Share

Kabanata 9

“ANO NA naman ba ang ginagawa mo rito, Cia? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay mo kundi ang buwisitin ako!?” bulyaw sa kaniya ng lalaki.

“Hindi naman kita binubuwisit, ah!” nakangusong sabi ng babae sa kaniya. “Sabi ko naman sa iyo ay pupuntahan kita rito kapag may vacant time ako, hindi ba?”

“Oras-oras ba iyang vacant mo? T*ngina!” Mababakas sa hitsura ng lalaki ang pagkainis. Para kasi sa kaniya ay walang ibang ginagawa ang babaeng ito sa buhay niya kundi ang manggulo at pataasin ang dugo niya.

“Huwag mo na lang kasi akong pansinin, Love. Saka, bakit hindi ‘Love’ ang tinatawag mo sa akin, ha?!” kunwari pang naggagalit-galitan ang babae sa kaniya.

Tanging masasamang tingin lamang ang iginaganti niya sa babae para maiparating dito ang pagkainis niya sa presensya nito. Ilang beses na niya itong itinaboy sa buhay niya pero hindi ito marunong sumunod.

“Tingnan mo na, ang sama-sama na naman ng tingin mo sa akin, hindi naman kita inaano!” sabi ng babae na kulang na lang ay sabita
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status