Share

Epilogue

Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang mapagdesisyunan namin ni Ramier na magbakasyon sa Versailles.

Matagal-tagal na rin akong napalayo sa lugar na ito kaya't labis ang aking tuwa na makabalik muli rito na buo na ang aking sarili.

Kasalukuyan kami ngayong nasa hapag kainan.Si Papa ang may karga kay Lance na aliw na aliw habang pinapakain ito.

Habang kami naman ni Ramier ay tahimik na kumakain.Habang nasa kalagitnaan ng salo-salo ay biglang nagsalita si Mama.

"Anak..."pagtawag niya sa aking atensyon.

"Ano 'yun, Ma?"

"May balak na ba kayong magpakasal ni Ramier? Lumalaki na ang bata, makabubuti sana kung magka-isang dibdib na kayo para masundan na itong makulit naming apo,"biglaan niyang sambit at pinisil pa ang pisngi ni Lance habang ako naman ay biglang nabulunan dahil hindi ko inaasahan ang bagay na iyon.

"Are you okay?"Nag-aalalang tanong ni Ramier.Kaagad niya akong inabutan ng tubig at pinainom.

"M-ma!"Bigla tuloy akong nahiya kay Ramier.Natatakot ako na baka makaramdam siya ng
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status