Share

4. TLBAHM

READ AT YOUR OWN RISK!!!

ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!

(This story is TRAPPED SERIES#2)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

[Amelia]

NGAYON lang siya nakakita ng ganito ka-gwapong nilalang sa buong buhay niya. Kahit ang pilat nito ay hindi nakabawas sa ka-gwapuhan na taglay nito. Tapos matangkad pa at matipuno ang katawan.

Nilibot niya ng tingin ang katawan nito para hanapin ang sungay o buntot.

Tulad nga ng inaasahan niya ay wala. Hindi talaga totoo ang bali-balita. Hindi naman kasi totoo ang mga halimaw.

"What the f*ck are you doing here?!"

Saka lang siya natauhan ng dumagundong ng malakas ang malaking boses nito sa paligid.

Nalintikan na siya!

DAHIL sa takot ay yumukod siya sa harap ng lalaki na tiyak siya na amo niya. Nanlalamig ang katawan niya sa nerbiyos at kaba.

"P-Pasensya na po, sir." Nakayukod parin na sabi niya. Hindi man niya kita ang mukha nito ay tiyak siya na masama ang tingin nito sa kanya ngayon.

Napalunok siya ng may kamay na humawak sa baba niya at iniangat ang kanyang mukha. Lalo siyang nakaramdam ng takot ng makita na nakaupo na ang malaking lalaki sa harapan niya ngayon habang nakayuko at hawak ang baba niya at nakatingin sa mukha niya ng mariin ang mga mata nito.

"Ikaw 'yong bago?" Tanong nito na walang bakas ng emosyon ang mata. Lumibot din ang mata nito sa kabuuhan ng kanyang mukha.

Dahil sa intensidad ng tingin nito sa kanya ay pumikit siya. Pinagpapawisan na siya sa todo dahil sa pinaghalong kaba at takot.

"Siguro naman sinabi sa 'yo ni Neil ang patakaran sa bahay na 'to?"

Malamig at malaki ang boses ng amo niya. Nakakapanindig ng balahibo.

Takot at nakapikit na tumango siya. "Opo! Opo!" Taranta na sagot niya.

Napangiwi siya ng marahas na binitiwan nito ang baba niya. Nagmulat siya ng mata, nakita niya na nakatayo na ngayon ang lalaki sa harap niya at nakatingala habang nakahawak sa sintido.

"Ang sabi ko kay Neil wag magpapasok ng bobo dito sa loob ng pamamahay ko. Ang matandang 'yon hindi man lang nakinig." Nagbaba ito ng mukha at saka tumingin sa kanya ang walang emosyon na mata. "Aralin mo uli lahat ng sinabi ng matandang 'yon sa 'yo, para magawa mo lahat ng maayos ang trabaho mo. Uulitin ko, hindi ko gusto ng bobitang tulad mo na pagala-gala sa loob ng pamamahay ko. Naiintindihan mo?"

Tumango siya.

Bago umalis ay inapakan pa nito ang tsokolate na hinahabol niya kanina kaya nadurog 'yon.

Malungkot na dinampot niya ang tsokolate na nadurog sa sahig at bumuga siya ng hangin saka tiningnan ng nakakaawa 'yon.

Mabigat ang katawan na nilinis niya ang mesa. Hanggang sa paghinga sa kama ay dala parin niya ang mga sinabi nito.

"Bobita daw ako. Grabe naman si Sir Damon. Hindi ba pwede na nagkamali lang?" Bumuga siya ng hangin. 'Di bale, sa sunod ay pipilitin niya na hindi na magkamali. Gagawin na niya lahat ng makakaya para magawa ng maayos ang trabaho niya para hindi narin siya masabihan ng bobita.

Buti nalang talaga at mahaba ang pasensya niya. Hindi siya 'yong tipo na iiyak nalang agad at magpapadala sa mga sasabihin ng ibang tao sa kanya.

Gano'n siya dahil kailangan niya maging matapang. Para sa pamilya niya. Dahil kung magpapadaig siya sa mga sasabihin ng ibang tao sa kanya ay talo siya.

Kailangan niya ng pera at kailangan niyang magtagal sa lugar na 'to. Iyan ang pangako niya sa sarili niya. Hindi siya aalis hangga't hindi niya natutupad ang plano niya.

Para sa pamilya niya.

Saka marami pa siyang kailangan na bilhin para sa mga kapatid niya. Ngumiti siya ng maalala ang pamilya niya. Ang mga ito talaga ang nagbibigay ng lakas sa kanya kaya hindi siya pinanghihinaan ng loob. Bago natulog ay pinagdasal niya ang pamilya niya, na lagi niyang ginagawa noon pa man.

ALAS-SAIS ay gising na siya. Tinapos niya ang mga kailangan gawin bago tumuntong ng alas-otso ng umaga. Nang matapos lahat ng trabaho ay niluto niya lahat ng sinabi ni Miss Neil na gusto ng amo niya na almusal. Isang oras na ang hinintay niya bago linisin ang pinagkainan ng amo niya para sigurado na wala na 'to sa hapagkainan. Mahirap na masabiban na naman siyang bobita at baka magkatotoo pa ang sinabi nito tungkol sa kanya. Pagkatapos niyang maglinis ng pinagkainan ng amo niya ay kumain narin siya dahil gutom na gutom siya.

Mabilis at pulido siyang kumilos kaya wala pang tanghali ay sigurado siya na tapos na niya lahat ang trabaho niya. Paglilinis lang naman kasi sa loob ng bahay ang ginagawa niya, 'yon lang ang bilin ni Miss Neil. Hindi siya pwede maglinis ng kahit aling kwarto na nasa taas, maliban lang sa kwarto ni Sir Damon na tuwing sabado lang niya pwede na linisan. Hindi niya rin kailangan maglaba ng mga damit dahil si Miss Neil na ang bahala no'n tuwing linggo. Si Nelson naman ang naglilinis ng garahe, mga sasakyan at bahala sa mga halaman sa labas, tanging paglilinis lang at pagluluto ang gagawin niya kaya madali lang 'yon para sa kanya.

Wala pang alas-dos ng hapon ay tapos na siya sa mga gawain niya. Pagod na pagod na tumingala siya habang nakahawak sa batok niya. Napaayos siya ng tayo ng makarinig ng yabag.

Hapon pa magpapasok ng gulay si Nelson, at wala naman ibang tao sa loob ng mansion kaya may kutob siya kung sino 'to. Dahil sa kaba at takot ay nagmamadali siyang pumasok sa ilalim ng mesa na naro'n.

Tinakpan niya ang bibig ng makakita ng dalawang pares ng paa. Kung kahapon ay nakayapak lang ang mo niya, ngayon ay nakasuot na 'to ng tsinelas.

Hindi niya alam kung bakit kailangan niya pa na magtago, eh wala naman siyang ginagawang kasalanan.

'Hindi mo lang gusto na makaharap siya, Amelia' Ani ng isang bahagi ng kanyang utak.

Tama. Iba kasi talaga ang dating nito sa kanya. Nakaka-intimidate naman kasi ang amo niya. Hindi pa man nagsasalita ay ramdam niya na ang nakakatakot na awra nito na bumabalot rito.

Nakita niya na huminto ang dalawang pares ng paa nito sa tapat ng isang refrigerator. Dahil sa umiral na naman ang kuryusidad sa katawan niya dahan-dahan niyang isinilip ang ulo para makita ang mukha nito.

Napanganga siya ng makita kung paano umalon ang lalamunan nito habang umiinom sa isang lata ng softdrink. Parang katulad lang ng napapanood niya sa mga komersyal sa mga telebisyon.

Nakakahalinang panoorin 'to.

Hindi sinasadya na gumawi ang mga mata nito sa kanya. Nagkasamid-samid ang amo niya. "Tang-anong ginagawa mo d'yan?!" Kanda-ubo na tanong nito na hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa kanya.

Pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo ay kinakabahan siya.

Nagalit na naman 'to sa kanya.

"Ang sabi ko, anong ginagawa mo d'yan?!"

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
ang ganda natatawa ako syo girl......hahahah ung among masungit
goodnovel comment avatar
SEENMORE
May stories po silang magkakaibigan— Zandro (HIS INTENTION) Damon (THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID) Alaric (TRAPPED WITH HIM) Soon to publish ang stories nina— Red — Miguel — Nickolas — Liam — Tres — Jack —
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status