Share

Chapter 1

"Nadiligan ka na naman, 'no?" pag-uusisa ng kaibigan kong si Vhantins habang nagsusuklay ako sa harapan ng salamin.

Nakapangalumbaba pa ang gaga habang nagniningning ang mga matang naghihintay sa isasagot ko.

"Tse! Tigilan mo nga ako,"na-iilang kong sambit.

"G'wapo ba? Malaki ba? Mayaman ba?!" sunod-sunod niyang tanong na lumapit pa sa kinaroroonan ko at inalog-alog ako.

"Kung g'wapo lang ang pag-uusapan...Oo g'wapo. Mayaman? Super yaman!" over acting kong tugon at inilarawan ko pa sa kaibigan ko ang mamahaling suot nung lalaking naka-one night stand ko.

"Sh*t! Bakit kasi hindi mo 'ko sinama!" ngumuso pa siya dulot ng kaniyang panghihinayang.

"Mabuti na ‘yung hindi ka sumama, aagawan mo pa akong isda!" binatukan ko pa siya kaya wala siyang ibang nagawa kung 'di mapadaing sa ginawa ko.

"So, ano? gano'n-gano'n na lang 'yon? Matapos nang ganap, ba-bye na?" dismayado niyang tanong.

"Kinuha ko 'yung ID niya." Pinakita ko pa sa kaniya 'yung ID na nasa palad ko. Nanlaki ang mga mata niya at agad hinablot sa akin.

"Pota ang g'wapo! Nakabingwit ka girl. Ano pa'ng ginagawa mo? Tawagan mo!" excited pa siya sa 'kin.

"Ayoko nga," pirmi kong sabi.

"Ano? Bakit ayaw mo? Ikaw nga 'tong nangangarap na makabingwit ng mayaman para matustusan lahat ng luho mo 'tsaka mai-ahon ka sa hirap ta's ngayon aayaw-ayaw ka," inirapan niya pa ako.

"Wala naman siyang interes sa 'kin. Sabi niya, 'yung nangyari raw sa 'min ay plain sex lang," paliwanag ko.

"Pero hindi ako iinom ng pills para kung sakaling mabuntis ako, do'n ako magpapakita sa kaniya para guluhin ang buhay niya," nakangisi kong paliwanag habang abala sa paglalagay ng skincare.

"Hello?! Omg, sumagot siya!" Nagtatalon si Vhantins sa tuwa habang nakalapat ang phone sa tenga niya.

Matapos kong maisip kung sino 'yung tinawagan niya, agad akong lumapit para kunin ang phone.

Kinuha niya nga pala 'yung ID!

"Akin na 'yan!" pilit kong inaagaw sa kaniya pero hirap na hirap ako dahil inilalayo niya ito.

"Hello, sir! May gusto po kasing kumausap sa inyo!" masayang paliwanag ni Vhantins.

Nasapo ng palad ko ang aking noo dahil sa stress na naidudulot niya sa akin. Nyeta bakit niya kasi tinawagan!

"Oh…" inabot niya sa 'kin 'yung phone na abot langit ang ngiti.

"Ang yummy ng boses niya, girl!" bulong niya sa 'kin bago tuluyang lumayo.

Nag-aalangan ako kung sasagutin ko ba o hindi pero may naririnig pa rin akong nagsasalita kaya nilagay ko na sa tenga ko. Halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Huminga muna ako nang malalim bago pakinggan ang sinasabi niya.

"Hello?! The f*ck! You're wasting my time!" he shouted over the phone.

"Hi…it's me," nag-aalangan kong sambit sa kabilang linya.

"Who the hell are you?" it seems like he will burst out anytime.

"Ako 'yung naka-one night stand mo kagabi roon sa club," napakagat pa ako ng labi dahil sa kahihiyan.

"What do you need? How many times do I have to tell you that it was just a plain sex!" nailayo ko sa tenga ang phone dahil sa sigaw niya.

Ang lakas ng loob niya sigawan ako!

Tumaas tuloy ang kilay ko at humugot nang malalim na hininga bago tuluyang barahin siya.

"I just want to inform you na hindi ako uminom ng pills kaya kung sakali man na mabuntis ako, panindigan mo!"

"The f*ck?! Are you crazy?!" he unbelievably said.

"No, of course not! Basta panindigan mo if ever," pagpupumilit ko.

"I don't care, gold digger!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at akmang sasagutin siya pero ibinaba na niya ang tawag.

F*ck you!

Magpapabuntis talaga ako para magulo kita. Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'yo kami titira ng magiging anak mo. Kakamkamin ko lahat ng kayamanan mo kaya humanda ka.

Nakangisi akong humiga sa kama dahil sa mga naiisip ko. Ito lang ang tanging paraan na naiisip ko para maiahon ko ang sarili ko sa puny*tang buhay na 'to.

I'm so tired of being poor!

Sa sobrang pag-iisip, bumigat ang talukap ng mga mata ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa ingay ng phone na kanina pa nagri-ring.

Inis akong tumayo para kunin 'yon.

"Hello?!" ubos ang pasensya kong bungad sa kung sino man ang tumawag.

"A-Anak ako 'to!" biglang kumalma ang mood ko nang marinig ang boses ni mama.

"Anong nangyari, ma?" bakas kasi sa pananalita niya na parang hindi siya mapakali.

"Sinugod na naman namin ang papa mo sa hospital. Nakauwi ka na ba galing sa trabaho? Diretso ka na agad dito anak!" nanlumo ako nang marinig ang sinabi ni mama.

Ilang beses nang pabalik-balik sa hospital si papa kaya baon na baon na kami sa utang. Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong pera na maibibigay sa kanila dahil wala naman akong trabaho.

"Anak? Nand'yan ka pa ba?" 

"Hindi, ma, nasa trabaho pa ako. Hindi ako makapupunta riyan kasi hindi ako puwedeng mag-absent. 'Wag kang mag-alala, ma, padadalhan ko na lang kayo ng pera," napapikit ako matapos lumabas sa bibig ang mga katagang 'yon. Ni-hindi ko nga alam kung paano ko pa bubuhayin ang sarili ko gayong walang-wala na 'ko.

Hindi alam ni mama na wala akong trabaho. Ako na lang kasi ang inaasahan nila kaya alam kong madidismaya sila kung sakali man na malaman nila na walang-wala rin ako.

"Sige na, ma, magtatrabaho na ako. Night duty kasi ako ngayon, e." 

Kailangan ko na talagang humanap ng trabaho sa lalong madaling panahon.

Hindi ko na nakakaya na nakakapag sinungaling ako kay mama. Ako na lang ang bumubuhay sa kanila dahil may sakit na si papa kaya hindi niya na magawang magtrabaho.

"Sige, anak, maraming salamat." Tuluyan ko nang ibinaba ang tawag.

Nasapo ng dalawang palad ko ang mukha ko at do'n impit na umiyak. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Sa mga nakaka-sex ko lang nakukuha ang mga binibigay ko sa kanila. Madumi na kung madumi pero 'yon lang ang alam kong paraan para kumita nang malaki.

Nahihiya na rin akong humingi ng tulong kay Cross dahil ang laki na rin ng utang na loob ko sa kaniya.

Ayokong mamatay si papa dahil sa sakit niya sa puso. Hindi na 'ko puwedeng mangutang kay Brando dahil halos isang milyon na ang utang namin sa kaniya dahil sa sakit ni papa at sa mga kinakailangan niyang gamot.

Ilang taon na kaming nangungutang sa grupo niya at kada buwan may interest kaya umabot ng ganoon kalaki ang halaga. Siguradong manganganib ang buhay ng pamilya ko kung sakali man na hindi ko siya mababayaran sa panahon na binigay niya sa 'kin.

Kaya naghahanap ako ng taong mayaman na kayang bumuhay sa akin at kayang mabayaran lahat ng utang namin. Masama na kung masama pero desperado na talaga ako. Kung hindi ko 'to gagawin, nasa panganib ang buhay ng pamilya ko.

Hinawi ko ang luha sa mga mata ko at inayos ang sarili matapos mag-ring na naman ang phone ko.

"Tita Rhissa?" bungad ko sa kaniya.

"Teka nga, umiiyak ka ba?" Hindi ko na nga pinapahalata pero nahalata niya pa rin.

"Sinugod na naman sa hospital si papa," mangiyak-ngiyak kong sambit.

"Nako! Malaking problema na naman 'yan."

"Kailangan ko ng pera para kay papa,Tita. Naisip ko na baka mangutang na lang ulit ako kay Brando kahit na ang laki na ng utang namin sa kaniya." Pilit kong pinipigilan ang iyak ko pero hindi ko magawa.

"Nako! Huwag ka nang mangutang sa kaniya! Alam mo naman kung gaano ka-hayop 'yung taong 'yon kaya huwag ka nang hihingi ng tulong doon. Baka ano pa ang gawin niya sa 'yo," babala ni tita.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, tita," wala sa sarili kong sambit.

"Saktong-sakto, nag-resign 'yung yaya no’ng amo ko. Pumunta ka na rito, ipapasok kita bilang yaya." Ilang beses nang nabanggit ni tita sa akin ito pero binabalewala ko lang.

"Dadagdagan ko na lang ang suweldo mo buwan-buwan para may maipadala ka sa pamilya mo," dagdag pa niya.

Hindi ito ang panahon para maging mapili ako sa trabahong papasukan kaya tumango kaagad ako kay tita. Na-kuwento niya sa akin na siya ang namamahala sa lahat ng kasambahay sa mansyon na pinapasukan niya kaya madali niya lang akong maipapasok.

"Maraming salamat talaga, tita! Hulog ka ng langit sa 'kin!" binaba ko na ang phone at sinimulan ko nang mag-ayos.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa isang trabaho dahil naging kasambahay na rin ako noong bagong salta pa lang ako rito sa Maynila.

"Aalis ka? Saan ang punta?" tanong ni Vhantins na kalalabas lang ng kwarto niya.

Tumira muna kasi ako sa isang boarding house habang naghahanap pa rin ng trabaho. Hindi lang pinsan ang turing ko kay Vhantins kung ‘di pati na rin kaibigan. Siya lang ang parati kong kasama rito sa Maynila at kung wala siya, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay dito.

"May trabaho na ako,"pagmamalaki ko sa kaniya.

"Ano namang trabaho 'yan, aber?" tinaasan niya pa ako ng kilay at humalukipkip habang nakatingin ng diretso sa 'kin.

"Yaya," pirmi kong sambit.

Noong una ay pinipigilan niya pa ang tawa niya ngunit kalaunan ay humagalpak din siya dulot nang sinabi kong ‘yon. Hindi pa siya makapaniwalang tumingin sa 'kin na para bang biro lang ‘yon para sa kaniya.

"Seryoso? Ba't hindi mo na lang ibenta 'yang katawan mo tulad ng palagi mong—"

"Shhh!" tinakpan ko ang bibig niya dahil sa mga salitang lumalabas sa matabil niyang bunganga.

Tumingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig sa amin. Nakahinga ako nang maluwag nang makita na walang katao-tao.

"Alam mo namang chismosa lahat ng boarders dito ta's sasabihin mo pa rito 'yan," suway ko.

"Sorry naman! So, ano na nga? Nagbagong buhay ka na talaga?" natatawa niyang tanong.

"Of course, not! Gagawin ko pa rin 'yung bagay na 'yon. Bali extra income ko lang 'yung pagiging Yaya," paliwanag ko at tuluyan nang nagpaalam sa kaniya.

Nag-text na si tita at sinend niya na sa 'kin 'yung address no’ng mansyon. Mabuti naman at hindi kalayuan ang lugar kaya nag-jeep na lang ako. Kailangan ko pang mag-ipon ng bongga ngayon para may maipadala sa pamilya ko.

Pagbaba ko ng jeep ay nilakad ko na lang ang papasok sa village nila, sayang din ang pamasahe sa trike. Hindi naman ako hinarang ng mga guard dahil sinabihan na sila ni tita na may dadating na yaya.

Hingal na hingal na 'ko dahil hindi ko naman inasahan na ang laki-laki pala ng village na 'to. Pawis na pawis na ako, mabuti na lang at ilang sandali lang ay nakita ko na si tita na nasa labas ng isang gate at kinakawayan ako.

"Bakit ganiyan ang itsura mo? Naglakad ka lang ba, ha?" nag-aalala niyang usisa habang tinitingnan ang kabuuan ko.

"Akala ko naman kasi maliit lang 'tong village na 'to," pagdadahilan ko na kapos pa rin sa hininga.

"Tinitipid mo na naman 'yang sarili mo, 'no? Ikaw ang magkakasakit sa ginagawa mong 'yan. Huwag mo nang uulitin 'yan, ha?" suway niya sa akin na tinanguan ko naman.

"Tara na sa loob, ipakikilala kita sa mga amo ko." Dumiretso si tita sa harapan ng gate at nanlaki ang mga mata ko matapos masilayan ang napakalaking mansyon na nasa harapan ko.

"Ang ganda naman dito, tita!" manghang-mangha kong bulalas.

"Sinabi mo pa! Pagkatapos kitang ipakilala sa kanila, ililibot kita sa buong mansyon dahil siguradong maliligaw ka kapag hindi mo kinabisado." Hindi nga malabong mangyari 'yon dahil sa labas pa lang ay napakalawak na ng lugar.

Sumalubong sa amin ang mga hardinero na nakangiti ngayon sa akin kaya nginitian ko rin sila.

May mga kasambahay din na nagdidilig at naglilinis sa malawak na hardin. Ang iba ay tinapunan lang ako ng tingin pero mayroon din naman na nginitian ako.

"Huwag kang mag-alala, mababait ang mga 'yan. Puwera na lang doon sa isa." Nakaramdam ako bigla ng kaba dahil sa sinabi ni tita. Pero wala na akong pakialam kung sino man 'yon dahil ang ipinunta ko rito ay ang trabaho.

"Tita, puwede po ba akong magtanong?" nahihiya kong sambit.

"Sige, ano 'yon?" Humarap siya sa akin.

"Puwede po bang mag-advance ng isang buwan? Para may maipadala ho ako kay mama ngayong katapusan."

"Oo naman, kaka-usapin ko si Master." kumunot ang noo ko sa sinabi ni tita.

"M-Master?"

"Oo, 'yan ang tawag sa kaniya rito. Simula nang mamatay si Master Samuel, siya na ang pumalit sa kaniya," paliwanag niya.

"Masungit ba siya?" Iyan kasi ang madalas kong kinakatakutan sa mga nagiging amo ko. Ngumiti lang si tita sa 'kin kaya mas lalo akong ninerbiyos.

"Malalaman mo rin. Tara na, pumasok na tayo." Pinangunahan ni tita ang paglalakad.

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay ngumiti lang siya. So, I assume na masungit nga siya. 

Kamukha ng uniporme ni tita ang uniporme ng mga nakasasalubong namin. Siguradong hindi rin magtatagal, ganiyan na rin ang isusuot ko. Habang naglalakad kami ay pinapaliwanag na ni tita ang mga pasikot-sikot sa mansyon. Seryoso naman akong nakikinig at kinakabisado lahat.

"Eto naman ang sala," nanlaki ang mga mata ko matapos makita ang napakalawak nilang sala. Mayroon ding TV sa harapan na sobrang laki na parang pang-sinehan na ang level.

Ang dami ring mga mamahaling furnitures na nasa paligid. Kailangan ko tuloy mag-ingat sa mga galaw ko dahil siguradong mas mahal pa sa buhay ko ang mga bagay na 'yon.

"Kuya naman, e!" Napalingon ako sa nagsalita at doon ko nakita 'yung cute na babaeng bata na naglalaro sa maliit na mesa.

Mayroong isang binata na nasa harapan at parang inaasar ang bata. Nakita ko na halos mangiyak-ngiyak na siya sa kaasar dito.

"Sir Viguel, eto na po 'yung bagong yaya ni ma'am Venice," napalingon sa amin 'yung binata.

Na-ilang ako bigla nang makita na hindi matanggal ang titig niya sa akin at parang kumikislap ang mga mata niya. In fairness, gwapo ang binatang ito.

"Sir Viguel," pagtawag ni tita upang kunin ang atensyon niya.

"I'm sorry," bumalik siya sa huwisyo.

Nakangiti siyang lumapit sa harapan ko. Alam kong mas matanda ako sa kaniya pero mas matangkad siya.

"Hi, miss beautiful," Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Hello, I'm Ysharra." Kinuha ko 'yung kamay niya at nakipag-shake hands.

Pilit kong binabawi ang kamay ko pero hindi niya pa rin pinapakawalan.

"What a beautiful name," pambobola niya.

"Ehem—" Napalingon kami kay tita kaya binitawan niya na 'yung kamay ko.

"Puwede raw po ba siyang mag-advance, sir? Kailangan niya po kasi ng pera," deretsahang sambit ni tita na parang hindi siya natatakot sa amo niya.

"Sure. If she really needs it—then go," he said with a welcoming smile.

"Thank you, sir!" Nakipag-shake hands ako ulit sa kaniya at tinanggap niya naman.

"Ma-iwan ko muna kayo rito, may niluluto kasi ako" paalam ni tita kaya kami na lang ang naririto ngayon.

"How old are you?" he suddenly interrogated. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil ang talas ng tingin niya sa akin.

Masyado siyang bata para sa akin! Hindi ko type ang mga bata, 'no.

"I'm 22 years old—ikaw?"

"I'm just 18," pirming sagot niya.

"Ang bata mo pa pala," napakamot ako ng ulo dahil hindi ko na alam ang sasabihin pero parang hindi naman siya nakararamdam ng awkwardness, tuwang-tuwa pa nga siya.

"Age doesn't matter," he seriously uttered while looking directly into my eyes. My brows furrowed because of that but I immediately came back from my stern face because he might assume that I am grumpy.

"Siya po ba ang aalagaan ko, sir? Ang cute niya naman po! Kapatid niyo?" pag-iiba ko ng usapan dahil palapit na siya nang palapit sa 'kin.

“Bakit? Gusto mo ba na ako ang alagaan mo?” nakangisi niyang tugon at nanlaki ang mga mata ko. Nang makita niyang hindi na ako komportable ay iginawi niya ang kaniyang atensiyon sa batang babae.

"Yeah, she's my youngest sibling." Lumapit ako sa bata para makadistansya sa kuya niya.

Alam kong nangangailangan ako ng taong mapera pero hindi naman ako pumapatol sa mas bata sa akin. Kung sanang kasing edad ko lang 'to, nasa kuwarto na kami ngayon.

"Hello!" kumaway ako sa kapatid niya na busy sa paglalaro.

Kahit papaano naman ay mahilig ako sa bata dahil ako ang nag-aalaga noon sa nakababata kong kapatid kaya sa tingin ko ay magugustuhan ko rin ang trabahong ito.

"Hi," prenteng sagot niya at nginitian ako. 

Not bad, mukhang magkakasundo naman kami.

Napalingon ako kay Sir Viguel nang biglang mag-ring ang phone niya. Lumayo siya nang kaunti para kausapin 'yon.

Hindi ko maitatanggi na ang gwapo talaga niya. Siguradong maraming babae ang mahuhulog ang panty kapag naging matured na ang physical appearance niya.

"Ysharra?" Iniwas ko kaagad ang tingin ko nang mapatingin siya sa 'kin.

Huli na ang lahat dahil nakita niya na nakatingin ako sa kaniya kaya ngingisi-ngisi siya ngayon.

"I'll just call you by your first name, is that okay?"

"Yes naman, sir!" masigla kong tugon.

"Can you please bring food to my brother's office? " he asked.

H-Huh? So may nakatatanda pa silang kapatid? Ah! Baka ‘yon ang tinutukoy ni tita na Master kanina na pumalit sa puwesto ni Master Samuel na papa niya.

"Okay, sir!" agad akong tumayo.

Kailangan kong magpakitang gilas lalo pa ngayon na baguhan lang ako.Tinuro niya sa akin kung saan ang kusina at kung saan ang office ng kapatid niya.

Mabuti na lang nang pagpunta ko sa kusina, naka-prepare na ang pagkain sa isang tray. Hindi matigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba habang dala-dala ang tray patungo sa office.

Muntikan pa akong maligaw dahil ang daming pasikot-sikot at ang daming pinto sa paligid. Hanggang sa nakarating na ako sa office at lumingon-lingon muna sa loob dahil baka mali ang napuntahan ko.

Walang katao-tao. May malaking table sa gitna at nang makumpirma kong office nga, pumasok na ako. Iginala ko ang tingin ko at namangha ako nang makita ang kabuuan ng kuwarto.

Maraming mga libro sa shelf at ang daming papeles sa taas ng table. May couch din sa gilid at may malaking Tv sa harapan. Modern ang design ng room kaya ang aliwalas sa paningin.

Paglapag ko ng pagkain, napalingon ako sa name na nakalagay sa working table.

Ramier Lancer Alvarez

CEO

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig matapos mabasa ang nakasulat doon. Naging balisa ako at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yon!

Kinuha ko 'yung ID sa loob ng shoulder bag ko. Doon ko nakumpirma na siya nga! Akmang lalabas na ako sa kuwartong 'yon nang biglang may lumabas mula sa banyo.

Napaawang ang labi ko matapos makita ang itsura niya. Basang-basa ang buhok nito habang tanging tuwalya lang ang saplot niya. Tumutulo ang tubig sa maskulado niyang pangangatawan kaya hindi ko maiwasang mapatingin doon.

"What are you doing here?" nakapamewang niyang tanong.

Bumalik ako sa huwisyo at natataranta nang tuluyang pumasok sa isipan ko na nasa harapan ko 'yung gwapong naka-one night stand ko kagabi.

"A-Ako po 'yung bagong yaya no’ng kapatid niyo po," nauutal kong sabi at hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Gusto ko na lang palamon sa lupa sa sobrang awkward ng situwasyon namin ngayon.

"Really?” Mas lalong nanginig ang mga kalamnan ko nang dahan-dahan siyang naglakad at pinalilibutan ako. Dagdag mo pa ‘yung nag-aalab niyang mga titig na para akong tinutunaw.

Hindi ako makapag-pokus sa nangyayari dahil wala siyang suot na pang-itaas. Kulang na lang ay kumawala na ang puso kong sobrang bilis ng pagtibok dulot ng kaba.

Nangilabot ako nang bigla kong maramdaman ang malalalim niyang paghinga sa batok ko.

“Mukhang hindi lang ang kapatid ko ang kailangan mong pagsilbihan.” Bawat salitang sinasambit niya ay para akong binabaliw ng mga ito lalo pa sa tuwing napakikinggan ko ang malalim niyang boses.

“You should take care of me too,” he whispered calmly. 

All I did was close my eyes and feel the desirable sensation that I was able to feel upon hearing what he had said.

F*ck this dirty mind!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status