Share

Kabanata 7

“KING, MY Love!”

Sinalubong si Ken ng isang babae pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng kanilang bahay. Tumalon pa siya para lang yumakap sa kaniya. Bakas ngayon sa mukha ng lalaki ang pagkainis.

“Bakit ba narito ka na naman?” naiiritang tanong nito sa babae.

Pabagsak na umupo ang lalaki sa upuan saka isinandal doon ang kaniyang ulo. May pasa siya sa mukha dahil sa pakikipag-away kanina sa mga lalaking nagtangkang humarang sa daraanan nila.

“Wala lang, miss kaya kita nang sobra.” Tumabi sa kaniya ang babae at ipinulupot sa braso niya ang mga kamay nito. “May pasa ka na naman! Nakipag-away ka na naman sa labas, ano?” panenermon pa nito sa kaniya.

“Pakialam mo ba? Umalis-alis ka nga sa harapan ko dahil nabubuwisit ako sa mukha mo. Hindi pa ba sapat sa iyo na pinilit mo akong maging boyfriend mo at buong buhay ko pa ang ginugulo mo?” asar na tanong na naman sa kaniya ng lalaki.

“Hindi naman kita ginugulo, ah! Aalis na rin ako maya-maya lang, gusto lang talaga kitang makita,” nakanguso
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status