-irap bigla kay Nestor.

“Hindi naman kita binibiro eh, totoo naman ang sinabi ko.”

Nagulat si Ghie Anne sa biglang paghawak ni Ken sa magkabila niyang pisngi para iharap siya nito. Tinitigan siya ng binata kaya naman nakaramdam siya ng pag-iinit sa magkabila niyang pisngi. Samantalang kanina ay hindi niya ito naramdaman.

Bigla ang pagtawa nito saka binitawan ang pagkakahawak nito sa kaniyang pisngi.

“Nakakaasar ka na talaga Nestor,” seryoso niyang salita.

“Nagbablush ka talaga hindi biro,” nagtaas pa ito ng kaniyang kanan palad para sabihin nagsasabi siya ng totoo.

Biglang niyang hinampas ng malakas sa balikat si Nestor na dahilan upang mawala ito sa kaniyang kinauupuan.

“Aray ko naman, para kang nakapalo ng malaki ang katawan. Para tuloy kumalas ang balikat ko, eh.” Ani ng binata na pinaikot-ikot pa niya ang kaniyang braso para ipakita kay Ghie Anne na animo’y inaayos niya ito.

Napatawa sila sa isa’t isa. Saka muli silang kumain ng natitira nilang chips.

Ang katuwaang iyon ay ‘di nakaligtas sa mga mata ni Ken. Kitang kita niya ang sobrang saya sa mga mata ni Ghie Anne. Hindi niya napatawa ng halakhak si Ghie Anne ng ganon kalakas. At mula nang iwasan siya ng kanyang best friend ay para bang nagkaroon ng puwang ang kanyang pagkatao para bang naging incomplete na siya. At nakakaramdam siya ng inis sa nangyayari.

Ngayon lang nangyari na tumagal na halos isang buwan ang pag-iwas sa kaniya ni Ghie Anne. At aminin man niya o hindi ay na mimiss na niya ito ng husto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status