[Amelia]TINITIGAN niya ang mukha nito. Marami na siyang nakita na may pilat sa mukha pero hindi naman ganito, bakit gano'n? Parang hindi naman 'to pumanget. Kahit siguro tubuan ito ng pigsa sa mukha ay gwapo parin.Napailing nalang siya. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya. Dapat ay umalis na siya sa kinatatayuan dahil baka mamaya ay makita pa siya nito at magalit na naman sa kanya.'Di yari na naman siya.Akmang aalis na siya sa pagsilip ng marinig at nakita niya ang malakas na pagmumura nito."Damn this nightmare!" Kasabay no'n ay ang pagbato nito ng baso banda sa kinatatayuan niya.Muntik na siyang mapasigaw sa gulat, mabuti nalang at mabilis niyang natakpan ang bibig niya dahil kung hindi ay tiyak na malalaman ng amo niya na narito siya sa kusina at nakatingin rito."Fuck! Fuck! Fuck!" Muling nagmura ito ng malakas.Muli niya itong sinilip. Napalunok siya ng makita kung ga'no kadilim ang mukha nito. Parang galit na galit ito at handang manakal anumang oras.Dahil sa takot na ba
[Amelia]"PINAPAABOT ni tita Neil, Amelia." Ani Nelson at may iniabot na may kalakihan na bag na kulay itim sa kanya. "Ngayon lang daw niya naibigay kasi kakatapos lang ipatahi." Kunot ang noo na tinanggap niya ang iniabot nito. Nang buksan niya 'yon ay nakaramdam siya ng excitement. Mga maid's uniform 'yon na katulad ng napapanood niya sa mga Japanese animè. Napangiwi siya ng mapansin kung ga'no kaikli 'yon."Teka, Nelson. Nagkamali yata ng pagpapatahi si Miss Neil, tingnan mo." Pinakita niya rito kung ga'no kaikli ang palda, sigurado siya na hindi aabot sa tuhod niya ang haba no'n, baka nga hindi pa aabot sa kalahati ng hita niya. Hindi siya sanay na magsuot ng maiikling shorts o bestida na maikli. Mas sanay siya sa mga lumang pantalon o pajama na mahahaba.Napakamot nalang si Nelson sa ulo. "Sinabi ko na nga 'yan kay Tita. Ang sabi niya bagay daw 'yan sayo kasi mukha ka daw manika." Namula na ang mukha ni Nelson sa huling sinabi.Napakamot siya sa ulo. Wala na siyang magagawa dahil
[Amelia]MALAKAS siyang natawa ng makita kung pa'no ito namula. Ang maingay at madaldal na si Nelson ay namumula. Hindi na si Nelson nagsalita pa at nag-iwas nalang ng tingin habang pulang-pula parin ang mukha."B-Basta ha, liligawan kita pagnakatapos na ako ng pag-aaral ko." Biglang wika nito. Hindi 'to nakatingin sa kanya at nanatiling naka-iwas ng tingin.Natigil siya sa pagtawa."Pangako ko sa sarili ko na hindi ako makikipagrelasyon hangga't hindi pa ako nakakapagtapos. Isang taon nalang ay makakapagtapos na ako ng pag-aaral. L-Liligawan talaga kita!" Sabi nito saka nagmamadaling umalis.Naiwan siyang natigilan. Seryoso?Napailing nalang siya. Hindi niya nagawang sabihin rito na wala siyang balak na magnobyo muna.Litong-lito na binabasa niya ang recipe book ni Miss Neil. Magluluto kasi siya ng morcon beef ngayon para sa gabihan, dahil hindi siya marunong ay tiningnan niya ang nakalagay sa recipe book ni Miss Neil. Nang makapagluto siya ay agad na naghain siya dahil limang minuto
[Amelia]BUMUGA siya ng hangin. "Relax, Amelia. Wag ka ng iiyak uli." Kausap niya sa sarili. Habang naglilinis siya ay panay ang hila niya sa suot na palda.Ang iksi talaga. Kaya hindi siya kumportable at pakiramdam niya ay bumagal ang kilos niya dahil sa kahihila ro'n.Hapon na at tapos na niya lahat ng trabaho niya. Hindi niya maiwasan maalala ang sinabi kagabi ng amo niyang binata. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.Napakamot siya sa ulo at inalis nalang sa isip ang sinabi nito. Madilim na ng dumating si Nelson na may dalang mga gulay. Nasiraan daw ito ng sasakyan sa daan kaya gabi na nakapaghatid."Ayos ka lang ba? Namumutla ka, Nelson." Puna niya. Napansin niya kasi na maputla ang mukha nito at pinagpapawisan ng husto."Ayos lang ako, Amelia—" Nilapitan niya 'to at sinalat ang noo. Wala naman itong lagnat.Nang lumayo siya rito ay nakita niya na pulang-pula ang mukha nito."Sigurado ka na ayos ka lang?" Hindi niya mapigilan na mag-alala. Napansin din niya kasi ang pagiging
[Amelia]HALOS hindi niya inaalis ang mga mata sa orasan. Bente minuto nalang at alas dyis na ng gabi. Ngayon araw ang paglilinis niya ng kwarto ni Sir Damon. Kailangan niyang magsimula agad na maglinis pagsapit ng alas dyis at matapos sa loob ng isang oras.Halos maduling siya sa pagtingin sa orasan. Nagmamadali siyang tumakbo para maglinis sa kwarto ng amo niya ng tumuntong ang alas dyis.Hindi siya pwede na magpabagal-bagal dahil oras ang kanyang kalaban. Hindi niya alam kung bakit pati sa paglilinis ay kailangan na may oras, pero dahil 'yon ang bilin ni Miss Neil ay susundin nalang niya.Dahil hindi naka-lock ang pinto ay agad siyang nakapasok sa kwarto na nasa pinakadulo. Ito kasi ang sabi ng mayordoma, nasa pinakadulo ang kwarto ng amo nilang binata.Napakalaki ng kwarto ng amo niya, halos apatin nito ang laki ng bahay nila. Malinis, mabago at katulad ng amo niya ay madilim dito. Palagi din kasi madilim ang mukha nito. Pinaglihi 'ata sa sama ng loob.Hindi na siya nagsayang ng or
[Amelia]"NAKIKINIG ka ba, Amelia?" Seryoso ang mukha na tanong ni Miss Neil."Talong po?" Wala na sariling sambit niya. Natuptop niya ang sariling bibig. "Anong talong? Ang sabi ko nalinis mo ba ng maayos ang kwarto ni Sir Damon?" Halata ang pagtataka sa boses na tanong ng mayordoma sa kanya.Tumango siya at nag iwas ng tingin. Sigurado siya na namula ang pisngi niya. Naalala na naman niya kasi ang talong na hindi dapat makita. Wala tuloy siya sa sarili simula ng magising siya kaya pati sa pagsagot sa mga tanong ni Miss Neil ay puro talong ang sagot niya."Opo Miss Neil, naglinis po ako ng talong—ibig ko po sabihin naglinis ako ng maayos kagabi." Tumikhim siya saka pilit na ngumiti dito."Mabuti naman kung gano'n." Halata na nasiyahan ito sa sinabi niya. "Ayos ka lang ba, Amelia? Bakit parang wala ka sa sarili? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa kanya na agad na kinailing niya.'Dala lang po 'to dahil sa pagkakita ko ng talong' Gusto niyang sabihin pero tinikom nalang niya
[Amelia]SINUNDAN niya ng tingin ito. Nang mawala na 'to sa paningin niya ay nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay magagalit na naman 'to sa kanya.Habang nilalabhan niya ang mga panloob ng amo niyang binata ay hindi maiwasan na mamula siya.Sa sunod ay hindi na siya magpi-prisinta na labhan ang mga 'to, dahil pagnakikita niya ang malaking brief ng amo niya ay bumabalik sa isip niya ang malaki at maugat na bagay na hindi dapat niya maisip.Mahina niyang kinutusan ang sarili. "Tigil na sa kakaisip ng talong, Amelia." Pakiramdam niya tuloy ay napakarumi na ng utak niya.Namula ang pisngi niya.Bakit sa dinami-dami naman kasi ng pwedeng makita ay bakit 'yon pa?!UMUWI na si Miss Neil. Tapos narin siya maglaba kanina pa at nakapagluto narin siya at nakapaghanda ng pagkain para sa amo niya.Dahil sa pagod na pagod siya ay kumain na agad siya pagkahatid niya ng pagkain ng amo niya. Pagkalipas ng isang oras ay nagpunta na siya ng dining room. Habang naglalakad ay natapilok siya at hindi s
[Amelia]"MALUNGKOT ka yata, Amelia. May problema ba?" Tanong ni Nelson matapos ilapag sa mesa ang mga gulay na dala nito.Umiling siya at nanatiling tahimik."Teka, bakit namamaga 'yang mata mo. Umiyak ka ba?" Umupo ang binata sa harap niyang upuan at tumingin sa mga mata niya na namamaga.Iyak kasi siya ng iyak dahil sa nangyari sa kanya kagabi. Pinilit niya na alisin sa isip ang nangyari, sinabi na gigising at kakalimutan ang nangyari pero hindi nakisama ang mata niya. Patuloy siyang umiyak hanggang sa nakatulugan nalang niya ang pag-iyak.Napa-aray siya ng hilahin ni Nelson ang mga kamay niya. "Bakit may mga sugat ka?" Nag-aalalang tumingin sa kanya ang binata. "W-wag mo sabihin na sinaktan ka ni Sir Damon?" Napalunok na tanong pa nito.Agad na umiling siya. "Ano ka ba, hindi niya ako sinaktan." Nag-iwas siya ng tingin at nagyuko ng ulo. "N-nakabasag kasi ako ng figurine kagabi, tapos nadulas ako do'n sa mga bubog. Ang tanga ko, di'ba?" Tumawa siya ng peke para hindi na 'to mag-is