Share

Kabanata 4

“HOY, MARE!”

That was Gwen—my bestfriend. Sa tinis pa lang ng boses niya ay nakilala ko na siya kaagad.

“Bakit? Ang ingay mo,” sabi ko. Isinukbit ko ang bag ko sa upuan at saka naupo.

“Nakita ko si Lawrence, ang bango pa rin tingnan gaya ng dati.” May paghampas pa siya sa braso ko na para bang kilig na kilig.

Napakunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko, ako ang nagka-crush kay Lawrence dati at hindi siya.

“Saan mo naman nakita? Sino ang kasama?” tanong ko na lang sa kaniya kahit na alam ko naman na ang sagot doon sa pangalawa kong tanong.

Crush ko noon si Lawrence Lucas. As in simula freshman year ko sa college ay gusto ko na siya. Nag-uusap naman kami pero hindi ko alam kung alam ba niyang may crush ako sa kaniya dati. Crush lang naman iyon, pinapalala lang nitong si Gwen. Sobrang loyal kasi ng lalaking iyon kay Maureen na girlfriend niya ngayon. Well, I am not sure kung girlfriend niya pa rin until now kasi on and off ang relationship nilang dalawa. Kahit ilang beses silang mag-away, si Maureen pa rin ang pinipili niya no matter what happened.

Mapapatanong ka na lang talaga kung bakit parang ang unfair ng Lord sa lovelife mo.

“Masayang-masaya siya, mare, mukhang never ka niyang kakailanganin sa buhay niya,” may pang-aasar sa tonong sabi niya. “Nagkabalikan na ulit sila ni Maureen, magka-holding hands! Ganoon na ganoon, oh.” Idinemo pa niya kung gaano kahigpit ang paghahawakan ng kamay ng dalawang kinukuwento niya.

Tinapik ko ang magkadikit niyang kamay. “Oo na, sila na ang forever, tinanggap ko naman na iyon. Ikaw lang naman itong hindi maka-get over. Para ngang mas affected ka pa kaysa sa akin,” umirap pang sabi ko.

“Ang hina mo kasing magpapansin, mare. Tatanda kang dalaga kung ganyan ka parati, sige ka,” pananakot pa niya.

“Okay lang, sila ang manghihinayang dahil hindi nila ako piniling jowain. Jowable kaya ako!” confident pang sabi ko.

“Jowable, ah,” hindi naniniwalang sabi niya. “Eh, simula nang naging magkaibigan tayo, wala ni isang nanligaw sa iyo.”

Sinimangutan ko siya kasabay ng masamang tingin. Totoo naman kasi iyong sinabi niya. Hindi naman ako pangit pero bakit nga ba hindi ako ligawin?

“Anyway, natapos mo na ba iyong research natin? Kaloka, kamuntikan ko nang hindi magawa, buti na lang naalala ko kagabi. Wala tuloy akong maayos na tulog ngayon.” May nalalaman pa siyang padampi-dampi ng palad sa magkabila niyang pisngi na akala mo model ng kung anumang brand ng face powder.

“Natapos ko na iyong sa akin. Doon ko sa Thanks-a-Latte ginawa, alam mo na, free wifi. Binungangaan pa nga ako ng isa sa mga employee roon.”

“Bakit naman? Baka naman hindi ka bumili maski isang kape? May pagkakuripot ka pa naman,” tatawa-tawa pang sabi niya. Kilala talaga ako ng isang ito, eh.

Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon hanggang doon sa scene na dumating si Ken.

“Nakita mo nang malapitan si Sir King?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Sobrang guwapo ba? Masungit o mabait? Ano ang hitsura niya kapag nagpa-pout? Sh*t.” Napahawi pa siya sa buhok niya saka napakagat sa ibaba niyang labi. “Nai-imagine ko pa lang iyong lips niya, gusto ko na siyang halikan.”

Napangiwi ako sa sinabi niya. Minsan talaga ay may sapi ang isang ito at kung sino-sinong lalaki na lang ang pinapantasya.

“Guwapo siya, clear skin, mas clear pa sa future natin,” simpleng sagot ko sa kaniya pero mukhang walang gana. Minsan kasi ay napapagod na ako sa kaharutan nitong kaibigan ko.

Sa narinig niyang description ko kay Ken, kaagad na bumakas ang excitement sa mukha niya. Alam na alam ko na ang balak niyang gawin kapag ganyan ang hitsura niya.

“Pumunta nga tayo minsan doon sa coffee shop, silipin lang natin siya,” pag-aaya niya sa akin na kaagad ko namang tinutulan.

“Mare, huwag na. I-search mo na lang siya sa F******k dahil for sure ay may account siya roon. Mas matititigan mo pa siya nang matagal kapag doon mo siya tiningnan,” suhestyon ko.

“So . . . ” inilapit niya nang husto ang sarili niya sa akin at malalim pang tumingin sa mga mata ko. “Alam mo iyong pangalan niya?”

“Oo naman,” nang-iinggit pang sabi ko. “Hindi mo pa ba alam? Ang hina mo naman.” Ngumisi pa ako.

“Ano ang pangalan niya?” Hinampas-hampas niya ako sa braso ko. Masakit. Nakalimutan niya yatang volleyball player siya.

“Hulaan mo.” Dumila pa ako sa kaniya para lang asarin siya. Knowing her, hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang pangalan ng lalaking iyon.

 

♡ ✿ ♡ ✿ ♡ 

SAKTONG DISMISSAL namin nang makatanggap ako ng text galing kay Ken. Kaya siguro kinuha non ang schedule ko sa school para malaman kung anong oras niya ako ite-text.

 

Ken

Can’t fetch you today, sorry. Daan ka rito sa coffee shop.

— received

 

Ok.

— sent

 

“Mare, puntahan na natin si Papi King!”

Tumakbo pa palapit sa akin si Gwen na kanina pang atat na malaman ang buong pangalan ni Ken. Dahil daw sa ayaw kong sabihin, siya na raw ang bahalang umalam niyon at heto na nga, nagpapasama pa siya sa akin ngayon doon sa coffee shop nito.

Ang kaso . . . hindi puwedeng makarating ngayon si Gwen doon dahil baka malaman niyang nagtatrabaho ako sa lalaking iyon bilang girlfriend niya. Isang malaking ka-cheap-an ang ganoong klase ng trabaho at baka isipan pa ako ni Gwen nang masama.

“Huwag ngayon, mare, sa ibang araw na lang. Hindi ba may pinapaayos pa si Maam Jannet doon sa research paper natin? Tapusin muna natin ngayon and then saka na tayo sumipat doon kapag okay na,” pagpalusot ko pa.

“Sige na nga,” nakasimangot na sabi niya. “Nagi-guilty naman ako at mukhang bad influence pa ako sa iyo if ever na pilitin pa kitang pumunta roon. Running for Cum Laude ka pa naman.”

“Sira! Ang arte mo riyan, ah. Basta sa susunod, sasamahan kita,” pangako ko pa sa kaniya.

“Promise iyan, ha? Sige, uuwi na ako.” Nakipag-cheeks to cheeks pa siya sa akin bago na siya nagpaalam umalis.

Nakahinga ako nang maluwang nang masiguro kong nasa malayo na ang sinakyan niya.  Nagsimula na akong maglakad papunta sa coffee shop para kitain si Ken.

“Ano na namang ginagawa mo rito? Makiki-wifi ka na naman ba, ha?” taas-kilay na namang tanong sa akin ni Bianca. Sa dami naman ng puwedeng sumalubong sa akin dito, ang babaeng ito pa talaga.

“Don’t worry, hindi ako makiki-wifi today. Actually, pinapatawag ako ng boss mo, ako na yata ang ipapalit sa iyo,” pang-inis na sabi ko. Effective naman kasi mukhang naiinis nga siya.

“Bakit ako maniniwala sa iyo? Nasaan ang appointment mo?” mataray pang tanong niya.

“Wala akong ganoon. Bakit ba ayaw mong maniwalang pinapunt—”

“Hindi puwede. Labas!” Humawak siya sa braso ko saka ako hinila palabas ng coffee shop. Talagang doon siya sa tabi ng glass sliding door tumambay para hindi ako makapasok.

Napaka g*go talaga ng ugali ng isang ito. Masyadong pambuwisit ng araw.

Naghintay ako sa labas ng coffee shop. Tinext ko si Ken pero hindi siya nagre-reply.

“Bakit ka narito?”

Napalingon ako sa nagsalita.

“Uy, Karl,” tumingin ako sa paligid para masigurong ako nga ang kinakausap nitong si Karl. “Ano, kasi . . . ”

Karl Timothy Santiago—schoolmate ko siya at isa rin sa mga naging crush ko ngayong college. Ang family nila ang may-ari ng school na pinapasukan ko ngayon.

“Gusto mo bang pumasok sa loob?” tanong niya sa akin na may halong pagtataka.

“Oo, sana. Kaso, hindi ako pinapapasok ng babae kasi nagkasagutan kami noong nakaraan dahil sa wifi,” paliwanag ko.

Tiningnan niya iyong babaeng tinutukoy ko at nakita ko pang kumunot ang noo niya.

“Hindi naman siya ang may-ari niyan,” sabi pa nito. “Come on.” Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila papasok sa coffee shop. Nagulat pa iyong Bianca nang makita niyang hawak ni Karl ang kamay ko.

“Pumili ka ng coffee,” utos pa sa akin ni Karl matapos naming i-occupy ang isang table.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Kasama ko ngayon si Karl Timothy?

“Hey, are you alright?”

Nabalik lang ako sa ulirat nang narinig ko siya muling magsalita. Sh*t, totoo nga. Kasama ko nga siya ngayon!

 

Ken

Where are you? Susunduin na lang kita.

—received

 

Narito na ako sa baba, Ken. May kasama ako. Hindi ako makaakyat kasi hindi rin ako pinapayagan ni Bianca na makausap ka.

— sent

 

“Try this peach cobbler flavored coffee,” suhestiyon pa ni Karl habang ipinapakita sa akin ang picture ng kapeng tinutukoy niya na nasa menu. “Masarap ito. For sure babalik-balikan mo ito rito,” dugtong niya nang may kasamang ngiti.

Hindi ko mapigilang hindi kiligin dahil sa nangyayari. How come na out of the blue ay makakasama ko nang ganito si Karl? Tapos siya pa ang namimili ng kapeng iinumin ko.

“Orderin na natin, ha?”

Tumango na lang ako.

Tinawag niya si Bianca. Taas-noo naman itong lumapit papunta sa amin. Hindi ngumingiti.

“Ikaw ang mag-utos sa kaniya. Iparamdam mo kung ano ang totoong role niya rito sa coffee shop na ito,” nakangising sabi ni Karl sa akin. “Let you remind her na sa lugar na ito, hindi siya ang boss.”

Nangisi rin ako sa plano ni Karl. He’s right, kailangang matutuhan ng babaeng ito ang leksyon niya.

Kinuha ko iyong menu para basahin iyong kapeng tinutukoy niya. Nag-cross legs pa ako saka mataray na tumingin sa kaniya.

“Two peach cobbler flavored coffee, please?” I said. “And please, make it fast.”

Padabog niyang isinulat ang order ko sa papel at umiirap na tumalikod sa amin. Nanliliit ang mga mata ko habang sunod ang tingin sa kaniya.

“Bakit kaya tinanggap dito ni Ken ang babaeng iyon?” hindi makapaniwalang tanong ko. Akala mo kasi ay pinaglihi sa sama ng loob. Ako pa talaga ang napili niyang pagdiskitahan.

Pinakatitigan kong muli iyong menu at napatingin sa presyo ng kapeng pinaorder ni Karl. Halos masamid ako sa sarili kong laway nang makita ko iyong presyo. Php.650.00!?

“Oh, bakit parang gulat na gulat ka?” takang tanong pa ni Karl.

“Ang mahal pala ng kapeng ito!” pabulong na sigaw ko. Tawang-tawa naman siya nang makita niya ang hitsura ko. Wow, hindi naman halatang can’t afford ko iyong kapeng ito, hindi ba?

“Hindi ko naman sinabing mura iyan, Laurice,” tumatawa pa ring sabi niya. “But, don’t worry, libre ko naman.”

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang sinabi niya. “Jusko, salamat naman kung ganoon.”

Nakita ko si Ken na pababa sa hagdanan ng coffee shop kaya kaagad akong kumaway sa kaniya nang may kasama pang ngiti. Napansin ko rin ang pagdapo ng tingin ni Karl sa kaniya.

“Bro,” bati sa kaniya ni Karl nang makalapit na siya sa amin.

Kinuha ni Ken ang isang kamay ko at hinigit ako patayo. “Come on.”

Nawala ang ngiti sa labi ko. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Sinubukan kong kunin ang kamay ko sa kaniya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

“Ken—”

“Shut up,” pigil niya sa akin. Seryoso ang pagkakasabi niya at sa hindi ko malamang dahilan, naramdaman ko ang galit na mayroon siya.

Hinila niya ako paakyat ng hagdan—dere-deretso sa opisina niya kung saan kami nagkapirmahan kahapon.

“Ano ba ang problema mo?” inis na tanong ko. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Minsan lang sa buhay ko mangyayaring makasama sa pagkakape ang lalaking minsan ko nang nagustuhan pagkatapos ay sinira pa nitong isang ito dahil sa hindi malamang dahilan?

“Kung hindi pa ako bumaba, hindi ko pa malalamang kasama mo ang tarantadong iyon!” galit ding sagot niya sa akin.

“Wala naman kaming ginagawang masama!”

“Drinking coffee together behind my back? Sa coffee shop ko mismo, Love, are you insane!?”

“Schoolmate ko si Karl, and for Pete’s sake, walang malisya iyon!” Sa kaniya. Sa akin mayroon, huhu sayang talaga ang pagkakataon.

“And he’s my f*ckin’ friend . . . and a guy . . . for Pete’s sake!”

Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa pagtatalo naming ito. Napaka simpleng pagkakape lang niyon, nagagalit na siya kaagad.

“I told you, as long as you’re working with me, ayokong may pumoporma sa iyo.”

Napahilot ako sa sentido ko at huminga muna nang malalim bago sumagot. Ayoko naman siyang mataasan ng boses lalo pa’t nauna na ang sahod ko kaysa sa pagpapanggap ko.

“Hindi niya ako pinopormahan, Ken. Siya ang tumulong sa aking makapasok dito dahil ayaw akong papasukin ng empleyado mo, okay?”

“Hindi pinopormahan, ha? Kung wala siyang gusto sa iyo, dapat matagal na niyang sinabi na nakita ka na pala niya two f*ckin’ years ago! Hindi ka dapat niya tinago sa akin nang ganoon katagal kung wala siyang ibang balak sa iyo!”

Saglit akong napatigil at tumitig sa kaniya. “Ano bang sinasabi mo? Anong tinago? Bakit niya ako itatago?”

Naupo siya sa swivel chair niya at napabuga ng hangin. Naihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya. He’s trying to calm himself right now.

“Ken, ano ba ang sinasabi mo?” tanong ko ulit sa kaniya. Naupo na rin ako sa upuang katapat ng mesa niya at naghihintay sa isasagot niya. Itinuon niya ang tingin niya sa akin pero kaagad naman niyang binawi iyon.

“Kalimutan mo na ang sinabi ko.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Naguguluhan ako, malinaw sa pandinig ko ang sinabi mo. Ano ang ibig mong sabihin na itinago ako ni Karl sa iyo? Bakit niya iyon gagawin?”

“Sinabi ko nang kalimutan mo na.” Tumayo siya at kinuha ang coat niyang nakasabit sa swivel chair at lumakad papunta sa harapan ko. He intertwined his fingers on mine. “Come on, let’s go home.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status