Share

4

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tinign an ako ng masama. Akala ko papagalitan niya ako, pero hindi ako makapaniwala dahil iba ang sinabi niya sa iniisip ko.

Akala ko papagalitan niya ako! 

"Ay, I like your self confidence, but, dear, dapat malaman mo na sa buong building na 'to....  I am most beautiful and hot. Understand, secretary Gillian." Maarteng ani nito at sabay irap sa akin. Halos ma ubo ako nang marinig ang sinabi niya.

Alam kong bakla siya, pero grabe siya! Subrang arte ng pagkakasabi niya, ibang iba sa itsura niya. Napakamot na lang ako.

Kahit sino atang ina, pag nakikitang mas mukha pang babae gumalaw ang nag iisang lalake ng angkan ay gagawa ng isang desperadang gawain.

Muli siyang umupo at pinag abalahan ang mga papeles sa lamesa niya.  Nakatayo lang ako doon at hindi alam ang gagawin. Nangangapa ako, hindi ako marunong mang-akit. Ano bang dapat kong gawin?

Nag-isip ako. Hindi ko maiwasang mapangiti  nang maalala ko yung pinanood namin noong isang araw. Tumingin ako sa hinaharap ko, nakabotones pa rin pala ang coat na gamit ko.

Hindi ko alam na makakatulong sa akin ang kontrabidang iyon sa pinapanood ko. Hindi ko inakala dahil subrang nainis ako sa character ng babaeng yun, pero heto ako gagawin ang ginawa niya.

Pasimple kong kinalas ang mga botones. Napalunok pa ako at kinakabahan. Pagkakalas ko ng mga botones ay lumabas muna ako para kunin ang iilang papel para permahan niya. Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok ulit. Ngayon ay kitang kita na ang suot kong tube. Dahil malulusog ang d****b ko, nakikita ang taas nito.

"Sir, I need your sign po." Hindi ko alam kong namamalik mata lang ako o talagang totoo yung nakita ko sa mga mata niya. Napalunok siya at napahawak sa sintido niya.

Lumapit ako sa gilid niya at medyo yumuko para ituro kong saan niya pepermahan. Medyo dumistansiya siya sa akin kaya mas lumapit ako.

"Secretary Gillian, alam ko kung saan ang pepermahan. Hindi mo na kailangang lumapit para ituro," sambit niya kaya napa ayos ako ng tayo sa gilid niya. Nakaramdam ako bigla ng hiya.

"S-Sorry, sir." Inihakbang ko ang dalawang beses ang paa ko paligid.

"Do you know my mom?" Napakurap kurap ako nang tanungin niya iyon. Ano sasabihin ko? Hmm

"Ano po, opo. Shempre po kilala ko ang mama niyo, lahat po ng membro ng pamilya niyo, kilala ko. Diba po, palagi kayong na fefeature sa mga magazine?" Napanguso ako, minsan ko nga lang sila nakita sa isang magazine, hindi ako sigurado kong palagi silang na fefeature, wala akong masabi kaya sinabi ko na iyon.

Kahit na nakita ko sila minsan sa magazine, hindi ko pa rin kilala ang lahat ng membro ng pamilya nila, bahala na!

"You, sure? Yun lang?" tanong nito na hindi man lang tumitingin sa akin, ngunit mabilis ding umiwas.

Tumayo siya at humarap sa akin, nakalahad na ang pinermaha niya sa harap ko. Mabilis ko yung kinuha sa kanya.

"Ipapaalala ko lang na sabihin mo sa secretary ni Ms. Suzy na cancel ang meeting." Deretcho ang tingin niya sa mata ko kaya tumango ako.

"Opo, Sir, tatawagan ko na po ang secretary ni Ms. Suzy," sambit ko at nagmadaling umalis sa harap niya, ngunit kong minamalas nga naman! Naramdaman ko ang pagkasira ng takong ko at hindi ako agad nakahawak sa lamesa para makaalalay.

Naging madali ata ang pagkakasira ng heel na suot ko dahil sa nangyare kanina sa baba. Sana pala at tinignan ko ang heel ko kong hindi ba nasira kanina. Hindi nga siguro nasira nang tuluyan kanina pero ngayon ay nasira na.

Dahil mas malapit si Sir Zac sa akin, hinagilap ng kamay ko ang damit niya para sa makakuha ng supporta para hindi tuluyang matumba, ngunit halos nanlaki ang mata ko nang sumama siya sa akin sa pag tumba. 

Hindi niya siguro inaasahan na hahawakan ko siya sa damit ko kaya hindj siya nakapag balance. Ano bang nangyayare sayo, Gillian! Umayos ka!

Napapikit ako nang maramdaman ang sakit sa likod ko. Ngunit sinawalang bahala ko iyon at minulat ang mata. Halos maduling ako nang makita ko ang gulat na expression niya habang nakapatong sa akin. Ilang pugada lang ang layo ng mukha namin.

Hindi ko sinasadyang makagat ang labi ko, sumulyap siya doon dahil sa ginawa ko. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin, nang rumehistro siguro sa isip niya ang nangyare at ang awkward na posisyon namin ay tinukod niya ang kamay sa sahig para malayo ang  mukha niya sa akin.

Sa panahong iyon ay ang trabaho ko kay madam Anastasia ang nasa isip ko. I need to seduce him. At pinangako ko sa sarili ko na lahat gagawin ko. Kahit na ibigay ko ang sarili ko, matapos ko lang ang trabaho ko sa kanya.

Alam kong pag hindi ako nagtagumpay sa trabaho ko na gawing tunay na lalake si sir Zac  ay mamumulubi kami, at ayaw kong dumating sa ganoong punto ang pamumuhay namin. Ayokong makikita ang mga kapatid kong mas mahirapan pa.

Malaking pera ang isang milyon. Malaking pera na mahirap hanapin, lalo na at wala akong permanenteng trabaho at ako lang ang kumakayod sa pamilya namin.

Pag hindi ko nagawang lalake ang taong nasa harapan ko ngayon ay alam kong....malalaman ni papa ang tungkol sa perang ginamit sa operasyon ng kapatid kong si Zaji. Ayaw kong sisihin nanaman ni papa ang sarili. Ayaw kong makitang sinisisi niya ang sarili niya.

Hindi na ako nag-isip pa. Hinila ko ang neck tie niya papalapit sa akin, para ilapit siyang muli. Muli kong nakitaan ng gulat sa mukha niya.

"Secretary Gillian! What the hell are you do-- shit!" Mahinang mura niya nang mas lalo ko siyang ilapit sa akin na halos magkadikit na ang ilong namin. 

Napatingin ako sa labi niya, pag hinalikan ko siya ngayon ay ito ang magiging first kiss ko. Nalipat ang paningin ko sa mata niya nang makitang tumitig din siya sa labi ko.

Hindi ko alam, pero sa sandaling yun, parang may mali. Parang hindi siya yung nagsalita kanina ng maarte. Nakaramdam ako ng kaba.

Gusto kong murahin ang sarili ko. Gillian, gwapo lang siya pero bakla siya! Bakla siya at kita mo yun kilos niya! Anong iniisip mo!

Binalik niya ang tingin sa mata ko, kaya ako naman ang napa iwas ng tingin. Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa neck tie niya. Dahil sa ginawa ko ay napasulyap siya doon.

Ilang segundo ay dahan dahan siyang na upo sa gilid habang ako ay nakahiga pa rin sa sahig, dahil hindi nakabotones ang coat na suot ko ay kitang kita ang na ang tiyan at pusod ko. Nahiya ako sa ginawa ko.

"Are you insane? Hah! Hindi ikaw ang unang pinadala ng ina ko para akitin ako. Madami na sila! Sabihin mo sa kanya, mananatili ako kong ano ang nais ko. I'm a gay! Ang anak niya ay bakla!" Napapikit ako. Nabisto na ba ako? Napakagat ako sa labi ko.

Mabilis akong tumayo habang siya ay naka upo pa rin sa Sahig.

"H-Hindi ako.... hindi ako pinadala ng mama mo para akitin ka," sambit ko sabay lunok. Inangat niya ang tingin sa akin.

"You think maniniwala ako?" sambit niya at sinamahan ng tawa. "Eh, ano yung kanina? Explain!" Tumayo siya at bumalik sa upuan niya. Napanguso ako nang makita kong pangbabaeng pustura niya sa pag upo. Ang mga daliring may pintura ay nakapatong sa tuhod niya.

"G-Ginawa ko yun kasi," Umisip ka, Gillian! Ang tingin niya  ay nasa akin lang, at hindi man lang kumurap. Para bang tinitignan niya sa mukha ko ang sagot.

"What, secretary Gillian?" Tinaas niya ang kilay niya. Napapikit ako at nagsalita. Bahala na!

"Crush kita!" Nakapikit kong sambit. Hindi siya nagsalita kaya minulat ko ang isang mata ko para tignan ang expression niya.

"Are you ki---" Pinutol ko siya.

"Crush kita noon pa. Nakikita kita sa mga magazine. Isa ako sa mga babaeng nanghihinayang kasi bakla ka! Kaya ko ginawa yun kasi gusto subukan ka kong may pag asa bang maging lalake ka." Subra na ang pamumula ng mukha ko.

Kahit kailan ay hindi pa ako nagka boyfriend. May mga nanliligaw sa akin, pero hindi ko gustong makipag relasyon kaya mabilis ko silang inaayawan. At subra na ang hiya ko ngayon dahil ako pang babae ang nagsasabi non.

Oo at wala namang katotohanan yun, ngunit hindi mawala ang tanong sa isip ko kung ano ang iniisip niya. Iniisip ba niyang desperada ako? Iniisip niya bang ang creepy ko ko dahil ako pa ang nagsasabi ng ganon? 

Nababaliw na ako!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Esther Ebony
eng translation
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status