Share

Kabanata 40

PINASAMAHAN AKO ni Tita Babs sa anim na umuwi muna sa bahay para kumuha ng mga gamit nila habang naroon sila sa ospital. Ayaw nilang iwanan si Ken doon at ayaw din nilang mag-stay ako nang matagal doon dahil tiyak daw na mai-stress lang ako—baka makasama pa sa dinadala ko.

Gustong-gusto ko nang makita si Ken pero wala naman akong magawa. Wala akong ibang choice kundi ang hintayin siyang para makapasok ako sa kuwarto niya—doon lang daw kasi papayagan ng mga doktor na makapasok ang mga hindi kamag-anak ng pasyente.

“Huwag ka nang sumama pabalik, Queen, okay? Iyon din naman ang bilin ni Tita. Dito ka na lang para makapagpahinga ka. Papupuntahin ko rito si Gwen,” sabi ni Coach.

“No, gusto kong sumama . . . gusto kong naroon ako sa oras na magising siya.”

“I know, pero ano namang magagawa mo roon, eh ni hindi nga tayo pinapapasok? Wala kang maayos na matutulugan doon kung sakali. Alagaan mo ang sarili mo at ang anak ninyo. For sure naman ay iyan din ang gusto ni King na gawin mo,” pagpapal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status