Share

1

"2 Gordon Ramsay Steak and red wine." 

Isinulat ko ang sinabi ng customer. Gordon Ramsay Steak. Ang dali talagang gumastos ng pera sa kanila. Wala silang pake kung gaano kamahal basta kung 'yun ang gustuhin, yun ang kukunin.

Kailan kaya yung panahon na ako naman ang naka upo sa mamahaling upuan na yun, habang nag aantay lang ng pagkain?

Inulit ko ang order nila at nag paalam upang maasikaso na ang inorder nila.

Isa akong waitress sa isang mamahaling restaurant. Sa tulong ng isang kaibigan, kahit hindi nakapagtapos ay nakapasok ako dito. Malaki ang utang na loob ko sa taong yun, dahil sa kanya may gagamitin kami sa pang araw-araw namin na gastusin sa bahay.

"May mga mayayaman nanaman na gagastos ng malaki para sa isang kainan." Sambit ni Judy nang makita ang ibinigay kong listahan ng order sa table 6.

Umiiling-uling pa siya habang ginagawa ang dapat gawin. Tulad ko, nanghihinayang din siya sa perang ibabayad para lang sa pagkaing 'yun. Pagkain ng nga mayayaman.

"Gillian, pinapatawag ka ni manager." Napatingin ako sa kasamahan ko na lumapit sa'min upang sabihin yun. Pati tuloy si Judy na nakarinig ay napatingin sa akin.

Ano nanaman bang kasalanan ko?

Sa dalawang buwan ko diba ay ang manager namin ang nagpapahirap sa akin. Ewan ko ba kung bakit galit na galit siya sa akin. Ang usap-usapan lang dito ay dahil daw close kami ni Jake. Ex niya si Jake at sa tingin ko hindi pa siya nakakamove-on.

Napabuntong hininga nalang ako. Kung 'yun nga ang dahilan, ang babaw niya. Ang dami kong problema tapos yun lang ang rason niya? Kung mahal pa niya, makipagbalikan siya, 'wag ako ang pag diskitahan niya. Pero kapag ayaw na talaga ni Jake, malas na lang niya.

Pagpasok ko sa opisina niya ay nadatnan ko siyang nakahiga sa sofa. Ang sarap ng buhay.

"Ma'am, tawag niyo daw po ako?" Umupo siya at tinignan ako ng masama. Wala pa akong ginagawa ay parang gusto na niya akong awayin.

Masasabi kong maganda siya, kaya lang yung ugali, hindi. Konting pagkakamali ay nag tatanggal na siya ng empleyado, nagtataka nga ako at hanggang ngayon ay di pa siya gumagawa ng paraan para tanggalin ako.

"Late ka daw kanina." Kumunot ang noo ko sa narinig.

"1 minute--" naputol ang sasabihin ko ng kinalabog niya ang lamesa. Damn! Kung hindi ko lang iniisip ang trabahong to.

"I don't care! 1 minute man o isang segundo. Still, you are late! And you know that I don't tolerate that kind of attitude!" Bulyaw niya.

Alam ko na. Mukhang heto na ang paraan niya para matanggal ako. Napaka-isip bata! Kalma, Gillian.

"Ma'am, sorry." Sambit ko ngunit tumawa lang siya na parang nang iinsulto.

"I'll give you one last chance. Pag late ka ulit ng kahit isang segondo, tatanggalin ka na kita sa trabaho!"

Ang unfair ng mundo. Bakit hindi na lang pinagpantay pantay ang tao. Bakit may mga nasa langit at may mga nasa lupang kagaya ko. 

Pagod akong nahiga sa kama ko pagka uwi. Night shift ako kaya mas grabe ang pagod. Ayos lang sana kong nakakatulog ako sa umaga, pero hindi. Meron akong responsibilidad na kailangang gampanan.

"Ate, nandyan ka na?" Kahit nanghihina ay tumayo ako para pagbuksan ang kapatid ko.

"Oh, Nica? Bakit?" Tanong ko sa isa kong nakakabatang kapatid.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay, si Nica ang pangalawa at ang bunso namin ay si Zaji. Namatay si mama noong ipinapanganak niya si Zaji habang ang ama ko ay naputulan ng paa noong dalawang taon ang bunso naming kapatid.

Hindi ko masabing malas ang buhay ko dahil thankful ako at may mga kapatid ako at ama na mapagmahal. Kahit naging ganito ang buhay namin, masaya ako dahil sa kanila.

Sila ang lakas ko at gagawin ko ang lahat para sa kanila.

"Sorry, ate. Ayoko sanang humingi sayo ng pera, pero kailangan ko talaga para sa skwela." Natawa ako dahil sa sinabi niya. Napakamahiyaan ang kapatid kong to. Kahit ako na ate niya ay nahihiya siya lalo na pag tungkol sa pera.

Naupo ako sa kama habang siya ay pumasok sa kwarto at na upo din sa kama. Kinuha ko sa gilid ang wallet ko at binuksan ito.

"Mag sabi ka lang, Nika. Kaya nga ako nagtatrabaho para sa inyo. Ilan ba ang kailangan mo?" Tanong ko.

Napakamot siya sa ulo at ngumuso.

"Yun na nga, ate, eh. Nagtatrabaho ka para sa amin, palagi ka nalang pagod." Hinawakan ko ang buhok niya. 

Nika is 10 years old pero parang matanda na kung mag isip. Siguro dahil maaga siyang namulat sa hirap ng buhay. Malaki ang agwat ng edad namin ni Nika, I'm already 23. Zaji is already 5 years old now, mas malapit ang edad nilang dalawa.

Natapos ang trabaho ko kanina sa restaurant ng alas 5 at isang oras lang ang tulog ko bago ako bumangon para maghanda ng almusal.

May pasok si Nika kaya kailangan kong maghanda ng almusal ng maaga. 

Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Papa na hirap na nag sasaing ng bigas kaya napatakbo ako papunta sa kanya.

"Papa! Ako na dyan." Mabilis kong hinawakan ang mga braso niya pa alalayang maupo sa malapit na silya.

"Ano ka bang bata ka! Kaya ko naman." Sambit niya. Sumimangot ako.

"Alam ko naman, Pa...pero po kaya ko din naman." Sambit ko

"Matulog ka na lang muna. Ako na dyan. Pagod ka sa trabaho." Sambit niya at lalapit sana ulit sa lababo pero sinimangotan ko siya.

Inilingan na lang niya ako habang nakatingin sa nakasimangot kong mukha. Alam niyang hindi ako mag papatalo. Pagod man sa trabaho, kung ganito naman ang pamilya ko, ayos lang. 

"Wag mo gaanong pagurin ang sarili mo, anak. Mag enjoy ka naman kahit minsan. Ikaw din hindi ka na makakapag boyfriend." Sa kabila ng pag aalala ay nagawa pa niyang magbiro kaya napa irap ako.

Boyfriend? Hindi ko kailangan yan. Sakit lang yan sa ulo.

"Sa ganda kong 'to, Pa? Sa tingin mo wala akong magiging boyfriend?" Pabiro ko ding sambit.

"Aba, anak. Kung kagandahan ang labanan, baka hindi lang isa ang maging boyfriend mo." Sabay tawa niya kaya nahawa narin ako sa pagtawa.

Kahit mahirap kami, masaya parin kami. Kahit nahihirapan ako, masaya ako dahil sila ang pamilya ko.

Dahil umaga nanaman, pumunta ako sa palengke para gawin ang trabaho sa umaga. Kahit naman disable si papa kaya niya pa ring alagaan si Zaji. Kaya, malaking ginhawa sa akin yun.

"Andito nanaman ang muse ng palengke." Natawa ako sa biro ng isang taga buhat ng mga isda sa palengke. Palagi nilang biro yun, sabi nila hindi daw ako bagay don, mas bagay ko raw mag model. Natawa nalang ako dahil alam ko namang nagbibiro lang sila.

Pagkalagay ko ng bag ko sa upuan ay nagtali na agad ako ng buhok. Maliit lang ang sweldo rito pero nakakatulong din naman sa gastusin kaya nag titiis ako.

Nagbebenta ako dito pag umaga pero sa hapon ay pinapalitan ako ng totoong may ari. Hindi naman ako nag iisa sa umaga, kasama ko ang anak nyang lalake na kaedaran ko.

"May benta na?" Tanong ko kay Yunard habang nagtatali ng buhok. Sinulyapan niya lang ako at lumapit upang siya ang magtali ng buhok ko. Nakasanayan na niya talagang siya ang nagtatali ng buhok ko.

"Apaka tamis naman!" Tukso ni Diva sa kabilang pamilihan habang naglilinis ng isda.

"Tumigil ka nga diyan! Para kang ewan." Natatawa kong sambit.

Kung ako ang muse sa palengkeng 'to si Yunard naman ang escort ko raw.

Matagal na kaming magkaibigan ni Yunard kaya subrang lapit talaga namin sa isa't isa. Siya rin ang nag pasok sa akin dito ng sabihin kong naghahanap pa ako ng isang trabaho. Nong una ayaw niya dahil subrang pagod ko daw pag magtatrabaho pa ako pero wala siyang nagawa kalaunan.

"Ilang oras ang tulog mo?" Tanong niya at binalikan ang kaninang ginagawa.

"Isa," simpleng sambit ko pero siya ay napabuntong hiningang tumingin sa akin.

"Dapat kasi wag ka ng magtrabaho ng umaga. Masyado mong pinapagod ang sarili mo." Masungit niyang sambit.

"Kung hindi ko naman na kaya, titigil na muna ako. Kaya ko pa naman." Simpleng sambit ko nagsimula na sa ginagawa. Hindi naman na din siya nagsalita.

Patuloy lang ako sa pag hikayat na bumili sa lahat ng dumadaan. Karnehan at mga frozen ang tinitinda nila Yunard.

"Kuya, ano pong sayo?" Tanong ko sa lalakeng dumaan. Nang marinig ako tumigil siya at tumitig sa akin bago tumingin sa mga paninda.

"Magkano isang kilo?" Tanong niya 

Magalang kong sinagot ang tanong niya pero kumulo ang dugo ko  sa sunod niyang tinanong.

"Eh ikaw, Miss. Magkano ka?" Binitawan ko ang hawak hawak na plastic at handa na sana siyang bulyawan ng biglang nagsalita si Yunard.

"Bro! Kong wala kang respeto, umalis ka na. Kung gusto mo ng babae, sa club ka maghanap, hindi dito!" Matigas na sambit ni Yunard kaya hinawakan ko ang kamao niyang handa na atang manuntok.

Napatingin na din si Diva sa kabila at nakita kong nagtawag siya ng mga kasamahan naming lalake sa palengke. Buti nalang marunong makaramdam si Diva.

"Bakit? Girlfriend mo ba 'to?" Natatawang sambit nong lalake.

Nararamdaman ko na ang galit na aura kay Yunard. Ang ayaw ni Yunard ay binabastos ako. Siya ang tumayong Kuya ko sa mga panahong nagpapaka nanay ako sa mga kapatid ko. Siya ang pomoprotekta sa akin.

"May nambabastos daw sa muse namin. Ikaw ba yun?" Mula sa gilid ay nagsalita si manong Din habang may hawak na kahoy, sa likod niya ay dalawang kasamahan niyang may hawak din ng parehong kahoy na hawak niya.

Problem solve na. Dali daling umalis ang lalake sa takot sigurong mapalo ng kahoy. Mag isa pa naman siya.

Bago makalayo ay sinigawan pa ni manong Din yung lalake na wag ng babalik doon at maghanap ng ibang palengke. Todo pasalamat tuloy ako sa ginawa niya.

Naging maayos namang ang sunod na nangyare, akala ko magiging maayos na hanggang matapos ng araw pero... nagkamali ako.

Nakangiti kong sinagot ang tawag galing kay Nika, pero.... unti unting naglaho yun dahil sa sinabi.

"Ate, s-si Zaji, tinakbo n-namin sa hospital." Umiiyak nitong sambit na nagpahina ng mga tuhod ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lelanie De Jesus
maganda story love it
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status