Share

90 - Apo ko

"Wow!" Si Zacky habang nakatingin sa bahay ng papa niya. Kitang kita ko ang paghanga ni Zacky sa mata niya.

"Let's go. Pasok na tayo," si Zachary habang bitbit na ang gamit namin. Kinuha ko ang isang gamit sa kanya, ayaw pa nga niya noong una, pero binigay pa rin.

Papalapit pa lang kami ay bigla nang bumukas ang pinto. Akala ko noong una ay automatic lang, pero kasunod non ang sabay sabay na sigaw at pagputok ng confetti.

"Welcome home!!" Umawang ang labi ko nang nangunguna ang boses ni Dexie.

"Tita Ganda!" Si Zacky at tumakbo para yakapin si Dexie.

"I miss you gwapo kong pamangkin!" Si Dexie at pinaulanan niya ng halik si Zacky sa mukha. Natatawa naman si Zacky sa pinaggagagawa ng tita niya.

Ngingiti na sana ako, kaya lang natigilan ako nang mapasulyap sa mga taong nasa gilid lang at nanonood.

Para akong nawalan nang lakas nang makita ko si Mandy kasama sila Madam Anastasia, sa tabi nito ay ang sa tingin ko ay Papa ni Zachary. May kasama pa silang matanda. Titig na titig sila kay Za
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status