Share

3

"Po?" Yun lang ang nasabi ko ng marinig yun.

Anong nangyayare? Seduce his son? Sinong matinong ina ang magbabayad ng isang milyon para akitin ang anak niya? Napatingin ako sa hawak kong nagkakahalaga ng isang miyon.

"Why? Ayaw mo? Madali akong kausap.... pakibalik na lang yan." Sambit niya.

Inisip ko kong bakit ako nandoon. Para 'to kay Zaji, Gillian. Pag pumayag ka pwede ng operahan ang kapatid mo ngayon din. Hindi mo na poproblemahin ang pera. Maliligtas mo na siya.

"Bakit, po?" Tanong ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"My Son is the first born of Villanueva at siya lang ang lalake sa angkan." Sambit niya

Nanlamig ako ng marinig ko ang apelyedong Villanueva. Villanueva ay ang isa sa pinakamayaman sa bansa at ang pagkakaalam ko ay puros babae ang anak at iisa lang ang lalake.

Minsan pumunta sila sa restaurant na pinagtatrabahuan ko at masasabi kong napakarangya ng kanilang pamumuhay. Nag lunch lang sila pero pinasara na ang reataurant para walang istorbo.

Hindi ko maalala ang mukha ng sinasabi niyang anak na lalake dahil bawal ang tumingin sa kanila habang kumakain. Ganon ka delikado ang pamilyang Villanueva.

Kalat sa bansa ang pagiging bakla ng isang nag-iisang anak na lalake ng mga Villanuava at talaga ngang nakakapaghinayang yun.

Hindi ko inakalang sa lahat ng tao ay si Mrs. Villanueva pa ang nasa harapan ko ngayon.

"Bakit po ako?" Kinakabahan na ako pero patuloy kong iniisip ang kapatid ko na nasa hospital.

"Bakit hindi ikaw? You're beautiful, you have a body that every man wants and of course... you are poor." Sambit niya habang nakatingin parin sa akin.

"Poor?"

"Yes, lahat ng mahirap, pera ang katapat. I choose you because I know that you are desperate to have a money. Make my son to be a real man at pag nagawa mo yun, dadagdagan ko pa yan. Pero....." tumigil siya at tumingin sa hawak ko. "Pag hindi mo yun nagawa sa loob ng 6 na buwan, ibabalik mo ang isang milyon."

Tulala lang ako habang naka upo sa may gilid. Naka usap ko na ang doctor at hinahanda na rin ang araw na ooperahan siya.

Kakayanin ko bang gawin siyang tunay na lalake sa loob ng 6 na buwan? Napapikit ako. Alam kong malabo, alam kong subrang labo at pag hindi ko yan nagawa ay proproblemahin ko nanaman kong saan ako kukuha ng isang milyon para mabayaran siya.

Sa ngayon, ang mahalaga ay may pang opera na at saka ko na lang poproblemahin yun. Gagawin ko na lang ang makakaya ko.

Nagulat si papa nang sabihin kong may pang opera na, ang sinabi ko nalang ay may charity na mag dodonate. Kinausap ko din ang doctor para wag sabihing galing sa akin ang pera. Mag tataka siya pag nalaman niya na saakin galing yun.

Ito ang araw na ooperahan si Zaji. Hindi ako mapakali at kanina pa kinakabahan. Gusto kong samahan sa loob ang kapatid ko pero alam kong bawal. Kanina pa ako pabalik balik sa paglalakad.

"Ate, malalagpasan ni Zaji yun." Rinig kong sambit ni Nica habang naka upo.

"Oo nga, Gillian. Ma upo ka nga." Hinila ni Yunard ang kamay ko para ma upo sa tabi niya. Andito siya mula pa kahapon. Dito nga siya natulog para samahan akong bantayan si Zaji, pinauwi ko kasi si tatay at Nica, lalo na at may klase pa si Nica.

"Magtiwala ka sa kapatid mo, anak." Sambit ni Papa kaya napa buntong hininga ako.

Kanina pang ala una sinimulan ang operasyon at malapit ng mag alas dos. Hindi nakatulong ang orasan sa dingding at panay ang tingin ko don. Parang ang isang minuto ay katumbas ng isang oras.

Nakahinga lang ako ng lumabas ang doctor na nakangiti, at sabihing succesful ang operasyon, napayakap ako kay Yunard at hindi mapigilang umiyak sa saya. Masayang masaya ako.

"Sabi sayo, ate, eh. Makakaya ni Zaji yun." Sambit ni Nica na nagpangiti sa akin.

Nakatayo ako ngayon sa isang restaurant. Iba to sa pinuntahan namin dahil yung noon ay isang 5 star hotel. Ito ang araw na peperma ako ng kontrata.

Nagsuot ako ng dress ngayon gaya ng sabi ni Madam Anastasia. Gusto niyang simula ngayon ay maging mas maayos na ang pananamit ko.

Huminga ako ng malalim at hahawakan ko na sana ang pintuan para buksan ng may nagbukas ito galing sa loob. Napatikhim tuloy ako. Hindi ako sanay na pinagbubuksan.

"Any reservation, ma'am?" Tanong sa akin pag pasok ko.

"Ah... madam Anastasia Vi--" hindi ko pa natapos ay itinuro na ang lamesang o-upuan ko. Doon ay nakita ko si madam na may hawak na menu.

"You're here. Don't make me wait, sa susunod. I don't like waiting." Sambit niya kaya humingi ako ng pasensya.

Maaaga pa nga ako ng 30 minutes, subrang aga lang talaga niya. Hindi na kami gaanong nag usap at binigay nalang ang isang peraso ng papel. Binasa ko yun at napa awang ang labi ko sa nabasa.

"Gagawin niyo po akong secretary niya?" Napakurap kurap ako.

"Ayaw mo? You are going to earn while doing you're job on me. Saka ayaw ko sa secretary niya, lalake." Sambit niya kaya napatango ako.

Ayos na rin yun, para may magamit kami sa pang araw araw na gastos. Nagulat ako ng maglagay siya ng isang sobre sa harap ko.

""Buy some new clothes. Don't wear those kinds of clothes. Pang teens yan." Tukoy niya sa damit ko. "Buy a revealing cloths." Sambit niya at muling tumingin sa papel sa harap ko. Wala ng atrasan.

Pinermahan ko yun at muling bingay sa kanya, may nilabas siyang isa pa kaya pinermahan ko din yun. Pagkatapos non ay tumayo siya at sinabi ang mga dapat kong gawin.

"That's your copy. Pumasok ka na sa lunes." Sambit niya at umalis na. Nakalagay din dito sa contract na walang dapat makaalam.

Ginawa ko ang mga pinayo niya, bumili ako ng alam kong magugustuhan ng mga lalake. Hindi ako nagsusuot nito pero alam kong kailangan kong magsuot kung hindi ay magkakanda kuba kuba nanaman ako para maghanap ng pera.

Gagawin ko ang lahat para maging lalake siya.

Total sa lunes pa ang umpisa, pumasok muna ako sa Palengke, sa karnehan nila Yunard. Sasabihin ko na rin na titigil na ako don at nakakita ng mas magandang trabaho at mas malaki ang kita. Alam ko naman na maiintindihan ni Yunard.

"Bakit ka tinanggal sa restaurant?" Tanong niya habang naghihintay ng mga customer. Hindi ko sinabi sa kanya na nag makaawa ako sa manager namin. Ayaw ko din naman na malaman niya at alam kong papagalitan ako.

"Ano... kasi... nagbabawas daw sila ng mga tao sa nightshift." Ayaw kong magsinungaling pero kailangan, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nangyare

"Eh saan ka magtatrabaho?" Tanong niya

Pwede ko naman sigurong sabihin kong saan ako magtatrabaho basta wag lang yung dahilan.

"Sa Villa company." Napaharap siya sa akin at tinitigan. Nakakagulat nga yun, ako na hindi nakapagtapos magiging empleyado ng isang malaking companya. Kahit nga janitor doon ay kailangan nakatapos, ayon sa usap usapan.

Kahit na may pagtataka ay tumango nalang siya.

"Saka, ito na din yung huling pasok ko dito."

Tumango siya at inasikaso ang isang customer. Sabi niya, siya na daw ang magsasabi sa mama niya.

Maiintindihan naman daw niya lalo na at alam niyang mababa ang pasweldo sa akin. Hindi naman mababa ang pasweldo saka hindi din naman mabigat ang trabaho dito. Gustong gusto ko nga dito.

"Nako, kung ganon ay wala ng muse dito." Sambit ni Manong Din ng banggitin ni Yunard yun.

"Edi ako nalang Manong Din!" Sabat ni Judy habang kumakaway pa na parang isang miss universe. Napatawa tuloy kami sa kabaliwan niya.

"Aba, tigilan mo nga yan, Judy. At baka umalis lahat ng customer. Tong batang to!" Sambit ni manong Din kaya napasimangot si Judy at inirapan si manong Din.

"Mamimiss ka nila."

"Huh?" Nagulat ako ng bulungan ako ni Yunard. Nginuso niya ang mga kasamahan namin. Napamahal na rin ako sa mga to dito. Kong papipiliin ako mas gugustuhin ko pa dito pero... dahil sa pera hindi ako pwedeng manatili dito.

"Mamimiss ko din sila." Sambit ko pinagmasdan sila habang nagbibiroan.

"Feeling ko, magiging busy ka na. Malaking kompanya yun.... Ako ba?"

"Huh?" Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa akin. Anong sabi niya? Anong ako ba?

"Ako ba? Mamimiss mo?" Sambit niya kaya napa iwas ako ng tingin.

"Naman! Ikaw pa, shempre mamimiss kita." Sinabayan ko pa ng tawa.

Hindi ko alam ang susuotin ko. Hindi ako sanay sa mga ganito. Masyadong hapit sa katawan ko, nakakailang namang suotin to!

Baka magtaka si papa kong lalabas ako sa kwartong 'to na naka ganito! Ang sakit naman sa ulo nito!

Tinignan ko ang orasan, malapit na mag alas 7. Bawal akong malate, yun ang bilin sa akin ni Madam Anastasia.

Napahilamos nalang ako at kinuha ang isang tube, skirt at isang itim na coat. Ayos na siguro to, ibubutunes ko nalang para hindi halatang tube lang ang nasa loob.

Pagkalabas ko ay napatingin si Nica sa akin. Paalis na siya at papasok na, nakikisabay siya sa kapitbahay namin papunta sa eskwelahan.

"Ate, ang ganda mo." Napasulyap si papa sa akin.

"Hindi ba masyadong maiksi yan, anak." Sambit ni tatay.

Umiling ako "Hindi, Pa. Ganito talaga ang suot pag sa malaking kompanya ang pinapasokan." Sambit ko kaya tumango siya.

Nakahinga naman ako ng maayos. Nagtaxi ako gaya ng sabi ni madam Anastasia. Ayaw niyang mag jeep ako o kong ano pa. Sinabi ko kasing kaya ko naman mag jeep pero sinamaan niya ako ng tingin at sinabing magiging hagard daw ako pag don ako sumakay.

Gamitin ko daw yung natitirang pera na binigay niya para pan taxi. Napailing nalang ako. Ang dali talaga nilang magtapon ng pera. Kung ako lang ayos na ang jeep.

"Haist! Late na ako!" Sambit ko ng mapatingin sa Relo. Dali dali akong pumasok. Meron ng binigay ni Madam Anastasia na I.D yun daw ang gamitin ko pag pasok ko.

Mabilis ang lakad ko at nagtanong kong asan ang elevator at anong floor ang sa CEO. Lakad takbo ang ginawa ko ngunit dahil sa pagmamadali, nadulas ako.

Napapikit ako. Grabe! First day na first day mukhang mapapahiya ako. Handa na sana akong mabumagsak sa sahig ng biglang may humila sa kamay ko at hinila ang baywang para hindi tuluyang madulas.

Isang maarteng boses ang narinig ko at bigla akong binitawan na para bang napapaso.

Dali dali akong umayos at humingi ng tawad.

"My godness! Lunes na lunes! Mag ingat ka nga." Isang gwapong lalake ang nakatayo sa harapan ko ngunit ang kumpas ng kamay ay hindi naaayon sa kanya.

Napatakip ako sa bibig dahil ang lalakeng... no... I mean... baklang andito sa harap ko ay ang anak ni madam Anastasia.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Ayan nakahatap muna agad
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status