Share

2

"Nica, papa." Tawag ko sa kanila. 

Pagkarinig ko non ay dali dali na akong pumunta sa hospital, kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko ay nagmadali pa rin ako. Gusto ngang sumama ni Yunard pero hindi ako pumayag, walang magbabantay sa karnehan.

Nakayuko si papa habang hawak hawak ang saklay habang si Nica ay umiiyak sa tabi niya. Sabay silang napatingin sa akin. Si Nica ay dali daling tumayo para yakapin ako.

Naka uniform pa siya at hindi na nagawang magbihis. Malapit na din palang mag alas 11.

"Ano bang nangyare, Pa?" Tanong ko at dahan-dahang na upo. 

Malungkot na tumingin si Papa at pinipigilang umiyak.

"Bigla nalang siyang hindi makahinga habang tumatakbo takbo sa bahay. Hindi ko alam anong gagawin ko. Napakawalang kwenta kong ama sa inyo."  Ang kaninang pinipigilan mga luha ay tuluyan ng bumuhos.

Sa lahat ng ayaw ko ay ang makita silang nasasaktan. Sa lahat ng ayaw ko ay ang makitang nahihirapan at umiiyak si papa at mga kapatid ko.

Naghintay lang kami hanggang sa biglang lumabas ang isang doktor. Dali dali akong lumapit sa kanya para magtanong.

"Doc, anong nangyare sa kapatid ko? Ayos lang ba siya?" Sunod sunod na tanong ko.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin sunod sa kay papa na tumabi sa akin.

"Meron bang history sa pamilya niyo ang pagkakaroon ng sakit sa puso?" Tanong niya.

Nagkatinginan kami ni papa. No! Please, mali ang iniisip ko. Masiglang bata ang kapatid ko. Hindi siya pwedeng magkaroon non.

"Meron, Dok. Ang asawa ko ay may sakit sa puso." Pinilit ni papa na gawing maayos ang mga salitang sasambitin.

Tumingin muli siya sa akin at sunod kay tatay. Kinakabahan na ako! Nanlalamig na ang palad ko. Ayokong isipin.

"Meron siyang Coronary artery disease. Ito ay isang sakit sa ugat ng puso. Hindi niyo ba alam ito?" Tanong niya nang makita ang gulat sa aming mga mukha.

"Baka nagkakamali kayo, doc?" Sambit ni papa. Wala akong masabi kundi ang tumitig sa doctor at mag abang ng mga sunod na sasabihin niya.

"Mister, hindi kami pwedeng magkamali. Your son has a Coronary Artery Disease at pag hindi maagapan, maari niya itong ikamatay. Kailangang maoperahan agad, yun lang ang paraan maliban sa panalangin upang maligtas ang anak mo." Hindi ko na kinaya pa, napa upo na lang ako sa sahig pagkarinig ko.

Hindi. Panaginip lang to. Tama, isa lang to sa mga panaginip ko. Patuloy lang ako sa pagkumbinsi sa sarili ko. Napaka bata pa ng kapatid ko. Bakit siya pa? Sana ako na lang!

"Ate!" Lumapit sa akin si Nica at inalalayang maupo sa upuan. Bumuhos na rin ang luha ko. Pati ang pag alis ng doctor ay hindi ko na namalayan.

Surgery? Teka, diba mahal yun? 

Mas lalo akong nanlumo ng mapagtantong maaring malaking halaga ang kakailanganin. Wala naman akong pake kong malaking pera ang kakailanganin pero ang tanong, saan ako kukuha. 

Kinausap ko uli ang doctor kahit hinang hina ako at subra ang pag aalala ko sa kapatid ko. Wala rin akong lakas na puntahan siya kahit nailipat na siya sa kwarto. 

"Aabot sa isang milyon, iha." 

"Po? Isang milyon?" Ulit ko. Isang milyon? Saan lupalop ako kukuha ng isang milyon? Hindi pa nga ako nakakahawak ng 50,000 sa buong buhay ko tapos isang milyon? 

"Paano yan, doc? Hindi namin makakaya ang ganong kalaking halaga." Sambit ko.

Bumuntong hininga ang doctor.

"May mga charity para sa mga tulad niyang nangangailangan ng surgery pero... iha, Mahirap makakuha at matagal ang proseso. Kailangan ay mapadali ang pag opera sa kapatid mo."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mama, tulungan niyo po ako. Napayuko nalang ako at napahilamos ang kamay sa mukha. Hindi ko kakayanin na may mangyare sa kapatid ko!

Sila ang lakas ko, pag wala ang isa sa kanila, saan ako kukuha ng lakas? 

Kahit alam kong malabo, susubukan ko. Desperada na ako. Wala akong ibang mapag hihingian ng tulong kundi siya. Alam kong handa akong tulungan ni Yunard pero alam ko ding kaunti lang. 

Napalunok pa ako bago ako pumasok sa restaurant. Andito lang ang manager namin. Sa opisina niya siya natutulog, parehong mga magulang kasi ay nasa abroad.

"Pasok!" Rinig kong sambit ng manager namin pagkarinig ng katok ko. Humugot muna ako ng malalim bago ko pinihit ang pintuan para makapasok. 

"Ma'am" sambit ko. Isang masamang tingin agad ang ipinukol siya sa akin pagkapasok ko. 

"What are you doing here? Tapos na shift mo, ah!" Sambit niya.

"Ma'am, na ospital po kasi ang kapatid ko." Paunang sambit ko ngunit inirapan lang niya ako.

"Eh ano naman?" 

Relax, Gillian. 

"Pwede ko po bang i advance ang sweldo ko sa susunod na isang taon?" Isang kalabog ang ginawa niya pagkasambit ko non.

Ang sweldo ko sa isang taon ay kaunti lang at hindi mapupunan ang isang milyon ngunit malaking tulong na yun, hahanap nalang ako ng iba pang mapag uutangan.

"Are you out of your mind? Isang taon? Nagpapatawa ka ba?" Bulyaw niya at tumayo para harapin at malapitan ako.

"Please, ma'am. Wala na kasi akong ibang mapuntahan." Sambit ko.

"Tanga ka ba at sa tingin mo papayag ako? Umalis ka na!" Sambit niya at hinila ang kamay ko para itulak sa pintuan. Naitama pa ang siko ko sa pintuan kaya napadaing ako.

"Aray."

"Umalis ka dito o ipapakaladlad kita!" 

Binalewala ko ang siko ko at muling lumapit sa kanya ngunit bigla agad siyang tumawag ng guard. Wala akong nagawa nang hawakan nila ang kamay ko para mapaalis.

Kahit na ganon ay hindi ako umalis. Naupo ako sa maliit na bato sa may parking lot. Kung hindi ako pwede sa loob, hihintayin ko siya dito. Magmamakaawa ako.

Kahit na lumuhod ako ay gagawin ko. Para sa kapatid ko, kahit ibaba ko ang sarili ko, ayos lang.

Kanina pa tulo ng tulo ang luha ko. Kanina pa sila nag uunahan at wala atang gustong magpatalo. Ang sakit sa loob ko pag naiisip kong nasa hospital ang kapatid ko. Ang sakit sa loob ko pag naiisip na dahil sa kawalan namin ng pera ay mamatay siya. Hindi mangyayare yun, alam ko.

"Ok, of course.... I will be there." Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang boses ng manager namin. Napahinto siya ng makita ako at binaba ang cellphone na nakalagay sa tenga niya.

"Ma'am, parang awa mo na!" Sambit ko ngunit umirap siya at lalagpasan sana ako ng hinila ko ang kamay niya at bigla nalang lumuhod sa harap niya.

"Oh ghad! I don't care about your problems! Wag mo akong isama sa mga problema mo!" Tatanggalin sana niya ang pagkakahawak ko pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para tanggalin 'to.

"Kahit magkano nalang ma'am! Kailangang kailangan lang talaga para sa kapatid ko. Kailangan siyang maoperahan, ma'am!" Umirap ulit siya. Dahil nanghihina na ako ay nagawa niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya. 

"Ghad! Ang sabi ko, wala akong pakealam! Umalis ka na nga!" Bulyaw niya pinatunog niya ang kotse at handa na sanang sumakay pero bigla siyang humarap muli. "By the way, because of your attitude, you're fired! Wala kang hiya sa katawan at nakakasira yun sa image ng resraurant," sambit niya tuluyan na siyang sumakay sa kotse at umalis.

Tuloy-tuloy lang ang pagbuhos ng luha ko, ang unfair! Ang unfair unfair ng mundo! Patuloy kong pinunasan ang luha ko, pero patuloy rin ito sa pagbuhos.

"Miss, tumayo ka diyan." Isang boses ang nagpa-angat ng ulo ko. Isang babaeng unang kita pa lang alam mo ng mayaman. Ang masungit nitong mata ay nakatitig sa aking mga mata at sumunod ay sinuyod ang aking katawan. 

Dali dali tuloy akong tumayo at humingi ng pasensiya sa pag-aakalang nakaharang ako sa lalakaran niya. Aalis na sana ako pero bigla ulit siyang nagsalita.

"You want money?" Napalingon ako sa kanya. Bibigyan niya ako ng pera? Malabo! Wala ng libre ngayon, Gillian.

"Po?" Tanong ko at sinubukang ayusin ang boses.

"Turn around." Utos niya. Naguguluhan man ay sinunod ko siya, dahan dahan akong umikot. 

"Ano po ba yun?" Tanong ko

"You have a good body. Meron akong i-aalok sa iyo," sambit nya. 

Siguro nga subra na akong desperada. Kahit walang siguraduhan ay sumama ako sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na ngayon na tinanggal ako sa trabaho. Nagka patong patong na. Ang gusto ko lang ngayon ay gawin ang lahat ng pwedeng gawin para makahanap ng pera.

Nilibot ko ang paningin ko kung nasaan ako ngayon. Upuan at lamesa palang ay alam ko ng mamahalin. Sahig at mga nwebles ay alam ko ng nakakalula na ang presyo. 

Pumunta kami sa isang 5 star hotel at tumuloy sa isang restaurant. Mamahalin ang restaurant na pinagtatrahoan ko pero sa tingin mas mahal dito..

Hindi ko tuloy maiwasang tignan ang sarili ko at mapanguso. Galing pa akong palengke at alam kong nangangamoy ako dahil don. Nakakahiya dahil alam kong hindi ako bagay dito, at alam kong kailanman ay hindi ako magiging bagay sa mga ganito. Hindi ito ang oras para mahiya, Gillian.

"Ah, mawalang galang na po, pwede ko po bang malaman kung bakit tayo nandito?" Tanong ko. 

Uminom siya ng tsaa at tumitig muli sa akin, hindi ko naman mapigilang mahiya sa paraan ng titig niya.

"I heard a while ago that you need money." Siguro ay narinig niya yung usapan namin ni manager.

Bago magsalita ay napalunok ako. Nakakatakot ang aura niya.

"Kailangan kasing maoperahan ang kapatid ko, po." Sambit ko

"You have boyfriend?" Tanong niya na nagpagulat sa akin.

Kahit nagtataka ay sinagot ko siya.

"Wala, po." Sambit ko 

"Good. You need money, so I have an offer for you." Muli siyang uminom ng tsaa at kumuha ng papel sa bag. Hindi ko mawari kong anong papel yun kaya di ko na pinansin.

"Kahit ano, po. Basta may pera." Ngumiti siya sa sinabi ko at nagrequest siya ng ballpen sa isang waiter.

"I will make the contract sa ibang araw. Tell me how much you need para maisulat ko agad. Kung malaki man yan, ayos lang. Pagtatrabahoan mo naman." Sambit niya sabay kuha ng ballpen na iniabot ng waiter.

Saka ko lang napag tanto na isa palang cheque yun. Hindi ito ang unang beses kong makakita ng cheque dahil may mga kasamahan ako sa restaurant na mas gustong ganito ang paraan ng pag sweldo.

Noong una ay nag alangan pa akong sabihin ang halaga, hindi biro ang isang milyon. Iniisip ko ang kapatid ko na nasa hospital kaya pumikit muna ako bago ko sabihin ang kailangan kong halaga.

Akala ko ay magugulat siya pero hindi, parang balewala lang ang sinabi kong presyo at sinulat sa cheque. Binigay niya ito at muling tumitig sa akin.

"Ano po bang trabaho?" Tanong ko at dahan dahang kinuha ang tubig para makainom. Pinagsisihan ko ang pag inom ko ng tubig habang naghihintay sa sasabihin niya. Hindi ko sinasadyang mabilaukan pagka rinig ng sinabi niya.

"Seduce my son, make him a real man." 

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Maine Tabuyan
medyo natawa ako dun,
goodnovel comment avatar
Azucena Miraflores
unique ah Kakaiba ang story
goodnovel comment avatar
Sky Leigh
gawin mo na . madaling work lang yan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status