PROLOGUE
“I beg your pardon?” aniyang ‘di makapaniwala sa kaniyang narinig. Hininto nito ang kaniyang pag-inom saka tumingin sa kaharap na kaibigan.
“Nakakagulat ba ‘yong sinabi ko?” sagot ni Maica rito sabay subo ng pagkain.
Agad na uminom si Ghie Anne ng pineapple drinks, pakiramdam n’ya kasi parang may kung ano ang bumara sa kan’yang lalamunan.
Pinalong bigla ni Maica ang ibabaw ng mesa na ikinagulat ni Ghie Anne, “Hoy, Ghie Anne! Ano bang nangyayari sa’yo?” aniya.
“Tell me Maica, totoo ba ang mga narinig ko sayo?” muling titig nito sa kaibigan.
“My gash naman friend, mukha ba akong nagsisinungaling?” ani nitong may pagka-arteng salita. “And beside, ano bang masamang balita ang narinig mo sa akin ha?”
“W-wala.” Sabay iwas niya ng tingin kay Maica.
“Wala? C’mon, you’re acting so weird. Narinig mo lang sa akin ang balitang iyon parang may something d’yan sa pagkatao mo ang nabuhay,” sabay taas nito ng isang kilay at titigan siya na animo’y nag-aantay ng kaniyang sagot.
Bigla ang pagtayo ni Ghie Anne. Umiwas siya sa kaniyang kaibigan na sagutin ito. Dahil sa totoo lang ang balitang iyon ay biglang nagpagulo sa kaniyang utak.
“Oh, anong?” gulat si Maica sa naging pagtayo niyang bigla.
“Let’s go, ma le-late na tayo.” Kinuha niya ang kaniyang shoulder bag at isinukbit sa kaniyang balikat.
“Wow ha, biglang ganun? Eh, ang aga-aga pa.” reklamo nito sa kaibigang si Ghie Anne na inaantay siya sa pagtayo.
“Fifteen minutes na lang, magre-retouch pa tayo. Now, if ayaw mo pang kumilos eh ‘di d’yan ka.” Sabay hakbang nito patalikod kay Maica.
“Taray mo teh! Oh, eto na nakatayo na nga ‘di ba? Ano bang sinabi ko?” mabilis nitong kilos upang habulin si Ghie Anne.
Ginugulo pa rin s’ya ng kan’yang isipan. Hindi siya makapaniwala sa kan’yang narinig mula sa bibig ng kan’yang kaibigan.
QL at Thai Ching magiging magkasosyo?
Na ang Que Lee Industry ay pag-aari ng mga Lee. At may bahagi ang Lee sa kaniyang nakaraan. Ang masakit na nakaraan na hanggang ngayon ay nasa kaniyang dibdib na sa tuwing naaalala niya ay nasasaktan siya.
At ngayon magiging magkasosyo pa ang dalawang kompanya. Na kahit ‘di niya gusto ay magku-krus ang landas nila at hindi niya maipapangako kung ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling magkita sila ng taong iyon.
Sana hindi na ito magpakita dahil tahimik na siya. Pero sad’yang maliit lang tal’ga ang mundo. Dahil kahit na malayo na kami sa isa’t isa ay pagtatagpuin pa pala sila nito.
Ibinaon na niya ng matagal ang pangyayaring iyon. Pero ngayon ay para itong muling bumalik.
‘Di bale, intern lang naman siya dito sa Thai Ching at tatlong buwan lang siya ay aalis na siya. At kung i-a-absorb siya ng company ay tatanggihan niya ito. Dahil mas nais niyang umuwi ng Palawan upang doon siya magtrabaho kapiling ng kaniyang pamilya.
Kung nagawa niyang iwasan ito dati ay bakit hindi niya magagawa ngayon kung sakaling mag krus ang kanilang landas. Kung talagang totoo ang balitang nasagap ni Maica kanina.
“Ghie Anne, nakita mo ba si Ken?” bungad ni Nestor sa harapan ni Ghie Anne na noo’y abala siya sa pagbabasa ng discovery book. Ibinaba ni Ghie Anne ang hawak na libro saka umiling sa kaklase. “Sinabihan ko na s’ya na dito kami magkita, kalahating oras na ako nag-aantay dito.” Dismayadong salita ni Nestor na pabagsak na umupo sa bakanteng upuan na katapat niya. “Hindi pa ba kayo tapos ni Ken sa pinagagawa ni Ma’m Lina?” tanong niya rito habang nakatitig sa nakabusangot na mukha ni Nestor. “Kayo ba ni Lito tapos na ba?” tanong nito sa kaniya. “Oo, no’ng Monday pa.” muli niyang sagot na lalong nagpaiba ng mukha ng kaklase. “Alam mo ba kung saan tumatambay ‘yang best friend mo? Naaasar na talaga ako eh.” Kita ni Ghie Anne ang pagsalubong ng kilay ni Nestor. Kitang kita niya ang pagkainis nito kay Ken. “Hindi ako sure pero baka magkasama sila ni Andie—” napahinto siya ng makita niyang nagkuyom ng mga palad si Nestor. “Inuna pa ang nobya kesa tapusin ang paper works namin,” galit na
GHIE ANNE “May gusto ka ba kay Ken?” bungad na salita sa hapagkainan ng kuya Nilo ko na muntik ko ng ikabulunan. Mabilis akong uminom at hinarap ang seryoso kong nakakatandang kapatid. “Ano ba yan kuya muntik na akong mabulunan sayo eh!” inis ko salita sa aking kapatid na lalake. “Ay, sus! Napagdaanan ko na iyan. Na ‘yong best friend ko na naging love ko rin kaso iba yung gusto n’ya,” ngingiti ngiti nitong salita habang kumukuha ng ulam sa mangkok. “Sorry ka iba naman sa akin noh,” sabay irap ko rito dahil ayaw kong mahalata ng aking kuya na tama ang hinala nito. “Ows? Talaga lang ha? Ako pa ba lolokohin mo? Eh... sa k’warto mo pa lang panay picture na ni —” naputol nitong salita dahil bigla ko itong tinakpan ng aking palad sa bibig. Naroon kasi ang aking papa at baka kung ano pa ang sabihin nito sa akin. Pinandilatan ko ng mata ang aking kuya na siya rin ay nandilat sa akin. Saka nito tinanggal ang aking kamay na nakatakip sa kaniyang bibig. “Bakit mo ba tinakpan ang bibig ko?
Pinagmamasdan ni Ghie Anne ang repleksiyon niya sa salamin. Mag isa siya sa pambabaeng banyo. Nagtataka siya kung bakit hindi napapansin ng sinuman ang kan’yang kagandahan? Oo hindi s’ya kasing ganda ni Andie at kasing mistiza pero hindi naman siya pangit. Hindi rin siya kasing seksi nito pero alam niya sa sarili na may ilalaban siya. Hindi nga lang siya pala ayos. Simple lamang kasi siya at nasanay siya na mag ayos ng simple. Sinubukan niyang ilugay ang mahaba at deretso niyang buhok saka sinuklay. Naglagay din siya ng face powder sa kanyang makinis na pisngi at konting pula sa labi. Ganung eksena siya nadatnan ni Andie kasama ang kaibigan nito. “Uy! Mukhang nagpapaganda ka ah. Para kanino ba ‘yan? Magpapansin ka na ba sa mga guys? O baka naman sa isang tao ka lang magpapapansin?” bungad na salita kaagad sa kan’ya ng mga ito. Umikot pa ito bandang likuran niya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa na nakangiti. Inayos ni Ghie Anne ang sarili bago ang kan’yang gamit. Hinayaan niya
“Ghie Anne!” sigaw sa ‘di kalayuan na ikinalingon ng dalaga. Si Ken ay mabilis na palapit kay Ghie Anne. “Sabay na tayong umuwi.” Ani ni Ken ng maabutan siya. Napataas bigla ang isang kilay ng dalaga ng bigla itong nag-aya na sabay na silang umuwi. “Hindi na Ken salamat na lang ha.” Iwas niya sa binata. Pero bigla siyang hinawakan sa kan’yang braso na ikinagulat nito. “Iniiwasan mo ba ako? I mean, galit ka parin ba sa akin?” seryosong tanong nito sa dalaga na nanatiling nakahawak ito sa braso. “Should I answer that question? Hindi ba’t alam mo na ang dahilan? Kaya Ken bitawan mo na lang ako.” Sabay taas ni Ghie Anne ng kaniyang braso upang makabitaw si Ken sa pagkakahawak nito. “Akala ko ba mag best friend tayo?” muling tanong ni Ken sa kaniya. “Iyon din ang akala ko nung una eh, kaso nagbago ang lahat.” Sabay irap ng dalaga rito at humakbang palayo sa binata. “Ang dali mo naman ako ipagpalit sa iba.” Habol nitong salita na muling.ikinalingon ni Ghie Anne. Ang eksena nilang iy
Hindi makapaniwala si Ghie Anne ng binabasa niya ang papel na nasa plastic envelope. Eto ba ang regalong inaasahan niya sa kaniyang pagtatapos ng kolehiyo? Halos manlumo ang buo niyang pagkatao ng matuklasan niya ang lahat. Dala dala iyon ng kaniyang kuya mula pa sa kanilang Probinsya. Kaya napakasakit sa kaniya na hindi na nga um-attend sa kaniyang graduation ang mama at papa niya ay ganito pa ang kaniyang malalaman. Na siya ay magiging kabayaran sa pagkakautang ng kaniyang pamilya sa pamilya na kaniyang kinamumuhian. “Sandali lang kuya….”ani ni Ghie Anne na napapikit pa ng mariin bago muling binasa ang dokumento na may sealed pa. “Hindi ko maintindihan… bakit nakalagay ang pangalan ko dito? At bakit ako ang kabayaran ng pagkakautang ng ating mga magulang?” sabi niya kasabay ng pagtuturo niya sa nakasulat sa papel. Maaging ang Tiya Pasing niya ay nagulat sa kaniyang narinig. Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kuya ni Ghie Anne bago ito tumingin sa kaniya. “Sa maniwala ka sa
KEN Gusto kong haplusin ang makinis na mukha ni Ghie Anne pero hindi ko magawa. Para itong batang natutulog dahil sa maamo nitong mukha. Sa loob ng mahabang panahon hindi nagbago ang ganda ng aking matalik na kaibigan. Kung tutuusin ay lalo pa itong naging mas maganda lalo na't mahabang panahon din itong nanirahan dito sa siyudad. "Sir, andito na po si Doc de Guzman..." singit ng aking attorney habang pinagmamasdan ko ang dalaga. "Anong nangyari sa kaniya Mr. Lee?" tanong ng doctor na lumabas sa likuran ng aking attorney. "Bigla siyang nawalan ng malay, Doc." Sagot ko sa doctor na agad na lumapit kay Ghie Anne. Umatras ako upang hayaang tingnan nito ang dalaga saka ko hinarap ang aming attorney. "Mukhang matigas ang kalooban ni Ms. Velasquez, sir?" anito sa akin. "Ito lang ang paraan upang mapalapit siya sa akin," sabay buntong hininga ko rito. "Hindi ko kailangan magmadali, alam kong lalapit at lalapit si Ghie Anne sa akin kapag wala na siyang choice. Ang importante ngayon ay m
Namamaga ang mga mata ni Ghie Anne ng dumating sina Ken kasama ang kaniyang assistant. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito dahil sa ilang araw na pagpupuyat. Kitang kita ni Ken ang kapaguran, lungkot at kung ano pa sa katawan ng dalaga. Halos madurog ang kalooban ni Ken ng makita niyang ganoon si Ghie Anne. "Nakikiramay kami sa pagkawala ni Mr. Velasquez," ani ni Ken sa kuya ni Ghie Anne at sa Mama nito. Tanging tango lamang ang ipinukol ng dalawa kay Ken. At si Ghie Anne ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin kahit na alam ni Ken na narinig nito ang kaniyang boses. "Naayos na po pala ang lahat ng naiwan ninyong problema Auntie," mahina kong sambit at dinig ko ang isang malalim na buntong hininga na binitiwan ng Mama ni Ghie Anne. Napahinto si Ken ng biglang tumayo si Ghie Anne at humarap sa kaniya. "Mag-usap tayong dalawa... Tayong dalawa lang," seryoso nitong salita kasabay ng pagtingin ni Ken sa kuya niya at sa kaniyang Mama na nakatingin din kay Ghie Anne. Nagpa
Tulad ng dati ay sumunod si Ghie Anne pabalik ng Manila upang magkausap sila ng maayos ni Ken at pagnatapos ang lahat ay muli siyang babalik para sa ika apat na pung siyam na araw ng kaniyang mga magulang. "Hi po Ma'm! Good morning po," bati kay Ghie Anne ng secretary ni Ken pagbungad niya sa mesa nito na animo'y alam nito na darating si Ghie Anne. "Halika ka po at ihahatid po kita sa office ni Sir," muli nitong salita sabay ngiti nito kay Ghie Anne. Pagbukas ng secretary ng pintuan ng office ni Ken ay bumungad agad kay Ghie Anne ang binata na kausap ang lalakeng dinala nito sa kanilang bahay sa probinsiya. Parehong lumingon kay Ghie Anne ang dalawang binata, ang isa ay ngumiti pero si Ken ay hindi. Seryoso ang mukha nito at wala man lang makikitang konting ngiti sa labi mas lalong ikinainis ni Ghie Anne. "Sir, andito na po si Ma'm Ghie Anne," ani ng secretary ni Ken. "Okay... salamat," tipid na salita ni Ken. "Have a seat Ghie Anne," sabay turo ni Ken sa upuan banda sa harapan ng