Share

THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID
THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID
Author: SEENMORE

1. TLBAHM

READ AT YOUR OWN RISK!!!

ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!

(This story is TRAPPED SERIES#2)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

[Amelia]

HINDI niya maiwasan na mamangha sa tila mala-palasyong mansion na nasa harapan. Sa sobrang laki nito, pakiramdam niya ay isa lang siyang langgam na nakatayo sa harap nito. Pawis pa siya dahil bago siya nakarating sa mismong tapat ng mansion ay dumaan muna siya sa dalawang malaging gate na maraming gwardiya.

Balita niya ay napakayaman ng binata na nakatira dito. Hindi naman maitatanggi na talagang mayaman ang nakatira dito, iyon nga lang ay wala daw nagtataggal na tauhan dito, dahil sa mala-halimaw daw na may-ari. Namasukan ang kapitbahay nila rito, at sabi nga sa kanya ay baka hindi siya makatagal at baka wala pang isang buwan ay magdesisyon siya na umalis agad.

Aamin niya na nakaramdam siya ng kaba sa pagpasok dito, pero kailangan niya itong gawin, para sa pamilya niya. Sa laki ng pasahod ng may-ari tiyak na maibibigay niya ang pangangailangan ng pamilya niya, makakapag aral din ang mga kapatid niya, at hindi na kailangan maglabandera ng nanay niya. Ang kailangan lang niya na gawin ay magtrabaho ng maayos, magsipag sa trabaho at magtiis ng sa gano'n ay magtagal siya.

Hindi siya pwede na magpadala sa sinasabi ng iba, eh, ano kung mala-halimaw ang amo niya? Mala-anghel naman siya. Anghel tapos halimaw? Sino kaya ang mananalo?

Napahagikgik siya sa naisip. Kung ano-ano pa ang sinasabi niya sa sarili, pero nanginginig naman ang tuhod niya sa kaba.

"Hay naku, Amelia. Tigilan mo na ang pag iisip ng kung ano-ano at simulan mo na ang trabaho!" Kausap niya sa sarili. Hinila niya pababa ang lumang suot na tshirt, inayos niya ang panty niya sa likod dahil pakiramdam niya ay tumabingi 'yon dahil sa maluwag na at dahil sa may kalumaan na rin ito, at saka pinagpag niya na rin ang lumang pantalon na pinamana pa sa kanya ng nanay niya mula sa pagkadalaga nito. Gusto niya sana na itali ang itim at mahaba niyang buhok na hanggang baiwang pero wala siyang panali, kaya hinayaan na lamang niya na nakalugay 'yon.

Bumuga muna siya ng hangin bago pinindot ang doorbell na nasa harapan.

Sobrang kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung kaya ba niya na panindigan ang gagawin niyang pagtitiis at pagiging matapang, pero para sa pamilya niya ay susubukan niya.

Isang matandang babae ang nagbukas ng gate para sa kanya. Mukha itong instrikta. Matangkad ito, mayro'ng manipis na kilay, may malaking ilong, malaking nunal sa gilid ng makapal na labi, may kalakihan ang mga mata nito na napapaligiran ng maitim na eye bag.

Malakas na tumikhim ang matanda kaya inalis niya ang tingin dito. Pinasunod siya nito. Muntik na siyang mahilo sa layo ng nilakad nila. Nagpasikot-sikot pa silang dalawa hanggang sa dalhin siya nito sa harapan ng isang kwarto.

Tumayo ito ng tuwid sa harapan niya at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Sigurado ka ba na marunong ka sa mga gawaing bahay?" Nakataas ang kilay na tanong nito na may halong pagdududa ang boses.

"Opo marunong po—"

"Ilang taon ka na?" Putol nito sa kanya.

"Eighteen po—"

"May boyfriend o wala?" Seryosong tanong nito.

Kailangan pa bang malaman 'yon? "Wala po—"

"Sa ganda mong 'yan?" Duda talaga ang tingin nito sa kanya.

"Wala po talaga." Wala naman talaga siyang nobyo. Wala pa sa isip niya ang gano'ng bagay, dahil bukod sa bata pa siya ay gusto rin niya na makatulong muna sa nanay niya.

"Good. Mabuti na 'yong malinaw. Ayoko kasi ng kasambahay na inuuna ang landi kaysa gawin ng trabaho nila ng maayos, dahil pareho tayong malilintikan pagnagkataon."

Bigla ay kinabahan siya sa sinabi nito. Malilintikan daw? Napalunok siya.

"Itong kwarto na 'to ang magiging kwarto mo." turo nito sa kwarto na nasa harapan nila. "Alas-otso ang gising ni Sir Damon kaya kahit alas sais ka na bumangon. Kailangan sa dalawang oras na 'yon ay natapos mo na ang gawain mo. Wag mo rin pala kalimutan na lutuan siya ng almusal, ang gusto ni Sir sa umagahan ay sinangag na kanin, hotdog, bacon, itlog. Sa tanghalian at gabihan naman ay ikaw na ang magdi-desisyon kung ano ang lulutuin mong pagkain. Kung ano ang pagkain ni Sir 'yon din ang kakainin mo."

Sa haba ng mga sinasabi nito ay parang umiikot ang sikmura niya sa niyerbyos. Hindi kasi niya matandaan ang iba.

"Dito ang kusina, dito ka kakain...." Marami itong sinabi at itinuro sa kanya na hindi niya sigurado kung pumasok ba lahat sa utak niya.

"Tawagin mo nga pala akong Miss Neil. Ako ang mayordoma ng mansion na ito. Narito na ako bata palang ang amo natin, kaya kung may tanong ka pa ay sabihin mo lang sa akin. Hindi rin pala ako araw-araw na narito, tuwing linggo lang kaya ikaw lang at mga gwardiya sa labas ang narito."

"P-Po? A-Ako lang maiiwan mag isa dito sa loob ng m-mansion?" Hindi niya maiwasan na kabahan. Paano pala kung totoo na halimaw ang nakatira dito? Tapos kumakain pala ng tao?

Nangilabot siya sa naisip.

"Oo, ikaw lang. Bakit ayaw mo na? Natatakot ka na ba? Hindi mo kaya? Uuwi ka na agad? Naliliitan ka ba sa sahod?" Magkakasunod na tanong nito.

Umiling siya. "Hindi naman po—"

"Kung gano'n ay maayos na pala ang lahat. Halika na at kumain ka na muna dahil marami pa akong ituturo sa 'yo. Kailangan ko na rin kasi umalis dahil may naghihintay pa sa 'kin."

Pumasok muna siya sa kwarto na para sa kanya. Kahit magiging kwarto niya ay napakalaki at malawak. May malambot at malaking kama pa. Wow nalang talaga...

Pagkatapos niyang ilapag ang dalawang bag na dala sa ibabaw ng kama ay lumabas agad siya, nasa labas parin si Miss Neil na nag aabang sa kanya.

Sinundan niya ito ng mauna 'tong maglakad sa kanya. Dinala siya uli nito sa kusina na itinuro nito kanina. Malaki ang kusina, kumpleto sa kagamitan, mayro'ng limang refrigerator at maraming pagkain na naro'n na pangarap lang nila ng mga kapatid niya na matikman—tulad ng mga imported na chocolates, iba't ibang klase ng juice na hindi niya kilala ang brand dahil tanging TANG lang ang alam nila at Rc na bihira lang din nila mainom dahil ang ibibili nila ng gano'n ay ipambibigas nalang nila.

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Vermie DC Barsalote
now ready n
goodnovel comment avatar
April Silencio Casabuena
ang ganda ng his intention...️
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status