Share

CHAPTER 28

GHIE ANNE

"Kasama si Andie?!" Gulat ko sa aking narinig kasabay ng aking pagharap.

"Oo kailangan siya roon pati si Jacob. Sila kasi ang naging front ng kausapin nila ang merging ng two companies," paliwanag noya sa akin.

Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit bigla may kung anong kirot at inggit na hindi ko maipaliwanag? Bakit parang naiinis ako ng marinig kong kasama niya si Andie? Paano kung gawin uli nito ang nakita niya noong nalasing si Ken?

"Kung wala ka ng itatanong matutulog na ako," sabi ni Ken sabay talikod nito sa akin.

Padabog kong itinapon sa aking higaan ang hawak kong unan at saka ako nahiga na nagngingitngit ang aking kalooban.

"Bakit kayo aabutin ng tatlong araw doon?" Pabalikwas kong upo mula sa aking pagkakahiga pero hindi na kumibo pa si Ken.

"Tulog ka na agad?" Muli kong tanong na baka gising pa ito pero hindi na talaga ito kumibo pa.

Kainis!

Anas ng aking isipan.

Bakit tatlong araw sila doon?

Sa tatlong araw na iyon baka kung ano ang gawin ni Andie kay Ken.

Haizz
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status