Share

3. TLBAHM

READ AT YOUR OWN RISK!!!

ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!

(This story is TRAPPED SERIES#2)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

[Amelia]

DAHIL sa naisip ay namutla siya. Naku po, nalagot na!

"Pasensya na nagulat ka ba?" Tumatawang nagkamot ito sa ulo. "Ikaw 'yong bago dito, no?"

Lumunok siya. "I-Ikaw ang amo ko?"

Lalo itong natawa sa sinabi niya. "Naku hindi, mukha ba akong mayaman?"

Tiningnan niya ang kabuuhan nito. Naka-tshirt ito na kulay pula, naka-shorts na kulay pink at naka-tsinelas na kulay orange.

Hindi halatang ayaw nito sa makulay.

"Di'ba?" Saka malakas uli na tumawa ito.

Napangiwi siya. "Eh, sino ka pala kung hindi ikaw ang amo ko? Saka bakit ka nakapasok dito?"

"Ako ang nagdadala ng mga fresh na gulay dito tuwing hapon. May susi ako kaya nakakapasok ako. Saka pamangkin ako ng mayordoma dito, si tita Neil."

Tumango-tango siya. Pamangkin pala ito ni Miss Neil. Pero hindi nabanggit 'yon ng matanda sa kanya. Marahil ay nakalimutan nito sa dami ng mga tinuro sa kanya.

"Ako nga pala si Nelson, binata pa ako, single at gwapo." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Natawa nalang siya sa pagbubuhat nito ng sariling bangko.

"Amelia nga pala." Tinanggap niya ang kamay nito.

"Ang ganda mo nga tapos maganda pa ang pangalan mo, Amelia. May boyfriend ka na ba?" Nakangiting tanong ni Nelson sa kanya.

Umiling siya. "Wala at wala akong balak." Nawala ang ngiti nito at napakamot sa kilay.

"Basted agad di pa nga nagsisimulang manligaw. Di 'bale, kaibigan muna tayo ngayon tapos ligaw sa sunod." Hindi nawawalan ng pag asa na sabi nito.

Hindi na niya ito sinagot. Lumapit siya sa mga gulay na dala nito at saka 'yon hinugasan. Akala niya ay aalis na ito pero puro ito daldal.

Pala-kwento ang binata. Hindi nauubusan ng kwento ito sa kanya. Nakapagluto na siya lahat-lahat ay narito parin ito at walang tigil sa kakakwento, pati yata kapitbahay nito ay na-ikwento na nito dahil sa kadaldalan. Pero hinayaan niya lang ito dahil kahit madaldal ay halata naman na mabait ito.

Lumapit siya kay Nelson. "Totoo ba na walang nagtatagal dito?"

Kumamot si Nelson sa ulo. "Ah, eh, parang gano'n na nga." Alanganin na sagot nito.

"Bakit naman?" Gusto niya talagang malaman kung ano bang klase ng halimaw ang amo nila.

"Basta malalaman mo nalang." Alanganin din ang ngiti na nakapaskil sa labi nito. "Sana magtagal ka dito. Seryoso ako liligawan kita sa sunod."

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Ang nasa isip niya ay kung ano bang itsura ng amo nila. May pangil ba? Pula ang mata?

Lumunok siya.

Hindi naman siguro.

Nang umalis si Nelson ay nagbilin pa 'to na wag siyang sisilip sa amo nila pagnasa hapagkainan 'to.

Lalo lang tuloy siyang kinain ng kuryusidad niya. Habang naghahanda siya ng mga pagkain sa mahabang mesa ay panay ang tingin niya sa malawak na dining hall. Napakalawak at halata na mamahalin ang lahat ng gamit. Baka pagmay nabasag siya na isa sa mga gamit na naro'n ay hindi niya magawang bayaran dahil sa mahal no'n.

Kaya kailangan niyang mag-ingat. Nang matapos niyang ihanda ang mga pagkain ay nagmamadali siyang umalis para bumalik sa kusina.

Tumingin siya sa malaking orasan na nasa kusina. Limang minuto nalang at alas-otso na ng gabi.

Lalabas na at kakain ang amo niya.

Hindi niya maiwasan ang kabahan dahil ito ang unang pagkakataon na nagsilbi siya rito. Normal ba ang tao na hindi gusto makita ng ibang tao?

Hindi niya maintindihan.

Bakit hindi nito gusto ang makita ng kahit na sino? Bakit bawal itong makita? Ilang beses siyang napalunok ng makita sa orasan na alas-otso na. Hindi siya mapakali dahil parang gusto niya na pumunta sa dining area at silipin ito. Gustong-gusto niyang makita ng dalawang mata niya ang mukha ng amo niya.

"Tumigil ka nga, Amelia! Mapapalayas ka talaga ng wala sa oras sa gagawin mo." Saway niya sa sarili. Para libangin ang sarili ay kumain nalang siya at nagsalin ng malamig na softdrink sa baso niya. Halos mabulunan pa siya dahil sa sunod-sunod niyang subo. Nagutom siya sa kakaisip sa itsura ng amo niya. Matapos kumain at uminom ng softdrink ay nagligpit siya at naghugas ng pinagkainan.

Napangiwi siya ng makita kung anong oras palang. Alas-otso at sampong minuto. Kung gano'n ay napakabilis lang pala niyang kumain.

Natigilan siya.

Hindi niya naitanong kay Miss Neil kung anong oras siya dapat pumunta ng dining area.

Napakamot siya sa ulo.

Paano kung pagpunta niya sa dining room ay naro'n pa ang amo niya?

Pinilig niya ang ulo. Dahil sa ayaw nitong makita ng mga tao ay baka matagal na ang kalahating oras na pagkain nito. Kailangan lang niya na hintayin na maubos ang trenta minuto bago siya magtungo sa dining area.

Tama. Hindi siya dapat na kabahan.

Habang hinihintay na maubos ang trenta minuto ay kumain muna siya ng mga imported na chocolate. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang busog. Uminom din siya ng iba't ibang klase ng juice na naro'n. Halos kuminang ang mga mata niya sa sarap ng mga 'yon.

Nang tumingin siya sa orasan ay alas-otso na at trenta minuto. Napangiti siya. Ibig sabihin ay pwede na siyang maglinis ng dining area.

Kumuha muna siya ng bilog ang hugis na tsokolate para kainin. Habang naglalakad sa ay binubuksan niya ang tsokolate na hawak ng hindi sinasadya na nalaglag 'yon at gumulong. Sa taranta niya na baka sumuot 'yon sa mga ilalim ay gumagapang na hinabol niya 'yon.

Napangiti siya ng maabutan ang tsokolate. Nakatakip ang dalawa niyang palad ro'n at parang bata na tumawa siya.

"Kala mo makakatakas ka, ha!" Natigilan siya at ilang beses na kumurap, dahil sa harap niya ay may dalawang malaking paa na may balahibo pa na konte ang bawat daliri.

Lumunok siya. Inalis niya ang dalawang kamay na nanginginig na nakatakip sa tsokolate at saka lumuhod mula sa pagkakadapa.

Dahan-dahan siyang tumingala sa may-ari ng paa na nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay mamamatay siya sa tingin ng lalaking nasa harapan niya ngayon.

Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaharap ng taong wala pang sinasabi at ginagawa pero sumisigaw na ng kapangyarihan ang awra nito.

Para bang kaya siyang durugin ng isang salita lamang nito. Ang itim na mata nito ay walang emosyon pero matatakot ka na titigan, dumagdag pa sa takot niya ang mahabang pilat nito sa kaliwang noo pababa sa mata dahil lalo lang dumagdag sa bangis nito 'yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status