Share

Chapter 4

"I think—I like you," he sincerely said, making my heart beat so fast.

"W-What?” Gusto kong gisingin ang sarili ko ngayon na kung sakaling panaginip lang ito.

Marami nang nag-confess ng feeling sa 'kin pero syempre iba si Sir Viguel.

"I like you. Something like…a crush." he was hesitant to say those words as if he was not used to confessing his feelings to a woman before.

"Pero hindi puwede."

"Bakit naman? Please don’t change the way you treat me, I am just admiring you,” he pleaded. 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pag-amin niyang ‘yon—napaka-straight forward niya.

"Mas matanda ako sa 'yo, 'tsaka masyado ka pang bata para sa edad ko."

"I know, crush lang naman, e. Mabuti pang huwag mo na lang isipin. Basta huwag mo lang akong iwasan. Napaamin tuloy ako nang wala sa oras," he stated with his awkward smile.

"Okay, pero huwag kang mahuhulog sa 'kin, ha? Kung anong treatment ko sa 'yo, isipin mo na friendly lang ako at gano'n din ang treatment ko sa iba, gets? Don’t misinterpret my gestures towards you." marahan kong paalala.

"Napaka-feeling mo naman. Siyempre alam ko 'yon." Pinikot niya pa ang ilong ko at natawa siya na ikinainis ko.

"Naniniguro lang ako!" bumuntong hininga ako habang nakahalukipkip.

"Baka nga ikaw pa ang ma-fall sa 'kin," pagmamalaki niya na nakataas ang sulok ng labi.

"Ang hangin mo. Matulog ka na nga!" Nilagpasan ko na siya at pumasok na sa loob na hindi siya nilingon.

"Goodnight," habol niya pa. Tinaas ko lang ang kamay ko bilang tugon.

Simula nung araw na 'yon ay bihira na lang mag-krus ang landas namin ni sir Viguel dahil busy siya sa pag-aaral at kung nandito man siya sa bahay, nakakulong lang siya at nag-aaral pa rin.

Isang linggo na akong nagta-trabaho sa mansyon nila at sinimulan ko nang magtrabaho kahapon sa club ni Cross. Ito ang pangalawang araw ko. Linggo ngayon kaya ito lang ang time ko para pumasok bilang waitress dahil weekdays na naman bukas.

Pagpunta ko sa club ni Cross ay hindi na ako hinarang ng guard dahil nandito na ako para magtrabaho at hindi para gumimik lang. Six o'clock pa lang ng gabi kaya wala pang masyadong tao. Wala rin si Cross, baka mamaya pa 'yun dumating.

Sinuot ko na kaagad ang uniform ko at nang saktong aalis na sana, bigla namang nag-ring ang phone ko.

"Anak," bungad ni Mama sa kabilang linya.

"Napatawag ka, ma?" tanong ko habang inaayos ang hair net.

"Gusto ko lang magpasalamat sa pinadala mong pera, anak. Salamat sa diyos at nasa maayos na kalagayan na ang papa mo. Hindi na rin daw magtatagal at makakauwi na siya," masayang balita ni mama. Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papaano.

"Masaya akong malaman 'yan, ma. Ikumusta mo na lang ako kay papa, miss na miss ko na kayo," maluha-luha kong sabi.

"Palagi ka nga niyang hinahanap sa 'kin. Hindi na kami makapaghintay na umuwi ka rito anak."

"Sige na po, ma. Kailangan ko nang magtrabaho."

"Mukhang maganda ata ang trabahong napasukan mo, anak. Mukhang malaki ang sinusweldo mo."

"Maganda lang ho ang pasahod," pagdadahilan ko.

Hindi alam ni mama na kung saan-saan ko lang pinupulot ang perang pinapadala ko sa kanila. Hindi nila alam na hindi sapat ang pagkakayod ko kaya kailangan ko pang gumawa ng ibang paraan.

Napagdesisyunan kong mag-mop muna since wala pa namang masyadong tao. Ilang oras din ang tinagal ng paglilinis ko at pagkatapos ay nakita ko ng dumaan si Cross.

Bumungad siya sa harapan ko na tila nag-aalala. Mukhang haggard na kasi ako dahil sa paglilinis.

"Ayos ka lang ba?" Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko.

Kinuha ko 'yung towel sa likuran para kusang punasan ang pawis ko pero puwersahan niyang kinuha 'yon at siya ang nagpunas.

Habang pinupunasan niya ang mukha ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa ekspresyon niya. Salubong ang kilay niya at parang naiinis dahil naabutan niyang ganito ang sitwasyon ko.

"Sinabi ko naman sa 'yo na huwag kang magpakapagod, ‘di ba?" pangaral niya sa 'kin.

"Wala naman akong ginagawa. Wala pa namang customers kaya wala pa 'kong ise-serve."

"Waitress ang trabaho mo, hinintay mo na lang sana."

"Hayaan mo na lang kasi ako. Treat me just like how you treat your employees, huwag kang bias sa 'kin."

"I'm sorry, ayoko lang kasing nakikita na nahihirapan ka."

"That's fine. Kaya ko naman ang sarili ko," nginitian niya ako at nagpaalam saglit. Bumalik ako sa trabaho habang siya ay inaasikaso na ang pagpapatakbo sa club.

Hanggang sa lumalim na ang gabi at mala-sardinas na ang dami ng tao na nagsisiyahan. Parang kailan lang isa ako sa kanila, ngayon naman e ako ang nagsisilbi para sa kanila.

Naging abala na ako dahil sa dami ng orders. Halos hindi na nga ako makaupo dahil pabalik-balik ang direksyon ko mula sa kung saan. Noong nagkaroon ako ng bakanteng oras, agad akong pumunta sa banyo para mag-ayos.

Bumagsak ang mga balikat ko nang makita kung gaano na pala ako ka-haggard pagkaharap ko sa salamin.

Dali-dali akong kumuha ng lipstick at inayos muli ang sarili ko. Naglagay din ako ng light foundation at blush on para naman hindi ako mukhang lantang gulay. Inayos ko rin ang pagka-bun ng buhok ko. Matapos no'n ay tuluyan na 'kong lumabas.

Pagpunta ko pa lang sa area namin ay inutusan na kaagad akong magdala ng alak sa isang table. Ingat na ingat ako dahil babasagin ang nasa tray. Baka makabasag pa 'ko ng 'di oras.

"Hi miss," nakangiting bungad sa 'kin nung isang lalaki na mukhang may lahing banyaga.

Sumisipol-sipol pa ang iba niyang mga kasamahan habang naglalagay ako ng alak sa table nila.

"Can I have your number?" bulong sa 'kin nung isa. Medyo natawa naman ang iba niyang kasama dahil sa diskarteng ginagawa nito.

"Enjoy your drinks, sir." Akmang aalis na 'ko nang biglang may humigit sa braso ko.

Pagtingin ko, iyon 'yung lalaki na gustong kumuha ng number ko. Pasalamat siya at waitress ako ngayon kaya hindi ko siya mapatulan.

"Join us first. We will double your salary," paanyaya niya. Kita ko sa mga mata niya kung paano niya 'ko manyakin na para bang hinuhubaran niya ako sa isip niya.

"No need, I need to go back." Pilit kong kinakalas ang braso ko pero hindi niya pa rin binibitawan.

"Bro, tama na. Nasasaktan na siya," sita sa kaniya no’ng isa nilang kasamahan. Patagal nang patagal ay mas lalong humihigpit ang hawak nito.

Pagbibigyan ko na sana, e. Lalo na mukhang siyang mapera at may itsura naman pero masyado siyang bastos kaya ekis siya sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang nilapat ang kamay niya sa hita ko. Nakasuot lang ako ng skirt kaya madali lang sa kaniya na gawin 'yon.

"Bitawan mo 'ko sabi, e!" Hindi ko na naiwasang mapasigaw.

"May problema ba rito?" Nakahinga ako nang maluwag nang biglang dumating si Cross.

Matalim niyang tinitigan 'yung kamay no’ng lalaki na nasa hita ko pero parang hindi naman nadala o natakot man lang 'yung lalaki.

"Remove your f*cking hand in her legs," seryoso pero makapangyarihang utos ni Cross pero hindi gumalaw ang lalaki. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ng mga kasama niya dahil sa komprontang ginawa ni Cross.

"I said remove your hand!" he shouted. 

The guy just smirked at him and that made me annoyed.

"F*ck you!" Cross cursed and he suddenly grabbed the shirt of the guy.

Walang anu-ano'y bigla niya na lang sinuntok ang lalaki at dahil sa pagkabigla ay hindi ko na na proseso sa isipan ko ang mga mangyayari at nakita ko na lang na nakadapa na sa sahig ang lalaki na duguan ang mukha.

"Stop it, Cross!" Pinigilan ko kaagad siya nang akmang susugod na naman siya ng suntok.

"Get that bastard out of here!" Sa katunayan ay ngayon ko lang nakitang ganito magalit si Cross.

Nakakatakot pala siya.

Sinunod naman siya kaagad nung mga bouncer dahil siya ang may-ari ng club.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Cross at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng mukha ko.

"Oo, ayos lang ako. Salamat dahil dumating ka." 

Sanay na 'ko sa endearment at sa simpleng tingin ng mga kalalakihan sa 'kin dahil nga sa physical appearance ko. As much as possible, hinahayaan ko lang sila pero ibang usapan na kapag hinawakan, hinipuan o sinaktan na nila ako.

"Magpahinga ka muna, mamaya ka na lumabas." Sinamahan ako ni Cross sa isang kuwarto at agad din siyang umalis dahil marami pa siyang gagawin.

Ilang minuto lang ang tinagal pero nakaramdam ako ng buryo kaya hindi na rin ako nagdalawang isip pa na lumabas.

"O saan ka galing?" tanong nang katrabaho ko na si Ronell.

"Pinagpahinga muna ako. Nagkagulo kasi kanina, e."

"Ah gano'n ba.' Tsa nga pala, puwede bang ikaw na lang ang magdala nito sa VIP room?" Inilahad niya sa 'kin 'yung tray na hawak niya at kinuha ko naman. Tinuro niya sa 'kin kung saan kaya papunta na 'ko ro'n.

Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa 'kin ang mga kalalakihan na nagtatawanan. Mukhang mayayaman sila dahil pansin ko na lahat sila ay naka-formal attire. Hindi ko maiwasang kabahan dahil natatakot ako na baka mangyari na naman 'yung nangyari kanina.

Tinignan ko ang kabuuan nila at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ramier na nasa gilid ng couch. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita rin ang presensya ko. Tumikhim muna 'ko bago tuluyang pumasok sa loob.

Agad-agad kong inilapag ang laman ng tray at mabuti na lang at nagpatuloy lang sila sa usapan at hindi sila nagpatinag sa presensya ko. Ngunit nakikita ko sa peripheral vision ko na si Ramier lang ang bukod tanging pinagmamasdan ako.

Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kaniya pero nang akmang aalis na 'ko, hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko.

"What are you doing here?" he suddenly asked with a cold tone of voice.

"I'm working, Master—part-time job po," pirming sambit ko.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa 'kin kaya agad akong kumawala. Dali-dali akong naglakad paalis na iniiwasan ang mga titig niya. Pagdaan ko sa parang hallway, nakasalubong ko bigla si Cross.

Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya nang makita ako. Napakagat ako ng labi dahil sinuway ko na naman siya.

"Hindi ba’t sinabi ko sa 'yo na magpahinga ka lang do'n?" tumaas ang isa niyang kilay sa 'kin.

"Sorry, na-bored kasi ako pero promise, nakapagpahinga naman ako kahit papaano." Iniwas niya ang tingin sa 'kin at itinuon sa likuran ko.

"Is there any problem, sir?" Napalingon ako sa likod para tignan kung sino ang kinakausap niya.

Tumambad sa paningin ko si Ramier na walang ekspresyon habang nakatingin sa 'aming dalawa.

"You're blocking my way." Kaagad kaming napabalikwas ni Cross at binigyan siya ng espasyo para makadaan.

"I'm sorry, sir." Nakapamulsa lang siyang nilagpasan kami at hindi man lang tinapunan ng tingin.

"Siya 'yung nakakita ng milagro natin nung isang araw. Natatandaan mo ba?" sinamaan ko ng tingin si Cross dahil sa tinuran niya.

"Sinasabi ko lang." Bahagya siyang natawa dahil sa ekspresyon ko.

"Don't mess with him, okay? He's a well known businessman here in the Philippines. You know what? Based on his net worth, he’s a billionaire. It's a privilege for me na itong club ko ang pinili niya para mag-membership," paliwanag ni Cross na ikinamangha ko.

So matagal na pala siya rito. Hindi ko lang siguro siya napapansin dahil palagi siyang nasa VIP room habang busy ako sa pakikipag-momol sa kung kani-kanino.

***

Hindi matigil ang paghikab ko habang naghihintay kay Venice na lumabas siya sa room niya. Nasa waiting area ako kasama ang ibang mga guardians at kasambahay na naghihintay din sa mga alaga nila.

Antok na antok pa rin ako dahil nag-over time ako kagabi sa club. Masama ang pakiramdam ko pero kailangan ko pa ring pumasok. Hanggang sa narinig kong nag-ring na ang bell, hudyat na labasan na ng mga bata.

"Ate!" bungad sa 'kin ni Venice na abot langit ang ngiti. Kinder pa lang siya kaya hindi niya pa talaga kaya na iwan 'tsaka balikan na lang.

"Kumusta ang study mo?" sumilay ang ngiti ko sa kaniya at kinuha ang cute niyang back pack mula sa kaniyang likod.

"I have many stars, ate!" maligalig niyang inangat ang braso at ipinakita niya sa 'kin ang napakaraming tatak na stars na naroon.

"Wow! Ang very good mo naman!" Inayos ko muna ang ipit niya sa buhok at pinulbusan siya ng kaunti bago kami tuluyang umalis.

Hawak kamay kaming nagtungo sa parking lot pero kumunot ang noo ko nang makita na wala ang sasakyan na palaging sumusundo kay Venice. Kinuha ko kaagad 'yung phone at tinipa ang numero nung driver.

"Hello, manong? Nasaan ka na?"

"Si Master Ramier na lang daw ang susundo sa inyo kaya wala ako ngayon d'yan," paliwanag nito.

Tumango ako at ibinaba na ang telepono habang hindi na matigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Where's manong, ate?" biglang tanong ni Venice.

"Si kuya Ramier mo raw ang susundo sa 'tin, Venice."

"Yehey!" Nagtatalon pa siya sa saya na para bang hindi madalas mangyari ito.

Sakto naman ay dumating ang isang mamahaling Mercedes Benz na pumarada malapit sa 'min. Lumabas sa sasakyan ang nasa loob no'n at bumungad sa 'min si Ramier na natsempuhan kong tinatanggal ang sun glasses niya. Hinawi niya pa ang buhok na sumasagabal sa mukha nito.

Hindi ko maiwasang mamangha sa itsura niya ngayon. Alam kong gwapo na talaga siya pero iba ang appeal niya ngayon.

Gwapo nga, ang sama naman ng ugali.

"I'm sorry. I'm late, kanina pa kayo?" bungad niya.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil nakatunganga pa rin ako sa kagwapuhan niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na naka-one night stand ko na ang ganito ka-gwapong nilalang. 

Bigla tuloy naisip ng pilyo kong isip na sana maulit!

Siya na ata ang pinaka-gwapo at pinaka-blessed sa lahat ng mga naka-sex ko.

"Ysharra…" napabalikwas ako at biglang bumalik sa huwisyo dahil sa muling pagtawag niya. Hindi ko na tuloy mabilang kung ilang beses niya na 'kong tinawag.

Inirapan niya lang ako at kinuha ang kamay ni Venice mula sa 'kin. Sabay silang naglakad ng alaga ko at ako naman ay nasa likuran nila.

Sinakay ni Ramier si Venice sa front seat kaya sa back seat ako nagtungo. Habang nagmamaneho ay tatango-tango lang siya sa tuwing nagkukwento si Venice sa kung anong nangyari sa kaniya sa school.

Paglingon ko sa paligid at pansin kong hindi ito ang direksyon pauwi sa mansyon nila. Bigla tuloy akong nagtaka kung saan kami pupunta.

"Where are we going, kuya?" mabuti na lang at nagtanong si Venice.

"We're going to eat, Venice. Are you hungry?"

"Yehey! I'm hungry, kuya." ngumuso pa siya habang hinihimas ang tiyan nito.

Huminto ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Gaya kanina ay nakasunod lang ako sa kanila habang bitbit ang bag na naglalaman ng mga personal needs ni Venice.

Mukhang nagpa-reseve na siya kaya inalalayan na lang kami nung staff kung saan ang table.

Tinulungan ni Ramier ang kapatid niya sa pag-upo at siya naman ay umupo sa tapat nito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan dahil hindi ko alam ang gagawin.

Tatayo na lang ako rito at hihintayin silang matapos kumain. Ayoko namang sirain ang moment nila para makapag-bonding.

"Tatayo ka na lang ba riyan?" nanlambot ako nang bigla siyang nagsalita.

"You may take your seat. We're here to eat," pinigilan ko bigla ang ngiting kumakawala sa bibig ko dahil kahit simple lang ang sinabi niya, ang laking bagay sa 'kin.

Caring naman pala siya!

"And of course you need to assist Venice while eating. That's your job after all," nanlumo ako sa biglang bawi niya.

Okay na, e! Masyadong panira.

Nag-order na si Ramier ng kakainin at sinabi ko na kahit ano na lang ang akin. Mabuti na lang at agad dumating ang mga pagkain kaya hindi masyadong naging awkward.

Ang dami niya pa lang in-order. Mukhang mamahalin at masasarap. Light meals lang ang in-order niya kay Venice at inalalayan ko na siyang kumain. Hindi ako kaagad kumuha ng akin dahil busy pa 'ko sa pagpapasubo kay Venice.

Tahimik lang naman si Ramier na minsan ay kinakausap ang kapatid niya. Hindi ko masyadong ma-entertain si Venice dahil na-iisip ko pa rin 'yung sinabi ni Ramier na idistansya ko ang sarili ko sa kanila.

Umiling-iling na si Venice nang akmang isusubo ko ang kutsara sa kanya. Ipipilit ko pa sana nang biglang nagsalita si Ramier.

"Eat now. She's done already," seryoso niyang utos na hindi tumitingin sa mga mata ko.

Pinunasan ko muna ang nasa bibig ni Venice at sinunod ko na ang gusto niya at ako naman ang kumain. Nakahalukipkip lang siya habang umiinom ng Ice tea. Hinihintay na lang nila akong matapos.

"Are you done?" tinanguan ko siya dahil tapos na akong kumain.

"I want to go sa park, kuya!" hiling ni Venice habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan.

"Okay, pero sandali lang, ha? Kailangan kong bumalik sa office," maligalig namang tumango si Venice.

Nang marating namin ang park, masaya ko silang pinapanood habang nagbo-bonding.

Nakaduyan lang ako habang nasa see-saw sila. Hanggang sa tumabi sa katabi kong duyan si Ramier habang hinahayaan namin na magpadulas si Venice sa slide.

"Are you okay?"napalingon ako kay Ramier sa biglaan niyang pagtanong. Hindi niya ako liningon at na kay Venice lang ang atensyon niya.

"Oo naman, Master." Sa hindi inaasahan, inubo pa ako matapos sinabi 'yon.

"You look so tired," sita niya.

Huminga lang ako nang malalim at hindi sinagot ang sinabi niya. Hindi ko naman kasalanan na tinodo ko ang pagta-trabaho.

"May trabaho ka na, kumuha ka pa ng ibang trabaho. Ganiyan ka na ba talaga ka-mukhang pera?" seryoso niya akong nilingon.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay nang titigan ko siya. Nasaktan ako sa sinabi nito. Hindi ko naman inaasahan na 'yan na pala ang tingin niya sa 'kin—na mukha akong pera.

Maluha-luha ko siyang tinignan at ilang sandali lang ay bigla ko na lang naramdaman na sumakit ang ulo ko.

"Are you okay? What happened?" Agad niyang hinawakan ang braso ko.

"Are you sick? Ang init mo." Iyon na ang huling salita na narinig ko mula sa kaniya bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status