Share

Kabanata 48

MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event.

Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo.

Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Catherine Palacio
Yownnnn, thank you Author sa update...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status