Share

5

Ngayon nga ay hawak hawak ko na nga ang high heels na suot ko kanina. Tapos na ang trabaho ko, kaya papunta na ako ngayon sa elevator. Nakakainis! Panira 'tong sandals ko. Nakakahiya yung kanina.

Unang araw ko pa lang madami na akong palpak. Ano bang tamang gawin? Ano bang una kong gagawin?

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay pumasok na ako, may dalawang tao doon sa loob, at dahil bago pa lang ako dito, wala pa akong kilala sa kanila, lalo na at kanina ay wala akong time para makisalamuha man lang. Nag lunch lang ako kanina at mabilis na bumalik, baka kasi may ipagawa siya.

Maganda din ang trabaho dito, lalo na ang pasweldo. 

Namimiss ko nga lang yung mga kasamahan ko sa palengke, ibang iba ang paligid dito kaysa doon. Dito seryoso ang mga tao, sa palengke ay puno ng biruan. Doon pa lang ay nakikita na ang pagkakaiba ng mga mayayaman at mahihirap.

Nang pasara na iyon ay biglang may kamay na humawak. Lumapit ako sa gilid sa pag aakalang may papasok at sasabay, nagulat ako nang makita ang pamilyar na mga daliri at kuko. Kahit hindi ko tignan ang mukha, alam ko kong sino iyon. Pintura pa lang ng kamay alam ko na.

"Hello, Sir," sabay ang dalawang tao na nagsalita sa likod ko. Isang babae at isang lalake iyon.

Inisip ko kong may nakalimutan ba ako o may mali akong nagawa. Bago umalis sinigurado ko naman na wala na akong nakalimutan. Ano kayang sadya niya.

"Sir, ano 'yon? May kailangan ka pa po ba?" tanong ko. Nakita ko ang pagsimangot niya, lalo nang bumaba ang tingin niya sa paa kong naapak sa malamig na sahig.

"Use this," napakurap kurap pa ako. Hindi ako makapaniwala. Galing sa likod niya ay inilabas niya ang kamay na may hawak na sandals. Ayaw ko nang isipin kong kanino at sino ang gumagamit sa sandal na iyon.

"Thank you, Sir," hindi ko maiwasang mapangiti. Mabilis kong kinuha ang hawak niyang sandals at tumuwad para isuot iyon. Halos mawala at matigil ang paghinga ko nang pinatayo niya agad ako. Taka akong bumaling sa kanya.

"Ako na. Nasisilipan ka," sabay irap niya sa akin. Literal na namula ako, lalo na nang iniluhod niya ang isang paa at hinawakan ang paa ko. Hindi ko alam kong anong sasabihin o gagawin.

Alam na alam niya kong paano ilock at i-unlock ang sandals, walang duda sa kanya nga iyon. 6 inches iyon at hindi ko maimagine na suot suot niya iyon. Saan kaya niya iyon isinusuot? Pag may party?

Nag iiwas ng tingin ang dalawang kasabayan ko sa elevator. Dahil nakabukas pa rin ang pinto ng elevator, kitang kita ng ilan ang ginawa ni Sir Zach. Nakatalikod si Sir Zack kaya hindi niya nakikita ang ilang nagbubulungan sa likod niya. 

Pulang pula na ang pisngi ko. Ginamit ko na lang ang buhok ko para takpan ang mukha ko. Nang matapos niyang isuot sa akin ang sandals ay nag iwas siya ng tingin.

"Ibalik mo yan, that's my heels." Wala ako sa sariling tumango sa kanya.

Iyon ang huli niyang sinabi bago tumalikod. Patagal ng patagal, nanghihinayang na din ako sa kanya. Is he really a gay? Pero bakit? Bakit niya piniling maging bakla? Napabuntong hininga ako sa mga tanong na naiisip ko. 

It's a choice, Gillian. Iyon ang gusto niya, pero nakakapanghinayang pa rin. Kong noon ay masasabi kong kahibangan ang nais ni Madam Anastasia, ngayon ay napatunayan kong hindi.

****

Medyo maluwag ang sandals na pinahiram niya sa akin, pero habang tinitignan at iniisip ang ilang bagay, napapatanong ako, kasya kaya 'to sa kanya? Ang liit naman ata ng paa niya. 

Huminga ako nang malalim bago buksan ang maliit na gate papasok sa bahay namin. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang nag aabang sa akin sa labas si Papa, si Nika at Zaji. 

"Oh, nandiyan na ang Ate niyo, ayusin na natin ang hapunan," sambit ni Tatay habang nakangiti sa akin. Tumakbo si Zaji sa akin, naupo ako at sinalubong ang yakap niya.

Lumapit si Nika para kunin ang hawak kong sandals, pati na din ang bag ko. Nakabotones na din ang coat na suot ko. 

"Wala bang masakit?" tanong ko, umiling lang siya kaya napangiti muli ako. Makita ko lang silang okay, masaya na ako. Kahit mapunta ako sa alanganin, ayos lang, basta masaya sila at kasama ko sila.

Hinila niya ako papasok, pagkapasok namin ay napangiti ulit ako nang makita ko si Yunard na nag aayos din ng mga pinggan.

"Oh, nandito ka," 

"Oo naman. Unang araw mo sa malaking kompanya. Proud bestfriend here," sabay kindat sa akin.

"Sira," natatawa kong sambit.

Napuno ng tawanan at biruan ang mesa. Tinanong din nila ako tungkol sa trabaho. Pati na din kong mabait ba ang boss ko. Dahil sa tanong na iyon ay mabilis kong kinuha ang baso para uminom. Parang bumara ang lalamunan ko dahil sa tanong niya.

Nag iinit ang pisngi ko lalo na nang maalala ko ang ginawa niyang pagluhod para isuot ang sandals niya sa akin. Kong hindi ko alam na bakla siya, iisipin kong matinik iyon sa lalake.

"Mabait naman po ang boss ko. Sa katunayan nga po, nasira yung gamit ko kaninang sandal, pero pinahiram niya ako ng ibang sandals niya para hindi ako mag paa pauwi." 

"Diba, lalake ang boss mo? Bakit may sandals siya?" kunot noong tanong ni Papa. Napanguso ako, hindi ko alam kong sasabihin ko ba.

Nang sulyapan ko si Yunard ay naghihintay din siya ng sagot sa tanong Papa. Wala akong nagawa kundi sagutin ang tanong ni Papa.

"Bakla siya, Pa," sambit ko sabay baling sa kinakain ko.

"Ano nga yung pangalan ng kompanyang pinapasukan mo, Anak?" 

"Villa Company po." Sabi ko sabay tingin sa kay tatay.

"Tama, alam ko iyon. Nakita ko sa tabloid, bakla nga ang tagapagmana non. Sayang at magandang lalake. Hindi maikakalat ang lahi," iiling iling na sambit ni Tatay.

Sa tingin ko ay isa din iyon sa dahilan kong bakit nais ni Madam Anastasia na gawing tunay na lalake ang nag iisang anak niyang lalake. Pag tuluyang naging bakla si Sir Zach, mapuputol ang angkan ng mga Villanueva. Malaking kawalan ang pagkawala ng susunod na tagapagmana.

"Sure ka bang bakla 'yong boss mo, Gillian?" Tanong bigla ni Yunard,

Mabilis akong tumango. "Ang arte niya magsalita tapos yung kamay... I mean yung kuko, naka pintura, daig pa ako sa ganda at ayos ng kuko niya," sabi ko habang inaalala ang kamay nito.

Tinignan ko ang daliri ko na walang kahit anong pintura. Mas babae pa siya kaysa sa akin. Tapos kanina.... yung suot ko ang pinagdiskitahan niya. Hindi ako makapaniwala, siguro ay naiingit lang iyon dahil hindi siya makapagsuot ng maiiksing damit.

Ayaw ko naman talagang magsuot ng mga ganoong damit, pero kailangan gaya ng sabi ni Madam Anastasia. 

Noong gabing iyon, imbes na matulog ako ng maaga, hindi ko nagawa dahil naglalakbay ang isip ko. Bukas, anong gagawin ko? Paano ko siya maakit? Ang hirap naman, lalo na wala akong kaalam alam sa pang aakit. 

Mukha namang hindi siya natatalaban sa maiiksi kong damit. Naiingit lang naman ata siya at hindi naaakit.

Paano kaya kong sunggaban ko na lang agad ang labi niya. Napapikit ako at napakapit sa unan ko. Yung labi niya, bakit ganoon? Ang pula ng labi niya, wala iyong bahid ng lipstick, pero natural itong mapula.

Bakit ba kasi bakla siya! Ayaw ba niyang makahanap ng babaeng mamahalin niya at magkaroon ng anak? Ang lungkot siguro ng buhay nya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status