Share

Kabanata 11

“IT’S TOO early, papasok ka na kaagad?” tanong sa akin ni Ken nang magkasabay kami sa elevator.

Papunta na ako ngayon sa San Carlos University para ihatid itong letseng papel na ito. It’s just seven o’clock in the morning at alam niyang ten o’clock pa ang klase ko.

“Oo eh,” sagot ko sa kaniya. “May dadaanan din kasi ako.”

“Saan?” Nakapamulsang tanong niya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pababang numero sa elevator tanda na bumababa na kami ng floor. Nakaitim siyang sweatshirt at pants na pinartneran ng puting low cut converse shoes. May suot din siyang itim na cap. Batay sa ayos niya ngayon, mukhang hindi sa coffee shop ang punta niya.

“Basta . . . school stuff,” simple kong sagot na sinabayan ko pa ng pagngiti.

Ayoko nang malaman pa niyang sa San Carlos University ako pupunta dahil baka wala siyang ideya tungkol sa school na iyon pagkatapos ay bigla siyang sumugod. Baka mabugbog pa siya. Ano namang magiging laban niya kung sakali?

“Do you want me to accompany you? Off ko ngayo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status